Chapter 18: The News
Nang makarating doon ay nagmamadali siyang pumasok. Nandoon din si Leandro na madalas na palang nasa bahay dahil bantay na bantay ito sa asawa.
“Good morning,” bati niya sa mga ito at niyakap nang mahigpit si Tiffany. “Kumusta na ang magandang buntis? Blooming na blooming ka lagi.”
“Magaling kasi iyong bantay kong gwapo eh,” natatawang sabi nito sabay halik sa pisngi ng asawa.
“Ang sweet talaga ni misis,” lambing naman ni Leandro at pinatulis ang nguso para magpahalik ulit sa asawa. Ganoon daw lagi si Tiffany. Mas nagiging malambing at clingy kapag malapit na ang kabuwanan.
“Hindi ko talaga ma-imagine hanggang ngayon na magiging ganyan ka ka-sweet at touchy, Tiff.”
“Hindi ko din akalain, Dora. Hayaan mo kapag nahanap mo na si Mr. Right, maiintindihan mo ako.”
"Oo nga naman, Dora," sabi ni Leandro.
“Kayo talagang mag-asawa, pinagtutulungan niyo na naman ako. Hindi ko muna iyan priority ngayon. Magpapahinga muna ako sa bahay nang ilang buwan at dadalaw dito bago bumalik ng Maynila para mag-renew ng kontrata.”
“Is that for real?”
“Oo naman. Siyempre dapat ninang ulit ako ng kambal mo ha. Pagkatapos ng binyag na ako luluwas ng Maynila.”
“Masyadong matagal pa iyon dahil nasa second trimester pa lang ito. Alam mo, hahanapan na kasi kita tapos gawa kayo ng sarili niyo para hindi ka na nakikianak sa akin. Saka siyempre para may kalaro ang mga inaanak mo.”
"Tama si misis,” sang-ayon ni Leandro bago muling hinalikan sa pisngi ang asawa.
“Luka-luka ka talaga! Isa ka pa, governor. Mas matanda naman kayo sa akin noh. I will just turn thirty next month.”
“Oo nga pala. Dora,” anito at biglang sumeryoso. “Kumusta ka na?”
“Paano ko ba i-de-describe? Hindi ko masabi talaga pero sobrang rejuvenated ang pakiramdam ko.”
“But, are you ready to face him again?”
“Who?”
“Your favorite basketball player.”
Bigla ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Oo nga pala, may posibilidad na makita niyang muli si Jaime. Pero maliit na maliit lang naman ang tsansa saka hindi na naman siya nanonood ng basketball live man o sa TV. Sanay na sanay nga siya sa kumbento na tanging cellphone lang ang mayroon siya na minsan lang din niyang gamitin. “Face him, talaga? Wala naman kaming issues na dapat pag-usapan. Pero kung magkita man, oo naman.”
“Baby, Dora doesn’t know yet.”
“Ang alin?”
Saglit na tumahimik ang mag-asawa at nagturuan pa kung sino ang magsasabi pero si Tiffany na rin ang nagsabi sa kanya ng balita. “Penelope is dead.”
Napatutop siya sa bibig. “What? Why? When? Paano iyon nangyari. Goodness. You’re kidding, aren’t you?”
“We’re not,” seryosong sabi ni Leandro.
“When?”
“A year ago.”
“She was too young,” bigla siyang nakadama ng lungkot dahil napakabait na tao nito. Napaka-empathic niyang tao kaya mabilis talagang masaling ang emosyon niya. “She was a very kind and pure person,” naluluha niyang sabi.
“Yes,” malungkot na sabi ni Tiffany. “Hey, why are you crying? Hay, Dora, my still empathic friend,” anito at inabutan siya ng isang box ng tissue.
“Nalungkot lang din ako bigla. What happened?”
“Car accident. Championship night iyon ng game nina Jaime. She was already eight months pregnant.”
“What happened to the baby?”
“Nailigtas ang baby. It was a baby boy.”
“Praise God. How was he?”
“Still grieving,” kibit-balikat na sabi ni Tiffany.
“Start na ng bagong season ngayon. Hindi ko siya napapanood ngayon. My bestfriend is still grieving and busy taking care of the baby,” seryong sabi ni Leandro.
“Oh my God,” naiiyak na naman niyang sabi na nagkatunog dahil sa matinding awa sa mga ito. “Naaawa ako sa kanila. Sorry for being too dramatic.”
