Chapter 48: Truth Revealed
Maagang nagising si Magnolia kahit halos umaga na nang makatulog siya. Limang buwan na ang kambal kaya alam nitong pwede na ulit silang magniig. Siyempre pa ay hindi na nagpaawat ito. Katulad ng pangako nito, walang sawa nga ang Big Bob nito sa kanyang Sunflower. Ayaw pa rin niyang magpakasal dito. Sa katunayan ay babalik na sana siya sa condo unit niya Kasama ang kambal pero pinigilan pa sila nito. Lumuhod ito at nagmakaawa na sa harap ng mga kasambahay na natulala lang. Naalala niya pa ang drama nito kaya lumambot na naman ang puso niya. "Magnolia, please don't do this. I'm begging you. Don't leave me. I can't make it without you." Nakayuko lang din ito habang nagsasalita hawak ang isang bungkos ng sunflowers at anemones. Mahirap tiisin ito lalo na talagang may effort ito sa panliligaw sa kanila ng kambal. "Buong buhay ko, hindi naisip na makukumpleto ako ng isang babae at mga anak. Akin man sila o hindi, wala akong pakialam. Pero ngayong iiwan mo ako, parang tatangayin mo pati ang kaluluwa ko. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko na malinis ang intensiyon ko." Sa susunod na linggo ay pag-usapan din nila ang pasya din niya.
Pagtingin niya kay Carlo ay nagulat siya nang makitang gising na ito. Nakatingin lang din ito sa kanya at halatang bagong gising din. “Carlo, matulog ka muna. Ako na muna ang bahala sa mga bata.”
“Okay lang. Tutulungan kita,” anito at bumangon na. Pinigilan pa siya nitong pumunta sa nursery. Ito na mismo ang nagpasok sa dalawang sanggol na parehong gising na. “Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo, at ang kamay nila ang iyong ilaw,” pagkanta nito habang karga at nilalaro ang anak na lalaki. Gusto niyang matawa dahil damang-dama nito ang pagkanta kahit sintunado naman.
Maya-maya’y tumunog ang cellphone ni Magnolia. Pagtingin niya ay ang daddy niya ang nag-chat sa messenger. “Magnolia, where are you? We went to your condo, but no one was there. The guard told us you got married. We need to talk.”
“Carlo, pakitingnan muna itong si Catleya,” tukoy niya sa anak na babae at inilapag muna sa kama. Tumango lang ito at umupo sa tabi nito. Pumunta muna siya sa banyo at doon nag-reply sa daddy niya. “Daddy, I did not get married. I’m still single.”
Kinabahan siya nang wala pang isang minuto ay nag-reply na ito agad. “But, you gave birth to twins more than a month ago. Where are you?”
“Nasa bahay po ako ni Carlo. Tinutulungan niya po akong mag-alaga ng kambal.”
“So he is the father? That man, we will have to talk.”
“Okay po.” Naiiyak siya sa takot dahil ramdam niya ang galit ng daddy niya kahit sa chat lang sila nag-uusap. Lumabas na siya ng banyo. Napatingin agad sa kanya si Carlo.
“Are you okay?”
“Hindi,” aniya at naramdaman na lang niyang basa na ng luha ang kanyang mga pisngi. Lalapitan na sana siya nito nang biglang umiyak ang anak nilang lalaki na si Calyx. Pinadede niya muna ito habang umiiyak. Si Carlo naman ay panay ang pag-alo sa kanya habang nakaakbay sa kanya. Pagkatapos ay mabilis na ibinalik nito sa nursery ang mga bata.
“What’s the problem?”
“Carlo, nandito sina daddy. Alam na niyang nanganak ako. Pumunta daw sila sa unit ko at nalaman nila lahat..” Napahagulgol siya sa mga palad.
Agad naman siya nitong niyakap. “Don’t worry. Akong bahala sa ‘yo. Huwag ka nang umiyak, okay?”
Pagkalipas ng isang oras ay may kumatok sa kuwarto nila, si Maganda. Naroon na raw ang kanyang mga magulang. Pero mas nagulat siya dahil naroon din daw ang mga magulang ni Carlo. “Carlo, natatakot ako,” aniya. Ngumiti lang ito at muling pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. Dinampian nito ng halik ang mga labi niya na lumalim at tumagal nang ilang segundo. Nang maghiwalay sila ay habol nila ang hininga. Lalong lumawak ang ngiti nito bago siya niyakap. Nang bumaba sila ay mabilis ang naging pagkilos ng daddy niya at sinugod si Carlo.
“Walanghiya ka. Tinuring kitang parang anak,” anito at binigyan ng magkasunod na suntok si Carlo. Napaupo ito at nakita niyang nagdugo ang gilid ng mga labi nito.
“Daddy, magpapaliwanag ako.”
