Chapter Six:Sesante
"It is in your moments of decision that your destiny is shaped. "-Tony Robbins
Carlos’ POV
"I thought you dislike her." Salubong ni Rand sa'kin pagpasok na pagpasok ko sa opisina nito. Nagtatakang napahinto ako sa paghakbang. Mauupo sana ako doon sa mahabang sofa sa isang gilid ng kaniyang opisina pero agad akong na-curious sa winika niyang 'yon.
"Who?" taas ang isang kilay na tanong ko rito. Who could that be? Surely, she wasn't referring to Stephanie, 'yong anak ng kaibigan ni Mama na inirereto nito sa'kin eversince. Rand knows how I disliked that girl. Masyadong bossy, spoiled brat, maingay at palagi nang kulang sa tela ang mga kasuotan. Tss.
"Claudette," sambit nito nang hindi inaangat ang ulo mula sa tinititigang mga papel na nasa mesa nito. Nangunot ang noo ko pagkarinig sa binanggit nitong pangalan. Wala naman kasi akong kilalang babaeng may ganoong pangalan.
"Claudette who?"
"Ashley Claudette," kunot-noong anito sabay sulyap sa'kin. Agad namang nagliwanag ang mukha ko pagkarinig sa Ashley. Ah yes, I recognized her name. Natatandaan kong binanggit ni Desiree ang pangalang 'yon noong gabi ng Thanksgiving Party. Kung ganoon ay Ashley Claudette pala ang buong pangalan ng babae. Hmm, nice name. "I do,"sabi ko at saka sumalampak sa sofa.
"Eh, ano 'yong nakita ko kahapon? May pabitbit-bitbit ka pa ng plastic bag. Kelan ka pa nagpaka- gentleman?"
"Whoa! Insan, that's below the belt."
May dating ang sinabi niyang 'yon kaya medyo nasaktan ako. Granted kilala ako ng buong angkan ko bilang istrikto, masungit at metikuloso. May OCD nga daw ako, Obsessive Compulsive Disoder. Yun ang sinasabi nila pag inaasar ako. Not true, though. I just like being neat. I like being organized. But I I know when help is needed. At regardless ng personal feeling I can extend a helping hand when it’s called for.
"Sabi mo kung hindi ko siya maipapadala sa ibang branch para ma-train ay sesantehin ko na lang."
I heard my very own words coming back to me. Lalo nang nangunot ang noo ko. Kahit kailan talaga ugali na ng pinsan kong ito ang ipakain sayo yung mga salita mo. Oo nga't sinabi ko 'yon noong grand opening ng Paulina Mart. Pero dahil lang naman 'yon sa matinding inis.
Binangga ako ng babaeng 'yon eh. Nabasa at narumihan ang damit ko. At imbes na mag-sorry ay mas galit pa kaysa sa'kin. Ipinagpipilitang ako ang bumangga sa kanya. Well, okay, maaaring ako nga siguro ang bumangga sa kanya. Who cares? I was so busy inspecting the display and I didn't see her. But she should have recognized me. I am an Andrada, after all.
"Sabi mo hindi siya pwedeng mag-undergo ng training sapagkat estudyante siya. At isa pa ay part-timer lamang. Hindi mo rin siya maaaring sesantehin sapagkat si Desiree ang immediate boss niya at siya lang ang maaaring gumawa noon. Which of course, very lame reasons. Ikaw ang manager. May kapangyarihan kang sesantehin ang sinomang empleyadong sa palagay mo ay nararapat sesantehin."
"No, I can't do that. Ipinakiusap siya sa'kin ni Des. Isa pa hindi ko siya maaaring sesantehin dahil lamang sa nangyari sa inyong dalawa. That is so unfair to her." Muli itong yumuko at ibinalik ang atensyon sa mga papeles na pinag-aaralan kanina.
"So, ibig sabihin kinakampihan at mas pinaniniwalaan mo ang babaeng 'yon kaysa sa'kin na pinsan mo?" mahinang sabi ko. Feeling comfortable doon sa mahabang sofa niya. Itinaas ko pa ang mga paa ko at iniunat doon.
"Wala akong kinakampihan. Hindi ito kampihan o ano pa man. Stop being unreasonable." Tinapunan niya ako ng iritadong sulyap.
