PSZM 9

NAGISING si Amary ng hindi niya makapa ang asawa sa kaniyang tabihan, bumangon siya at hinanap ang asawa sa kanilang silid ngunit isang petals ng rosas na kulay pink ang natagpuan niya sa bed side table.

Kinuha niya ito at pinakatitigan. She appreciates it. Mas mahalaga pa ang isang petals na ito kaysa sa bouquet na bulalak. Habang nakatitig sa hawak niya may pumasok sa isip niya, isang imahe ng batang babae at lalaki. A young girl was crying when a young boy give it a one petals of flower that's make it stop cryin’.

Naalala niya na may nagbigay na rin sa kaniya ng ganito ng siya ay bata pa. A petal of rose. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung na saan na ang batang iyon.

Hindi niya pinansin ang pagbukas at sara ng pinto dahil alam niyang ang asawa ito. “Good morning babe! Gising ka na pala,” Rinig niyang sambit ng asawa. Nakangiting nakatitig pa rin siya sa hawak niyang petal.

Amary know it's from her husband.

“Morning...” Tipid niyang sagot dito inilapat sa dibdib ang isang petal, she's so happy.

“Happy? How about this?” Bumaling siya sa gawi ng asawa, napangiti siya ng makitang may hawak itong isang rosas na kulay pink at ang ganda nitong pagmasdan, malaki rin ito.

“Para sa akin ba iyan?” Nagniningning ang kaniyang mga mata na nakaluhod sa kama habang nakatingin sa pink na rosas.

Naglakad papalapit sa kaniya ng asawa, nakatayo lang ito sa gilid ng kama sa harapan niya. Iniabot nito ang bulaklak sa kaniya.

“Of course! Flowers for you, birthday girl.” Nanlaki naman ang mata ni Amary ng marinig ang sinabi, muntik niya ng makalimutan na ngayong araw na pala ang birthday niya parang kailan lang ay binigyan siyang advance na regalo ni Klint.

“Happy birthday, wife. I hope you enjoy this day with me,” Muling saad ng kaniyang asawa. Nakangiting inabot niya naman ang bulaklak, hindi niya akalain na alam ng asawa ang kaarawan niya wala silang napag-usapan tungkol dito.

“T-thank you,” Hindi maiwasang maluha ni Amary dahil sa ginawa nito. Hindi naging maayos ang simula nila kaya hindi niya inisip na malalaman nito ang kaniyang kaarawan? Wala naman siyang nabanggit dito.

“Hush... Now, babe. It's your day you're supposed to be happy, do I make you cry?” Pinunasan nito ang kaniyang luha bago siya hinalikan sa pisngi at niyakap.

“Natutuwa lang ako, wala akong natatandaan na sinabi ko sayo ang birthday ko...” Ngumisi naman ang asawa.

“Asawa mo ako dapat alam ko iyon.” Hinalikan siya nito sa gilid ng noo.

“Get up now, wife. Fix yourself we where going out.” Dagdag pa nito. Mauupo na sana ang asawa sa kama ng ipinalibot niya ang kaniyang braso sa leeg nito at hinila para yakapin. Nabigla si Zarchx sa ginawa ng asawa kaya nawalan siya ng balanse dahilan para bumagsak siya sa kama habang nasa ibabaw nito.

Napatawa si Amary dahil sa naging reaction ng asawa. Pilyong ngiti naman ang sumilay sa labi ni Zarchx ng makabawi sa pagkagulat.

“Balak kung sa labas mag-almusal pero nagbago na isip ko, ikaw na ang aalmusalin ko.” Siniil ng halik ni Zarchx ang asawa bago hinila ang kumot patalukbong sa kanilang dalawa, at naging masarap nga ang kanilang almusal na pinagsaluhan. They are both naked. Pareho silang habol hininga. She's lying on the bed while her husband is on her top, she hug her husband so tight. She can't help but to cry in so much happiness she felt.

“What was that for?” Kunot-noong tanong ni Zarchx sa asawa ng bigyan niya ng distansiya ang mukha nila. Puno ng luha ang pisngi ni Amary at patuloy sa pag-iyak, masayang-masaya siya na nararamdaman niya ang pag-aalaga ng asawa. He did he's responsibility as a good husband. He is happy and content on her. He never fail make her fall for him so hard and hard.

