PSZM 7

MAAGANG nagising si Zarchx. Hawak-hawak niya ang kamay ng asawa habang ang isa naman ay nakayakap sa bewang nito, nakaunan rin ito sa kaniyang dibdib bagay na hindi niya aakalain na gigising siyang may kayakap sa umaga. Sa dami ng babaeng naikama niya, kahit isa dito ay walang nakakatabi sa kaniya sa pagtulog, hindi niya ito hinahayaan na manatili pa sa kaniyang silid pagkatapos pagsawaan.

Nagbaba siya ng tingin para tingnan ang mukha ng asawa, mahimbing pa rin itong natutulog kaya hindi niya pinagkaabalahang gisingin ito kahit mataas na ang sikat ng araw. Hindi niya maalis ang mata sa mukha ng asawa, gusto niyang isaulo bawat anggulo ng mukha nito. Sobrang ganda ng umaga niya dahil maganda ang bumungad sa kaniya.

Dahan-dahang iminulat ni Amary ang kaniyang mga mata. Nag-inat siya at bumaling sa bintana kung saan madalas siyang nakatingin kapag gigising siya sa umaga. Napanguso siya ng makitang mataas na ang sikat ng araw, dati-rati nagigising siya papasikat pa lang ito.

Hindi niya maikakaila na napasarap ang kaniyang tulog sa bisig ng asawa, napatingin siya sa kamay na nasa kaniyang bewang bago nag-angat ng tingin sa mukha nito. Nakita niyang nakatingin ito sa kaniya habang nakakunot ang noo.

“Kanina ka pa ba gising?” Hindi niya maiwasang maitanong dito. “Yes, it's about an one hour.” Deritsahang sagot nito na ikinalaki ng mata niya.

“Bakit hindi mo ako ginising? Hindi ko tuloy nakita ang pagsikat ng araw...” Ngumiwi siya dahilan para mapatingin ang asawa sa bintana.

“I didn't know, but next time I wake you up before the sunrise.” Hinawi nito ng ilang hibla ng kaniyang buhok na tumatakip sa kaniyang mukha. “But before that, Good morning first...” Bati sa kaniya ng asawa na ikinangiti niya.

“Good morning,” Tugon niya. Nagulat si Amary ng dumukwang ang asawa at hinalikan siya sa noo. “Good morning, babe.” Pag-uulit nito at bumangon na sa kama.

“Fix yourself, let's eat outside.”

“Hindi ba pwedeng dito na lang tayo mag-almusal?” Inayos niya ang higaan bago umalis sa kama.

“Basta ikaw ang magluluto, walang problema.” Kinindatan siya ng asawa bago ito lumabas sa kaniyang silid.

Malawak ang ngiti sa labi ni Amary habang nagluluto ng agahan nilang mag-asawa, wala ang kanilang mga katulong dahil nasa day off nito. Simpleng ginisang itlog na may kamatis lang ang ginawa niyang ulam, sininangag niya rin ang natirang kanin kagabi at gumawa siya ng tuna sandwich.

Nagtitimpla siya ng kape ng maramdaman niyang may yumakap sa likuran niya. “L-leon,” Nauutal na saway niya dito ng humahaplos ang kamay nito sa kaniyang bewang na naghahatid iyon ng kakaibang sensasyon. Hinalikan siya nito sa gilid ng noo.

“Amoy pa lang mukhang masarap na. Ako na,” Gagad nito ng dadalhin niya ang kape sa mesa. “Kain na,” Nakangiting ani ni Amary sa asawa. Inihugot siya nito ng upuan bago ito naupo sa harapan niya ng makaupo na siya.

Napangiti si Amary ng nilalagyan siya nito ng pagkain sa plato, nakatitig lang siya sa asawa habang ginagawa iyon halata rin sa mukha nito na masaya sa kaniyang ginagawa.

“Babe, ayaw mo ng kape?” Biglang naitanong ni Zarchx sa asawa ng makitang tubig lang ang iniinom nito.

“Hindi ako umiinom ng kape, tubig na lang sa akin. Ito pa oh, madami ubusin mo iyan.” Nakangiting nilagyan niya ng ulam ang plato ng asawa.

“Ako dapat ang gumagawa nito sayo,” Pinigilan nito ang kaniyang kamay. “Ano bang pinagsasabi mo? Kumain ka na nga lang, pagkatapos lalabas muna ako para mag grocery, ubos na stocks natin.”

