Wakas

Vriameiza’s

5 years later.

Narito ako ngayon sa puntod ni Leuis. 5th death anniversary niya ngayong araw. Pinasadahan ko ng aking kanang palad ang kaniyang lapida. Nakaukit doon ang kaniyang pangalan, araw ng kaniyang kaarawan pati na rin ang araw ng kaniyang kamatayan. Pati na rin ang mga katagang, “Your memories remain in our hearts forever.”

Kumusta ka na, Leuis? Sana ayos ka lang kung nasaan ka man ngayon. Kung ako naman ang tatanungin mo? Araw-araw pa rin kitang namimiss. Araw-araw kitang naaalala. Kaya palagi kong binabasa ang mga unsaid letters mo para sa akin. At araw-araw ko ring piniplay ang video mo. Alam ko minsan nagiging unfair na ako kay Diovre. Dahil ikaw na lang palagi ang naiisip ko. Pero alam ko rin namang naiintindihan niya ako. Hanggang ngayon, Leuis, hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala mo. Ako dapat iyon eh. Ako dapat ang nandito. Ako dapat ang namatay. Leuis, bumalik ka na, please. Hindi kumpleto ang pagkatao ko dahil nawalan ako ng bestfriend. Nawala ka sa akin. Miss na miss na kita.

Hinayaan ko lamang na lumandas ang mga luha sa aking mga mata.

Limang taon na ang nakakalipas. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin tuluyang natatanggap ang pagkawala ni Leuis. He was always there for me. Hindi niya ako iniwan. Hindi niya ako binitawan.

Hanggang sa huli, prinotektahan niya pa rin ako.

Gusto ko ring gawin ang mga bagay na iyon para sa kaniya ngunit paano ko gagawin iyon ngayon kung wala naman na siya?

“Mommy, tahan na po. Huwag ka nang umiyak. Alam niyo naman pong hindi ikatutuwa ni Nongnong iyan.”

Naupo sa tabi ko si Meirra. Iniyakap niya ang kaniyang braso sa aking baywang. “Alam ko, mommy na masakit pa rin para sa iyo ang pagkawala ni Nongnong. Ako rin, mommy. Hindi ko rin matanggap ang pagkawala ni Nongnong. Hindi ko pa siya lubos na nakikilala at nakakasama eh. Tapos kinuha na agad siya.”

Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa aking anak at yinakap siya ng napakahigpit.

Salamat, Leuis. Nayayakap ko ng ganito ang anak ko. At araw-araw kong ipagpapasalamat ang mga ginawa mong pagsasakripisyo para sa akin.

“Mommy, wala pong masama kung patuloy niyo pa ring ipagluluksa si Nongnong. Pero, mommy, ang sakit sakit para sa akin na nakikita kita na araw-araw at gabi-gabing malungkot. Si daddy rin, mommy. Hindi niya alam kung paano ka mapapangitiin ulit. Hindi na namin alam ang gagawin namin, mommy.”

“I’m so sorry. I’m really sorry. Pati kayo naaapektuhan sa kalungkutan ko.”

Naramdaman ko ang pag-iling ng anak ko. “No, mommy. Don’t say sorry. Wala ka pong kasalanan. I know it is hard to move on. At kahit kailan naman po ay hindi magiging madali ang mag move on sa kahit anong paraan. Pero, mommy, please do remember na kahit wala na si Nongnong. Alam ko na naririto pa rin siya.” Kumalas siya sa yakap ko. At itinuro niya ang puso ko.

Napangiti na lamang ako. Ilang minuto kong tinitigan ang anak ko. Pagkatapos ay nagdesisyon na akong umuwi na kami.

Nagpaalam muna ako kay Leuis. Gayundin ang ginawa ni Meirra.

“Halika na, anak. Umuwi na tayo. Paniguradong hinihintay na tayo ng daddy mo.”

Tinulungan ako ni Meirra na makatayo. At magkahawak-kamay kaming naglakad patungo sa sedan. Iniregalo iyon sa akin ni daddy noong ikinasal kami ni Diovre, three years ago.