Hindi niya na kayang pigilan pa ang nararamdaman, she love her husband so much.

Pinunasan nito ang kaniyang luha. “Babe, ayaw kung bumaha ng luha dito sa kama payag pa ako kung katas nating dalawa,” Pilyong ani ni Zarchx na ikina-iling ni Amary at bahagyang itinulak ang mukha nito ng akmang hahalikan siya. Balewala ang pagod na kanilang nararamdaman.

Napako ang tingin nila sa isa't-isa, Amary wrapped her arms around her husband neck, she look in his eyes full of love.

‘This man in front of me is the first man I experience my every first. I love him unconditionally, he's the best gift I ever had in my life, I love you so much... I really do love you...’ Sa kaniyang isipan.

“I love you, Zarchx...”

Natigilan siya ng lumabas sa kaniyang bibig ang salitang matagal niya ng nililihim, akala niya’y nasa isip lang iyon ngunit hindi.

Nang makabawi na sila ng lakas ay sabay silang naligo. Natagalan sila sa banyo dahil hindi lang ligo ang kanilang ginagawa dahil walang kapaguran ang asawa na angkin siya ng paulit-ulit.

Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan ni Zarchx, tahimik lang siya sa tabi at abala naman ito sa pagmamaneho.

‘Narinig niya kaya ang sinabi o nagbibingi-bingihan lang siya?’ Tanong sa kaniyang isipan.

Baling niya ang asawa na nakatutok sa kalsada. Sandali itong napatingin sa kaya ngitian niya ito bago nag-iwas ng tingin. Itinutok niya ang kaniyang attention sa labas ng bintana at napansin niyang tinatahak nila ang daan papunta sa Mansion ng kaniyang mga magulang magtatanong na sana siya sa asawa kung anong gagawin nila sa kaniyang Mansion ng itigil nito ang sasakyan sa park na pamilyar sa kaniya.

Kaagad namang bumaba ang kaniyang asawa at pinagbuksan siya nito ng pinto. Nakatingin siya mukha nito. Ilang beses itong lumunok ng laway bago ngumiti at inabot ang kamay sa kaniya.

“Hi. I’m Aleonixous Kent Zarchx Pendilton,”

Tinanggap niya ang kamay nito at inaalalayan siyang makababa sa sasakyan. Nanlaki ang mga mata ni Amary ng marinig ang buong pangalan ng asawa. Naalala niya na ang batang lalaki na nagbigay sa kaniya ng isang petals ng pink na rosas sa mismong Lugar na ito at ang kaniyang asawa ay hindi niya lubos akalain na iisa.

“I-it's you...?” Hindi makapaniwalang tanong sa asawa na kaagad naman itong tumango. Sabay silang lumingon sa puno kung saan sila tumambay ng araw na iyon ng sila’y magkakilala.

“Me I know your name, beautiful?” Iniabot nito ang kamay sa kaniya para makipag-kamay. Pinagmasdan niya ang kamay nito bago tumingin sa mukha ng asawa, ganitong-ganito rin ang nangyari noon.

“I’m Amary. Nathashira Amary Fuentabilla.” Nakipagkamay siya sa binata habang nakapako ang kanilang mga tingin, marahang pinisil ng asawa ng kaniyang kamay.

Hindi talaga siya makapaniwala na malaman ang buong pangalan ng asawa.

Isa itong Pendilton!

Ang pagkakaalam niya isa sa pinakamayamang pamilya ang Pendilton sa buong bansa at kinakatakutan din ito ngunit walang nakakakilala sa mga ito maliban sa kanilang pamilya at malapit na kaibigan. Nanggagaling din siya sa mayaman na pamilya ngunit ang maikasal sa isang Montenegro ay masyado ng mataas para sa kaniya paano pa kaya ngayong nalaman niyang Pendilton ang kaniyang asawa? Hindi niya akalain na makikilala niya ang isa sa Pendilton at naging asawa pa!

“Oh god! This can't be...” Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin sa asawa at ininakip ang dalawang palad sa kaniyang mukha na alam niyang namumula. Naramdaman niyang may yumakap sa kaniya mula sa likuran at bumulong.

