Chapter 46: Magnolia And Her Babies Stay With Carlo

Inis na inis si Magnolia hanggang sa payagan na silang makauwi. Pero sa halip na sa condo ay dinala siya nito sa bahay ng pamilya nito. “Pwede ba, Carlo, tigilan mo na ito? Wala kang K!”

“Hindi, ako ang masusunod. I’ll take over from here. Masyado kang makulit. Umalis ka ng Pilipinas na walang nakakaalam na buntis ka. Tapos parang binabalewala mo pa ako,” naiinis ding balik nito. Nahampas niya ito sa braso kaya napa-aray ito pero umismid lang siya. Wala siyang magawa sa pagiging dominante nito. Kung dati ay siya ang maraming dakdak, ngayon ay daig pa nito ang nagger na babae.

“Hindi ako papayag! Huwag mo akong pangunahan ha! Wala kang karapatan!”

“Ako pa ang walang karapatan, Magnolia? May karapatan ako dahil hindi ako papayag na hindi ka maging asawa. Papakasalan kita at magiging anak ko sila.”

“Tumahimik ka na nga dahil baka magising pa ang babies natin.” Tumahimik nga ito pero napangiti rin.

“Babies natin,” tumatango-tangong sabi nito habang nakangiti pa rin. “I like that. I really love that,” sabi nito at pinisil ang pisngi niya.

Nang makarating sila sa bahay ay sinalubong agad sila ng mga kasama nito at binuhat ang mga gamit nila. Tig-isa silang hawak ang kambal. Napangiti siya nang makitang ingat na ingat ito sa pagkarga sa anak nila. Alam niyang magiging spoiled ito kay Carlo. Natutukso tuloy siyang sabihin na rito ang totoo. Pero paano na ang kalayaan nito? Baka naaawa lang ito sa kanya. Kawawa naman sila ng kambal kung pakakasalan siya dahil sa mga bata anak man nito o hindi. Makukuha niya nga ito at ang apelyido nito pero magdurugo ang puso niya dahil hindi niya makukuha ang puso nito.

Napahinto siya nang maalala ang sinabi nito bago siya makatulog. Totoo ba ang narinig niya o imahinasyon niya lang? Naisip niyang baka dahil sa pinaghalong epekto ng anesthesia at pagod niya kahit parang totoo iyon. Pero naalala niya ang sinabi nito kay Rose. He couldn’t fall in love with her. He didn’t want to fall in love with her. Her heart sank. Para bang walang kuwenta siyang babae na hindi nito kayang mahalin. Marahil ay dahil nakuha siya nito nang wala man lang effort. Nagkaroon sila ng affair habang kasintahan nito ang kapatid niya. Pero muli siyang napangiti nang maalala kung paano siya nito sinugod ng yakap nang dumating ito sa condo unit niya. Nagmamakaawa pa itong huwag niyang iwan. Naisip niyang baka totoong mahal siya nito. Hindi ka niya mahal. Duh! Pampalipas-init ka lang siguro. Nainis siya sa malditang bahagi niya. Baka mahal ka niya. Give it a try, Magnolia. Mahal ka niya dahil hindi iyan mag-e-effort pumunta ng New York at sundan ka kung hindi ka niya mahal. Gusto ka pa nga niyang pakasalan eh.

Nang makaakyat sila sa ikalawang palapag ay nakita niyang maraming kuwarto. Pinuntahan nila ang isang kuwarto at napatutop siya nang makitang may dalawang crib na doon. May mahinang tugtog pa na para sa baby. Kumpleto na ang gamit doon. “Carlo,” naluluhang sabi niya.

“Do you like it?”

“Gusto ko, Carlo. Thank you,” nakangiting sabi niya at hindi napigilang haplusin ang pisngi nito.

“You’re welcome, baby. Ilagay na natin sa crib ang babies natin para masarap ang tulog nila.” Inilagay nga nila ang babaeng anak sa pink na crib habang ang lalaki ay nasa blue na crib. Ilang minuto pa nilang pinagmasdan ang mga ito bago siya iginiya palabas. Dinala siya nito sa isa pang kuwarto. “This is our room.”

“Our room? Magkasama tayo? Ayoko,” natatarantang sabi niya. Sa gulat niya ay lumuhod ito. “Tumayo ka nga diyan.”

“Please, Magnolia, please. Behaved ako promise,” malambing na sabi nito at itinaas pa ang kanang kamay. Napipilitang tumango siya na ikinangiti nito. Excited pa itong ipinakita sa kanya ang closet kung saan naroon ang mga gamit niya sa condo unit niya na dinagdagan pa nito. Nang matingnan ang mga iyon ay pinagbihis na siya nito at pinahiga sa kama. Doon na lang daw muna sila kakain para hindi na siya mapagod. May kinuha na rin daw itong pansamantalang magbabantay sa kambal para makapagpahinga muna sila nang maayos.

