Chapter 16: Dorothy Is Missing, Jaime Wants To See Her

Maingay na maingay pa rin sa telebisyon ang nangyaring proposal ni Jaime sa gitna ng halftime ng laro. Muli sila ang naging champion at nakuha niya ang titulong MVP sa ikatlong pagkakataon. Pero imbes na ang laro ang pag-usapan ay ang napipintong pagpapakasal nila ni Penelope ang laman ng lahat ng mga balita. Napangiti na siya nang tumunog ang cellphone niya at nakitang tumawag si Leandro.

“Oh ‘tol, napatawag ka?”

“Congrats, ‘Tol. Bestfriend nga talaga kita, gaya-gaya ka sa akin eh,” natatawang sabi nito.

“Kumusta na ang pagiging governor diyan?”

“Heto, ang dami naming inaayos ni Belle. Isang buwan pa lang ako dito puro discrepancies agad ang nakikita ko. Ang hirap lang eh siyempre manganganganak na si misis sa susunod na buwan.”

“Kumusta na pala si Tiffany.”

“Hayun galit na galit pa rin sa ‘yo,” natatawang sabi nito pero bakas ang pagkailang sa boses nito.

“Pansin ko nga din sa oathtaking eh,” nag-aalalangang sabi niya. “Nahihiya tuloy ako pasensya na.”

“Hayaan mo na iyon. Sabi niyo nga ni Dora noong namamangka kayo eh Batman and Robin kayo. Kung may pagtingin man sa ‘yo si Dora, mawawala din siguro iyon.”

“Oo nga eh.” Nagkausap pa sila nang ilang minuto hanggang sa magsabi na itong babalik muna sa trabaho.

Maya-maya ay lumabas na sa kuwarto si Penelope na halatang bagong gising. Dalawang buwan na itong buntis. Mula nang magkita na silang muli ay hindi na niya ito pinakawalan. The same night they met again, something happened to them. Naulit pa iyon nang naulit hanggang magbunga nang isang sanggol. Wala na siyang mahihiling pa. Ang napakaganda at napakabait na asawa niya na may kasama pang baby nila ay higit pa sa lahat ng mga tagumpay niya.

Niyaya na niya itong mag-agahan at buong pagmamahal na pinagsilbihan ito na parang isang prinsesa. Naalala niya pang tinatanong siya ng mga kasamahan niya sa basketball team kung mahal niya ito. Ang tanging alam niya lang ay masaya siya at sabik na sabik na makasama ang mapapangasawa niya. Napakamaasikaso nito at ayaw na siya lang ang kikilos. Gusto raw nitong maging isang ideal housewife. Sabi naman niya ay walang problema iyon sa kanya kahit pa magtrabaho itong muli kahit may mga anak na sila. Ayaw niyang makulong lang ito sa bahay. Pero kung desidido itong maging full-time housewife ay ayos na ayos sa kanya. Siya naman ay pinag-iisipang mag-retire sa basketball pagkalipas ng dalawang taon. Tutulungan niya ang ama at nakababatang kapatid sa pagpapatakbo sa negosyo.

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik sila sa sala at nanood lang ng kung anu-ano. Pero ang purpose lang ay background sa init ng kanilang mga halik. Pinalalim pa niya nang pinalalim ang halikan hanggang sa namalayan na lang niyang nakakandong na ito sa kanya. He removed her shirt and nibbled her neck and shoulders. Suddenly, memories of passionate kisses in his car flashed and distracted him. Napahinto na siya. Dorothy has been bugging his mind since he tasted her velvety skin. It was smooth and sweet. He wanted to lick and bite it again. Hearing her purr like a tiger cub was enough to drive him crazy. “I’m s-sorry, Penelope,” aniya at dahan-dahan itong ipinaupo sa tabi niya. How dare he think of Dorothy when he was kissing his fiance. Guilt flooded him in an instant.

Nakayuko lang siya habang sapo ng dalawang kamay ang buong mukha. Pagharap niya sa babae ay mataman lang itong nakatingin sa kanya. “Are you okay?”

“Yes, sweetie. Sorry, medyo stressed lang.”

“You know I love you, Jaime, and I want you to be honest with me. Do you really want to push through with our marriage? Pwede naman nating palakihin ang bata kahit hindi tayo magkatuluyan.”

