CHAPTER 25

Marahang idinilat ni Phoebe ang mga mata nang maramdaman ang init na tumatama sa kanyang mga paa. Inaasahan nya na ang unang masisilayan ay ang nobyo ngunit laking gulat nya nang tanging ang unan na lamang ang kanyang katabi.

“Evan?” Pagtawag nya ngunit wala maski isang sumagot.

Ramdam man ang panghihinayang ay pili tang ngiti pa rin syang bumangon. Malamang sa malamang ay maaga itong umalis para sa mga appointments nya. Sanay naman na sa ganoon si Phoebe ngunit parang ngayon ay naninibago nanaman sya na hindi ang mukha ng nobyo ang unang nasisilayan sa umaga.

Mabilis syang bumangon at saglit na nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili. Ipinupusod pa nito ang mahabang buhok habang sisipol-sipol na naglalakad patungo sa salas ng bahay.

“Tulog pa siguro si Anne,” aniya nang hindi makita sa sala ang kaibigan.

Naisip nyang magtuloy na lamang sa kusina ngunit hindi nya inaasahan nang makita ang pamilyar na bulas na katawan na naroon at abala sa pagluluto ng almusal.

“Evan!” Masiglang pagtawag nya saka patakbong nagtungo sa kinaroronan ng nobyo. Malalaki ang ngiting niyakap nya ito mula sa likod saka sinilip ang ginagawa ng binata. “Akala ko umalis ka na. Ano yang niluluto mo?”

“I am preparing breakfast, babe. Nga pala, your sister is here.”

Sa mga linyang iyon ay tila ba binuhusan si Phoebe ng malamig na tubig. Dahan-dahang dumulas ang kanyang mga braso sa pagkakayakap sa nobyo saka nagugulat na tiningala nya ito.

Narito ang kapatid nya? Paanong–

“Evan…” She called him. Inaantay nyang bawiin nito ang kanyang sinabi ngunit malapad ang pagkakangiting inginuso nya ang bandang likuran ng dalaga.

Marahang pumihit si Phoebe patalikod. Ilang ulit nyang hiniling sa isip na sana ay nagkakamali lamang ang nobyo at may taong nagpanggap na kapatid nya ngunit hindi nya inaasahan na sa oras ng kanyang pagharap ay makikita nya ang nakatatandang kapatid na nakatalumbaba habang sarkastiko ang pagkakangiti sa kanya.

“Good morning, li’l sis.” Pagbati ni Peyton saka maarteng kinawayan ang nakababatang kapatid.

“A-ate.” Parang tuod na pagtawag ni Phoebe. Nagpalit-palit ang paningin nito kay Penelope at kay Evan na ngayon ay pinanunuod silang dalawa na mayroong ngiti sa labi.

Halos lumabas ang puso ni Phoebe sa sobrang kaba. Sa isang iglap ay tila ba nagbalik ang lahat ng mga hinabilin sa kanya ng nakatatandang kapatid at kung ano nga ba ang totoong pakay nya sa pagpasok sa buhay ni Evan Johnson.

“I see that you are enjoying your life,” mapaklang saad ni Peyton. All she could feel is disgust and anger about how her younger sister betrayed her. Ang iniutos nya rito ay ipaghiganti sya. Why the hell is she hugging the man Phoebe knows she loves!?

Nanatiling tikom si Phoebe, hindi malaman kung paanong ipaliliwanag sa nakatatandang kapatid ang kanyang sitwasyon.

“Excuse me.” Pareho silang napalingon nang bigla ay magsalita si Evan. “I need to take this call,” dagdag nya pa na ipinakita kay Phoebe ang kanyang cellphone.

Alanganin namang ngumiti ang dalaga saka tumango sa kanya ngunit sa isip ay ilang ulit na hiniling ni Phoebe na huwag syang iwan ng kanyang nobyo.

“I’ll be right back.” Paalam ni Evan saka hinalikan sa noo si Phoebe.

Maganda pa ang ngiting tumango si Penelope nang madaanan sya ng binata pero agad naglaho ang mga ngiting iyon nang tuluyang mawala sa kanilang paningin si Evan. Ang pagkukunwaring masaya ay agad na napalitan ng galit nang maiwan silang dalawa sa kusina.

“A-ate, ka-kamusta–“ hindi nya na nagawang tapusin ang sasabihin nang bigla ay ibato ni Penelope ang bag nito sa kanya. “Ate.”

“You backstabbing bvtch.” Madiing aniya. Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Penelope nang tumayo ito at marahang naglakad patungo sa bunsong kapatid.

“A-ate, magpapaliwanag ako.” Utal na saad ni Phoebe but Peyton’s mind shut close. All she could feel is her anger raging. How could she betray her? Of all people, bakit ang sarili nya pang kapatid?! It was her promised to avenge her broken heart pero bakit ngayon ay inagaw nya ang iisang lalaking minamahal nya?!