“I’ll come with you,”

“Wala ka bang gagawin?” Umiiling naman ito na ikinangiti niya.

“Kung mayroon man, mas uunahin pa rin kita.”

Pagkatapos nilang kumain at si Zarchx na ang nagpumilit na magligpit ng kinainan nila at maghugas ng mga ginamit sa pagkain, hindi maiwasang matawa ni Amary sa tuwing nadudulas ang Plato sa kamay nito dahil panay ang mura, halata kasi sa kilos nito na hindi ito marunong maghugas.

Ganiyan talaga ang tao kapag lumaking may gintong kutsara sa bibig. Lumaki rin siya ng mayaman pero kaya niyang gawin ang gawaing bahay dahil sinasanay siya ng kaniyang Ina na alagaan ang sarili wag puro asa sa katulong ngunit ang ama naman niya ay ayaw siyang gumagawan ng kahit ano, gusto nito na maging buhay princessa siya.

Iniwan ni Amary sa kusina na parang nagawawala ito habang naghuhugas, pagkaakyat niya sa kwarto ay kaagad siyang naligo at nagbihis para makapunta ng maaga sa grocery ng wala pang masyadong tao. Pagkalabas niya ng kwarto ay nakahanda na rin ang asawa kaya sabay silang bumaba.

Bandang alas otso na sila nakarating ng Mall, dumiretso sila sa grocery section. Si Amary ang kumuha at namimili ng bibilhin habang si Zarchx naman ang nagtutulak ng cart.

“Ayos ka lang? Dapat siguro hindi ka na sumama, hindi ka sanay na gumagawa nito.” Puna ni Amary sa asawa ng kanina pa ito tahimik at walang kibo, nakasunod lang ito sa kaniya.

“Sinong nagsabi sayo na hindi ako sanay na mag grocery? Palagi ko kaya itong ginagawa, ang hindi ako sanay kanina pa tayo magkasama hindi mo man lang ako kinikibo,” Nakangiwing sinulyapan ng tingin ang asawa.

“Anong gusto mong gawin ko? Magsalita ng magsalita kahit na hindi ko alam kung anong sasabihin sayo?” Inilagay niya sa cart ang gatas na napili niya. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad ng biglang may pumigil sa kaniyang kamay.

“Hindi ba gusto mo akong makilala? Bakit hindi mo simulang magtanong?” Binawi niya ang kamay na hawak ng asawa, hindi siya comfortable na magkahawak sila ng kamay kahit na mag-asawa sila dahil nasa public place sila.

“Hindi ngayon, Leon. Anong gusto mong kainin mamaya?” Pag-iiba niya ng usapan. Napadaan na kasi sila sa meat and vegetables section. Lumapit naman sa kaniya ang asawa dahilan para mahigpit niya ang kaniyang hininga ng umuklo ito at bumulong sa tenga niya. “Ikaw...” Mapanuksong sagot nito na isingkit ng mata niya.

“Baliw! Hindi ako pagkain, itigil mo iyang kamanyakan mo Leon.” Saway niya dito at itinulak ang mukha nito papalayo sa kaniya. Her husband chuckle. Napatingin siya dito ng marinig itong mahinang tumawa, mas lalo itong gumagwapo kapag nakangiti.

Inirapan niya ang asawa at nagpatuloy sa paglalakad, nakasunod lang ito sa kaniya habang sumisipol-sipol pa, sinasaway niya ito sa ginagawa pero parang bingi ito na hind siya pinapansin patuloy lang sa pag sipol na parang inaasar siya.

“Hindi ka ba titigil? Kainin mo ‘to,” Isinubo niya sa asawa ang saging na hindi pa nababalatan. Natawa naman si Amary ng makita ang itsura nito ng diring-diri na iniluwa ang saging.

“Ano masarap?” Inirapan niya ang asawa. “Babe naman, sa dami-daming isusubo bakit saging pa? Tsk, gusto mong malaman, ide tikman mo...” ani nito. Nanlaki ang mata ni Amary ng hilain siya papalapit dito at walang sabi-sabing hinalikan siya nito ng maipalibot sa bewang niya ang mga braso nito. Itinutulak niya ito ngunit mas pinagdidiinan pa ang halik nito at mas pinagdikit pa ang kanilang katawan.

Hindi maiwasang mapatingin ng ilang namimili at sales lady ang eksena ng mag-asawa. Ang ilan ay kinikilig sa nakita, mayroon ring napapipikon at naiingit.