“What are you saying? Woman, my sweetheart, of course we’ll get married. Mahalagang-mahalaga kayo ni baby sa akin. You complete me,” nakangiting sabi niya at marahan niyang hinalikan ito. Ngumiti lang muli ito at niyakap siya nang mahigpit. Bumalik na lang din sila sa panonood ng balita. Ang pagkapanalo ng team nila ang iniuulat ng reporter.

“Jaime.” Napatingin siya kay Penelope na nakatutok lang sa cellphone nito pagkatapos ay humarap sa kanya. Malalim ang paghinga nito bago ipinakita sa kanya ang binabasa. “Nahihiya ako kay Dora.”

Binasa niya iyon. Puro mga tsismis at masasamang salita laban kay Dorothy ang mababasa sa lahat ng social media websites. Bitter daw ang babae, malandi, papansin, feeling maganda, at nasa loob ang kulo. “Wala kang kasalanan dito, sweetheart. Don’t feel bad. I will talk to Dorothy.”

ILANG araw nang tinatangka ni Jaime kausapin si Dorothy pero hindi man lang ito nag-re-reply sa text niya. Noong una ay akala niya busy lang ito pero pagkalipas ng dalawang araw ay wala pa rin itong reply. Naisip niya kung tama ba si Tiffany na may nararamdaman sa kanya ang dalaga at nasaktan sa ginawa niya. Pero dito na mismo nanggaling na magkaibigan lang sila. Pero paano niya ipapaliwanag ang ilang beses na paghahalikan nila sa loob ng kotse niya. Hindi lang iyon basta halikan. Shit! Talk to me, Dorothy, or I’ll lose my friggin’ mind. Hindi niya alam kung bakit parang hirap na hirap siya na hindi man lang makausap ito. Noong nag-de-date sila, isang text niya lang ay wala pang isang minuto ang hihintayin niya para mag-reply ito maliban na lang kung nasa taping ito. Ngayon ni hi o hello ay wala na.

Mula nang gabing lumagpas sa halikan ang ginawa nila, doon ito pasimpleng lumayo sa kanya. Ayaw niyang mangyari iyon at siya mismo ang tumututol na hindi siya kausapin nito. Sinubukan na niyang tawagan ito pero laging out of coverage. Kanina ay nalaman niyang nawawala si Dorothy ayon sa balita. Na-interview ang manager nito at sinabing hindi na nag-renew ng kontrata ang babae. Binasa rin nito ang isang text mula kay Dorothy na naka-flash na rin sa screen. “Dear Tita May, I will always be thankful for all the opportunities you’ve given me. I decided not to renew my contract for now. Sorry that I had to go back to the province due to urgent matters. I will be out of touch most of the time, but I will still check my phone once in a while. To all my fans, thank you for all the love and support. To Jaime and Penelope, I want you to know that I am really happy for you. Please don’t mind all the rumors and bashing. To all my bashers, keep it up if that makes you happy. To Barbara and Fiona, don’t worry about me, I will be fine.”

Parang biglang may alambreng naglabas-masok sa dibdib ni Jaime. Nawawala o mas tamang sabihing nagtatago si Dorothy pero walang malinaw na dahilan. Gusto niyang magtampo dahil akala niya mahalaga siya rito. Wala itong ibang kinausap kundi ang manager at mga kaibigan nito. Wala lang ba siya dito? Wala lang dito ang lahat ng halik na pinagsaluhan nila. Pero agad din niyang kinastigo ang sarili dahil sa pagiging unfair at asshole niya. Siya nga ang may atraso dito pero makikita sa message na wala itong bitterness. Parang ito pa nga ang nahihiya sa kanila ni Penelope dahil sa mga balitang wala namang katotohanan. Pero kakausapin niya pa rin ito. Hahanapin niya muna ito para makapagpaliwanag siya rito at humingi ng tawad sa lahat ng pambabatikos na natanggap nito dahil sa kanya. Gusto niya itong makausap agad.

Kinabukasan ay maagang-maaga pa siyang bumiyahe papuntang Rosario. Nalaman na niya ang bahay ni Dorothy nang sundan niya ito pauwi pagkagaling sa victory party ni Leandro sa Santuario de Santiago. Alam naman ni Penelope ang plano niya pero ang sinabi niya lang ay sa Santuario siya pupunta at may aasikasuhin. Mali iyon pero ayaw na niyang magkaroon ito ng dahilan para magselos lalo na at buntis ito. Pinapunta niya roon ang dalawang kasambahay sa mansiyon nila at pinasamahan ang babae sa mga ito.