“Napakalandi mo talaga!” In an instant, Phoebe could taste her own blood as she felt her left check going numb.

Lumuluha nyang hinawakan ang namamanhid na pisngi saka tiningala ang nakatatandang kapatid. “Ate.” Halos nagmamakaawang pagtawag nya.

“Ang sinabi ko sa’yo ay ipaghiganti mo ako! Look at you flirting with my man!”

“Hindi sya sayo, ate!” Bwelta ni Phoebe dahilan para mas lalong tumindi ang galit ni Penelope.

Nanlalaki ang mga matang pinakatitigan sya ng nakatatandang kapatid. Inihilamos nito ang palad sa kanyang mukha saka sarkastikong tumawa.

“Anong sinabi mo?” Madiing tanong nya. Panay ang pag-atras ni Phoebe para hindi na muling mapagbuhatan pa ng kamay ng sariling kapatid.

“Hindi ko sinasadya, ate. Maniwala ka.” Lumuluhang saad nya. “Gusto kitang ipaghiganti pero nang maaksidente ako ay si Evan lang ang nag-alaga sa akin kaya nahulog–“

Phoebe didn’t have a chance to finish her explanation when Penelope pulled her hair. Ilang ulit syang dumaing at nagmakaawa na bitawan na sya ng nakatatandang kapatid ngunit mas lalo lamang nitong hinihigpitan ang pagkahawak sa buhok nya.

“Ate, please! Nasasaktan ako!” Pakiusap nya. Hawak nya sa braso si Penelope habang kinakaladkad sya nito patungo sa kung saan.

“Ate!”

“Phoebe?” Boses iyon ni Anne. Kagigising lamang nito nang marinig ang paulit-ulit na palahaw ng matalik na kaibigan. “Phoebe!” Mabilis syang tumakbo patungo sa magkapatid at pilid na inalis ang pagkakahawak ni Penelope sa kaibigan. “Ayos ka lang ba?” Puno ng pag-aalalang tanong ni Anne saka iniayos ang buhok ni Phoebe na tumatabing na sa mukha nito. “Tvrvntvdv ka talaga! Papatayin mo ba si Phoebe ha?” Tanong nya. Paano’y naabutan nya lang naman na inaabot ni Penelope ang kutsilyong naroon sa may lababo.

“Wag kang mangialam!” Sigaw ni Peyton saka muling sinubukan na abutin ang nakababatang kapatid ngunit mabilis syang iniiwas ni Anne. “Ano ba?! Ano bang problema mo ha?!”

“Anong problema ko?! Iyang malandi kong kapatid ang problema ko kaya huwag kang mangialam!” Nanggalaiting saad ni Peyton. Muli syang nagtangka na abutin si Phoebe ngunit tulad kanina ay mabilis itong iniiwas papalayo ni Anne.

“Malandi? Naririnig mo ba yang sarili mo ha?!” Gustong mainsulto ni Anne sa narinig mula sa babaeng kaharap. Sarkastiko syang tumawa saka nakakaloko ang mga tingin na pinakatitigan si Peyton. “Hoy babae, kung may malandi man dito, ikaw yon. Wag mong ipasa kay Phoebe yang kakatihan mo!” Matagal na syang nagtitimpi sa babaeng ito. Matagal nya nang gusto na barahin ito pero iniisip nya lamang ang mararadmaman ng kaibigan. Ngunit ngayong kung anu-ano na ang sinasabi nito kay Phoebe, hindi nya naman hahayaan na panuoring ganituhin ni Penelope si Phoebe.

“Anong sinabi mo?”

“Bingi ka ba ha? May pambili ka ng para sa kaartihan mo pero wala kang pambiling cotton buds?” Pang-aasar nya pa.

“Ate, please. Maniwala ka. Hindi ko talaga sinasadya na mahalin si Evan.” Nabaling ang atensyon ni Peyton nang muling magsalita ang nakababatang kapatid.

“Hindi mo sinasadya ha?! Hindi mo sinasadya?!” Puno ng galit na tanong nya. Ilang ulit nya pang dinuro ang kapatid habang ipinapakita ang pagkadisgusto rito. “I trusted you, Phoebe! Pinagkatiwalaan kita pero tinarantado mo ako!”

“Hindi kita tinarantado, ate! Nagmahal lang ako!” Depensa ni Phoebe sa sarili. Hindi nya lubos maisip na mapagsasalitaan sya ng ganito ng nakatatandang kapatid.

“Malandi ka lang talaga, Phoebe!” Pigil ni Peyton sa kapatid. Halos pumutok ang ugat nito sa kanyang leeg sa sobrang galit na nararamdam. Kung nakamamatay lang siguro ang mga tingin ay baka naliligo na si Phoebe sa sarili nyang dugo. “Bata pa lang tayo ay ganyan ka na, sarili mo lang ang iniisip mo at yang kalandian mo!” Pakiramdam ni Phoebe ay huminto ang kanyang paghinga sa narinig mula sa nakatatandang kapatid.