Chapter 29

Achileuis’s

Vriameiza Del Vencio, the woman I’ve been loving for a very long time. I’ve been wishing for.

Nakilala ko siya noong mga high school students pa lang kami. Nakaupo ako noon sa may waiting shed. Na nasa labas ng eskwelahan na pinapasukan ko.

Hinihintay si mang Hani. Nang biglang may magandang dilag ang nakiupo sa tabi ko. Napakalaki ng backpack niya sa likod.

Na akala mo dala-dala na niya ang lahat ng kagamitan sa eskwelahan.

Napatulala ako sa kagandahan niya ng mga ilang minuto.

“Woi! Baka matunaw ako niyan!” Agad na natauhan ang sistema ko dahil sa narinig. Nahihiyang bumaling ako sa ibang direksiyon.

Siguro ay namumula na ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.

Ano ka ba naman, Aki? Seriously? Natulala ka sa harap ng isang babae?

Pagkastigo ko sa aking sarili.

“Vria.”

Agad akong napatingin sa gawi niya ng muli siyang magsalita. “Huh?”

Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. “Ang sabi ko. Ang pangalan ko ay Vriameiza. But they call me Vria. 2nd year high school. Ikaw ba?”

Dali-dali ko namang inabot ang kamay niya. “Achileuis. Lahat ng mga taong kakilala ko, ang tawag nila sa akin ay Aki. 4th year. Graduating.”

“I don’t like Aki. Leuis na lang ang itatawag ko sa iyo. Is it okay with you?”

Agaran naman akong tumango. “Sure. Kung saan ka magiging komportable.” Pagkasabi ko niyon ay tuluyan ko nang binitawan ang kamay niyang hinawakan ko.

“Thanks, Leuis. See you tomorrow. Una na ako. Ayon na yung sundo ko eh. Bye!” Nagmamadali siyang pumunta sa kinaroroonan ng isang sedan na tinuro niya.

“Bye. Ingat!” Lumingon na muna siya at kumaway sa akin bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan na iyon.

Kumaway rin ako pabalik sa kaniya.

Simula rin noon, naging malapit kami sa isa’t-isa. Madalas ay napagbibintangan pa kaming magkasintahan.

Pero agad ko rin naman iyong itinatanggi dahil mag bestfriend lang kami ni Vria. Ngunit hindi ko alam na unti-unti ay mararamdaman ko ang isang pakiramdam na hindi ko inaasahang mararamdaman ko.

“Happy graduation, Leuis.” Masayang-masaya na bati niya sa akin. Tapos ay may pinakita siyang maliit na pa square na kahon. Inilahad niya iyon sa akin na agad ko namang inabot.

“Gift ko para sa iyo. Lagi mong suotin iyan ha.”

Nakuryuso ako sa laman kaya agad ko iyong binuksan. Tumambad sa aking harapan ang isang gold bracelet. Tapos ay naka engrave roon ang pangalan ko. Pagkatingin ko sa likod ay may date.

October17.

“Anong meron sa date?” Nagtatakang tanong ko.

“Iyan yung unang araw na nagkakilala tayo. Remember?”

“Oo nga pala. Thank you for this, Vria. Pwede mo bang isuot sa akin?”

Kinuha niya ang bracelet at isinuot sa akin. “Salamat ng marami dito sa regalo mo, Vria.”

“Your welcome, Leuis.”

Naging matibay pa rin ang pagkakaibigan namin kahit noong tumuntong na ako ng kolehiyo.

Kahit naging busy na ako lalo. Hindi ko pa rin nakakalimutan na palagi siyang kumustahin. Kung minsan ay tinutulungan ko siya sa mga subjects na hindi niya maintindihan.

Lagi lang din akong naroon para sa kaniya. Sa lahat ng okasyon ng buhay niya. Mga achievements niya sa eskwelahan at mga natatamo niya sa pag-arte sa kamera. At katulad ko’y nasa tabi-tabi lang din ang pagmamahal ko na higit pa sa kaibigan.

Ayaw kong aminin sa kaniya.

Una ay naduduwag ako. Wala akong lakas ng loob na aminin sa kaniya ang nararamdaman ko.

Pangalawa, ayaw kong mawala siya sa akin. Lalo na ang pagkakaibigan namin.

Sapat na sa aking nasa tabi niya ako anumang oras at sa lahat ng pagkakataon na kakailanganin niya ako.