“Tumahimik ka,” sigaw nito na nagpanginig ng mga laman niya. “Ang laki ng tiwala ko sa ‘yo pero anong ginawa mo. Nagtago ka dito dahil buntis ka. Hindi mo man lang sinabi sa amin ng mommy mo. Pareho kayong magkapatid.”
“Tito, let me explain.” Pero bago pa ito makalapit ay ang daddy naman nito ang sumugod at kinuwelyuhan pasalya sa hamba ng hagdan.
“Hindi ka na nahiya. Hanggang ngayon puro ka kalokohan. Tinuhog mo ang magkapatid. Nasaan ang konsiyensiya mo? Mabuti na lang kasal na si Rose!”
“Nothing happened between me and Rose.”
“So you seduced Magnolia?” Niyakap na nila ng mommy niya ang daddy niya na handa nang sumugod. Galit na galit din ang daddy na Carlo na pinagsusuntok ang lalaking hindi naman lumalaban. Inaawat na rin ito ng mommy nito at ilang kasambahay.
Awang-awa na siya kay Carlo. Puro na pasa at sugat ang mukha nito. “D-daddy, T-tito, huwag niyo na po siyang saktan,” natatarantang sabi niya at yumakap kay Carlo para iharang ang katawan dito. “W-wala po siyang kasalanan. P-pumunta lang po siya sa condo unit ko at saktong manganganak na po ako. Hindi niya po alam na siya ang ama ng kambal. Nandito lang po ako dahil tinutulungan niya akong magbantay ng mga baby ko.”
“So, anak sila ni Carlo? My goodness,” nagpa-panic na sabi ng mommy ni Carlo. “Kaya naman yata umatras sa kasal si Rose! Look what you’ve done! You have to marry Magnolia.”
“Hindi naman po kailangan.”
“What? Anak ko talaga ang kambal? Paanong nangyaring anak ko sila?”
“Huwag niyo na pong ipilit na magpakasal kami.” Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Carlo.
“Hija, huwag mo nang pagtakpan itong anak ko. Ikaw, Carlo, pakasalan mo itong si Magnolia.” Galit na galit pa rin ang daddy nito.
“Papakasalan ko naman po talaga siya, Daddy.”
“Shut up,” asik niya kay Carlo pero naawa siya nang makita ang hitsura nito. “Daddy, Tito, huwag niyo na po kaming piliting magpakasal ni Carlo. Unfair po sa kanya dahil tinutulungan lang niya naman po akong mag-alaga sa mga babies ko.” Tumahimik ang mga ito at umupo sa couch. Agad niyang inasikaso si Carlo at ginamot ang mga pasa at sugat nito. “Pasensya ka na ha,” aniya at hinalikan ito.
“Akala ko ba, wala kayong relasyon nitong anak ko?” Nagtataka ang hitsura ng mommy ni Carlo.
“W-wala po,” natatarantang sabi niya. Nang mapatingin siya kay Carlo, parang biglang nalungkot ito sa sinabi niya.
“Totoo ba iyan, hija? Bakit kailangan mo pang itanggi kung kay Carlo ay wala namang problema?” Parang naguguluhan ang mommy niya sa iniakto niya.
Habang nagkukumustahan silang pamilya ay napansin niyang nakatingin lang sa kanya ang mommy niya at mommy ni Carlo. “Sigurado ba kayong ayaw niyo talagang magpakasal?” Kanina pa iyon pinipilit ng daddy ni Carlo.
“Opo, T-tito. H-hindi naman po ito responsibilidad ni C-Carlo.” Hindi na kumibo ang mga ito habang si Carlo ay napapailing na lang sa kanya na parang disappointed ito sa sinabi niya. Alam niyang may usapan sila na pag-iisipan niya muna pero iyon na ang tamang pagkakataon para tanggihan ito. Nagdesisyon na ang mga magulang niyang doon muna sila manatili sa rest house nila malapit sa bahay ng pamilya ni Carlo. Iba pa iyon sa mismong bahay na tinitirhan nila dahil si Carlo ang may-ari niyon. Iginiit na muna ng mga magulang niya na maghiwalay muna sila at tutulungan siyang mag-alaga sa mga bata. Nakita niya ang pagtutol sa mukha ni Carlo. Her heart broke for him. Inilalayo nila ang mismong anak dito pero ayaw niyang maguluhan pa ito para lang pagsisihan sa huli ang desisyon na pakasalan siya kahit hindi naman siya nito mahal. Humingi ng paumanhin ang daddy niya at nagpasalamat sa lalaki bago nangakong babawi rito.
“Pwede po bang ako na muna ang maghatid kay Magnolia?” Tumango lang ang mga magulang niya rito at sumakay na ng kotse karga ang kambal na pinanggigilan ng mga ito. “We will talk,” anito. Madilim ang anyo nito at parang may tinitimping galit.