“It’s been a week,” bulong ko habang nakatingin sa kawalan. “Hindi pa rin ako pinapansin ni Dustin.” malungkot kong dugtong bago bumuntong hininga.
“Sana kasi ipinaliwanag mo sa kaniya kung ano ang mga nangyari hanggang sa magpakasal kayo ng asawa mo.” napatingin ako kay Ate Kiana nasa kabilang couch at nagbabasa ng magazine.
I’m here at our parent’s house, visiting them. Pero hindi ko na naabutan sina Mommy at Daddy. They have a meeting abroad. Ayos na rin ‘yon dahil nahihiya akong makaharap si Daddy.
I sighed heavily, “If I have known that this would be his reaction, Ate. Sana pala sinabihan ko na siya agad.” I’m still guilty for not telling him about my marriage.
That was just an arranged marriage but that was still a marriage. And Dustin . . . he said he’s courting me. But I didn’t know he’s my suitor. Alam kung anong gagawin ko para lang kausapin niya ulit ako. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag sa kaniya kung ganitong hindi niya man lang ako matingnan sa tuwing nagkakasalubong kami sa company. He’s just walking past me and that’s it. No greetings, no smiles, no teasing, no sweet gestures, no anything he’s doing like before.
I miss my best friend.
“Of course that would be his reaction. He’s smitten to you. He loves you more than just a friend, Hailey. You’re just too dense to notice his feelings for you.” sabay iling niya.
“I should say sorry again. For hurting him, his feelings, for everything.” malungkot kong sambit.
Huminga nang malalim si Ate Kiana bago ibinaba ang binabasa niyang magazine at lumipat sa tabi ko. I look at her with a sad smile crept in my lips.
“He also have a fault, why? Because he hoped too much about you. When in fact you already told him you can’t give him more than just a friend. But he insist to court you even he has no chance. You’re just too kind and innocent to hurt his feelings by rejecting him directly.”
My lipa quiver as I stiffle my tears to fall down my eyes. I smiled sadly at her. She’s right. I’m really afraid to hurt my best friend. I just don’t like to see him like that; in pain and hurt by me.
Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay nagpaalam na akong uuwi na dahil baka dumating na si Callum sa bahay. Maaga akong umuwi kaya nakapunta ako rito at baka magtaka si Callum dahil wala pa ako sa bahay. Hindi pa naman ako nagpaalam sa kaniya na pupunta ako rito.
“Ingat,” ani Ate Kiana habang kumakaway sa akin.
Kumaway rin ako bago naglakad papunta sa kotse. Pinagbuksan ako ni Kuya Benjie ng pinto, pumasok ako roon at kumaway muli kay Ate Kiana.
Until we reach the mansion I was silent and thinking deeply. Mahaba ang binyahe namin kaya nagkaroon ako ng panahon para mag-isip sa lahat ng bagay.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng hagdan bago mabilis na lumabas si Kuya Benjie para pagbuksan ako ng pinto. Bumaba ako at agad natigilan nang makita si Callum na nakahalukipkip habang nakatayo sa harap ng pinto, naghihintay sa akin. Mariin akong napalunok habang pinagmamasdan siya bago ako natauhan at naglakad na patungo sa hagdan.
Dahan-dahan ang lakad ko, at bawat paghakbang ko sa bawat baitang ng hagdan ay kumakalabog ang aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa nagwawala kong puso. Sa huli ay sinupil ko na lamang ‘yon habang naglalakad palapit sa direksyon ni Callum.
“Where have you been?” he asked in a monotone.
Agad akong napalabi at hindi siya matingnan sa mga mata, “sa bahay. B-Binisita ko lang si Ate Kiana.” sagot ko sa kinakabahang boses.
“Kumain ka na ba?” Doon lang ako napatingin sa kaniya nang itanong niya ‘yon. Ibig sabihin, hindi siya galit sa pagpunta ko roon nang hindi nagpapaalam?
Marahan akong tumango, “bago ako umuwi, kumain kami ni Ate.” His eyes narrowed at me, as if reading my facial expression.
“Let’s go in,” aniya bago ako hinawakan nang marahan sa braso padausdos sa aking beywang.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero diretso lang tingin niya habang iginigiya ako papasok sa loob.
“Kumain ka na ba?” marahang tanong ko nang nasa sala na kaming dalawa.
