Kabanata 7
SUMASAKIT na ang ulo ni Morley kakaisip kung ano ang sagot sa activity na ibinigay ni Miss Fauriou kanina sa Calculus.
“Shit! Paano ba kasi ito?” Inikot-ikot niya ang ballpen at maya-maya pa ay tinapik-tapik na lang ito sa glass table habang nakatuko ang kanyang siko.
Halos mag-iisang oras na siya sa sala upang sagutan ang mahirap na assessment subalit wala talagang pumapasok sa utak niya kahit anong pilit niya pa.
“Lady Morley. Heto na po ang red velvet milktea niyo po.” Napanguso ang dalaga sabay lapag naman ni Cassana sa paborito niyang inumin sabay angat ng tingin niya rito.
“Do you happened to know how to solve this one?” Iniharap niya sa serbedura ang test paper subalit nang makita ni Morley ang pagngiwi nito ay nakumpirma niyang wala rin itong alam kagaya niya.
“Paumanhin Lady Morley pero hindi ko alam ang—”
“Okay lang. Pareho tayong walang alam. Kung bakit ba kasi ay kinakailangan ko pang sagutan ito?”
“Baka po si sir Liam ay alam ang tungkol riyan. Maalam po si sir sa lahat Lady Morley—”
“No. Hindi ako aasa sa isang iyon. Leave now!”
Umalis nga si Cassana sa harapan niya samantalang siya ay parang pasan lahat sama ng loob dahil sa nakabusangot niyang mukha.
Cassana did mentioned that Liam was good in everything—ipinilig niya ang ulo. Hindi tama na lalo siyang aasa sa lalaking iyon ngayong alam niya nang may kinalaman si Liam sa kung bakit bigla na lamang nagbago ang trato ni Miss Fauriou sa kanya nang makabalik na ito sa klase dahil ipinatawag ng Campus Director.
He’s really meddling with her perks at kung paano siya naaasiwa sa paraan ng pag-approach ni Miss Fauriou noon, ay mas lalo lamang siyang nababahala sa ngayon. Morley knew that that woman was forced to act good at her front kahit na kabaligtaran naman ang gustong gawin niyong huli.
Isinandal ni Morley ang likuran sa malambot na unan at napahilamos sa mukha sapagkat 20 items ang assessment ngunit wala pa siyang nasagutan kahit ni isa.
Even Carleen and Rayah sent some text messages to her at nanghihingi ng maisasagot pero ano ang maibibigay niya? Utak na walang laman?
“Kung bakit ba kasi ay ipinanganak akong halos walang alam sa lahat!” Wika niya. Halos ingudngud na ang mukha sa hugis spongebob na stuff toy na ngayon ay walang awa niyang napagdiskitahan.
Maya-maya pa ay napatingin siya sa oras. Alas otso na ngunit hindi pa rin umuuwi si Liam in which hindi siya sanay na ganoon. Maliban kasi na palagi itong presko ay wala pang isang beses na ginabi ito ng uwi.
“Lady Morley. Umakyat na po muna kayo sa kwarto dahil nakarating na si sir Liam galing sa kompanya. Nakagawian kasi namin na kapag ganoon ay hindi magugustuhan ni sir Liam na—”
“Then let him get mad. Sinasagutan ko ang assessment dito no?” Giit pa ni Morley sabay irap dahilan na napabuntong hininga nalang si Riese na siyang kaagapay ni Cassana sa gawaing bahay.
So Liam has come arrived?
Isinawalang-bahala iyon ng dalaga at balik ulit ang atensyon sa test paper na tinititigan niya lang naman. Halos mabaliw na siya. Gusto nang ilampaso ang long bond test paper dahil hindi niya talaga alam ang gagawin.
Makalipas ang ilang segundo ay narinig niya na ang pagbukas ng gate. Tanda na nakapasok na si Liam sa kabahayan. Kasunod niyon ay ang pino ngunit malalakas na mga yabag.
Inabala na lamang ni Morley ang sarili kaka-scan sa cellphone o mas mabisang sabihin na sini-search niya na this time ang sagot sa google. Nagbabaka-sakaling may blessing na mabasa at mababawasan na ang alta-presyon niya.
“What are you doing in the sala at this hour? You should go to your bed and rest.” Hindi niya na kailangang alamin pa kung sino iyon. Sa malumanay ngunit dumadagundong na boses nito ay imposible ng hindi makilala ni Morley iyon.
“Don’t mind me. I am answering the shitty assessment.” Sagot niya. Hindi man lang nag-abalang mag-angat ng tingin.
Ramdam ni Morley ang yabag nito palapit sa kung saan. Only to caught Liam was now walking towards her, emotionless. Napalunok siya. Noon lang rin nakarehistro sa utak ni Morley ang sinabi ni Reise kanina.
Why would Liam get mad sa tuwing may madadatnan itong tao sa may sala? Is he someone territorial in his own house?
“I see. You’re answering the Calculus. Bakit wala ka pang nasagutan ni isa?” Tanong pa nito ngunit napaismid si Morley bilang tugon.