Sa dalawang taon na pagkawala ni Leuis ay patuloy ko siyang ipinagluksa. Pagkalipas ng isang taon ay nagpropose sa akin si Diovre. It is a simple proposal sa Delishioso kung saan din kami naging opisyal na dalawa.

Naging trending topic ng ilang araw ang proposal ni Diovre sa amin. Hindi naman naging matagal ang aming engagement dahil kaagad din namin iyong inasikaso. Dalawang beses kaming ikinasal.

Sinabi ko naman sa kaniya na hindi na kailangan ng bongga pero mapilit siya. Sinabi niyang pinag-ipunan niya ang pangkasal namin kaya hindi siya papayag na hindi iyon magiging bongga. Ang unang kasal namin ay church wedding. Ang isa naman ay beach wedding.

Siya ang gumastos sa lahat. Ni isang kusing ay wala akong inilabas na salapi.

Lubos akong nagpapasalamat sa effort ni Diovre. Talagang ibinibigay niya sa akin ang lahat ng kaya niyang ibigay.

Nang makarating kami sa mansion. Nakaabang na sa amin si Diovre. Nakangiti siya sa amin. Pagkababa ni Meirra sa sasakyan ay sinalubong niya ng isang mahigpit na yakap ang ama.

Pagkahalik sa pisngi ng ama ay pumasok na ito sa loob.

Humakbang na rin ako papalapit sa kaniya. Hindi niya ako hinintay na makalapit sa kaniya. Mabilis ang mga hakbang nito patungo sa akin. Nang magkalapit na kaming dalawa ay mas lalo niyang pinaglapit ang mga katawan namin nang ipinulupot niya ang braso niya sa baywang ko.

Inihawak ko ang kanang kamay ko sa balikat niya.

Hindi siya lubusang nakuntento sa pagiging malapit namin. Inilapit niya rin ang kaniyang mukha sa mukha ko.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. I kissed him. Saglit siyang nagulat pero agad din naman niyang sinuklian ang halik ko.

Ipinalibot ko ang mga braso ko sa batok niya. Siya naman ay iniyakap ang mga braso sa bewang ko.

He deepened the kiss.

Nang maubos na ang hangin ay itinigil na namin ang paghahalikan. Pero magkalapit na magkalapit pa rin ang mga mukha namin. Nakadantay sa noo ko ang noo niya. Ganun din ang ilong niya sa ilong ko.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. “I love you,” I whispered.

He gave me a peck on the lips. “I love you. Always and in all ways.”

Idinantay ko ang ulo ko sa kaniyang balikat. “Mi salvador.” Inilipat ko ang mga braso ko sa kaniyang bewang na nakayakap kanina sa kaniyang batok. At mahigpit ko siyang niyakap.

Ngunit niluwagan ko rin naman pagkatapos.

“Hmm?”

Pinapalandas niya ang pareho niyang mga palad sa buhok ko.

“I’m sorry. Hindi ko nagagawa ang trabaho ko bilang asawa mo dahil sa pagluluksang ginagawa ko.”

Huminga siya ng malalim. Naririnig ko ang pagpintig ng kaniyang puso. “Will you be angry at me? Kung sasabihin kong sobra-sobra na ang pagseselos ko kay Leuis?” May pagsusumbat niyang saad.

Naiintindihan ko naman iyon. At nasasaktan akong nakikita siyang nahihirapan sa sitwasyon.

Tumingin ako sa kaniya. “I’m really sorry, mi salvador,” malungkot kong saad.

Ibinalik niya ang ulo ko sa pagkakadantay sa kaniya. ‘Tsaka niya rin idinantay ang kaniyang pisngi sa tuktok ng aking ulo. “Toiveeni, nagseselos ako, oo. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko naiintindihan ang kalungkutan mo. Alam ko, toiveeni. Dahil malaki ang naging bahagi ni Aki sa buhay mo. Bago mo pa naman ako nakilala. Nasa buhay mo na siya. Magluksa ka lang, toiveeni. Hindi kita pipilitin na mag move on agad. Be ready to let him go at your own pace. Hinding-hindi ko ipagdadamot ang kahit ano sa iyo. Dahil alam ko sa huli na sa akin ka pa rin. Basta, nandito lang ako. Okay?”

