CHAPTER 23
Panay ang pagtatawanan nina Phoebe at Anne habang nanunuod nang marinig nila ang pagbukas ng pinto. Nakangiting sinalubong ni Phoebe ng tingin ang kanyang nobyo. Hindi nila inaasahan na babalik ito kaagad matapos umalis kanina matapos maghatid ng pagkain.
“Akala ko may appointment ka pa?” Malapad ang pagkakangiting tanong ni Phoebe.
Evan shook his head. “The meeting got cancelled. Am I late?” Nakangiting tanong nya at itinaas ang magkabilaang kamay na may hawak na paper bag. “I bought snacks and beer. Umiinom ba kayo?” Naglakad sya palapit sa dalawa at inilagay ang mga dala sa lamesang naroon sa kanilang harapan.
“Ako, oo. Ewan lang yung iba dyan.” Mabilis na tugon ni Anne saka nanunudyong siniko si Phoebe.
Naiilang na tumango ang dalaga. Hindi kasi ganoon kataas ang alcohol tolerance nya pero gusto nya pa ring uminom.
“Umiinom din ako,” tugon ni Phoebe na malaki ang pagkakangiti sa kanyang nobyo dahilan para nagugulat na hawakan ni Anne ang parehong braso nya saka pigil ang tawa syang hinarap.
“Ikaw? Iinom?! Baka naman mangyari yung tulad ng—”
Mabilis na tinakpan ni Phoebe ang kaibigan ng dalaga saka alanganin ang ngiting nag-angat ng tingin sa kanyang nobyo na nagtataka silang pinanunuod sa ginagawa.
“Madaldal kasi ako kapag nakakainom.” Pagdadahilan nya na naroon kay Evan ang paningin.
Agad na hinawakan ni Anne ang kamay ng kaibigan saka marahas na tinanggal ang pagkakatakip ng palad nito sa kanyang bibig, “Madaldal lang ba?!” Nanunudyong tanong nya.
Hindi nya na napigil pa ang paghagalpak ng tawa nang makita ang aligagang kumilos si Phoebe para takpan muli ang kanyang bibig.
“You’re doing something kapag lasing?” Mukhang unti-unti nang nakukuha ni Evan ang nangyayari.
Nahihiya syang tumango. Pero lahat naman yata ay may ginagawa kapag lasing hindi ba? Sino ba naman ang wala?
“Sumasayaw sya at kumakanta kapag lasing.” Panimula ni Anne. Walang ibang nagawa si Phoebe kundi pabayaan ang kaibigan na magkwento dahil maganda ang ngiti ng kanyang nobyo na mukhang enjoy na enjoy sa pakikinig sa kanya.
Evan looked at Phoebe with amusement. Ilang taon nya itong pinapabantayan pero ni isa man sa mga impormasyong dumating sa kanya ay walang sinabi na marunong sumayaw at kumanta ang dalaga. Tuloy ay hindi nya maiwasang makaramdaman ng excitement at kagustuhang makita ang side na iyon ni Phoebe.
“May time pa na—”
“Anne!” Mabilis na suway nya. Mahina nyang sinampal ang kamay ng kaibigan nang malakas itong tumawa.
Agad nyang naramdaman ang paghawak ni Evan sa kanya saka tumango kay Anne, “It’s fine. Hindi mo na kailangang ikwento,” aniya saka naupo sa tabi ng kanyang nobya. “I love you.”
Hindi napigil ni Anne ang kilig na nararamdaman nang makitang halikan ni Evan ang kaibigan sa noo.
“Ang daming langgam.” Puna nya dahilan para parehong lumingon sa kanya ang dalawa. “Sa bahay kasi ng kaibigan namin kami nag-inom. Eh may second floor tas don kami sa taas. Susuka sana sya sa labas kaso natumba sya at nagpagulung-gulong pababa ng hagkan! Sa sobrang pagkahilo siguro, natulog sya sa sahig kung saan sya sumuka.” Mabilis na pagtutuloy Anne saka mas malakas na tumawa.
Matalim na tingin ang ibinigay sa kanya ni Phoebe pero ni hindi man lang nya ito nagpapigil.