“Masarap nga...” Kinindatan siya ng asawa ng putilin nito ang halik. Nakaramdam ng pagkahiya si Amary ng marinig niya ang ilang bulong-bulongan. Isiniksik niya sa dibdib ng asawa ang kaniyang mukha at iniyakap nito ang kaniyang kamay sa asawa sa loob ng jacket nito at palihim na kinurot sa tagiliran.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nakakahiya...” Pigil na bulong niya sa asawa ngunit naramdaman niya ang pag-angat baba ng dibdib nito, ng tingnan niya ito ay nakita niyang mahina itong tumatawa.

“Ewan ko sayo! Diyan ka na, kumuha ka ng sangkap para sa lulutuin kung menudo mamaya, sa kabila lang ako, magkita tayo sa counter.” Kaagad na bumitaw si Amary sa asawa at naglakad papunta sa kabilang section. Naiwan naman si Zarchx na hindi alam kung anong kukunin na hindi niya naman alam ang mga nilalagay sa menudo maliban sa karne. Kaya ang ginawa niya lahat ng gulay na makikita niya ay kinukuha niya pagkatapos ay mabilis na sinundan ang asawa.

Sa kabilang banda naman, sa paghahanap ni Amary ng chips ang natagpuan niya ay si Lance Javier na may bitbit na alak habang pumipili ng chips.

Napansin siya nitong nakatayo sa hindi kalayuan dito dahilan para mapatingin sa kaniyang gawi ng makilala siya ay kaagad naman itong ngumiti.

“Nash! Hey, long time no see.” Nagbeso sila ng makalapit ito sa kaniya. “Blooming ah, kamusta?” Puna nito sa kaniya, marahil ay namumula pa rin ng kaniyang mukha sa ginawa ni Zarchx kanina.

“Okay lang, ikaw? Ang aga naman para diyan.” Ngumuso siya sa bitbit nitong mamahaling alak. “Ito broken-hearted pa din. Masyadong matigas ang kaibigan mo pagdating sa akin, tsk.” Mapait itong ngumiti.

Hindi niya masisi ang kaibigan kung bakit hindi ito matangap-tangap dahil sa ginawa nitong panloloko dito. Pero sa nakikita niya ay nagsisi na ang binata at nakikita niyang totoong mahal nito ang kaniyang kaibigan.

“Kasalanan mo din naman ang lahat, Lance. Hindi sa kinakampihan ko si Amber o sinisisi kita pero knowing her masyado siyang nasaktan sa ginawa mo, mahirap kayang kalimutan ang nangyari. At hindi rin madali ang pinagdaanan mo, I can see you regret about what you have done. You deserve a second chance... So, cheer up!” Tumango naman si Lance sa kaniya at natatawang ginulo ang kaniyang buhok.

“Makapag-cheer up akala mo naman wala lang problema,” Tinampal niya ang balikat nito. “Tse!” Inirapan niya ang binata.

Alam kasi nito ang tungkol sa kanila ni Zarchx, knowing them, they are best friend. While, she and Lance was friend.

“Let’s go?” Inalok nito ang braso sa kaniya kaya naman kumapit siya dito, Lance is a gentleman person yet playboy.

Sabay silang naglakad papunta sa counter habang nag-aasaran dahil pareho silang bigo sa pag-ibig, papalapit pa lang sila dito ramdam niya na may nakatitig sa kaniya. Napatigil siya sa paglalakad ng magtama ang mata nila ni Zarchx na madilim na nakatingin sa kaniya, nasa pila ito. Kaagad siyang napabitaw sa braso ni Lance. Napansin naman ni Lance ang ginagawang iyon ni Amary kaya napatingin siya sa tinitingnan nito.

Pilyong ngumiti si Lance habang papalit-palit ang tingin sa mag-asawang nakapako ang tingin sa isa’t-isa. Naglakad siya papalapit kay Zarchx at naiiling na inakbayan ito.

“Tol, lagkit naman ng titig mo baka matunaw na iyan eh...” Kaagad namang napalayo si Lance sa kapatid ng makitang lumipat sa kaniya ang mata nitong nagliliyab sa galit. “Relax!” Itinaas pa nito ang dalawang kamay na parang sinasabing hindi siya lalaban.

“Next,” Saad ng babaeng nasa counter, kaagad namang naglakad si Amary papalapit sa asawa at inilagay ang kinuhang chips sa counter.