“Minsan, naiisip ko, mi salvador. You are too good for me. Na hindi kita deserve? Na hindi ko deserve ang pagmamahal mo?”

He chuckled. “Ano ka ba, toiveeni. I do have toxic sides. Katulad na lang ng pagseselos ko. I’m not a perfect man, toiveeni. But I want to be a perfect father to Meirra and to be a perfect partner for you. Marami pang challenges ang darating sa buhay natin, toiveeni. Ito pa lang ang simula. Wala akong ipapangakong kahit ano dahil gagawin ko ang lahat para sa inyong dalawa ni Meirra. Kahit pa isakripisyo ko rin ang buhay ko.”

“Salamat, mi salvador. Mahal na mahal kita.”

“Mahal na mahal na mahal kita, toiveeni.” Pagkasabi niya niyon ay binigyan niya ng mumunting halik ang tuktok ng ulo ko pati na rin ang sentido ko.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilan pang minuto bago kami nagdesisyon na pumasok na. Dumiretso kami sa dining. Nadatnan namin si Meirra at ate Bia na masayang nagkukwentuhan.

Nakahanda na ang mga pagkain. Siguro ay kami na lamang ang hinihintay na dalawa ni Diovre.

Tatlong taon na kaming nakatira sa mansion na ito. Ipinagawa ito ni Diovre noong baby pa lang si Meirra. Dinala niya kami ni Meirra dito pagkatapos ng unang kasal namin sa simbahan.

Kasama namin si ate Bia dahil siya ang naging tagapag-asikaso kay Meirra.

Araw-araw ay bumibisita rito sila mommy. Si Zrio naman ay nasa New York City para ipursue ang kaniyang pangarap. He is already a Bachelor of Fine Arts degree holder. Pero hindi pa siya umuuwi dahil nagma-masters pa siya.

Masiyadong nagpapakadalubhasa ang kapatid pero suportado ko naman ang gusto niya dahil alam kong doon siya sasaya.

Si Diovre na ang namamahala sa kumpaniya ni daddy. Kahit ayaw ni daddy ay naging mapilit si Diovre. Sabi niya ay kaya naman niya.

Ako nga dapat ang mamamahala ngunit sinabi sa akin ni Diovre na ipursue ang gusto ko. Ang maging isang sikat na pintor. Hindi ko pa nagagawa iyon. Ngunit natapos ko ang portrait na ginawa ko para kay Leuis.

Sa ginawa ko, nakaupo siya at nasa waiting shed. Iyon ang una naming pagkikita. Pinamagatan ko ang portrait na “selfless”.

Dahil iyon naman talaga ang katangian niya. Isang selfless na tao. Handa niyang isakripisyo ang lahat para sa kaligtasan at kasiyahan ng mga taong minamahal niya.

Sayang lang dahil hindi na niya maibabahagi pa sa ibang tao ang katangian niyang iyon.

“Mommy?”

Napabalik ako sa kasulukuyan dahil sa pagtapik ni Meirra sa balikat ko. “Huh, ano iyon, anak?”

“Bakasyon ko na po. Gusto ko po sanang mag beach tayo? Okay lang po ba, mommy?”

Agad akong tumango. “Oo naman, anak. Pwedeng-pwede.”

Nagtatalon sa tuwa ang anak ko sabay yakap sa akin. “Thank you, mommy. I love you.”

“I love you, my always baby.”

Mahigpit ko siyang niyakap.

Katulad ng plano ay nagbakasyon nga kami sa private beach na binili ni Diovre. Sa Balabac, Palawan located ang private beach na iyon.

Tinapos na muna ni Diovre ang mga trabaho niya sa company at sa CastaRevaz Hospitals. Katuwang niya sa CastaRevaz Hospitals si tita Riala. Sa pagkakaalam ko ay pinapractice na ni Tita Riala ang pagiging doctor niya.

At sa CastaRevaz main hospital siya nagtatrabaho. Located sa Pasay.

Napakaganda ng napiling spot ni Diovre. Napakalinaw ng tubig. Kulay bughaw. Ang sand ay putting-puti at hindi masakit lakaran kapag nakayapak kang maglalakad.