Nakaabang ang mga kasambahay sa anumang utos mula sa amin ni Callum. Tiningnan kong muli si Callum at naabutan siyang nakatingin sa akin nang mariin bago siya umiling.
“I was waiting for you,” agad akong nakaramdam ng guilt sa damdamin ko nang sabihin niya ‘yon.
“Hindi ka pa kumakain?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
“Hindi pa,” he smiled a little before kissing my temple. Agad kumalabog ang dibdib ko dahil sa ginawa niya.
“K-Kumain ka na.” hinatak ko siya papunta sa dinning area dahil mag-aalas otso na at hindi pa siya kumakain. “Nanay Juliet, nakahanda na po ba ang pagkain ni Callum?” tanong ko kay Nanay Juliet na nasalubong namin papunta sa dinning area.
“Oo, hija. Kanina pa nakahanda. Hinihintay ka lang ni Callum na dumating.” Napanguso ako sabay baling kay Callum na nakatingin sa akin sa malamlam na ekspresyon.
Inirapan ko siya bago hinatak muli sa dinning area. Pinaupo ko siya sa kabisera at ako na ang naglagay ng kanin sa kaniyang plato. Pinapili ko na rin siya kung ano ang gusto niyang ulamin. Nang malagyan ko ng ulam ang plato niya ay binalingan ko siya na nakamasid lang sa akin at may sinusupil na ngiti sa labi. Tinaasan ko siya ng kilay dahil parang natutuwa siya sa ginagawa ko ngayon.
“Kumain ka na, Callum.” sambit ko bago itinuro sa kaniya ang plato niya. He looked at it.
“Are you going upstairs now?” he asked then look up at me in a soft expression.
I sighed, “dito muna ako.” At para siyang nabuhayan ng loob nang bigla kong sabihin ‘yon.
Napasimangot ako bago umupo sa kalapit niyang upuan, sa gilid niya mismo.
“Sorry, hindi na kita masasabayan kumain. I’m already full.” malungkot ko siyang tiningnan pero nawala ‘yon nang makita ko siyang nakangiti sa akin.
I feel like my heart fell when I saw him smile . . . genuinely. This is the first time I saw him smile like this. And it’s heartwarming to him smile genuinely . . . at me. I made him smile. I made him smile.
“K-Kumain ka na,” utal kong sambit.
“You’re blushing, wife.” Nanlaki ang mga mata ko dahil do’n.
“Kumain ka nga l-lang . . .” nag-iwas ako ng tingin sa kaniya habang dinadama ang pag-iinit pisngi ko.
He chuckled and started eating his dinner while I stayed silent there. Nakaiwas lang ang aking tingin habang hinihintay siyang matapos do’n. Hindi naman ako gano’n kapagod kaya nanatili ako ro’n hanggang sa matapos siya. Ipinaligpit niya ang mga pinagkainan bago tumayo. Sumunod ako sa pagtayo niya at ikinagulat ko ang pagkuha niya sa bag ko bago ako hinawakan sa kamay.
“We’ll rest now, ‘Nay.” paalam ni Callum bago ako marahang hinatak palabas ng dinning area.
Nagpatianod lang ako hanggang sa makarating kami sa kuwarto namin. Tapos na siyang maligo kaya naman dumiretso na ako sa walk in closet para kumuha ng damit na susuotin ko ngayong gabi. And I chose a black silk nightdress. Napanguso ako dahil . . . ito talaga ang kailangan kong suotin. Mom and Dad bought this because of our plan. I need to wear this to seduce my husband.
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng walk in closet na naka-bathrobe na lang. Naabutan ko si Callum na nakaupo sa gilid ng kama habang nakatutok sa kaniyang laptop. He’s wearing specs that made him even more hotter. I swallowed hard before looking away and walking towards the bathroom.
Kaya ko ba? E, hindi ko na nga halos kayanin kapag naglalapit kami. But I should at least try, right? Walang mangyayari kung hindi ko susubukan.
Nagtagal ako sa pagligo at nang matapos ay nagtagal din ako sa pagpapatuyo ng buhok. Gising pa ba siya? O tulog na? Pumikit ako bago lumabas ng banyo. I’m still wearing the bathrobe, and just remove this if I see him still awake. I should try. I will still try.
Nang lumabas ako at maabutan siyang naroon pa rin ay parang dinaga ang dibdib ko. ‘Yon nga lang ay may kausap siya sa kaniyang cellphone. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko. Nagpatay-malisya ako at dumiretso sa vanity mirror at nagsuklay ng buhok.
