“He can’t be here. He’s mad at me. My husband is mad at me.” then a single tear fell from my eye.
“Hey, wife . . . don’t cry.” His soothing voice filled my ears.
Mas lalo akong naluha nang marinig ‘yon. Samu’t saring emosyon ang nararamdaman ko lalo na nang marinig ulit ang nang-aalu niyang boses.
“No . . . my husband, Callum, is mad at me.” Para na akong batang umiiyak pero wala pa ring pakialam.
“Hush now, baby. I’m sorry, I was just pissed. I’m not mad at you.” Alu niya sa akin bago ako niyakap.
I cried in his chest, not minding if I everybody’s looking at us now. I just want to cry like a baby here.
“My sister is a mess, Callum. You should get her home now.” rinig kong sambit ni Ate Kiana sa asawa ko.
“Thank you for calling me,” sagot ni Callum habang hinahaplos nang marahan ang aking likod. “Let’s go home now, wife.” aniya habang pilit akong inaayos ng upo sa couch.
“No.” Mariin at pinal na sambit ko bago lumayo sa kaniya. Kita ko ang gulat sa mukha niya pati na rin ang galit. “Ate, uwi mo ‘ko. Galit sa ‘kin si Callum. Ayoko umuwi. Baka awayin niya ako, Ate.” parang batang sambit ko at iniabot pa sa kaniya ang kamay ko, nagpapaawa.
“What the fuck, Avery. We should go home.” Tila kulog ang boses ni Callum dahil sa inis.
“See! Ate, galit siya sa ‘kin. Hindi naman niya ako papansin sa bahay, e. Uwi mo ‘ko sa ‘tin. Ate . . .” I tried to reach for my sister’s hand but Callum immediately took my hand and hugged me tight, whispering something I couldn’t clearly understand.
“You’re adorably drunk now, wife. We should go home.” Umiling ako habang isa-isa na namang nagbabagsakan ang luha sa aking mga mata.
“Iuwi mo na ang kapatid ko, Callum. She’s already wasted.” ani Ate habang nakatingin sa aming dalawa ni Callum.
“Hindi ako lasing, Ate! I can still stand and walk properly!” pagpupumilit ko sabay tayo pero parang umikot ang mundo nang tumayo ako dahilan upang matumba ako.
“Fuck!” Callum muttered a curse and made me sit on his lap.
“I said I can still stand!” Galit kong hinampas ang braso niyang nakapulupot sa aking beywang.
“Don’t try because you will get more dizzy if you’ll try again.” Hindi na lang ako nagprotesta pa at humilig muna sa kaniyang balikat habang nakapikit ang aking mga mata.
“Paulit-ulit niyang sinasabi sa amin na galit ka raw sa kaniya. She said you’re not halking to her, iniiwasan mo raw siya dahil galit ka nga raw sa kaniya.” I heard Ate Kiana said while I’m leaning against Callum’s shoulder.
Akala ba nila hindi ko sila naririnig?!
“I really don’t like talking when I’m mad or pissed. I would just lash out if I talk to her if I’m not in the mood to talk.” Ramdam ko ang mararahang haplos ni Callum sa aking beywang at hita habang nakaupo ako sa kaniyang hita.
“That’s good to know that you’re not being harsh or rough to her. My sister is too precious and too innocent. I don’t want her to have a hard life again. Our parents did not gave her enough attention and she’s been always uptight because our parents say so. I want you to take good care of my sister as her husband. Please, don’t make hurt her, physically or emotionally.” Si Ate Kiana sa isang seryosong boses.
Hindi agad sumagot si Callum kaya medyo gumalaw ako dahilan ng paghaplos niyang muli sa akin.
“I will,” he said in a hoarse voice.
“Ate, uwi mo na ako . . .” maya-maya ay sambit ko at itinaas na naman ang kamay.
Damn alcohol. My alcohol tolerance is really not that high. Hindi gaya ni Ate na malakas uminom.
“You should go home with your husband, Hailey.” Umiling ako sa sinabi ni Ate.
“No! He’s mad, Ate!” pagmamaktol ko.
“Hey, I’m not mad anymore.” sambit ni Callum kaya napamulat ako ng mga mata at tiningnan siya.
He’s looking at me using his piercing eyes, I look back at him with my gentle eyes.
“Hindi ka na galit?” parang batang tanong ko.
“Yes. Let’s go home.” Tumango ako bago iniyakap ang mga braso sa kaniyang leeg.
Tumayo siya kasama ako. Ang isa niyang braso ay sa aking beywang at ang isa naman ay nasa likod ng aking tuhod.
“We’re going home now. Thank you again for calling me. I’ll take my wife home now.” saad ni Callum kina Ate Kiana at Kuya Zild.