Wala si Zrio pero kahit ganoon ay nakita ko pa rin ang kasiyahan sa mukha ni Zrio nang tawagan ko siya.

Nakaupo ako ngayon sa reclining beach chair habang tinatanaw ang mag-ama kong naglalaro ng volleyball. Mag-isa lang si Diovre habang kasama naman ni Meirra si ate Bia.

Sa bawat puntos na nakukuha nila Meirra ay palagi sila tumatalon at nag-a-appearan ni ate Bia. Si Diovre naman ay napapakamot na lang sa ulo. Alam ko namang marunong si Diovre sa paglalaro ng volleyball.

Sigurado akong nagpapatalo lang siya para sa kasiyahan ng kaniyang anak.

Napangiti na lamang ako sa napakagandang tanawin na natatanaw ko. Mula sa may kalayuan, rumarampa sila Kia, Wella at Mama Mina. Kasama ang mga boyfriends nila.

Sa may dalampasigan naman ay naghahabulan sina mommy at daddy. Si tita Riala naman ay nagsa-sun bathing.

Minsan kong naitanong si Diovre patungkol sa lovelife ni tita Riala. Ngunit ang tanging nasabi lang nito, noong kabataan daw ni tita Riala ay may napupusuan ito. Ngunit nagpunta ito sa ibang bansa at pagbalik ay may pamilya na.

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si tita Riala na masabi pa ang nararamdaman dahil na rin siguro ayaw niyang makasira ng isang masayang pamilya.

Kung narito ka, Leuis. Buong-buo ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Pero, maraming maraming salamat. Hindi ko masisilayan ang mga ito ngayon kung wala na ako rito sa mundo. Hindi ko sasayangin ang sakripisyo mo, Leuis. Mahal kita. Salamat, ulit.

Alam kong marami pang problema ang darating. Marami pang pagsasakripisyo ang mangyayari. Marami pang mga lungkot at saya ang darating. Pero, kahit ganoon, isang bagay ang panghahawakan ko.

Pagmamahal.

Ang pagmamahal ng asawa ko. Ang pagmamahal ng anak ko. Ang pagmamahal ng mga magulang ko. Ang pagmamahal ng kapatid ko. Ang pagmamahal ng mga tao sa paligid ko. At ang pagmamahal ng isang matalik na kaibigan na nagsakripisyo para sa buhay ko.

Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa hinaharap pero isa lang ang alam ko. Katulad ni mommy, handa rin akong maging matapang para sa mga taong minamahal ko.

Handa rin akong manatili kahit gaano pa kabigat ang mga problemang kakaharapin ko.

Para sa kasiyahan ko.

Para sa mga mahal ko.

At para sa mga pangarap na tutuparin ko pa.

Isang panibagong simula ang sisimulan ko sa isang panibagong bukas. Maganda, nakakahalina, may mga pangamba man o panganib ngunit hindi nito masisira ang kung anumang nabuo kong lakas para ipaglaban ang aking naghihintay na magandang wakas.

Xeidiovre’s

Even though we are not together anymore. I didn’t stop watching her. I didn’t stop following around and wherever she goes.

I was so in love with Vria that I can’t afford to lose her.

Nang makita kong sa sementeryo siya dumiretso pagkatapos niya sa DZBNA corporation. Alam ko na agad kung sino ang pupuntahan niya.

“I’m sorry, Vria, toiveeni. Hindi ko pa rin masabi sa iyong hindi naman namatay ang anak natin. She was still alive and she was waiting for your comeback. She’s been waiting for you her whole life.”

May luhang pumatak mula sa pisngi ko. Agad ko iyong pinalis.

When I saw her punching herself. I wanted to go to her side but I couldn’t. So, I called her best friend, Aki.

I’m jealous but I can’t afford to look at her hurting herself.

“Hello, who is this?”

I cleared the lump on my throat before answering. “This is Dio. Vria is in the cemetery. She needs you.”

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Aki. Agad ko nang pinatay ang tawag.

Hindi naman nagtagal, nakita ko na ang pagdating ni Aki sa lugar na kinaroroonan ni Vria. He became Vria’s strength.