MAHIGIT isang buwan na silang magkasama ni Carlo sa kuwarto. Halos hindi rin ito lumalabas ng bahay maliban na lang kung mag-e-exercise ito, may bibilhin o kasama siya at ang kambal. Maliwanag na ang paligid nang magising siya. Napangiti siya dahil mahigpit na yakap siya nito. Dinampian niya ng halik ang mga labi nito. Nanatili itong humihilik. Marahil bumabawi ito sa ilang linggong puyat sa pagbabantay sa kanya. Maya’t maya rin silang nagigising para sa breastfeed ng kambal. Inalis niya ang brasong nakadantay sa baywang niya para makabangon siya pero umungol lang ito at lalo siyang kinabig palapit dito. Napahagikgik siya dahil sa hindi maiwasang pagbangon ng kilig. “Carlo, baka nagugutom na ang kambal,” bulong niya rito. “Baby, gising na,” aniya at paulit-ulit na hinalikan ito sa mga labi. Bumabalik na naman sila sa kanilang matamis na samahan. Hindi niya kayang pahindian ito sa mga effort at cheesiness nito.

Nakangiti itong nagmulat ng mga mata. “Ang aga pa, minomolestiya mo na ako.”

“Tse! Ayaw mo kasi akong pakawalan. Kailangan nang mapadede ang kambal.”

“Oh shit! Muntik ko nang makalimutan.” Mabilis na bumangon ito at pagbalik ay dala na ang kambal.

Mabuti naman at papaiyak pa lang ang mga ito. Napaka-cute ng mga ito at mukhang magiging kahawig ni Carlo pareho. “Dahan-dahan lang babies. Tirhan niyo naman si Daddy,” nakangising sabi nito sa kanya at kumindat.

“Ang kapal,” aniya at inirapan ito. Nang busog na ang mga ito ay ibinalik muna ito ni Carlo sa nursery. Pagpasok ni Carlo ay may dala na itong tray para mag-almusal na sila. “Para naman akong baby nito,” natatawang sabi niya dahil sa pag-aasikaso nito.

“Ayos lang, Magnolia. Baby naman kita eh.”

“Ang corny,” sabi niya pero hindi niya mapigilang pamulahan ng pisngi.

“Uy nag-ba-blush pala ang baby ko,” panunukso nito bago siya hinalikan sa noo. “Baby?”

“Bakit?”

“Kailan mo balak sabihin sa parents mo?”

“Hindi pa nila alam?”

“Hindi ko pa sinabi. Ayaw kitang pangunahan sa bagay na iyan.”

“Thank you,” aniya at napayakap dito. “Baka magalit sila sa akin.”

“Palagay ko ay baka matuwa pa eh.”

“Sige, sasabihin ko next week. Pero, Carlo, sigurado ka bang gusto mo akong pakasalan?”

“Oo naman."

"Kahit hindi sa ‘yo ang kambal?”

“Baby, I told you, they are mine now. I will be their Daddy,” puno ng assurance ang bawat salita nito na nakapagpalambot sa puso niya.

“Totoo ba ang sinabi mo sa ospital?”

“Alin doon?”

Sinabi mong mahal mo ako eh. Totoo ba iyon? Kasi hindi ka makakadalawang-salita kung mahal mo ako. Ngayon din magpapakasal tayo kung gusto mo. Sasabihin ko ring anak mo ang kambal. “Wala.”

“Sabihin mo na. Kukulitin din kita.”

“Sabi mo aalagaan mo ako,” pag-iiba niya.

“Iyon ba ang inaalala mo? Aalagaan kita at ang kambal. Kayo ang magiging pamilya ko. Gusto ko magkaroon pa sila ng mga kapatid para ate at kuya sila.”

“Pag-iisipan ko. Please give me more time to think. Medyo malaking bagay ang hinihingi mo. Isa pa ayokong makulong ka sa commitment dahil lang sa mga bata.”

“I don’t care kahit maging committed ako, kahit na hindi akin ang kambal. Anak ko na sila. Anak natin sila, okay? Pagkatiwalaan mo muna ako. Alam ko marami akong naging kalokohan sa ‘yo kaya hayaan mo akong bumawi.”

“Carlo, please don’t do this because of guilt.”

“It’s not just out of guilt.”

“Huwag kang gumawa ng desisyon na maaari mong pagsisihan. You deserve someone better, someone prettier and sexier, someone without children.”

“But it’s you whom I want to spend my life with. Huwag ka nang magtanong baka hindi ako makapagpigil.”

“Hoy bawal pa!”

“Pero pwede naman ito eh,” anito at siniil siya ng halik sa mga labi. Tumagal pa iyon hanggang sa kumatok ang kasambahay at tinanong kung paliliguan na ang kambal pero sinabi ni Carlo na ito na ang magpapaligo. Pinababa na lamang nito ang pinagkainan nila at niyaya siyang lumipat sa nursery. Dinala na nga nito ang anak na babae sa banyo at pinaliguan. Tuwang-tuwa siya dahil alagang-alaga nito ang anak habang sintunado pang kumakanta. Pagkatapos ay ang anak naman na lalaki ang pinaliguan nito. Tawa siya nang tawa dahil animated pa ito sa pagkukuwento habang sinasabunan ang sanggol. Nang matapos sa paliligo ay nilaro na nila ang kambal bago silang dalawa naman ang naligo.