Papaano nga ba niya sasabihin na hindi siya maalam sa ganito?
“Sit on the sofa Morley. Malamig ang tile, baka mahamugan ka. Let me answer that one.” Ibinaba nito ang bitbit na attàche case sa lamesa at umupo sa espasyo na nasa tabi niya. Wala itong imik ng kinuha sa kanang kamay niya ang ballpen na hawak pagkatapos ay walang kahirap-hirap nitong sinagutan simula number 1 to number 5.
Napamaang na lamang siya kasabay niyon ay ang pagkamangha niya sa binata. The least numbers covered with areas and binomials ay walang kahirap-hirap nitong nasolusyonan. He wasn’t even using calculator for pete’s sake kaya bakit ganoon nalang sa kanya kadali?
“Does Miss Fauriou pressuring you later today?”
Bahagyang napamaang ang dalaga ng sa isang iglap lang ay bumaling ito sa kanya dahilan na kaagad nagsalubong ang mga mata nila. Kapagkuwan ay napakurap-kurap si Morley. Sandaling huminto ang pakiramdam niya sa paligid.
Sa mga sandaling pinakatitigan siya ni Liam ay pakiramdam ni Morley ay nag-slowmo ang oras sa paggalaw. Even the numerical numbers plastered on the test papers seems like having their own time too.
“Morley.”
“H-huh?” Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa kahihiyan.
“I am talking to you. Does Miss Fauriou pressuring you later today?”
Napakurap-kurap ang dalaga bago nakapagsalita. Her reaction gotten smolder with mud. “After you’ve done your thing in the University, Miss Fauriou was now kind to me kahit na alam ko na kabaligtaran niyon ang gusto niyang ipakita sa akin.”
“So you knew? That’s good then. Won’t let you uncomfortable with the University’s staff.” Ngumiti ito ngunit hindi man lang sincere.
How did Morley define it? Simple. She can identify people’s reaction with just a single seconds.
“Here. I’m tired. Can you please bring the test papers in my room? Doon ko nalang sasagutan lahat. Well can you?”
“Sigurado ka bang kaya mo pang sagutan iyan? Why don’t you have an early rest ng sa ganoon—”
“I’m used to it. Besides, dapat masanay na siguro ako na ako ang taga-sagot sa mga assessment mo. Now let’s go. Accompany your husband in his room.”
Gusto niyang paltukin ang sarili dahil alam niyang nakatunganga lamang siya sa harapan ng lalaki sa loob ng ilang segundo. Dahil sa sobrang pagkalutang ay dali-dali siyang tumayo, Liam did the same too at sabay pa nga nilang dinampot ang ballpen sa lamesa at doon ay nagkatinginan na naman.
Morley’s heartbeat automatically jumped into further area. Pakiramdam niya ay kulang ang limang kilometro upang kalkulahin na parang kabilang siya sa contestants ng isang marathon.
Kimi siyang pumanhik sa sulok na bahagi ng silid. Kakapasok pa lang niya sa loob kasunod si Liam na kaagad ipinatong sa table glass ang bitbit na attàche case.
This is not her first time entering in his room dahil makailang ulit na nga rin naman kasi siyang naligo sa banyo ni Liam.
Ngunit hanggang ngayon ay gustong-gusto pa rin niyang igala ang mga mata sa kabuuang silid dahil sa taglay nitong amor. Compare to her room and the fact that she was a lady, Liam Easton Adler has an arrangement. It was purely elegant accompanied by the large partitions and the mix colors of Black and sepia in the wall partions. Even his closest and drawers are well manage too kaya ay isang sampal iyon para kay Morley na parang dinaanan ni Bagyong Odette ang kanyang kwarto.
“Morley.”
“Hmm?” Nag-angat siya nang tingin at kitang-kita ng dalaga kung paano dumausdos ang tingin ni Liam mula sa mukha niya paibaba sa bahagi ng katawan niya and then he turned his gaze away at kapagkuwan ay tumikhim.
“Have you decided for the favor I asked yesterday?”
“No. Hindi na magbabago ang desisyon kong iyon Liam.”
“I see. How about I will give you some time to think. Bukas-makalawa na ang kasal natin and I don’t like people close to your hearts will eventually shed a tear dahil lang sa ayaw mong dumalo ang mga parents sa—”
“Papasok na ako sa kwarto.”
“No. Hindi ka lalabas sa silid na ito ng may samaan tayo ng loob. Hindi ko pa natapos sagutan lahat ang assessment mo tsaka na kapag pinal ko na talagang marinig ang desisyon mula sa iyo.”
Tumayo si Liam mula sa pagkakaupo sa long sofa at kaagad na nilapitan siya. Ang hawak nitong ballpen ay nasa kanang kamay pa rin niyong huli.
For some reason, hayun na naman ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.
Bukod sa taglay na karisma ng lalaki, what more can Morley described Liam as Goddess of a greek God?