Ako dapat iyon pero alam kong sakit lang ang maibibigay ko sa kaniya. Sakit lang ang makikita ko sa kaniyang mga mata.

I really wanted to know her reasons. I wanted to know what was going on with her head. But I can’t come near her.

Ayaw ko nang dagdagan ang anumang sakit na idinulot ko sa kaniya.

Gusto kong mahanap na ang peace na kailangan niya.

Kung kailangan kong dumistansiya muna habang hinahanap niya ang kailangan niya. Gagawin ko. I can wait. I’ve been waiting for her for too long.

Ngayon ko pa ba susukuan ang pagmamahal ko para sa kaniya? Ngayon ko pa ba isusuko ang lahat? Kung malapit na rin naman na ako.

No, I won’t. For the sake of Meirra. For the sake of my happiness. For the sake of us being whole and becoming a big and happy family.

Hihintayin kita, toiveeni. Hihintayin ko ang muli mong pagbalik sa buhay ko. Hindi ako susuko. Hindi kita susukuan mo.

Patuloy pa rin akong magmamahal. At patuloy kitang pipiliin. Gaano man kasakit. Gaano man kahirap.

Nang umalis na silang dalawa sa sementeryo. Umalis na rin ako. Umuwi na ako sa anak namin ni Vria.

I went to our daughter’s room. I kissed my daughter’s forehead. And I whispered, “I love you, love.”

She will be known. I’m pretty sure if her mother will know that she’s alive. She will be loved by her.

I can’t wait for that moment.

Kaunting hintay pa, anak. Malapit na nating makasama ng panghabang-buhay ang mommy mo.

Naging civil ang pakikitungo sa akin ni Vria. She’s cold when we are the only one left. But she’s very sweet and caring when others see us.

Hindi pa ibinabalita ang paghihiwalay namin kaya nakapag celebrate pa kami ng aming fourth anniversary.

Masaya naman ako roon. At least kahit kunwari, alam kong may pagmamahal pa rin siya para sa akin.

Ngunit ang kasiyahan ko ay napalitan ng kalungkutan. When Vria told everyone that she doesn’t want to continue her career as an actress.

Para akong naputulan ng pakpak at sobra ang paglagapak ko sa lupa. Nagkandabali-bali ang mga buto ko.

I tried to talk to her. I beg that for the last time she told me she loves me even if it isn’t real. But she didn’t.

She left. Without any words.

Akala ko habang-buhay na akong magmumukmok at maglalasing. Na habang-buhay na akong magluluksa para sa pag-ibig na hindi ko alam kung makakamtan ko pa.

Nang biglang makita ko siya. Sitting with our daughter.

Vria is in my penthouse. She’s with us.

Pinapakain niya ang anak namin.

I can’t believe it. She already knows the truth. She already knows that we have a daughter.

Ngunit ang kasiyahan ko ay napalitan din ng kalungkutan. Paano kung galit siya sa akin? Paano kung hindi na niya tanggapin ang pagmamahal ko? Paano kung anak lang pala namin ang gusto niyang makasama?

Paano na ako?

“Mukhang napakalalim ng iniisip mo, mi salvador? Care to share your thoughts?” Pagtatanong niya sa akin, isang gabi na muli niyang pagbisita rito sa penthouse.

Nakipaglaro siya sa anak namin buong araw. Ako naman ay pinanood lang silang dalawa. Minsan ay sumasali ako ngunit madalas ay hinahayaan ko silang dalawa na makapagsarinlan.

“I tucked Meirra on her bed. She’s already asleep. I was about to say my goodbye but I saw that you were thinking too much. May problema ba?”

Lumapit siya sa akin. Naupo rin siya sa kamang inuupuan ko.

“Hey, Diovre. I don’t like you being like this. Sige na, sabihin mo na sa akin. Anong problema?”

I took her hands and intertwined our fingers. “I love you.” I whispered.

I smile crept on her lips. She kissed our intertwined fingers. “I love you, mi salvador. I love you. I love you. I love you. I won’t get tired of saying those words to you. You have my heart, my mind, and everything. You are my life. You are my air. You have me. Always.”

