Chapter 31: We Kiss, We Make Up

Hindi mapakali si Magnolia kahit umalis na si Carlo. He kissed her, and she responded immediately. He knew she could not resist him. He was the love of her life, the dream she would never realize. And it was sad because her heart would never beat for anyone else that way. Minsan pakiramdam tuloy niya ay mahal din siya ng lalaki. Kung sasabihin nito sa kanya iyon ay hindi niya alam ang itutugon. Para bang lagi itong nagsusumamo makausap at mahalikan lang siya. Siya naman ay hindi ito matiis at palagi pa rin itong hinahalikan at niyayakap. Kung hindi lang tumawag si Rose habang may nagaganap sa kanila ay mapupunta na naman sila sa sukdulan. Baka tuluyan nang may mabuo although nagkataong hindi na naman siya fertile. Gusto niyang matawa sa isiping laging wala sa timing ang lalaki. Hindi na ito katulad dati na parang iwas na iwas sa kanya. Ngayon ay ito na ang lapit nang lapit sa kanya. With him, she always felt a giant need for propinquity. His kisses, whispers, and embraces were enough to forget everything around them.

Kinabukasan ay hindi na muna siya pumasok sa kagusuhan na rin daw ng Daddy niya. Two months ahead siya sa deadline at hindi na raw ito natutuwa na subsob siya sa trabaho. Bawal daw siyang papasukin. Sumubok nga siyang pumasok pero hayun ang mga security guard sa building nila at hindi siya pinapasok dahil utos daw ng daddy niya. Nagmumukmok nga siya ngayon at nanonood ng mga rom-com movies. She had enough drama and stress. She needed to laugh and relax. Hatinggabi ay tumunog ang telepono niya, si Liberty. Si Joseph ang tumawag at nakikusap kung pwede siyang pumunta ng ospital para may makasama dahil nasa delivery room na ang kanyang kaibigan. “I’ll be there in ten minutes. Please update me from time to time, Joseph. Thank you!” Nagbihis lang siya at nagmamadaling bumaba sa basement parking at sumakay ng kanyang kotse.

Pagkarating sa ospital ay hinanap niya ang mag-asawa. Nasa delivery room pala pero napahinto siya dahil hindi si Joseph ang nandoon kundi si Carlo. Gusto sana niyang bumalik sa elevator pero nakita na siya nito. Tumango lang ito sa kanya at tumingin sa pader sa harap nito. Naiilang siya at kahit malaki ang espasyo sa pagitan nila habang nakaupo ay para bang sakop nito ang buong pasilyo. Napilitan siyang mag-check ng social media accounts niya para mawala ang atensiyon dito. Pero bigla itong nagsalita.

“How are you?”

“Just fine,” mahinang sagot niya at hindi na nag-abalang magtanong pang muli rito para hindi na humaba pa ang usapan.

“I missed you.”

“I did not.”

“I know you did,” anito at umisod palapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

“Look, Carlo,” naiinis na sabi niya at hinarap ito bago binawi ang kamay. “Next week ikakasal ka na sa kapatid ko. Gusto mo ba talaga akong gawing mistress ha? Hindi kasi okay sa akin eh.”

“Eh hindi tayo na ang magpakasal. Lagi kong sinasabi sa ‘yo, tanggi ka naman nang tanggi sa akin. Para bang kulang na kulang ako sa ‘yo eh lagi mo naman akong pinagnanasaan,” naiinis na sabi nito pero hindi naman mapigilang mang-asar sa kanya.

“Shut up, you jerk! Bakit ba hindi mo makontrol iyang libido mo pagdating sa akin? Kaunting tiis na lang, magha-honeymoon na kayo ng kapatid ko kahit one to sawa pa.”

“Ganyan talaga ang tingin mo sa akin noh?”

“Oo! A few nights ago, you were in my neighbor’s unit.”

“Nakita mo namang pinalayas ako kahit hindi ko pa nasusuot nang maayos iyung polo ko. She gave me head, but I kept calling your name. It’s only you I want to make love with.”

“Tumigil ka na ha,” naiinis na sabi niya at itinapat pa ang daliri sa mukha nito. Dama niyang namumula na ang pisngi dahil dito. Somehow she felt she was beautiful the way he said how he wanted to do it with her, that with her, he would be insatiable. He grabbed her hand and waist in just a snap and gave her another earth-shattering kiss. “Carlo, please.” She could not talk when his lips and tongue were exploring her mouth. She just let him do it and pulled his head so she could kiss him better. She felt him smile before letting her go. But she was not content yet. She pulled his nape and kissed him deeper.

“Baby, wait,” hinihingal na sabi nito.

“No, Carlo, don’t let go,” she said and kissed him again. When she looked at his face, his eyes were closed while whispering her name. That fueled her passion that she did not notice she was already sitting astride him. A few more minutes passed before they got enough of each other.