Naging malaking dagok sa buhay niya noong mabuntis siya. Pero hindi nakasurvive ang anak niya.

Iyon ang akala namin. Buhay pala ang bata at ibinigay iyon ng mga magulang ni Vria sa ama ng bata.

Nasasaktan man ako sa tuwing nakikita ko kung gaano kamahal ni Vria si Dio ay hindi ko iyon binigyan ng pansin.

Dahil alam ko kung gaano rin kamahal ni Dio si Vria. Alam ko dahil bigla siya tumawag sa akin noong mga panahon na kababalik ko pa lang sa Maynila galing Dubai.

Kinokontak ko si Vria pero hindi siya sumasagot. Nang tumawag si Dio sa akin, noong una ay hindi ko nakilala ang boses niya.

Nang sabihin niya sa akin kung nasaan si Vria ay dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan ni Vria.

Doon ko naramdaman na napakalaki ng pagmamahal ni Dio kay Vria.

Gusto kong maging masaya si Vria. Palagi. Sa lahat ng pagkakataon. Kahit na hindi ako ang magiging dahilan niyon.

Kaya hindi ko aaminin sa kaniya ang nararamdaman ko. Hangga’t nabubuhay ako dahil ayaw kong maapektuhan ang nararamdaman niya.

At ayaw kong magulo at masira ang pagkakaibigan na binuo naming dalawa.

“Anak, nagmumukmok ka na naman riyan. Si Vria na naman ba ang iniisip mo? At ano ba iyang hawak mo? Aaminin mo na ba ang nararamdaman mo para sa kaniya?” Pagtatanong ni mommy. Naupo siya sa upuan.

Nasa hardin ako ngayon ng bahay namin. Hawak ang isang flashdrive.

Na naglalaman ng tunay kong nararamdaman para kay Vria. Hindi ko alam kung kailan niya ito mapakikinggan. Basta ang alam ko lang ay matagal-tagal pa.

“Flashdrive, mama. May laman itong video.” Kinuha ko ang box na nasa gilid ko. “Ito naman ay mga sulat ko para kay Vria.”

Tumingin ako sa gawi ni mommy. “Ma, if ever lang na may mangyari sa akin na hindi maganda. Pwede mo bang ibigay ito kay Vria?”

“Ano ka ba naman, anak. Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan. Marami pa kayong pagsasamahan ng kaibigan mo. Walang mangyayari sa iyong masama dahil lagi kang poproktektahan ng nasa itaas.”

Nagtungo ako sa likod ni mommy. “Ma, please? Alam ko naman po iyon. Basta if ever lang. Please give this to Vria. At paki mahal na rin po siya para sa akin.”

“Anak, hindi mo naman kailangan sabihin sa akin iyan. Matagal ko nang mahal si Vria. Kung minsan nga ay hiniling ko na sana siya na ang babaeng dadalhin mo sa altar kaso ay torpe ka. Naunahan ka tuloy,” natatawang pagbibiro ni mommy. Tinawanan ko lang din ang biro niya.

Makalipas ang ilang araw, matapos ang pag-uusap namin ni mommy. Isang pangyayari ang hindi ko inaasahan.

Nakidnap si Vria at ang inaanak kong si Meirra. Labis labis ang kaba ko para sa dalawa.

Nang makatanggap ako ng tawag mula kay Dio ay agad kaming sumugod sa kinaroroonan nila Vria. Tumawag muna siya sa mga magulang ni Vria. At humingi ng back-up mula sa mga pulis.

Na track ko ang kinaroroonan nila Vria dahil sa phone niya.

Nang makarating kami ni Dio ay naabutan namin ang masamang balakin ng dalawang mukhang unggoy na mga lalaki. Walang pakundangan namin silang binaril.

Nang babarilin na si Vria. Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan niya at iniharang ko ang katawan ko. Nabaril ako. Dalawang beses.

Bago ako malagutan ng hininga. Sinabi ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

Umusal ako ng isang dalangin at hiling mula sa itaas.

Protektahan Niyo po ang mga mahal ko sa buhay. Nawa’y lagi silang maging masaya. Alisin Niyo po ang kalungkutan at hinagpis sa kanilang puso dahil sa pagkawala ko. Maraming pong salamat. Amen.

Pagkatapos nun ay tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko at ipinaubaya ang sarili ko sa Maykapal.