Pagdating ng tanghalian ay may nag-doorbell at pinatingnan nila iyon sa kasambahay. Pagbalik nito ay kasunod na nito ang isang sopistikadang babae. Tuluy-tuloy ito sa mesa at yumakap kay Carlo. “I miss you, honey,” anito at siniil ng halik ang nagulat na lalaki.

Naiinis na tumukhim siya. “Excuse me.”

“Who are you?” Nakataas pa ang isang kilay nito.

“I’m his girlfriend!” Inis na inis siya dahil sabi ng lalaki ay siya na lang daw ang babae sa buhay nito.

“So you’re one of us?” Halatang nang-uuyam ito base sa nakakalokong ngisi nito.

“I’m actually his fiance. We’re getting married tomorrow.”

“Really? He told me the same thing last week.”

“Totoo ba iyan?” Malakas na tinampal niya si Carlo.

“Of course not! Fine, she used to be one of my flings. But that’s a long time ago. Baby, believe me.”

“How dare you! You scumbag!” Sinampal nito si Carlo.

“How dare you slap my fiance!” Mabilis siyang tumayo at sinabunutan ang babae na hindi nakapalag sa pagkabigla. “Get out,” sigaw niya nang maawat sila ng mga kasambahay.

“Fine! Don’t worry you will be an ex-fling once he’s through with you,” mataray na sabi nito habang inaayos ang damit bago parang modelong lumabas ng bahay.

“Wala nang kasal! Manloloko ka,” aniya at iniwan ito sa kusina.

“Baby naman, please let me explain first.”

“Wala nang explain pa! Puro ka kalokohan! Mula noon hanggang ngayon wala akong puwang diyan sa puso mo,” naiiyak na sabi niya at pumiksi rito.

“What she said was not true. We used to goof around, but that was nothing. Matagal na iyon bago pa may nangyari sa atin. Please believe me,” anito at lumuhod pa.

Pinagtaasan niya muna ito ng kilay. “Diyan ka lang. Babalik ako.” Pumunta siya sa kusina at kinuha ang isang bote ng asin at dyaryong binabasa nito. “Tumayo ka muna!” Parang bata itong mabilis na sumunod. Inabot niya rito ang diyaryo at pinalatag sa sahig. Pinabuhusan niya iyon ng asin kay Maganda, isa sa mga kasambahay nila. “Luhod na,” sabi niya kay Carlo.

“Baby, naman.”

“Magpapakasal ako sa ‘yo kapag nakayanan mong lumuhod diyan hanggang gabi. Pwede namang hindi pero babalik na kami ng kambal sa condo unit ko.”

“Okay.” Lumuhod naman ito at iniwan na niya ito. Inasikaso niya muna ang kambal bago muling bumalik sa kuwarto para umidlip. Pabiling-biling siya sa higaan dahil hindi niya matiis ang lalaki pero naiiyak siya sa kaalamang marami pala itong naging babae bago siya. Kaya pala ang dali lang ditong sabihing mahal nito si Rose. Napahagulgol siya nang maisip na ginagawa lang siya nitong rebound para ipakita na naka-move on na ito sa kanyang kapatid. Idadamay pa pala nito ang mga anak nila. Hindi niya na namalayang nakaidlip na siya. Paggising niya ay hapon na. Mahigit dalawang oras nang nakaluhod sa asin ang lalaki. Nang maalalang nakashorts lang ito ay nabahala siya. Pagbalik niya sa sala ay mag-isa lang ito roon. Nakapikit ito nang mariin at tinitiis ang sakit.

“Tumayo ka na diyan.”

“H-hindi, k-kaya ko pa. P-papakasalan kita.”

“Naiintindihan ko na kung bakit mo ginagawa ito.”

“Ano na naman ang naisip mo?” Napatingin ito sa kanya na nababahala.

“Ginagawa mo lang talaga akong rebound para ipakita na naka-move on ka na sa kapatid ko.”

“That’s not true! Sabi mo nga, maraming mas maganda, mas sexy, at wala pang anak. Pero ikaw lang ang gusto ko. Hindi ka naman talaga magiging rebound.”

“Please stop lying.”

“I’m not lying, Magnolia. Hindi ako ganoon kasama para saktan ka pa at idamay ang mga bata.”

“Tumayo ka na diyan.”

“Hindi, dito lang ako. Usapan natin ito. Maniwala ka man o hindi, pakakasalan mo ako kapag nakaya kong lumuhod hanggang mamayang gabi.”

“Pagbibigyan na nga kita eh! Tumayo ka na kasi diyan. Pag-iisipan ko muna kung pakakasalan kita. Hindi kita pakakasalan kahit may usapan tayo kapag hindi ka tumayo.” Napahagulgol na siya at mabilis na pinatayo ito kahit anong pigil nito. Niyakap niya ito nang mahigpit nang makitang may mga sugat na ito.