Malalaki ang mata na napatingin sa asawa ng makitang ang daming gulay ang kinuha nito. “Oy, Leon. May iba ka pa bang lulutuin?” Nagtatakang tanong niya.

Napatingin naman si Zarchx sa itinuro ng asawa ganu'n rin ang ginawa ni Lance bago bumaling sa kapatid na may nakakalokong ngiti. “Gumaganyan ka na Tol? Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah, magiging ninong na ba ako?” Pang-aalaska ni Lance.

“Shut up, Idiot.” Bumaling si Zarchx sa asawa. “Hindi ko alam kung anong sangkap ng lulutuin mo kaya kinuha ko na lahat, ayos na?” Baling nito sa sales accountant.

Napa-irap naman si Amary ng makitang malawak ang ngiti ng babae sa asawa at panay ang hawi nito sa buhok na para bang nagpapa-cute dito.

“Isabay mo na rin ‘to, Miss beautiful sa babayaran niya.” Inilapag ni Lance ang isang bote ng alak at dalawang chips sa counter bago tinuro si Zarchx. Nagugulohang tumingin sa kaniya ang babae, binalinggan niya ang kapatid na kinuha ang ATM sa wallet habang masamang nakatingin sa kaniya.

“Pagbiyan mo na ako Tol, ngayon lang ako makakatikim ng libre mo.” Tinap niya ang balikat ni Zarchx.

“Sige na Miss, pakibilisan na lang.” ani ni Amary at sinunod naman iton ng babae. Nginitian niya ang asawa ng binalinggan siya nito.

“₱19, ***. ** Plus ₱ 1,*** po, bale ₱ 21, *** po lahat.” Nakangiting ani ng babae.

“Take it as a debt.” Malamig na ani ni Zarchx sa kapatid ng bitbitin nito ang dalawang cartoon, kinuha naman ni Amary ang tatlo pang eco bag pero kaagad naman itong kinuha sa kaniya ni Lance at siya ang pinagbitbit ng alak na binibili nito. Hinabol ni Lance ang kapatid at sinabayan sa paglalakad.

Pinagmamasdaan ni Amary ang dalawa habang papalabas ng Mall, nakikita niyang may pagkakahawig ang dalawa hindi rin nagkakalayo sa tangkad, hindi niya maiwasang isipin kung ano ba talagang ugnayan ng dalawa sa isa’t-isa.

Nang makarating siya sa kinaruruunan ng dalawa tinutulungan ni Lance si Zarchx na ipasok ang pinamili nila sa compartment habang panay ang tawa ni Lance samantalang si Zarchx ang sama na ng timpla ng mukha.

“Fix yourself idiot! If she doesn't love you, then go! Let her go, don't make yourself miserable. You can find better, better than her! She doesn't deserve a man like you, yeah! A piece of advice from your older brother, dude.”

“Tanga na kung tanga pero putangina kuya, mahal ko siya!” Madiing sagot ni Lance at bumaling sa kinaruruunan ni Amary.

Malinaw sa kaniyang pandinig ang sinambit ng asawa, sa mismong bibig nito nagmumula ang sinasabing kapatid at kay Lance na rin na tinawag itong kuya.

“Thanks,” Mahinang sambit ni Lance ng kunin sa kamay niya ang binili at nagmamadaling sumakay sa kaniyang sasakyan at pinaharurot paalis.

Narinig niya na mismo sa bibig ng mga ito na magkapatid sila pero hindi pa rin sa kaniya malinaw kung paano sila naging magkapatid.

Pagkagaling nila sa Mall ay dumaan sila sa isang restaurant para kumain ng tangahalian, hindi sila masyadong nag-uusap ng asawa kung tinatanong siya nito saka lang siya nagsasalita.

Tahimik lang silang mag-asawa sa loob ng sasakyan habang pabalik sa kanilang bahay.

“What’s on your mind?” Napatingin siya sa kaniyang asawa ng magtanong ito.

“Si Lance.” Panimula niya.

“Nang huling nagkasagutan tayo, sinabi mong habol ng habol ang kapatid mo sa kaibigan ko. Napaisip ako ng araw na iyon kung si Lance ang tinutukoy ko pero hindi ako sigurado baka namali lang ako ng pagkakarinig. Pero ngayon, sigurado na ako na magkapatid kayong dalawa ni Lance dahil narinig kong tinawag ka niyang kuya, ang hindi lang malinaw sa akin kung paano kayo naging magkapatid na isa kang Montenegro at siya naman ay Javier?” Dagdag pa ni Amary.