“Seems that my wife is shy on me,” Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa gilid ng tenga.

“Sino bang hindi? Nang maikasal ako sa isang Montenegro naisip kung hindi kami magka-level dahil sa estado niya sa buhay, ngayon pa kayang malaman kung isa siyang Pendilton?!” Hindi diretsahang ani niya pero ito ang tinutukoy niya. Tinampal ni Amary ang kamay ng asawa na kayakap sa kaniya bago ito nilingon.

“Babe, I am still your husband. Weather I am Montenegro or Pendilton nothing have changed. It's just a name, and me? I am your man, forever.” Kinindatan siya ng asawa. Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kaniya, hinawakan niya ang kamay nito na nakayapos sa katawan niya.

“Saksi ang punong ito kung paano naging masaya ang kaarawan ko kasama ka. Ngayon, masasaksihan ng punong ito kung paano ko mapapasaya ang babaeng mahal ko sa kaarawan niya.” Dagdag pa ni Zarchx at pinaharap sa kaniya ang asawa. Nakatitig lang si Amary sa mata ng asawa, walang salita na gustong lumabas sa kaniyang bibig. Pinagpatuloy nito ang pagsasalita.

“Maniwala ka sa hindi, nang araw na iyon ay tinakasan ko ang mga bodyguard ko papunta kami sa hotel kung saan gaganapin ang birthday ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta alam ko sa sarili ko na gusto kong maglibang at maging ordinaryong bata. Nakita ko ang mga bulaklak na nilalako ng Ali, binili ko na, trip ko lang. Binibigay ko sa bawat babaeng maganda sa paningin ko. May isa pang natitira naisip kong ibigay iyon sa babaeng pinaka-importante sa buhay ko ng biglang may umagaw sa akin sinubukan ko pang kunin ngunit isang petal na lang ang nakuha ko. May narinig akong umiiyak hindi kalayuan sa akin kaya nilapitan ko, I watch her almost a minute hindi pa rin siya tumatahan. I don't know how to approach her, I want to handed her a hanky but I don't have anything maliban sa isang petal ng rosas na hawak ko. Cheap, pero wala na akong ibang choice kundi subukan na lumapit dahil gusto ko rin naman na makilala siya. I give her the petal and she stop crying and smile on me, we meet and know each other, nagkakwentuhan at nagkalaro. We had fun together in a short time, it's weird but yeah! It's my first time to play, at kasama pa ang babaeng kakakilala ko pa lang. Iyon ang pinakamasayang birthday na mayroon ako. Simple, no party, no paparazzi, no expensive gift, no luxury people around me and keep on greeting and it's so irritating to thank them one by one. That time, I enjoyed my day with you... I enjoy my birthday when I meet a cute crybaby little girl...”

Pagkukuwento ni Zarchx habang inaalala ang araw na iyon. Kung hindi niya sinubukan na tumakas hindi niya makikilala noon ang dalaga bago niya pa ito naging asawa. Sa katunayan ay hindi niya na ito nakikilala ngunit sa tuwing binabanggit niya ang pangalan nito ay may kakaiba siyang pakiramdam, noong una akala niya galit lang ang nararamdaman dito pero mayroon pa pala dahil ito ang babaeng nagpatibok sa kaniyang puso mula ng araw na iyon. Huli na ng ma realize niya ang lahat, nasaktan niya na ito ng sobra, hindi niya ito tinrato bilang asawa maging irespeto ito bilang isang babae. Kaya ginawa niya ang lahat para makabawi dito.

“Ngayon, sa kaarawan niya gusto kong siya naman ang pasayahin ko. Araw na hinding-hindi niya makakalimutan. Ito ang unang kaarawan niya na kasama ako, I can give her everything she need and want but I know she just need one thing to hear from me. I want her to be the most happiest woman in the whole world...” Sinapo ni Zarchx ang mukha ng asawa. Umiiyak na si Amary sa hindi maipaliwanag na kasiyahan sa kaniyang puso.

“I l-love you too, babe...”

Bulong ni Zarchx habang nakapo ang mata nila sa isa't-isa na puno ng pagmamahal.