Tanghali na nang makarating siya sa Rosario at agad dumiretso sa bahay ng mga ito. Isang may-edad na babae na may masayang ngiti ang bumungad sa kanya. “Magandang tanghali po, ma’am. Ako po si Jaime. Kaibigan ko po si Dorothy. Nandiyan po siya?”

“Wala dito, hijo. Kami man ay hindi alam kung nasaan nagtatago ang anak kong iyon,” sabi ng babae na nanay pala nito at muntik pang maluha kung hindi siya naging maagap.

“Huwag na po kayo malungkot dahil may ibibigay po ako sa inyo,” aniya at nagmamadaling binuksan ang kotse. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang isang bungkos ng pulang-pulang mga rosas na ipinasadya niya pa nang nagdaang araw. Dinaanan na lang niya iyon sa tindahan sa Santiago. Agad na umaliwalas ang mukha nito at nahalikan pa siya sa pisngi dahil napakagwapo at napakabait niya raw na binata. Itinanong pa nito kung manliligaw siya na sinagot niya. “Ahh o-opo,” aniya at muntik nang mapakamot sa batok dahil sa kalokohan. Niyaya pa siya nitong kumain na tinanggihan niya pero dahil mapilit ito ay hinila na siya nito papasok sa bahay ng mga ito. May mga kasambahay pala doon. Naroon din ang tatay at mga kapatid nito na agad siyang nakilala. Isang pormal na tango ang ibinigay ng tatay at mga kuya nito habang ang mga nakababatang kapatid nitong lalaki ay tuwang-tuwang nakipagkamay pa sa kanya at nagpakuha ng larawan. Nagpalit pa muna ang mga ito ng jersey na katulad ng sa team nila at pinapirmahan iyon sa kanya.

Pagkatapos kumain ay umalis na rin siya at nagdesisyong sa Santuario na lamang dumiretso sabi na rin ni Penelope dahil malapit nang lumubog ang araw. Pagdating niya roon ay dumiretso siya sa cabin at nagpahinga muna dahil sa pagod. Gabi na iyon at matutulog muna siya. Naalimpungatan lang siya bandang hatinggabi at tiningnan ang cellphone. May mga text iyon ni Penelope na agad niyang sinagot. Pero biglang parang lumundag ang puso niya nang mabasang may reply na si Dorothy. “Jaime, pasensiya ka na at hindi ako agad nag-reply. Okay na okay ako. Wala tayong problema. Kailangan ko lang talaga ng break. Baka ito na muna ang huling text ko hanggang sa lumabas ako ulit sa publiko. Best wishes na lang muna sa inyo ni Penelope. Congrats pala sa engagement at pagiging MVP mo.” Agad niya iyong nireply-an na kausapin siya nito kahit saglit lang pero hindi na ito muling nag-reply. Nang tawagan niya ito ay out of coverage area na naman.

Nabuntung-hininga na lang din siya at pumunta na sa bar. Pagdating niya ay naroon ang mga kaibigan niya maliban sa mag-pinsang sina Leandro at Isaac na parehong abala sa asawa ng mga ito. Wala rin si Vladimir na nasa Ukraine. Hindi rin ito mahagilap dahil sa dami ng mga nangyari ditong hindi maganda. Unfortunately, their giant friend lost to his challenger via TKO in the fifth round. Hindi nila matanggap iyon hindi lang dahil kaibigan nila ito kung hindi parang may kakaibang nangyari kaya lang ay wala silang ebidensiya. Nakipaghiwalay din dito ang fiance nito at sumama sa CEO ng kumpanyang may sponsor sa bago na namang heavyweight champion.

“Uy si Fafa Jaime,” malakas na bungad ni Donatello.

“Wala ako sa mood, tukmol,” naiinis na sabi niya at sumenyas agad sa waiter para magdala ng beer sa kanya.

“Alam ko na kung bakit,” biglang sabad ni Alessandro. Napatingin siya rito. “Hinahanap ni The Mythical Prince ang kanyang Mythical Princess na nagtatago.

“Tigilan niyo nga ako,” sabi na lang niya at uminom nang uminom habang iniisip ang kanyang Mythical Princess na ayaw magpahanap.