Chapter 36: Reminiscing Sweet Memories
Hindi mapakali si Magnolia habang pinagninilayan ang kanyang desisyon. Lakad paroon at parito ang kanyang ginawa nasa kuwarto man siya o sa sala kaya nagdesisyon siyang lumabas ng bahay. Masyado siyang kinakabahan at baka mahalata pa siya. Sa kanyang pagmamaneho ay kusang dinala siya ng kanyang kotse sa dati niya paaralan. Nakahanap naman siya ng mapaparadahan bago mabilis na umibis doon.
Suddenly, she found it so nostalgic. She was walking along the hallway watching the students roam around, chitchat, and play on the open quadrangle. That was the same place where she first met the love of her life. The school looked the same although it did not deteriorate. In fact, the buildings were newly painted, but the color was still the same. She went to the garden and found some students having their lunch there. There were benches where they could sit and relax. Before, she would just sit on the bermuda grass not caring about the dirt on her skirt. Carlo used to go there, too. They were sitting at opposite ends. Indeed, they were like poles that they used to repel. But something magical happened that drew them closer to one another. She loved him so much, and the thought he never knew that was more than enough to crush her heart all over again. She sat on the bench, the one farthest from the students. The memories came back like a peregrine falcon hovering swiftly in the sky.
Biglang natigil ang kanyang pagdadrama nang makarinig ng papalapit na yabag. Paglingon niya ay napanganga siya. “Ahh finally, you’re back,” nakangiting sabi ng isang babaeng mukhang nasa late thirties na nakasuot ng salamin.”
“Ms. Esguerra?”
“Mrs. Esguerra-Navarro,” nakangiting sabi nito at itinaas ang kaliwang kamay upang ipakita ang wedding ring. “How’s my favorite student?”
“Okay naman po, ma’am,” nahihiyang sabi niya.
“How’s Mr. Torillo?”
“Kayo talaga, ma’am, naaalala niyo pa pala iyon. Ang tagal na noon.”
“Of course! I could see how your eyes used to twinkle whenever he was around. Binibigyan na nga kita ng chance para makalapit sa kanya,” natatawang sabi nito.
“Kaya naman po pala,” natatawa na ring sabi niya. Bigla niyang naalala ang kakaibang ngisi ng dating guro niya na kinukunsinti pala ang pagiging in love niya.
“So what happened to you?”
“Ito po, nagtatrabaho pong architect sa company po ng daddy ko,” simpleng sabi niya. Ikinuwento niya ang pag-aaral niya sa MIT at pagtatrabaho sa Manhattan bago bumalik ng Pilipinas.
“You have accomplished a lot. I’m so proud of you.”
“Kayo po kumusta?”
“Naku heto, ten years ng kasal at may dalawang anak, parehong lalaki. Akala ko nga hindi na ako makakahanap pa.”
“Hopeless romantic ka po pala, ma’am.”
“Mana ka sa akin eh kaya nga kinukunsinti kita,” pabirong sabi nito. “Ano nang nangyari sa inyo ni Mr. Torillo? Hindi niya ba narealize na in love din siya sa ‘yo. That young man was so dense,” naiiling na sabi nito.
“Naku ma’am, nagkakamali po kayo. Ikakasal na po siya sa kapatid ko.” Hindi niya maiwasang langkapan ng lungkot ang boses niya na siguradong napansin nito.
“You still love him, don’t you?”
“Yes, ma’am.”
“You did not tell him?”
“He was so in love with my sister. It would be pointless.”
“So he was still confused huh? That man still disappoints me so much. Palibhasa masyadong playboy noon kaya hindi pa ring maintindihan na ikaw ang mahal. One of these days, he will realize that.”
“Hindi po. We already talked a few weeks ago. He told me how much he loved my sister.”
“Alright,” sabi na lamang nito. “How are you now?”
“Okay naman po. Malungkot po sobra.” She did not hold back. Why would she? Her former teacher could read her like a book.
She gently patted her hand. “I’m sad, too. Mali ako pero hindi ako makapaniwala, Ms. Villarama. I can’t believe he’s letting you go. That man doesn’t know what he will miss. I hope you find someone better than that dense man,” nadidismayang sabi nito na ikinatawa niya.
“Thank you, ma’am.” Ilang minuto pa silang nagkuwentuhan bago ito tumayo at nagsabing tapos na ang vacant period. Nagsabi na lang siyang babalik sa paaralan para yayain itong kumain at makipagkuwentuhan na pinaunlakan naman nito.
PAGKALIPAS ng dalawang araw ay muli siyang pumunta sa paaralan at niyayang kumain ang kanyang guro na masayang-masaya dahil buntis daw ito ng dalawang buwan. Nalaman niyang thirty-six pa lang ito kaya pala hindi pa ganoon ka-mature ang hitsura nito. Kaya pala medyo immature kung iisipin dati ang pangungunsinti nito sa kanya. Nasa early twenties pa lamang pala ito noon.
Doon ito nagkuwento na galing ito sa matinding heartbreak mula sa boyfriend nito na naging asawa din nito. Dati pala nitong kaklase iyon sa high school na nakita nitong muli noong may reunion. Ang lalaki at ang mga loko-loko nitong kaibigan ay pinagpustahan ang kanyang guro. Sa huli, nakipaghiwalay ang lalaki at napilitan ding umamin. Pero pagkalipas ng ilang taon ay muling nagkita ang mga ito. Pumunta din pala ng ibang bansa ang lalaki at hindi na nito pinakawalan si Ms. Esguerra. Nang magkita ang mga ito sa reunion ay bigla lang itong nagpropose at sinabing mahal na mahal ang kanyang guro. Mahal na mahal ng mga ito ang isa’t isa kaya nagkabalikan ang mga ito at ikinasal din pagkalipas ng ilang buwan.