“I love you too ka diyan! Sinabi ko bang mahal kita?” Natawa si Zarchx sa late reaction ng asawa. Iyong tipong tutulo na ulit ang mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata ngunit biglang nagsiurong dahil sa sinabi ng asawa. Tinuyo ni Zarchx ang namamasang pisngi ng asawa.

“Oo kanina, sa bahay. Akala mo hindi ko narinig? I'm not deaf babe –”

“Tse! Bakit hindi ka nagsalita kanina?”

“Pinangunahan ako ng daga sa puso ko. Tangina, kung alam mo lang kung gaano ako ka torpe pagdating sayo. Isa pa dito ko talaga planong sabihin iyon sayo, pinaghandaan ko talaga!”

“Torpe pala ah...” Panunukso ni Amary sa asawa.

“Hindi nu, sadyang mahiyain lang talaga ako.” Protesta ni Zarchx. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang asawa.

‘Marunong rin pa lang mahiya ang lokong ito’ Sa isip ni Amary.

“Seryoso na babe. I love you... I really love you so much. I always do. Alam kung hindi mo pa ako lubos na napapatawad dahil sa nagawa ko sayo noon. I regrets everything what I have done, always. Napakagago ko para itrato kita ng ganu'n, sa tuwing naiisip ko iyon, nawawalan ako ng pag-asa na mapatawad mo. Oo, ganito tayo. Nakikita kong masaya ka kapag kasama ako, nakikita ko ang ngiti sa labi ngunit may pangamba pa rin sa likod ng maganda mong mata. Binibigyan mo ako ng pagkakataon na itama ko ang mga maling nagawa ko kaya tayo naririto. Babe... Hinding-hindi na mangyayari iyon, pagkatiwalaan mo ako. Mahal na mahal kita.”

Pinakatitigan niya ang asawa. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagmamahal sa kaniya, ramdam na ramdam niya rin ang pagsusumamo ng asawa. Lahat ng nagawa nito sa kaniya noon ay hindi madaling nakalimutan ngunit paunti-unti ay humihilom. Lahat ng sugat ay humihilom ngunit nag-iiwan ito ng marka. Ganu'n din ang puso niya. Marami man itong nagawang mali sa kaniya, ngunit mas marami pa rin ang nagawa nitong mabuti sa kaniya. Damang-dama niya ang pag-aalaga at pagmamahal nito, kitang-kita niya na pinagt-trabahohan nito ang kapatawaran na hiniling nito sa kaniya. Hindi niya man na sabi ay matagal niya ng pinapasok sa buhay niya ang asawa, pinatawad niya na ito at tinanggap ng buong-buo.

“Matagal na kitang napatawad Leon, dito...” Itinuro niya ang dibdib kong na saan ang kaniyang puso.

“Malaki man ang sugat na tinamo ng puso ko, ngunit humilom na ito. May markang naiwan hindi iyon maiiwasan. Sa puso ko matagal na kitang napatawad at dito sa puso ko, ikaw at ikaw lang ang mahal ko. Mahal na mahal din kita Leon, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Thank you for making me happy... I can't believe this day will happen,”

Halos mapuno ng luha ang pisngi ni Amary dahil sa dami ng kaniyang iniluha, ganu'n din ang kaniyang asawa. May namumuong luha sa mata nito ngunit ng malapit ng tumulo ay kaagad nitong ipinikit ang mata at hinawakan ang temper upang pigilan ang pagtulo ng luha.

“No, it's thank you! Thank you so much babe. I love you...”

“I love you too babe, thank you for loving me.”

They hug each other with love.

Tangahali na ng lisanin ng mag-asawa ang park na iyon, dumiretso sila sa isang restaurant para kumain ng pananghalian, pagkatapos nilang kumain ay naglibot-libot pa sila sa Mall. Ipinamili siya ng asawa ng kung anu-ano na hindi niya naman kailangan, makita lang nito na tingnan niya ay agad na bibilhin. Sa kalagitnaan ng pamimili nila may tumawag sa asawa, nakita niyang para itong galit sa kausap nito inisip niyang ang secretary nito. Hindi niya tiningnan ang kaniyang cellphone kahit alam niyang madami na iyong mensahe mula sa kaniyang mga magulang at malapit na kaibigan, gusto niyang sulitin ang araw na ito kasama ang lalaking pinakamamahal niya at mahal na mahal rin siya.

