CHAPTER 8

"You're mine"

Heh! You're mine my ass.

Aish! Erase! Erase! Erase!

Sinabi niya lang yan kasi kasal kami sa papel, may responsibilidad ako sa kanya biglang asawa niya, sa papel.

"You can't escape from me, Cia. You better not cheat on me"

Bwisit! Ano ba yan! Letche! Letche! Letche!

Cheat?! Ako pa talaga mag-chicheat? Hah! Tanong niya sa Lan Dawson niya.

Teka nga lang! Aish. Bakit na naman dinadamay ko pa si Lan? Mababaliw na talaga ako dito.

"I have my eyes on you, you won't like it if I'm mad"

Ano ang ibig niyang sabihin? May pasekreto bang nagbabantay sakin?

Bakit ba kasi sa isang Enlil Chen pa ako napunta eh.

"CIARRA FLÍNCH!"

"Ay kabayong palaka!"

Lahat ng classmate ko ay nagtawanan, shems nasa klase pala ako

"How dare you daydream in my class!"

Terror pa naman tung teacher na'to.

"Maybe she's still dreaming on meeting the top 3" dagdag pagalit pa sa teacher na sabi ni Aria

Top 3?! Ni ayoko na ngang makita yang top 3 niyo!

"Get out of my class!" sigaw pa niya sakin

Tawang tawa naman sila Aria at Vera. Bwisit na Enlil kasi to.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na, mamaya pa uwian nila lou, nasa class B kasi siya ngayon.

Saan naman ako pupunta?

Ay oo nga! Dito din pala sa skyland nag-aaral si shin. Bisitahin ko kaya? Ilang araw ko na din siyang hindi nakikita.

Naglakad ako papuntang kindergarten, medyo malapit lang naman dito sa senior high.

Pagkarating doon ay kita ko mula rito sa labas ang mga bodyguards at yaya ni shin. Grabe tong batang to, papasok lang sa paaralan halos bente pa ang kasama.

Nang makalapit ay sumilip ako sa loob. Nakita ko si shin na pinagkalaguluhan ng batang babae, ang gwapo naman kasi. Kaso dedma lang siya, hindi din siya nakikinig. May sinusulat lang siya sa notebook niya

"Madam ciarra?"

Napatingin ako kay sir Terri "Sir Terri, kayo po pala. Cia nalang po tawag niyo sakin"

"Sige iha, andito ka ba para bisitahin si young master shin?"

"Opo sana, kaso hindi pa tapos ang klase niya"

Parehas kaming napatingin kay shin na hindi man lang makinig.

"Ilag na Ilag siya sa tao at ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya ng iba, kaya't hindi kami makapaniwala ng inuwi mo siyang karga karga" -Sir terri

"Eh? Bakit po?"

"Hindi din namin alam, maliban sa kuya niya wala na siyang ibang gustong hawakan o ngitian man lang. Maski ako ay hindi niya mabigyan ng ngiti"

"G-ganon po ba?"

"Hmn. Batid kong naghahanap lang siya ng pagmamahal, at nakita niya iyon sa iyo"

Hindi na ako sumumbat at pinagmasdan lang si shin, kung tutuusin kitang kita mo sa mata ni shin ang kakulangan sa pagmamahal.

Gusto niya lang ng aruga at maging malaya, kaya siguro siya tumakas noon dahil nasasakal siya sa bantay niya.

Sa pagmamasid ko sa kanya ay bigla siyang napatingin sakin, nanlaki ang mga mata niya at walang alinlangang tumakbo papunta sakin

Hala!

Hindi na din ako naghintay pa at sinalubong siya sa may pinto, agad siyang yumakap sakin at nagpakarga.

Napakahigpit ng yakap niya

"Hindi pa tapos ang klase mo shin" sabi ko pero dedma lang siya.

Siguro kailangan niya ng panahon para makahinga ng maluwag.

"Sir Terri, pwede ko po bang ipasyal muna si shin? Kaming dalawa lang po sana. Promise isusuli ko po siya ng buo"

"Hahahaha may tiwala naman kami sayo iha"

"Salamat po"

Pareho na tayong wala sa klase sa oras ng klase natin shin.

Ipinunta ko si shin sa garden, dito sa senior high. Dala dala pala ni shin ang bag niya, hindi ko man lang napansin.

Naglabas siya ng papel at ballpen

"Thank you for taking me away, I knew you'll understand me"

Napangiti ako sa sinulat niya, ginulo ko ang buhok niya at niyakap siya.