“We understand,” nakakaunawang sabi ni Tiffany.
“Pakainin niyo na nga akong mag-asawa. Lunchtime na eh,” nakangiti niyang sabi sa mga ito bagaman patuloy sa pagpunas ng mga luha niyang patuloy na pumapatak.
NAPAKASIMPLE ng naging selebrasyon para sa kaarawan ni Dorothy. Siya rin naman kasi ang nakiusap sa mga ito na gusto niya ng tahimik na selebrasyon at ayaw niyang makakuha ng atraksyon sa publiko. Inimbitahan niya sa kanilang tahanan ang mag-asawang Tiffany at Leandro. Tinawagan na rin niya sina Barbara at Fiona at inimbitahan ang mga ito. Nangako ang mga itong pupunta sa kanila.
“Happy Birthday, Dora,” nakangiting salubong nina Barbara at Fiona sa kanya bago siya sinugod ng mga ito ng yakap. “Bakit ngayon ka lang lumabas sa lungga mo?” Halatang may pagtatampo sa boses ni Barbara. Kasama nito ang asawa nitong malapad ang pagkakangiti at sinabing mas lalo pa siyang gumanda,
“Pasensya na kayo ha. Gusto ko lang din sanang magpahinga. You know, the past one or two years have been so stressful. I got tired of attending to my hectic schedule and the endless issues and bashing.”
“I understand,” masayang sabi ni Fiona.
“But we’re glad you’re back,” ani Barbara bago siya muling niyakap para lang muling kumalas. “Ahh Dora, I know you want to celebrate it in private. But I brought someone with us. I hope it’s fine.”
“Who?”
“Wait.” Iyon lang at lumabas ang asawa nito. Bahagya siyang nagulat nang pagpasok nito ay may karga na itong baby na nakangiti sa kanya. Kasunod nito ang isang babae na sa tingin niya ang babysitter nito.
“Akalain mo iyon, may inaanak na pala ako. Ang ganda naman, mana sa ninang. Mabuti naman talaga inaalagaan ka ni Jeric ha,” natatawa niyang sabi kay Barbara.
“Diyan ka mali, Dora. Ako talaga mismo ang inaalagaan niyan,” biro ni Jeric.
Biglang naging seryoso ang mga ito at tinitigan siya. “How are you really, Dora?”
“Ganyan na ganyan din ang tanong ni Tiffany. Until now, I still don’t know. Pero pakiramdam ko lang ay sobrang rejuvenated ako. Para akong galing sa mahabang puyat at sobrang nakabawi ng pahinga.”
“I’m glad to know that, and it shows. Blooming na blooming ka,” nakangiting sabi ni Barbara na sinang-ayunan naman ni Fiona. “Do you know already?” Muling humirit si Barbara.
“What?”
“Jaime and Penelope,” ani Fiona.
Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. “Yes. Tiffany told me last month.” Bigla na naman siyang nakadama ng lungkot at awa sa mga ito. “That was so tragic. Naaawa ako sa kanila sobra. But I feel so relieved that the baby is fine,” sabi niya at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata niya.
“Yes, he is. He looks exactly like Jaime,” sabi ni Jeric.
“Then the baby must be so cute, I mean very handsome,” nakangiting sabi niya. Pero bigla siyang pinamulahan ng mukha nang mapagtanto ang sinabi. Hayun at nakangisi na ang tatlo sa kanya. “Hey, that doesn’t mean anything, alright? I’m just pertaining to the baby, not to Jaime. Well, sit down and feel at home. We will prepare the food.” Bumaling siya kina Tiffany at Leandro na prenteng nakaupo sa couch kasama ang kambal na lalaki ng mga ito. “Tiff, Lean, okay lang kayo? Iyong mga inaanak ko baka nagugutom na ha.”
“What’s with you, Dora? Your face is as red as an apple,” natatawang sabi ni Tiffany habang hinihimas ang tiyan.
“Wala iyan naiinitan lang ako. Huwag mo ngang pansinin kasi,” defensive na sabi niya at nagmamadaling pumunta sa kusina para tulungan ang mga magulang sa paghahanda ng mga pagkain pero pinabalik siya ng mga ito sa sala para asikasuhin ang mga bisita. Kagaya ng inaasahan, parang isang grupong nagkasundo ang mga bisita niya at hindi na siya tinigilan sa panunukso.