“Take care. Uuwi na rin kami pagkaubos nito.” si Ate Kiana, bago naglakad si Callum paalis doon nang tuluyan.
Ramdam ko ang pagkahilo kahit na buhat niya naman ako paalis doon. Hanggang sa maramdaman kong nakalabas na kami dahil wala na ng ingay ng stereo ng bar. Gusto ko mang magpagaan ng katawan ay hindi ko rin magawa dahil sa kalasingan, alam kong nabibigatan na siya sa akin pero hindi lang siya nagrereklamo. Hanggang sa makarating kami sa parking area at ibinaba niya ako sa shotgun seat ay hindi siya nagsalita o nagreklamo, basta ay ibinaba niya ako ro’n at isinara ang pinto ng kotse. He should’ve just get his car valet para hindi na siya nahirapang maglakad papunta rito. Baka sobrang bigat ko.
Nang maramdaman kong umandar na ang sasakyan niya ay hinila ako ng antok. Hindi ko alam kung ilang minuto ang binyahe namin habang tulog ako dahil naramdaman ko na lang na buhat na naman ako ni Callum at papasok na kami sa loob ng mansyon niya.
“Anong nangyari, Callum?” rinig kong tanong ni Nanay Juliet sa nag-aalalang boses nang makapasok kami sa loob ng mansyon.
“Naglasing, 'Nay.” ani Callum bago nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko na lang ang malambot na kama nang ilapag ako ro’n ni Callum. Agad akong gumulong sa kama na ikinabuntong hininga ng asawa ko. Naramdaman kong inaalis niya ang suot kong sapatos, hindi naman marumi ‘yon dahil nagtaxi naman ako kanina at hindi naman marumi ang mga inapakan ko, ‘di ba? Nang maalis na niya ‘yon ay gumulong muli ako pabalik sa p’westo ko kanina bago iminulat ang mga mata. Nakita kong nakatingin sa akin si Callum na parang problemado.
“Nanay Juliet!” Kumunot ang noo ko sa pagtawag niya kay Nanay Juliet.
Agad namang naroon si Nanay Juliet pero ipinikit ko na ang aking mga mata sa sobrang antok.
“Pakipalitan po siya ng damit,” doon ako napamulat ng mga mata ko sabay tingin kay Callum at kay Nanay Juliet.
“No! I can change myself!” Bumangon ako kasabay ng pagkahilo ko. “I can . . .!” lasing kong pagpupumilit.
“Let them, Avery.” Callum said in a stern voice.
“No! Hindi ako sanay!” nagmamaktol kong sambit nago hinubad ang croptop na suot kahit nakatingin pa siya sa akin.
Walang inhibisyon ko ‘yong hinubad at itinapon sa kung saan.
“See! I can change myself!”
“Jesus,” he muttered before looking away, his face were now red.
“Hey, Callum, are you drunk? Your neck, face and your ears were red,” nag-aalang tanong ko bago tumayo kahit na muntik pa akong matumba at walang pakialam kung nakabra lang ngayon at pants.
“Fuck, wife!” he hissed when I near him, still looking away from me. Hinawakan ko ang kaniyang braso pero iwinaksi niya lang ‘yon at bahagyang lumayo sa akin.
Nalukot ang mukha ko, “why are you looking away?! Hey! I’m sexy naman, ah! Nanay Juliet, sexy ako, ‘di ba?” sambit ko sabay baling kay Nanay Juliet na mukhang natatawa at nag-aalala.
“You’re damn drunk, woman!” parang kulog na sigaw niya kaya napatigil ako at tinitigan lang siya.
Maya-maya ay ibinaba ko ang aking kamay at bahagyang lumayo sa kaniya. Namumuo ang luha sa gilid ng aking mga mata kaya napayuko ako.
“Callum, hindi mo dapat sinisigawan ang asawa mo.” si Nanay Juliet sa hindi kalayuan.
“I’m sorry,” sambit ko. Parang bigla akong nahimasmasan.
Mabilis akong tumakbo sa banyo, ni-lock ko ‘yon at doon pinakawalan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata. I cried inside the bathroom silently, not wanting anyone to hear my sobs.
Biglang may kumatok sa pinto ng banyo pero hindi ko ‘yon pinansin, hanggang sa marinig ko ang boses ni Callum sa labas, tinatawag ako.
Why is he like that? He’s being too difficult to be with. Hindi ko alam kung anong totoong nararamdaman niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Ang bilis niyang magbago ng mood.
Hindi ko alam kung ilang minuto ako ro’n. Basta ay nanatili akong nakatulala, umiiyak nang tahimik, hanggang sa nawala ang pagkatok sa pinto ng banyo. Tumayo ako bago pumunta sa shower room. Nabasa na ang pantalon ko pero hindi ko na binigyang pansin ‘yon at nagpatuloy lang sa pagligo, baka sakaling mahimasmasan na ako.
