CHAPTER 16

MAKALIPAS ANG ILANG oras ay agad na tumayo si Evan nang lumabas ang doctor mula sa operating room. Abot-abot langit ang kabang nararamdaman nya habang naglalakad ito palapit sa kanya ngunit nang makita ang ngiting gumuhit sa labi ng doctor ay syang nakahinga ng maluwag.

"The operation is successful, Mr. Johnson. She will be transfered to her room." Anang doctor saka tinapik ang kanyang balikat.

"Thank you." Isang beses pa syang yumuko upang pasalamatan ang doctor bago ito tuluyang umalis doon.

“S-sir, pwede nyo po itong suotin.” Nahihiyang iniabot ng isang nurse ang malinis na tshirt kay Evan.

“T-thank y-you.”

“I-I’m a fan po, can I have your autograph?” Saad ng babae saka inilahad ang papel at ballpen sa harap ng binata.

“Can we do that later? I need to see her. I promise to give you my autograph after I see her.”

“O-okay po. Pasensya na. Sasamahan ko na ho kayo sa kwarto nya.” Aniya saka iginaya si Evan papunta sa silid kung nasaan ang dalaga. Nakangiti nya itong tinanguan bago tuluyang pumasok sa silid.

“Phoebe?” Pagtawag nya. Hindi pa man nakalalapit ay paulit-ulit na syang humingi ng tawad dahil hindi man lang nya ito nailigtas. Umiyak sya. Sinisi ang sarili na tila baa ng pagkabangga ng dalaga ay kasalanan nya.

Nang makaupo ay agad nyang hinawakan ang kamay ng dalaga.

“Mr. Johnson.” Agad nyang pinunasan ang kanyang mga luha nang may marinig na boses sa kanyang likuran. Tumayo sya’t pilit na nginitian ang doktor. “She’s still unconscious at hindi namin alam kung kailan sya gigising. But we can assure you na she’s safe. For now.”

“What do you mean for now?”

“We still need to observe her. Some complications may occur but—“

“And the chances are?” Pinutol nya ang pagsasalita ng doktor. Ang kabang akala nya ay nawala na’y muling nagbalik dahil sa narinig. Hindi nya matanggap ang ideyang pumapasok sa kanyang isip.

“She’ll live but might lose some her memory. She was hit and was badly injured. She also hit her head," tugon ng doktor. Isang beses nya pang sinilip ang dalaga bago muling itinuon ang atensyon sa lalaking kaharap.

“L-lose her me-memory?” Ramdam ni Evan ang panghihina ng kanyang mga tuhod at bago pa man sya tuluyang matumba ay agad na syang nasalo ng doktor. Inalalayan sya nitong maupo sa silyang naroon sa kanyang likuran.

Lose her memory. Tila ba sirang plaka na nagpaulit-ulit iyon sa isip ni Evan. Ibig sabihin ay makakalimutan nya ako? Hindi nya matanggap. Hindi nya kaya.

“That might be temporary at kailangang nasa tabi ka nya sa oras na magising sya.”

Nang manatiling tahimik si Evan ay napagdesisyunan ng doktor na magpaalam na munang lumabas. “I’ll have my nurse go back to check on her every hour.” Hindi na bago sa kanya ang eksenang ganoon. Alam nyang napakahirap para sa pamilya ng taong nakaratay sa ospital ang tanggapin na makakalimutan sila ng mahal nila. Naawa sya kay Evan pero hindi rin naman sya pwedeng magsinungaling para lang pagaanin ang loob nito.

“Phoebe.” Hinawakan ni Evan ang kamay ng dalaga. Ayon nanaman ang mga luha nyang nag-uunahan sa paglandas. “You have to wake up baby, okay?” Aniya sa pagitan ng mahihinang hikbi. “You have to fight. You have to remember me.”

Months passed by like a wind pero wala pa ring signs ng pagkagising ni Phoebe. Para itong anghel na natutulog lamang sa kanyang kama. Iniayos ni Evan ang kumot ng dalaga saka nakangiti itong pinagmasdan. Ilang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin sya nawawalan ng pag-asa na magigising ito isang araw.