“My baby loves kissing me huh,” nakangiting sabi nito habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi. Inilapit nito ang mukha niya rito at ikiniskis ang ilong sa ilong niya. “I missed you.”

“I missed you, too,” wala sa loob na sabi niya.

“Say that again, baby,” bulong nitong nakapikit pa at pabiro siyang kiniliti sa baywang. Para siyang bumalik sa huwisyo at mabilis na kumalas dito. “Magnolia, madaya ka. Sabihin mo na kasi ulit muna.”

“Ang alin ba?”

“You said you missed me, so say it again, baby.”

“I didn’t! It was just your imagination. I said I didn’t miss you.”

“Ang haba naman ng sinabi mo,” nakangising sabi nito at muli siyang hinila pabalik sa puwesto niyang nakandong dito. “Sige na please, please, please,” malambing na sabi nito habang pinapaliguan ang mukha niya ng halik.

Huminga muna siya ng malalim bago muling tumingin dito. Of course, she did not have a heart to refuse him. “Oo na, miss na miss din kita,” nakayukong sabi niya at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

“You mean that?” Mabilis na tiningnan nito ang hitsura niya. Maluwag ang pagkakangiti nito, walang halong panunukso, habang siya pinamumulahan ng mukha. “Miss na miss kita means you missed me so much.”

“Fine, I missed you so much. Pero-”

“Stop. I don’t want to hear that part. What matters is we missed each other. We are compatible, baby, so let’s get married. Kahit ngayon na sa huwes.”

“Hoy lalaki!” Mabilis siyang tumayo, gulat na gulat na nakatingin dito. Sa inis niya ay tumawa lang ito na para bang sinasabing biro lang iyon kaya huwag siyang mag-inarte. Kinuha niya ang coin purse niya at ibinato dito.

“Binibiro ka lang naman. Alam ko kasing ayaw mong magpakasal sa akin.”

“Ahh ganoon pala. Alam ko na kung bakit sa akin ka lapit nang lapit.” Biglang naging malamig ang tono niya. "Now, I understand perfectly. You know how much I love my sister and that I don’t want to break her heart. Sa akin safe ka makipag-one night stand or makipaghalikan kasi hindi ako magpapakasal sa ‘yo. Talaga nga naman palang convenient sa ‘yo."

“Magnolia, don’t get the wrong idea.”

“Ayoko nang makinig.”

“Lagi na lang akong palpak ng paliwanag sa ‘yo. I didn’t mean it that way. Gusto kitang pakasalan dahil ilang beses nang may nangyari sa atin. Sinabi ko naman dati, gusto ko magka-baby tayo.”

“Just stop,” bulong niya at pasimpleng pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “Carlo, self-respect na lang ang meron ako. Huwag mo nang kunin sa akin iyon please.”

“I’m sorry, baby. But please believe me, it was never my intention to make you my playmate or spare tire. Why would I ask you to marry me in the first place?”

“It is because you are a very responsible man. But, that will never be enough to marry me. Please don’t do this. Paulit-ulit na lang kasi tayo kahit lumalayo na ako para hindi tayo matukso. You know I can’t resist you. We want each other, but that’s just it. Huwag na nating dagdagan ang mga kasalanan natin sa pamilya natin lalo na kay Rose dahil hindi niya deserve ito. More than ten years na kayong magkasintahan pero ngayon ka pa talaga nagloko. Pinapayagan ka na nga niya makipag-sex sa ibang babae dahil may agreement kayo.” Nailang siya sa huling sinabi dahil hindi maisip kung paano nagagawa iyon ng kapatid niya dahil kung siya ito ay makakatikim ang lalaki sa kanya.

“Naiintindihan ko na talaga, baby.”

“Iyan pa, baby ka nang baby, eh may baby ka nang iba. Hindi pwede iyan.”

“Okay, Magnolia,” malungkot na sabi nito. “Hindi ko na talaga uulitin and I’m really sorry.”

“Apology accepted. Please tumupad ka sa bago mong promise dahil hindi kita mapapatawad kahit kailan. We’re not okay just so you know, and I take back my words. We can never be friends because we have already crossed the line. But, we still can be nice to each other. Iyon lang muna ang maipapangako ko kaya pakiusap huwag na nating gawin ito dahil mali sa simula pa lang.” Tumango lang ito sa kanya at mabilis na naglakad papuntang elevator. Bumalik din naman ito maya-maya at may dala nang pagkain nila ni Joseph. Saktong nakapanganak na rin si Liberty kaya makakalipat na sila sa private room nito para makakain na sila. Mabuti na lang pala at walang bisita o staff na nakakita sa kanila. Tumingin siyang muli kay Carlo na nakatingin din pala sa kanya pero agad itong nagbawi ng tingin at kinausap na si Joseph na masayang nagkukuwento tungkol sa pangangak ng asawa at hitsura ng baby nito. Hindi na lang din siya kumibo dahil hindi niya rin alam kung ano ang dapat pang sabihin. Nasabi niya na naman ang lahat din dito.