"Or maybe you have a thing for that girl. May gusto ka ba sa kanya? She's quite pretty." Ewan ko ba naman kung ano ang nakain ko at nasabi ko 'yon. I guess I was just trying to pry a bit of imformation from him. Bagay na may kinalaman sa Ashley Claudette na 'yon. Curious lang naman ako.
"Wala akong gusto sa kanya. And put down your feet, will you? Marurumihan 'yang sofa." He pursed his lips. Lihim akong napangiti. Lalo lang akong ginanahang asarin siya.
"Or baka naman kay Desiree...? I remember Tita Suzanne said that you were the one who introduced her to the family."
Muli niya akong tinapunan ng matalim na sulyap. Hindi ko sinunod ang sinabi niyang ibaba ko ang paa ko. Nag-antay ako ng reaksyon tungkol kay Desiree pero bigo ako. Kunsabagay alam ng lahat na she's Kuya James Edrick's girl.
"Or that Jaq girl. Mahabang buhok, maputi, may dimple. Cute ang mukha. An LJ Reyes. Yeah, she's your type," sabi kong parang hangin ang kausap habang nakatitig sa kisame. Nagulat na lang ako at muntik nang mahulog sa sofa nang halos mabuwal iyong swivel chair ni Rand. Bigla kasi itong tumayo at halos gumulong palayo 'yon.
"Wanna go out for lunch. I'm starving," anito saka mabilis na sininop ang mga papeles at nilagay sa drawer ng mesa niya. "At pwede ba, insan pagkakain mo ay bumalik ka na sa Caloocan. Baka hinahanap ka na doon. Tutal naman tapos ka na sa pinagagawa ko sa'yo dito. Kaya ayos lang kung hindi ka na pumunta pa dito."
Halos umuga 'yong mesa niya dahil sa lakas ng pagkakasara niya doon sa drawer.
What the fu... Ano'ng ginawa ko at kulang na lang palayasin niya 'ko sa opisina niya?
Binanggit ko lang naman ang pangalang Jaq ah. Well. Lihim akong napangiti. Kung ganoon ay tama ang hinala ko. He likes that Jaq girl at TheDesire. Walang kibong bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa at saka sumunod rito palabas ng opisina nito.
Marami pa akong gustong itanong pero siguro mas mabuting tumahimik na lang muna ako for the moment. Sa ngayon ay alam ko na kung ano ang gagawin ko sakaling tawagin na naman niya akong Miggy. May pangganti na ako kaya ingat ingat din siya pag may time.
"Your car or mine?" tanong ko rito pagkalabas ng department store.
"Mine,"sagot nitong hanggang ngayon ay salubong pa rin ang mga kilay. Walang kibong sumunod ako patungo sa kung saan nakagarahe ang kotse nito. Mahirap na. baka tuluyang topakin hindi ako pakainin ng lunch.
“Ah, insan. para lang malinaw ang lahat. I don’t dislike that girl. Not anymore. At oo tinulungan ko nga siya. Iyon ay dahil sa kung maaksidente man siya doon sa hagdan sagutin ‘yon ng kompanya. Walang ibang kahulugan iyon. At sorry kung sinabi kong sesantehin mo siya. Tama ka hindi dapat. Lalo na at isa pala siyang estudyante. Nasabi ko lang naman iyon. I don’t expect you to do it, of course.”
Paliwanag ko rito habang patungo kami sa restaurant kung saan kami magla-lunch.
“Tulad ng sinabi ko. Wala sa’kin ang desisyon para sesantehin siya. At kahit nasakin hindi ko gagawin. Thank God, nag-iisip ka ng tuwid,” nakasimangot na saad nito habang tuwid ang tingin.
Tss. Pakiramdam ko binatukan ako doon ah. But maybe I deserved it. Bumuntunghininga na lang ako kahit nais ko pa sanang magpaliwanag. What is there to say? Tama naman ito. At isa pa humanga din ako rito. He just showed one attribute of a good leader kahit na siya ang pinakabata sa aming tatlo. Dahil doon ay nasiguro kong another branch of Paulina Mart is in good hands. I’m just glad that he asked for my help and did not act as if he could do it all. Kuya James and I will always be there for him. The entire clan, for that matter. Andrada is one close knit family after all.
I settled myself comfortably on the passenger seat and waited wherever restaurant he would take me. Mahirap na din magsalita pa ako. Bukod pa sa baka hindi masarap ang ipakain sa’kin eh baka hindi na nga ako pabalikin sa kaniyang department store.
*****