“Evan, I brought you food.” Salita ni Louie nang pumasok ito sa kwarto ng dalaga. Nilingon ni Evan ang manager. Isang beses pa muna syang bumaling sa dalaga para haplusin ang malambot nitong pisngi bago naglakad palapit kay Louie. “How is she?”

Umiling si Evan bilang tugon saka nilingon ang dalaga, “still sleeping.”

“Have you thought about—“

“I am not letting her go.” Mabilis na tugon nya. Sa loob ng ilang buwan ay paulit-ulit na sinuggest ng doctor na bitawan nya na ang dalaga pero paano nya iyong magagawa kung sa isip ay alam nyang lumalaban pa rin ito? Hindi ba’t kalabisan na sila ang magdesisyon para sa buhay nya?

“Evan I know that this might—“

“Have you seen her sister?” Pag-iiba nya ng usapan.

“Wala. Hindi ko mahanap ang kapatid nya dahil bukod sa hindi natin iyon kilala pareho ay walang nakakilala kay Phoebe bilang kapatid ng isang artista.”

“Damn it!” Malakas nyang hinampas ang lamesa. Ilang linggo nya na yatang pinahahanap ang kapatid ni Phoebe sa manager pero wala pa rin syang balita.

Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap nang bukas ang pinto.

“Bro!” Malakas na pagtawag ng isang binatang kaedad lamang nya. May katangkaran ito at mestizo. Ang medyo maghaba nyang buhok ay nakaladlad.

“Martin.” Salita ni Evan saka sinenyasan si Louie na pupuntahan muna ang lalaki. “What are you doing here?” Tanong nya.

“I heard about the girl. Is she—?” Nakangiting itinuro nya si Phoebe.

“Yes. She’s pretty right?”

“Uh-hu. Ngayon alam ko na kung bakit baliw na baliw ka sa kanya.”

“What brought you here?”

“Just wanted to check kung talagang maganda sya para hindi ka pumasok sa trabaho ng ilang buwan.” Nakangiwing tugon ni Martin. Ang pagsilip sa dalaga lang talaga ang naging pakay nya at ngayong nakasigurado na sya sa itsura nito ay hindi nya masisisi si Evan sa naging desisyon.

She’s really pretty. I wonder if I can get her away—

“And now?” Hinawakan ni Evan ang kamay ni Phoebe. He’s protecting her dahil nababasa nya na ang nasa isip ni Martin sa paraan pa lang ng pagkakangiti nya.

“I’m off. May kailangan pa akong asikasuhin tungkol sa isang commercial.” Ganoon lang talaga sya kabilis nanatili roon.

“Okay. Take care. Bye.”

Hinatid nya si Martin sa pinto. Kasabay nito ay ang paglapit ni Louie sa kanya. Nagpaalam ito na may bibilhin muna sa labas.

“Babalik din ako kaagad," ani Louie saka nakangiting tinapik ang balikat ni Evan.

Nang muling pumasok sa loob ay agad na kinuha ni Evan ang kanyang twalya’t lumapit sa kama ng dalaga. Hawak ang kamay nito na yumuko sya’t ginawaran ng halik ang labi ni Phoebe.

“I’ll take a bath now, Phoebe. Sayang. I know you wanted to see my abs pero hindi mo magagawa dahil nakahiga ka dyan. Wake up now okay?” Saad nya pero agad syang natigilan nang maramdaman na may pumisil sa daliri nya. Agad nya iyong sinilip ngunit hindi na muli ito gumalaw kaya naman naisip nya na baka guni-guni nya lamang iyon tulad nitong mga nagdaang linggo.

“Hmm.” Rinig nyang daig. Agad syang nag-angat ng tingin para lamang makita na nakadilat na ang mga mata ng dalaga.

“P-phoebe?!” Hindi makapaniwalang saad nya. Nagsimulang mag-unahan ang kanyang mga luha. “Baby! Can you see me?” Tanong nya saka niyakap ang dalaga. Paulit-ulit syang nagpasalamat pero agad syang natigilan nang magsalita ang dalaga.

“N-nasaan ako?” Nagtatakang tanong ni Phoebe. Inilibot nya ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid.

Parang binuhusan si Evan ng malamig na tubig nang makita nya ang nangingilalang tingin ng dalaga. Nakalimutan nya ba talaga ako?