"Hindi ka naman mahirap intindihin shin, masyado lang silang busy kaya hindi nila napapansin. Gusto mo ba kumain?"

Tumango tango naman siya. Nilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number ni lou

Siguro naman uwian na nila

[Hi! Ba't napatawag ka?]

"Tara kain, hintayin kita sa caf"

[Sige sige! Papunta na ako]

Binaba ko na ang tawag at kinarga si shin

"Tara na, papunta na daw ang ate lou mo"

*****CAFETERIA*****

"B-bakit nasa'yo ang batang yan?"

"Dito din siya nag-aaral kaya minabuti kong kunin muna"

"Hindi ba tayo ma-aakusahang kidnapping niyan?"

"Gaga! Pinaalam ko"

"Hay mabuti naman" naupo na siya sa harap namin at nginitian si shin "Hi! Ano pangalan mo?"

Kinuha niya ang papel at ballpen niya at sinulat ang pangalan niya

Takang taka akong tinignan ni lou pero sinenyasan ko nalang na huwag na niya pansinin.

"Ako nga pala si lou, kaibigan ng ate Cia mo"

Tumango lang si shin at kumain na ulit. Napangiwi naman si lou na tinawanan ko nalang.

Nagsimula kaming kumain, naunang natapos si shin kaya naglaro muna ata sa cellphone niya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang may tumapon na baso sa table namin

Napatingin agad ako kay shin, baka kasi natamaan siya. Buti nalang hindi

"I didn't know baby sitter na pala kayo ngayon" nang iinis na sabi ni Aria

"Aria huwag ngayon, may bata" sayaw ko pero hindi siya tumigil, umupo siya sa tabi ni lou at tumingin kay shin

"Hi baby boy! Would-"

"Aria kung ano mang balak mo sa bata huwag mo na ituloy" saway ko ulit

"Why being over protective ciarra? I just wanna play with the little boy" bakas sa tono ng pananalita niya ang pang iinis

"Hoy Aria! Tigilan mo kami ngayon ha, nananahimik kami" -Lou

"Pft. Since when I started to obey you?" -Aria

"Aria tama na, may bata dito"

"Who cares? Ayaw mo bang malaman ng bata na nilalandi mo si Morgan?" -Aria

"Ano?!"

Si Morgan? Nilalandi ko?

"Ow little boy, you should never hang out with a trash like her. She's nothing, if you'll stick with her... them you are too"

"Aria tama na, pati ba naman bata sinasali mo sa pagiging immature mo?"

"Wow! Look who's talking. The feeling innocent pero palihim na nilalandi si Morgan, kahapon nga lang nakita namin kayong magkahawak kamay" tinignan pa niya ako pataas baba "And now feeling all pure sa harap ng bata, ba't hindi mo ilabas ang baho mo?"

"Hoy Aria sumosobra kana ha" -Lou

"What? Defensive ka kasi totoo?" - Aria

"Pwede mo kong laitin hangga't kailan mo gusto Aria, pero ang idamay ang bata sa kalokohan mo ay sobra na. Kausapin moko, saktan moko o kutyain moko, pagsalitaan moko ng masama kung gusto mo, pero gawin mo yan pag walang bata"

"Bakit takot kang malaman ng bata yang ugali mo?"

"Takot akong makopya niya yang walang kwentang pag-uugali mo"

Sa Inis ay binato sakin ni Aria ang platong may lamang salad, pinagkainan ni Shin.

"Aria!" -Vera

"Cia!" -Lou

"What Vera? You'll protect her too?" Inis na tanong ni Aria

Hindi ako gumalaw sa inuupuan ko, tinatanggal naman ni lou at shin ang mga macaroni na dumikit sakin, nabasag din sakin yung plato

"No! This is beyond the belt Aria. Omygod! Look she's bleeding, I'm-I'm out of here" sabi ni Vera at umalis

Galit paring nakatingin sakin si Aria "You deserve it" sabi niya at umalis

"Gosh! Apaka immature, I can't believe na kaya na niyang gumawa ng ganitong bagay dahil lang sa picture" galit na sabi ni lou habang pinupunasan ako

"Ayos ka lang lou? Ikaw shin, ayos ka lang?" Tumango naman si shin habang inaabutan ng tissue si lou

"Ako pa talaga tinanong mo? Ikaw tong binato ng platong may laman na salad, tignan mo yang noo mo! Dumudugo, Tara sa clinic" tarantang sabi niya at pinatayo ako

Kinuha niya ang bag ko at bag ni shin, hinawakan din niya ang kamay ni shin para hindi mawala, habang inaalalayan ako