Hinubad ko ang mga suot ko hanggang sa matapos na ako sa pagligo. Lumabas ako ro’n at kinuha ang robang naroon. Narinig ko na naman ang katok ni Callum sa banyo pero hindi ko ulit ‘yon pinansin. Nahimasmasan na ako pero gusto ko nang magpahinga. Nagpatuyo ako ng buhok sa loob at bago lumabas ay sinigurado ko munang hindi na siya kumakatok doon. Dumiretso ako sa loob ng walk in closet para magpalit ulit ng damit. Pinili ko na ang pajama at hindi na ang lingerie na ‘yon. Bwisit!
Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng walk in closet. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Callum na nakaupo sa gilid ng kama, mukhang malalim ang iniisip. Nang mapansin niya ang presensya ko ay nag-angat siya ng tingin sa akin, agad na nagtama ang mga paningin naming dalawa. Nag-iwas ako ng tingin at naglakad na papunta sa kabilang banda ng kama, kung nasaan ang p’westo ko.
“Wife . . .” he called and tried to catch my eyesight but I refused to look at him.
I know I should romance him now because my father asked me to, but can I have a break for this?! I’m still afraid for that thing and my mind is in haywire right now!
“Wife,” hindi ko siya pinansin at humiga na lang sa kama at nagkumot. “Talk to me, please.”
Oh, how’s the feeling to be ignored, Callum? Feel my wrath, you moron!
Hindi ako nagsalita at ipinikit lang ang mga mata, handa nang matulog.
“Wife, please. I’m sorry.” saan siya nag-sosorry? Sa mga sinabi niya? Sa hindi niya pagpansin sa akin kanina? Dahil nagalit siya? O sa bigla niyang pagsigaw at pag-iwas sa akin when I tried to touch him? Saan do’n?
“Inaantok na ako, Callum.” I said in a slurred voice.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang pag-ayos niya ng higa sa kama. Maya-maya ay niyakap niya ako mula sa likuran, ibinaon ang mukha sa aking batok. Ang kaniyang kanang kamay ay nasa aking tiyan, ang kaliwa ay nasa aking balikat kaya nadadaganan ko ‘yon habang nakahiga pero hindi ako gumalaw. Nanatili akong gano’n ang posisyon at hindi siya pinapansin.
“Wife, don’t give me this silent treatment, please. I’m sorry. I was just got pissed when I saw that man. And he’s fucking casually asking you to have lunch. He should know that you’re already off limits. That you already have a husband. Fuck, wife, you’re mine.” mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin at parang tumalon ang puso ko dahil sa sinabi niya.
. . . you’re mine.
What does he mean? Does he likes me now? But I shouldn’t keep my hopes up because what if he’s just telling me this because he wants me to talk him now?
“I’m sorry for ignoring you. I’m sorry for saying those words. I’m sorry.” Hinalikan niya ang batok ko pero hindi ako nagpadala sa mga salita niya.
May mga binubulong pa siyang kung ano pero hindi ko na maintindihan hanggang sa lamunin na ako ng antok at pagod sa gabing ‘yon.
Kinabukasan ay nagising ako sa alarm ng aking cellphone. Pagkamulat ng aking mga mata ay nakita ko agad ang maskuladong dibdib ni Callum na sobrang lapit sa mukha ko. Nagulat ako dahil sa ayos namin, hindi man ako nakayakap sa kaniya ay siya naman itong grabe ang yakap sa akin!
He nuzzled on my hair and tightened his hug on me. Parang ayaw na akong pakawalan ng lalaking ito. Huminga ako nang malalim bago lumingon sa side table kung saan nakalapag ang aking cellphone. Inabot ko ‘yon at pinatay ang alarm.
Marahas akong umalis sa pagkakayakap ni Callum dahilan ng pagkagising niya. Hindi ko siya pinansin at i-ch-in-arge ang aking cellphone. Ramdam ko ang paggalaw ni Callum sa gilid ko pero nanatili akong nakatingin sa aking cellphone at hindi siya pinapansin. Alam ko ang mga nangyari kagabi at hindi ko ‘yon makakalimutan. I won’t forget how he rejected me last night. I will never forget about that!
“Wife, good morning . . .” his bedroom voice is really so attractive! But no! Hindi ko pa rin siya papansinin, ‘no! Manigas siya diyan.
Tumayo na ako at nagpunta sa banyo nang hindi siya pinansin. Narinig ko pa ang sigaw niya sa akin bago ako tuluyang pumasok sa banyo.
“Wife! I said good morning! Come on, stop this silent treatment!”
Bahala siya magwala diyan, basta hindi ko siya papansinin. And while doing that . . . I should plan now how to get him. I will make you fall in love with me and make you agree to my proposal, Callum. Just so you wait.