Chapter 19
Napangisi nang mapakla si Zoie nang maalalang nag-away pa sila kaninang madaling-araw. At ngayon, gusto nitong makipagsalo sa kaniya ng almusal?
‘Huh! Ang weird niya.’
Napaismid na lang siya habang nakasunod sa lalaking tiningnan ang magandang back view nito. Lalaking-lalaki talaga ito. Maganda ang pang-upo at ang mga biyas na mahahaba saka maskulado. Amoy rancho man ito pero may nananaig pa rin itong bango. Ewan niya. Kung iba pang lalaki ang naaamoy niya ay baka hindi niya magugustuhan. Pero bakit iba ang dating ng amoy nito sa kaniya? Bakit parang gusto niyang⸺?
‘Hep, hep, hep! Brake, brake lang. Please! Huwag tayong pumunta sa R18+ part,’ pagpigil niya sa sarili.
Ngumuso siya. Inis pa rin siya rito kahit na may atraksyon siyang nadarama para sa amo. Paano naman kasi ay siya lagi ang nakikita at pinagagalitan nito.
Bigla niyang naaalala ang kaniyang panaginip. Bakit ganoon iyon? Bakit masaya silang naghahabulan sa kung saang kaparangan?
‘Ang cheesy no’n, ha?’
Napalunok na lang siya at pumasok na sa dining room kung saan naghihintay si Lihau na siyang kalimitang nag-aasikaso sa kanila ng kaniyang amo kada meal nila. Kahit papaano ay gusto niya rin ang kaniyang posisyon bilang property manager nito. May mga perks din naman at napangiti siya sa sarili.
Pansin niya ang pagsulyap sa kaniya ng amo nang makaupo na sila at nagsimulang kumain. Umalis na si Lihau dahil pinaalis ito ni Alemana.
“Why are we still doing this?” naitanong niya pa.
“What do you mean?” tanong nito nang nagulumihanan.
Kita ng dalaga kung paano ito tumingin sa kaniya nang malagkit. Tuloy ay pilit niyang nilunok ang bacon na nginunguya niya.
Ikinumpas ng dalaga ang kutsilyo at tinidor na hawak. “This,” aniya. Kuryuso siyang malaman kung bakit ito pa ang sumundo sa kaniya sa library para sabihing kakain na silang dalawa nang sabay. Puwede naman siyang ipatawag ng isang katulong o kaya ni Lihau.
Uminom ang amo ng fresh apple juice. She thought he really took his time in answering her question. Para sa kaniya ay importante niyang malaman kung bakit ganito ito kung itrato siya. Hindi ba ito galit o naiinis sa kaniya?
“Have you forgotten? You just scolded me earlier, so why? You could’ve told Lihau to tell me we’re not doing these meals together anymore,” dagdag niya at sumubo ng pagkain.
Tiningnan siya nitong pabalik habang nanantiya ang kaniyang paningin sa lalaki.
“I’m getting used to it. Just like couples do, we fight and make up.”
Muntik nang mabulunan ang dalaga. Agad niyang inabot ang baso ng apple juice at nilagok iyon. Uminit ang kaniyang dalawang pisngi at tumalbog ang puso niya nang paulit-ulit.
“In our case, we’re employer and employee. We have our differences now and then, but we still work together. Don’t you agree?” kalmanteng dagdag ng lalaki na may mapanuksong mga mata sa kaniya.
“Why don’t you fire me instead? I talk back to you and⸺”
“Firing you is not an option. It will never be, remember that. You’ll stay here on the ranch for good, Zoie. Do you hear me? You’ll stay here with me until one of us or both of us breathe our last,” ang wika ng lalaki.
Napalunok ang dalaga sa kaniyang narinig. Lalo lang lumakas ang pagpintig ng kaniyang puso habang nakamasid sa seryosong ekspresyon na nasa mukha ng lalaki.
Hindi niya inasahan ang bawat salitang namutawi sa mga labi nito. Kung love proposal ito ay baka napasagot na siya nang malakas na “Yes!” Subalit hindi. Trabaho lang ang ibig sabihin nito. Walang labis, walang kulang.
‘At bakit masakit sa heart ko ‘to? Bakit? Dahil hanggang amo at empleyado lang talaga ang relasyon naming dalawa hanggang sa huli?’
Gusto niyang magprotesta sa Kaitaas-taasan. Gusto niyang sabihin na sobrang unfair naman ng kaniyang buhay.
‘Sabagay, may Claire naman na siya kaya saan pa ba ako lulugar? Ultimong mayordoma niya lang ako,’ anang isip niya.
Ramdam niyang parang pinipiga ang kaniyang puso ngayon. Parang gustong kumawala ng mga luhang nagbabadyang umagos sa kaniyang mga mata.
Napababa siya ng tingin at napakurap-kurap upang pigilan sa pag-alpas ang mga butil ng luha sa kaniyang mga mata. Ayaw niyang umiyak sa harap nito kahit na sobrang nasasaktan ang kaniyang damdamin. Wala naman kasi siyang karapatan para masaktan o para magreklamo. Dapat tanggap na niya ang kaniyang kapalaran. Sinabi na niya iyon sa binata, ‘di ba? Kailangan niya lang paalalahanan ang kaniyang sarili sa tuwing nakakalimutan niya ito.
‘Mayordoma lang ako. Mayordoma niya lang ako, wala nang iba pa.’
“So, what if you got married, Master Alem? I’m sure your wife wouldn’t like me having to eat meals with you, would she?”
Nakita niya ang pagkapatda sa reaksyon ng amo pero wala itong sinabi sa kaniya.
“Right. Just what I thought,” mapait na dagdag niya nang mahina saka nagpatuloy na sa kaniyang pagkain. Pilit lang. Itinulak niya ang pagkain sa bibig niya gamit ang juice. Ang hirap pa namang kumain nang may masamang dinaramdam. Katulad na lang ngayon. Parang dama niya pa rin ang paghiwa ng libo-libong kutsilyo sa kaniyang puso. Halos ‘di pa siya makahinga dahil sa bumabarang pagkain sa lalamunan niya.
Maisip lang niyang may iba nang babae na siyang asawa ni Alemana, parang hindi na niya kakayanin pa ang sakit.
Kaya kaya niyang tiisin ito nang dahil sa lintek na tradisyon nila? Hanggang kailan pa ba nila tutuparin ang mapait na tungkuling ito sa buhay ng kanilang angkan?
‘Ang sobrang unfair! Unfair talaga!’
Mapaisip lang siya na may iba pang magiging katulad niyang masasaktan sa susunod na mga henerasyon ay masasabi niyang isa itong sumpa, hindi kabayaran sa kabutihang nagawa ng angkan ng Campbell sa Tabilla. Hindi ito karangalan na makapagsilbi sa isang pamilya sa ibayong karagatan mula sa Pilipinas na malayo sa mga Kastila noon. Iba na ang panahong ito pero alam niyang wala na siyang kawala…