“Yeah . . . I’m still doing what’s on my plan.” he said to the one on the other line. I felt his stare that’s why I turned my head to see if I’m right. And yes, he’s looking at me. I look away and continue combing my hair. “I’m still looking for those two bastards . . .” he trailed off, still looking at me. “Yeah, I will make sure everything will fall into places. I won’t fail in this, Maxine.” his baritone voice is the only sound you’ll hear in the whole room because I stayed silent. “I’m sure . . . that bastard will crawl in the mud while begging–” he was cut off when someone on the other line talked. “I know what I am doing, Maxine. She’s falling . . . yeah, I just know.” napatingin ako sa kaniya nang magbanggit siya ng kasarian.
I narrowed my eyes on him but he’s looking at his laptop now. Sinong ‘she’ ang sinasabi nito? Ano’ng pinag-uusapan nila ng ‘Maxine’ na kausap niya sa cellphone? Who is he talking to? Maxine is kind a girl’s name.
“I have a plan for all of this don’t dictate me.” he said in a growl. “Fuck you.” aniya bago pinatay ang tawag at hinagis ‘yon sa kama.
Tahimik kong tinapos ang paglalagay ng lotion sa katawan ko bago naglakad papunta sa kama.
“Wife, come here.” I look at him and saw him staring at my body.
I consciously bit my lower lip before walking towards his direction. Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso dahil nahihiya ako at kinakabahan.
Nang isang hakbang na lang ang layo namin sa isa’t-isa ay bigla niyang kinuha ang aking palapulsuhan ay hinatak paupo sa kaniyang kandungan. Impit akong napatili dahil sa ginawa niya at agad napakapit sa kaniyang balikat habang nakapikit nang mariin. Naramdaman ko na lamang ang pagpulupot ng kaliwang braso ni Callum sa aking beywang at ang kanang kamay ay nakahawak sa aking hita upang hindi ako makaalis sa p’westo. Nalukot ang mukha ko at nagmulat ng mga mata nang maramdaman ang init ng kaniyang palad sa aking hita.
Napatingin ako ro’n at nakitang hantad na ang aking hita at ang palad niya at mariing nakalapat doon. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.
“Smells sweet,” aniya nang amuyin niya ang aking buhok.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang haplos niyang pataas sa aking hita. My throat run dry as I felt his gentle touch went up to my stomach. I almost hyperventilate when he rested his hand on my stomach, holding the tie of my robe.
“Callum . . .” I called him breathily as I hold onto his forearm, stopping him from untying my robe.
Napatingin siya sa akin at agad akong sinunggaban ng halik sa labi. Mariin akong napahawak sa kaniyang balikat at braso dahil sa mariing pag-atake niya ng halik sa akin. Sobrang higpit ng kapit ko sa kaniyang braso dahil sa diin ng kaniyang paghalik sa akin.
Napamulagat ako nang maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos na ngayon sa aking tiyan. Doon ko lang napagtantong natanggal na niya ang pagkakatali ng aking bathrobe!
“Uhm . . .” ungol ko nang maramdaman ko ang init ng kaniyang palad sa aking dibdib.
Sa nanlalaking mga mata ay bigla ko siyang naitulak. Napakalas siya sa halikan namin habang may galit na ekspresyon, nakakunot ang noo at hindi alam ang gagawin sa akin. Nanatili siyang nakahawak sa aking beywang pero ang kamay na kanina ay nakahawak sa aking dibdib ay nasa aking hita na ngayon, pinipigilan ako sa pagtatangkang lumayo sa kaniya.
“I-I’m sorry . . .” bulong ko nang makita ang galit sa mga mata niya.
“Fuck. I’m sorry. I’m the one should apologize here. Sorry, wife. I’m sorry. I know you’re still not ready yet but . . . fuck! You’re turning me on. Big time.” Huminga siya nang malalim bago ibinaon ang mukha sa aking leeg.
“A-Ayos lang . . . uh . . . matulog na tayo.” sambit ko dahil ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko sa naramdamang sensasyon na inihatid niya sa aking katawan.
“Just tell me when you’re ready, my wife. I will bring you to heaven.” he whispered before kissing my neck softly.
I stilled and don’t know how to react or what to say. Kailan nga ba ako magiging handa? Kapag ba . . . nagalit na ng sobra si Daddy? Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa. Hindi ko alam kung paano ako magiging handa.