“Akala namin napuruhan sya kaya dali-dali kaming bumaba. Tumawag pa yung iba naming kasama ng ambulansya kaso pagbaba namin,” tumigil sya para muling tumawa ng malakas, “pagbaba namin—” at ayon! Malakas nanaman syang tumawa. Paulit-ulit nya pang hinampas ang sofa na akala mo ay isang baliw.
“Subukan mo at malilintikan ka sa akin.” Madiing ani Phoebe. Namamanghang tinignan sya ni Evan. Sino ba naman ang hindi magugulat? Sa loob ng halos ilang buwan na pagsasama nila ni Phoebe sa iisang bubong ay naging mahinhin ito pero ngayong nandito ang kaibigan nya ay nakikita nya ang ibang side pa ng dalaga. Kakaiba. Kakaibang-kakaiba pero hindi iyong kakaiba na masama.
“Ihahampas ko ‘tong beer sa’yo.” Dagdag na pagbabanta pa ni Phoebe.
Pero hindi nagpatinag si Anne sa naka-ambang braso ng kaibigan. Pinakalma nya ang sarili at muling bumaling kay Evan na ngayon ay malaki na ang pagkakangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa,” Pagbaba namin ay inaaway nya yung hagdan kung bakit daw nadulas sya!” Salita ni Anne saka malakas na tumawa. “Ang tanga, ‘di ba?!”
Kung hindi lang masama ang pumatay, malamang sa malamang ay kanina pa ni Phoebe sinasakal ang kaibigan. Nakayuko syang madiin na ipinikit ang kanyang mga mata, pinipigilan ang sarili na makagawa ng krimen sa harap ng nobyo nya. Sinisiguro ni Phoebe na hindi matatapos ang gabi na itong hindi sya makakaganti sa kaibigan.
“Oh. You better not drink, baby.” Panunudyo rin ni Evan.
Padabog na tumayo si Phoebe at nagtungo sa kanyang kwarto. Hindi nya makayanan ang hiyang nararamdaman habang naririnig ang tawanan nang dalawa.
Ilang segundo lang ay agad nya nang narinig ang tatlong magkakasunod na pagkatok. Inihiga nya ang sarili sa kama saka itinulukbong ang kumot sa kanyang katawan. Paulit-ulit syang
“Babe?” Rinig nyang pagtawag ni Evan. Mas idiniin nya ang pagkakahawak sa kumot. “Baby, let’s go. Anne’s done laughing.” Muling saad ni Evan, pinipigilan pa rin ang kanyang pagtawa.
Itinaas ni Phoebe ang gilid ng kanyang labi saka matalim ang tingin na nag-angat ng mata bagaman hindi nito makita ang nobyo dahil sa kumot na tumatabing sa kanya.
“Baby?” Muling pagtawag ni Evan. Ramdam nya ang paglubog ng kabilang side ng kama kaya natitiyak nyang naupo ito roon sa kanyang gilid.
“Mama mo baby.” Mahina, tila ba nagtatampong salita ni Phoebe.
“Tara na,” saad ni Evan saka maingat na hinawakan ang kumot. “Lalamig ang binili kong pagkain. I ordered milktea for you at kami na lang ang iinom ng beer ni Anne.” Tila pakunswelong saad ni Evan. Na akala nya sa pamamagitan ng milktea ay gagaan na ang loob ng nobya. Kailan pa nakawala ng tampo ang milktea?!
“Kaya kong uminom!” She shouted. Sino ba sila para maliitin ang alcohol tolerance nya? She can and she will drink every lost drop ng lahat ng beer na dala ng nobyo nya.
“Of course you can.” Pigil ang pagtawang saad ni Evan. “But I won’t let you, baby. You’re head will hurt kapag uminom ka and I don’t want to see you in pain,” aniya na animo’y isang pitong taong gulang na bata ang kausap.
Inabot nya ang parehong balikat ng nobya saka ito nakangiting yumakap pero dahil sa pagtatampo ay mabilis syang itinulak ni Phoebe palayo.
“Alam ko pero kaya ko pa ring uminom,” aniya saka umismid.
“No one is questioning you about that, Phoebe. Pero hindi pa rin kita hahayaang uminom. I don’t want you to suffer from hang over. Kakabalik lang ng ala-ala mo at ayokong mawala nanaman ang lahat ng nasimulan na natin.”