Bandang alas dos ng hapon ng maisipan na nilang umuwi para makapag-pahingga dahil mamaya ay may dinner pa sila sa labas. Magbibihis lang sila at agad ring aalis. Masasabi nyang sobra-sobra pa ang lahat ng ginagawa nito para maging masaya siya sa pinaka-special na kaarawan niya.

Kaagad rin silang nakarating sa kanilang bahay, ito na ang nagdala ng mga pinamili nito sa kaniya patungo sa kanilang silid. Dumiretso si Amary sa kusina para uminom ng tubig at kaagad rin namang sumunod sa asawa sa itaas. Nakita niya ang asawa na kakababa lang ng cellphone mukhang may kausap ulit ito sa cellphone. Naghubad ito ng pang-itaas.

“Babe?” Kuha niya sa attention nito ng makapasok sa silid.

”What did you just called me?” Baling nito sa kaniya.

“Babe.”

Nakangiting nilapitan ni Zarchx ang asawa. Bago sa pandinig niya ang tawagin siya nito ng ganu'n, dahil na sanay na siya na Leon ang tawag ng asawa sa kaniya. Hinalikan niya ito sa labi.

Pinasadahan ng tingin ni Amary ang katawan ng asawa. Matitipunong dibdib, muscle at six pack abs. Hindi iyon kasing linis ng inaasahan niya, madalas silang magtalik na mag-asawa ngunit bago ito maghuhubad ay pinapatay muna ang lampshade, ngayong umaga niya lang nakita kung anong mayroon sa katawan ng asawa. Mula leeg, dibdib at magkabilaang braso ay puno iyon ng tattoo na hindi maintindihan kung ano ang sinisimbolo nito. Halos mapuno na nito ang buong katawan dahil mayroon rin itong tattoo sa likuran. Mula sa may kaliwang likuran pakanan, sa ibaba ng batok nito nakasulat ang kaniyang apelyido. ‘PENDILTON’ kulay itim ang tinta na animo’y umaapoy ang desinyo nito. Sa lahat ng tattoo nito iyon lang ang naiintindihan niya at tumatak sa kaniyang isipan.

Nagpapakilala pa lang sa kaniya ang asawa kung saang pamilya talaga ito nagmumula, alam niyang madami pa siyang dapat malaman tungkol sa pagkatao, kahit ano pa ang malaman niya tungkol dito hindi na magbabago ang tibok ng kaniyang puso. Mahal na mahal niya ang asawa at tanggap niya ito ng buong-buo maging sino man ito.

“I will show you something,” Kinuha ng asawa ang bag na nakasukbit sa kaniyang balikat at inilagay sa kama. Naiisip niyang may pakulo na naman ito para sa isang surprisa.

“Nakapasok ka na ba sa study room ko?” Umiling naman siya. Kahit ilang buwan na siyang nanatili sa kwartong ito tanging ang kwarto niya lang at banyo ang kaniyang pinapasokan. Mahigpit kaya nitong pinagbabawal sa kaniya noon na wag papakialaman ang mga gamit nito at wag papasok ibang silid hangat hindi nito sinasabi.

Hinawakan siya nito sa kamay at pinagsiklop iyon bago siya hinila papasok sa loob ng study room nito na nakakonekta sa kwarto nila. Iniisip niya kung anong klaseng study room ang kwarto na ito, ngunit hindi niya maiwasang mag-isip kung study room nga ba lang ito?

“Anong mayroon dito? Leon ang dilim!” Reklamo niya ng maisara ng sawa ang pintuan, halos wala siya makita kahit isang bagay.

“It’s babe,” Pagtatama sa kaniya ng asawa. Napangiti siya dahil gusto nito na palagi niya ng tinatawag na babe.

Mahina niyang tinampal ang balikat ng asawa ng itama siya nito. Nakita niya ang kabuohan ng pinasukan nila ng lumiwanag ang buong paligid na ikinalaki ng mata niya.

‘Is this for real?’