She wondered if she would have her own love story. She wanted to forget her feelings, move on, and find someone to love. She took her teacher back to the faculty office before going to one of the buildings. It was the most memorable part of the campus. She took the stairs and went to the rooftop. It was a lovely sunny day so it was a good thing it now had a roof. That was the same place where Carlo kissed her. That was where she thought her love would be reciprocated only to get her first heartbreak. Oh she loved the man so much that she thought of calling him up and saying yes to his indecent proposal. Of course, she could not do that, she might ruin their love and break her sister’s heart. But, she has decided to go on with her plan.
Bumaba na siya ng gusali habang iniisip kung paano gagawin ang plano. Sinigurado niyang foolproof iyon para hindi malaman ng kahit sino lalo na si Carlo. Hindi niya alintana ang init habang naglalakad sa gitna mismo ng open quadrangle. Napapansin niyang nakatingin sa kanya ang ibang estudyanteng nakatambay sa mga gazebos. Siguro weird din ang tingin ng mga ito sa kanya. Maluwag naman kasi ang hallway pero doon niya pa naisipang maglakad. Namiss niya kasi ang mga alaala, ang unang beses na nagkabanggaan sila ni Carlo at ang unang beses na tinitigan siya nito sa flag ceremony. Napangiti siya sa kaunting kilig dahil pakiramdam niya dati ay siya lang ang nakikita nito.
Napasimangot na naman siya nang maalala kung gaano ka-playboy at manyakis ng lalaking iyon. Naisip na naman niyang naaktuhan ito sa condo unit ng ibang babae. Hindi man niya aminin ay masaya siya nang sabihin nitong pinalabas ito ng babae. Habang may ginagawa kasing milagro ang mga ito ay siya ang naiisip at binabanggit nito. Narinig niya iyon mismo sa babaeng galit na galit sa lalaki. Pero sa kabilang banda ay nalulungkot siya lalo dahil hanggang doon lang ang puwesto niya rito. Para dito mukha siyang babaeng pinagkakaabalahan nito bilang object of obsession and sexual cravings at hindi affection.
Nang makarating sa kanyang kotse ay inilabas niya ang calling card na pasimple niyang ipinuslit mula kay Joseph. Dalawa iyon at kinuha niya ang isa. Malakas ang kutob niya kung para saan ang calling card na iyon kaya nagdesisyon siyang kunin ang isang cellphone na sinadya niya pang bilhin pagkagaling sa kanyang kaibigan. Pinasakan niya iyon ng prepaid na sim card at tinawagan ang numerong nakalagay. Mabilis iyong nag-ring at sinabi ang pakay. Nagdesisyon siyang makipagkita sa nakausap sa gabi sa isang medyo tagong lugar para walang makakita sa kanya.
Pagkatapos maghapunan ay naghanda na siya para sa usapan ng taong nakausap. Nagpaalam siya babalik muna sa condo unit niya dahil may kukunin siyang gamit at kinabukasan na lamang uuwi. Mabuti at hindi na nagtanong pa ang mga ito dahil baka mabuko pa siya. Hindi talaga siya marunong magsinungaling sa kabila naman ng kanyang edad. Mula sa backseat ay kinuha niya ang mga props at inilagay sa tabi niya para madali niyang magamit ang mga iyon. Nang makarating sa lugar na pagkakakitaan nila ay isinuot niya ang kanyang afro wig. Kinapalan niya pa ang kilay at naglagay ng ng mga pekeng nunal at balat. Para mas makasigurado ay nagsuot pa siya ng shades.
Pagpasok sa bar ay nakita niya agad ang taong kausap na nakaupo sa dulo. Babae ito at ito pala mismo ang direktang katransaksiyon niya. Mabilis siyang lumapit dito at sinabi ang pakay bago ipinaliwanag ang magiging plano nila. Napamaang pa ito sa kanya bago umiyak. Nag-aaral pa pala ito at kailangan ng pandagdag sa tuition dahil natanggal ito sa scholarship at kailangang matustusan ang pangangailangan ng pamilya nito. Naawa naman siya at sinabi ang ibibigay niyang bayad dito. “Do you understand me, Ellen?”
“Yes po, ma’am. Maraming salamat po.”
“You don’t have to thank me. I’ll give you half of the payment,” sabi niya at inilabas ang isang envelope na naglalaman ng one hundred thousand. “Tingnan mo para makasigurado ka.”
“Ma’am, masyado pong malaki ito,” nagtatakang sabi nito.
“Don’t worry. Sa ‘yo na lahat iyan. Iyung bayad sa ‘yo ng kausap mo, sa ‘yo lang din iyon. I hope this will be a secret between the two of us. Makakasigurado ba ako?”
“Opo. Ano pong pangalan niyo?”
“Hindi ko pwedeng sabihin.” Iyon lang at muli niya itong pinaalalahanan na sikreto lang iyon at walang dapat makaalam na kahit sino. Tinakot niya pa ito na may mangyayari ditong hindi maganda kapag may iba pang nakaalam. Dahil bata pa at unang beses nitong gagawin iyon ay bakas ang kaba rito at mabilis pang tumango habang nangangako. Tumayo na din siya at lumabas ng bar. Siniguro niyang hindi masusundan nito bago siya naglakad papunta sa kotse.