“Wag mo ng pansinin ang tanong ko,” Dagdag pa ni Amary ng mapansin niyang sumeryoso ang mukha ng asawa, hindi siya nito tinatapunan ng tingin kaya naisip niyang wala itong balak na sagutin ang kaniyang tanong.

“Javier is still Lance name. We have a same parents, do it's clear now?” Sagot nito ng itigil ang sasakyan sa harap ng Mansion.

Hindi makagalaw si Amary sa kaniyang nalaman. Magkapatid na buo ang dalawa, ngunit bakit kilala ng lahat ay Javier si Lance at hindi alam na magkapatid sila? Just wow! Matagal niya ng kakilala si Lance, ilang buwan na rin silang mag-asawa ni Zarchx pero wala siyang ka alam-alam na magkapatid ang dalawang ito.

Paunti-unti ay malalaman niya ang buong pagkatao ng kaniyang asawa.

Binuhat ni Zarchx ang lahat ng pinamili nila papunta sa kusina habang siya naman ay inaayos na ito sa tamang lalagyan. Umakyat na sa itaas ang asawa pagkatapos nitong dalhin ang lahat sa kusina. Kaagad naman siyang sumunod ng matapos niyang ayusin ang lahat, maaga pa naman para magluto ng dinner kaya naisipan niya na munang magpalit bago gumawa ng meryenda.

“Ay baboy!” Impit na sigaw ni Amary dahil sa gulat ng may yumakap sa kaniya mula sa likuran ng makapasok siya sa loob ng kwarto.

“Ang mukhang ito, baboy?” Natatawang tanong ni Zarchx habang siya naman ay hindi pa rin maalis ang kaba dahil sa gulat, nakahawak pa siya sa kaniyang dibdib.

“Bakit ka ba nangugulat? Leon naman,” Kinalas nito ang pagkakayakap nito sa kaniya at naglakad papunta sa banyo.

“Ayos ah... Ayaw mong magpayakap sa akin samantalang kanina todo yakap ka sa braso ni Lance.” Iritadong sambit ni Zarchx at hinubad nito ang kaniyang jacket.

“Ano bang pinagsasabi mo? Inaalalayan lang ako ng tao,” Inirapan niya ito.

“Sinasabi ko sayo Amary, kung gumaganti ka sa akin wag sa pamamagitan ng kapatid ko. Ayaw umabot sa puntong magkalimutan kami ng kapatid ko dahil sa iisang babae.” Malamig nitong sambit bago dumapa sa kama.

“Ang kitid ng utak mo Leon! Wag mong bigyan ng malisya, magkaibigan kami ni Lance. Mahal niya ang kaibigan ko at alam kung mahal din siya nito!”

“Wag bigyang malisya? Putangina naman! Bakit kailangan pang humalik Amary? Hiyang-hiya ka ng hinalikan kita tapos ng kayong dalawa ang naghalikan, tuwang-tuwa?” He sarcastically said.

“Hindi ko alam kung bakit ganiyan ka mag-isip, siguro dahil takot ka na gawin ko sayo, ang ginawa mo sa akin. Pwes nagkakamali ka! Diyan ka na! Isipin mo kung anong gusto mong isipin, letse!” Inis na Singhal dito ni Amary. Napipikon siya dahil tinakpan nito ng unan ang tenga habang nagsasalita siya.

Pumasok siya sa banyo at pabalibag na isinara ang pinto bago ito ni-lock. Timimpla niya tubig sa bathtub at nilagyan ng Bubble bath, nang mapuno ito ay kaagad niyang hinubad ang lahat ng saplot at ibinabad ang sarili sa malamig na tubig.

Nakakagaan ito ng pakiramdam. Masaya lang sila kanina tapos biglang ganito na naman sila, pakiramdam niya bumalik na ulit sila sa dati. Hindi pa rin na aalis sa binata ang pagdududa sa kaniya sa tuwing lumalabas siya ng bahay magkasama na nga silang dalawa maling hinala naman ito sa nakita sa kanila ni Lance.

Umaagos ang kaniyang luha habang nakatitig sa puting pader ng banyo. Ang sakit lang kasing isipin na gusto nitong ayusin ang kanilang relasyon pero wala itong tiwala sa kaniya, paano nila maayos kung kaunting galaw niya lang ay mali sa mga mata nito? Kung alam lang nito kung gaano niya ka gusto na maging maayos ang pagsasama nila. Kahit mahirap sa kaniya ang lahat ng nangyari sa kanila sa simula pero handa siyang kalimutan ang lahat ng ito, handa siyang patawarin ang binata dahil mahal niya ito, mahal na mahal niya ito.

