CHAPTER 2: ONE NIGHT ACCIDENT

Dumating ang umaga. Hindi alam nina Eury at Knox kung paano haharapin si Wigo. Nag-aaway ang dalawa kung sino sa kanila ang kakatok sa pinto.

"Knock on! You are the one who thought of giving a gift to Wigo, pero palpak!" Tinulak ni Eury ang balikat ni Knox. Hindi kasi nagpakita ang babaeng binayaran nila na magbibigay sana ng kasiyahan kay Wigo.

"You're good at blaming. Hey, Eury! We both planned this, have you forgotten? Kaya, mas mabuting sabay na tayong kumatok, at sabay nating salubungin ang galit ni Wigo," reklamo ni Knox. Siniko pa niya si Eury sa tagiliran. Aware sila na sinira nila ang gabi ni Wigo.

Nang kumatok silang dalawa sa pinto ay bigla itong bumukas. Tumambad ang hubad na katawan ni Wigo, ngunit nababalot ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya. Ang kanyang nakikitang mga kalamnan ay halatang nabuo sa pamamagitan ng ehersisyo. Natigilan ang mga pinsan niya at nagtaka kung bakit wala siyang suot na damit, samantalang hindi naman dumating ang regalo nilang babae. Tiningnan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. Pero, mukhang balisa si Wigo. Hindi niya pinansin ang mga pinsan niya. Lumabas siya ng pinto at tinignan ang hallway sa kaliwa't kanan. May hinahanap ang kanyang mga mata.

"Sandali, anong ibig sabihin nito?" Napahawak si Eury sa baba habang patuloy na pinagmamasdan si Wigo.

"In his condition, without clothes, anxious, and he is looking for someone, that only means one thing. May hinahanap siyang babae," bulong ni Knox kay Eury.

"Where is she now?" tanong ni Wigo sa kanyang mga pinsan. Sabay silang umiling at nagkatinginan. Lumapit si Knox at inakbayan si Wigo.

"Who? Is that a woman?” Taas baba ang kilay ni Knox. Samantala, nagdikit ang makapal na kilay ni Wigo.

"Huh? Aren't you the ones who sent her here last night? Nasaan siya?" 

“Wow! Does that mean another woman gave you comfort under the cold night?" sigaw ni Eury. Tumaas ang kilay ni Wigo at namumula ang mga mata sa inis.

Inalis ni Wigo ang kamay ni Knox na nakasabit sa kanyang balikat. Pumasok siya sa loob ng kwarto para kunin ang kanyang mga damit, ngunit may nakita siya sa sahig. Kinuha niya iyon, isang kwintas na may pendant na buwan na nakaukit ang pangalan ng isang babae— Mariya.

"Wait! Maybe you want to talk about the woman you were with last night?” tanong ni Eury. Agad na hinablot ng mga palad ni Wigo ang kwintas bago pa makalapit sa kanya ang kanyang mga pinsan. At saka pinagpatuloy niya ang pagpupulot ng kanyang damit.

“Who? Didn't you two give me a woman as a gift, tapos tatanungin niyo ako ngayon, who is she?" Nilingon niya sina Eury at Knox. Isinuot din niya ang kanyang damit.

"Tatanungin ka ba namin kung kilala namin yung babaeng kasama mo kagabi?" Tumalon si Eury sa kama. Sandaling tumigil sa paggalaw ang katawan ni Wigo. Siya ay nagtaka.

"The girl we were supposed to give you didn't come. That's why we are here to check on you. Pero hindi namin inaasahan na may dumating na ibang babae," paliwanag ni Knox. Naningkit ang mga mata ni Wigo, at isinuot niya ang kanyang itim na t-shirt.

"Anong ibig mong sabihin? The woman I was with last night wasn't the—“

"Yuck! Disgusting!" Tumayo si Eury mula sa kama at pinagpag ang kanyang damit.

"What is that? Blood?" Idinagdag niya. Nagmamadaling lumapit si Knox para tingnan ang pulang marka sa puting bed sheet. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang lingunin niya si Wigo.

"Dude, it looks like you victimized a virgin last night. You are lucky! Is she good?” tanong ni Knox. Napatikom na lang ng bibig si Wigo. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang kanyang mga pinsan.

"That means what happened last night was just a one-night stand accident," bulong ng isip ni Wigo. Naalala niyang tila nga wala sa sarili ang babae nang pumasok ito sa kanyang silid. Kaya naman iba ang sensasyong naramdaman niya habang nakikipagtalik sa dalaga dahil iba ito sa lahat ng kanyang nakasiping. Sa bawat haplos ng kamay ng babae sa parte ng katawan niya, hindi niya maintindihan kung bakit parang may kung anong kuryente ang gumising sa kanya. Kaya hindi na napigilan ni Wigo ang sarili. Pakiramdam ni Wigo ay konektado ang kanilang mga katawan at kailangan nilang maging isa.

"I need to see her again," bulong muli ng kanyang isip.

"Hey!" Tinulak siya ni Eury. Kumurap-kurap lang ang mga mata niya.

"Matutulala ka na lang ba? Hindi mo man lang kami sinasagot? Mukhang nasa harapan mo na si Mr. Kupido. It's obvious! You're thinking about the woman you slept with last night. Has your cold heart started beating?" Nang marinig ni Wigo ang sinabi ni Knox, hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kwintas sa kanyang mga kamao.

“I will find her! And, you two will help me," tuluyang sagot ni Wigo sa kanyang mga pinsan at lumabas na siya ng kwarto. Nagkatinginan sina Eury at Knox.

"Ayokong bisitahin ako ni Mr. Cupid," sabi ni Knox.

"Especially me," depensa ni Eury. Hinabol nila si Wigo. Desidido ang kanilang pinsan na hanapin ang babaeng naka one-night stand niya. Kahit na hindi nila alam kung saan sila magsisimulang maghanap. At kahit sila ay hindi sigurado kung mahahanap ba talaga nila ang babae.