“So, what’s bothering you? Can you tell me now?”

Kinuha niya ang kanang kamay niya. She combed my hair using her fingers.

I cleared my throat. “I was thinking that you might not need me anymore. Na kukuhain mo na si Meirra sa akin. Na hindi mo na ako mahal dahil nagsinungaling ako sa iyo. At inilayo ko sa iyo ang anak natin. That you are angry at me. That—”

Inilagay niya ang hintuturo niya sa aking labi. “Shh.”

“Don’t say that, Diovre. I told you, you have my everything. My heart will stop beating if we’re far apart.”

She sighed. “I’m sorry. Kung hinayaan ko ang galit kong mamayani. Hindi ko pinakinggan ang paliwanag. At hindi ko rin hinayaan na magpaliwanag ka. I promise, simula ngayon, I will listen to your side. Bago ako mag decide. Para hindi na tayo umabot sa punto na masasaktan natin ang isa’t-isa. Pinky promise.”

Inilahad niya sa akin ang kaniyang pinky. Natatawa man pero inilahad ko rin ang pinky ko. And we made that pinky promise sign.

I hugged her. Tight. Very tight. Then we kissed. And do something nasty in my room.

Alas-singko na siya ng umaga ng makauwi sa kanila.

Maayos naman ang lahat. Ngunit gumuho na naman ang mundo ko ng malaman kong na kidnap ang mag-ina ko.

Aki and I do the saving. But he didn’t make it. He died saving my toiveeni’s life.

In his wake. I made a promise.

“I will take care of her and our daughter. I was beyond thankful for sacrificing your life for my love. I hope you will always guard her even if you are there somewhere. Thank you so much for being my love’s best friend. Promise, Aki, I will always support her. Just like what you did when you were alive. Thank you. May you rest in peace, Aki.”

After two years of Aki’s death. I propose to Vria. We got married twice.

I want the best for her. At isa pa’y pinaghirapan ko ang lahat para lang maibigay ko sa kaniya ang deserve niya.

Alam ko, after five years of Aki’s death. She still can’t move on.

I let her be. I may be jealous but I won’t make that as an excuse.

Hindi madali para sa asawa ko ang lahat. Hindi madali para sa kaniyang kalimutan ang mga alaala dahil matagal na niyang kilala si Aki.

Hindi madali sa kaniyang kalimutan ang kamatayan ni Aki at alam ko iyon. Hangga’t maaari o kung umabot man sa habang-buhay. Handa pa rin akong magparaya para sa kasiyahan ng asawa ko.

Mahal ako ng asawa ko. Hindi man niya maiparamdam ng sapat sa ngayon. Hihintayin ko pa ring maibigay niya ulit sa akin ang buong atensyon niya.

Hinding-hindi ako mapapagod maghintay.

Nang magdesisyon si Vria na mag beach kami. Agad kong inasikaso iyon. Tinapos ko muna ang lahat ng trabaho ko bago kami lumipad patungo sa lugar na napili ng anak namin.

It was all fun. Muli kong naramdaman ang buong atensyon ni Vria.

It may last for a while but I will trade anything just for these moments.

I was too in love with toiveeni. She is my sun that gives me light and hope. She is my moon that gives me light when I walk in the dark path. She is my star that twinkles every time I shine brighter.

She is everything.

Hey, toiveeni, get ready because we still have a long journey ahead of us for a lifetime.

Kung may magsasabi sa aking makikilala ko sa bar ang babaeng nakatakda para sa akin. Siguro ay tatawanan ko siya. Dahil hindi perpektong lugar ang bar para makilala ko ang babaeng katulad ni Vria.

Ngunit, hindi ko rin maikakailang hindi ko siya mapapansin at makikilala kung hindi siya sumayaw sa gabing iyon.

Kung muling mauulit ang lahat. Pipiliin ko ulit na mangyari ang mga nangyari dahil hindi ko kayang mabuhay kung walang Vriameiza Anvedara Del Vencio Sandrevaz at Diameirra Del Vencio Sandrevaz sa buhay ko ngayon.

Just one smile from them, my heart will always melt.

They will always be the best sight to watch for me.