Mahigit dalawang oras siyang nakababad aa bathtub ng maisipan niya ng magbanlaw dahil lumalamig na rin. Nakalimutan niyang magdala ng towel kaya isinuot niya ang itim na bathrobe ng binata na nakasabit dito.

Kaagad naman siyang nagbihis ng pambahay, nakasuot lang siya ng high waisted ripped short at pinarisan niya ito ng spaghetti strap crop top. Pagkatapos ayusin ang sarili naisipan niya ng bumaba para magluto ng hapunan, palabas na sana siya ng kwarto ng madaanan niya ang asawa na mahimbing pang natutulog sa kama, nakadapa pa rin ito kagaya ng dati habang nakatakip ng unan sa ulo.

Naupo siya sa gilid ng kama. “Sorry kung para sayo may mali na naman akong nagawa. Bakit ba kasi ang hirap mong pagkatiwalaan ako? Leon, ang sakit lang isipin na gusto mong ayusin natin ‘to pero kaunting galaw ko lang pinaghihinalaan mo.” Tumulo ang kaniyang luha.

“Maniwala ka sa hindi, wala kaming ginagawang masama ni Lance. Ngayon pang alam ko na higit pa sa magkaibigan ang mayroon kayo, hindi ko magagawa ang bagay na iniisip mo...” Pinunasan niya ang kaniyang sariling luha.

Kaagad niyang nilisan ang kwarto ng makitang gumalaw ang asawa, ayaw niyang makita siya nito kaya dumiretso siya sa kusina para magluto.

Menudo at tinulang manok ang kaniyang niluto.

Galit sa kaniya ang asawa, naisip niyang hindi ito kakain ng niluto niya pero pinagluto niya pa din, peace offering kung may mali man siyang nagawa kanina.

Bandang alasyete na siya natapos magluto, inihanda niya na din ang pagkain sa mesa. Umakyat siya sa para gisingin ang asawa. Dahan-dahan niyang nilapitan ito at niyugyog sa balikat.

“L-leon? Leon...” Naupo siya sa gilid ng kama. “Leon,” Tawag niya ulit dito. Zarchx groan and move.

“What?” Galit na saad nito halatang naalimpungatan.

“Nakahanda na ang hapunan,” Mahinang saad niya habang nakayuko. Tinanggal nito ang unan na nakakatakip sa ulo at bumaling sa kaniya. “Bumaba ka na lang kapag kakain ka na,” Dagdag pa ni Amary.

Bababa na sana siya para kumain ng mag-isa dahil halata namang walang balak na sabayan siya nito sa pagkain. May pumigil sa kamay dahilan para mapalingon siya sa kamay niyang hinawakan ng asawa bago tumingin sa mukha nito.

Halos mapasigaw siya ng hilain siya ni Zarchx papahiga sa tabihan nito, pigil ang hiningang nakatitig siya sa mga mata nito. “L-leon," Saway niya dito at akmang babangon na siya ng niyakap nito ang braso sa kaniya bewang.

“Five minutes...” Isiniksik nito sa leeg niya ang mukha. Halos kumawala sa dibdib niya ang kaniyang puso sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi siya makagalaw para bang naging bato siya, hangang sa naramdaman niyang humahalik ang labi nito sa kaniyang leeg. Napakagat labi siya para pigilan ang ingay na gustong kumawala sa kaniyang labi. Nakikiliti siya sa paglapat ng labi nito at paminsan-minsan ay sinisipsip ang balat niya, nagsisimula ng mag-init ang kaniyang katawan.

“Ohh... L-leon,” Napahawak siya sa balikat ng asawa at bahagya itong itinutulak, nagpatuloy lang ito sa ginagawa at hindi kalaunan ay tumigil ito at nag-angat ng tingin sa kaniya.

“I want you now, Amary...” Paos na ani nito at puno ng pagnanasa ang mga mata na nakatingin sa kaniyang mga mata, napalunok siya ng ilang beses ng dahan-dahan inilalapit ang mukha nito sa kaniya, nakita niyang nagbaba ito ng tingin sa kaniyang labi bago ito pumikit. Nang malapit ng maglapat ang kaniyang labi ay ipinikit na rin niya ang kaniyang mga mata kasabay ng pagdampi ng labi nito sa labi niya.