“I understand your rage for your parents Morley, but it isn’t valid for you to dumped them just like that in just mutual understanding. Sure they gave you to me, but that doesn’t change the fact that they are your parents. They care for you so much. The only thing you knew as to why you’re now in my custody is that you are the payment of their debt, but no. There was far enough reason to that. Just give your parents some time to tell you what’s wrong. I’m not in the position to tell you everything.”
Bahagyang umahon ang emosyon na kanina pa niya pinigilan. Hearing Liam’s words regarding to her parents made Morley wanting to cry at the far end.
Mula sa pagbaba nang tingin. Buong tapang na sinalubong ni Morley ang tingin ni Liam na wala man lang emosyon habang nakatingin sa kanya.
“I’m sorry if this events pressured you. Am I some death threats to you too, hmm? But…accept the fact that the moment you’re married to me, you’re officially be mine. Ahh no! The moment you step your foot on my house, I owned you several times and…limitless.”
Maya-maya pa ay inisang-hakbang na ni Liam ang distansya na nakapagitan sa kanila at walang pag-aalinlangan na niyakap siya. Doon ay hindi niya na mapigilan ang mapaluha.
Even the fountain outside ay siyang saksi kung bakit ganoon na lamang ang mga mata niya.
She missed her parents ngunit dahil sa nalamang katotohanan ay kinakailangan niyang putulin ang koneksyon na may kinalaman sa mga magulang niya. Wala siyang alam as to why Liam brought out this matter and convinced her one after the other.
Ibinuhos niya lahat-lahat ng hinanakit. Liam Easton Adler lend his arms for her to cry on at wala man lamang siyang narinig na reklamo mula rito. Literal na hinayaan lamang siya ng lalaki habang hagod nito ang kanyang likuran para pakalmahin siya.
“You’re fine now? Let me see your face—”
“Don’t. J-just lend me y-your shoulder for me to cry and…”
“It’s my chest you had poured your tears. Not my masculine shoulders at all.”
Alam niyang pinagpagaan lamang ng lalaki ang kanyang loob subalit ni hindi magawang sumabay ni Morley sa puntong ito.
Ngayon lang rin niya na-realized na may kabaitan palang taglay itong si Liam. Given the fact that he is with her now, fighting with her own battles against her heart and soul, Morley was thankful na hindi siya iniwanan nito sa mga sandaling down na down siya.
Hindi man maganda ang unang gabing binalak na pagtakas niya, ngayon ay alam ng dalaga na may ginintuang asal pala itong huli.
“I’m done answering your assessment at naroon na rin sa envelope bag isinilid ko pagkatapos. Why don’t you get up now and take some shower?”
“Allow me to sleep more than a minute. Alas otso pa ang klase ko Liam—”
“But you are in my bed slept last night reason why I haven’t had enough sleep.”
Nanlaki ang mga mata ni Morley ng marinig niya mula sa lalaki ang mga salitang iyon. Inalis niya ang nakatalukbong na kumot na amoy Liam pa nga kasabay ng panlalaki ng mga mata niya.
Nandito nga siya sa silid ng mapapangasawa niya. Diyos ko!
“Having a hard time to sleep kaya sa sofa nalang ako natulog kahit na hindi—”
“W-why you didn’t woke me up?” Napahikab ito at ang malalaking eyebags sa mga mata ng binata ay klarong-klaro sa mga mata ni Morley.
“It’s not necessary for me to wake you up in the middle of deep sleep. Get up now. Will be going on Amelia’s shop and boutique. Iidlip lang ako saglit.”
Nakunsensya siya ngunit hindi niya na naman maibabalik pa ang nakaraan. Kung bakit ba kasi ay nakatulog siya sa gitna ng pagpapaturo niya kay Liam sa Calculus kagabi pagkatapos nilang mag-usap tungkol sa pagdalo ng mga magulang niya sa darating na kasal kinabukasan ay ito pala ang kahihinatnan.
But she can’t even denied the fact that Liam Easton Adler who is lack of sleep is someone who is good to look at kahit na may pagka-suplado pa rin ang dating.
Hindi maitatangging taglay nga ang pagkamaotoridad ngunit charismatic billionaire naman.
“Akala ko talaga ay hindi na kita makikita muli, Liam. Nakauwi ka na pala from Canada? Kailan pa? Why you didn’t told me through sending me a text message instead?”
“I’m sorry. A little bit busy Amber. Wouldn’t expect na kabi-kabilaan na pala ang trabaho ko rito compared abroad.”
Hindi maitatanggi ni Morley na out of place siya sa usapan ni Liam at sa babaeng maganda ang pangangatawan. They are now on Amelia’s shop and boutique and this woman happened to see them…no. Si Liam lang pala ang sentro ng atraksyon nito.
Parang aliw na aliw pa nga ito habang kausap si Liam na may pangiti-ngiti pa samantalang siya ay nasa likuran lang at hindi pa nagawang ipakilala.
“That’s cool. Why don’t we have a dinner later—”
“I’m sorry. I have someone with me.” Doon lang bumaling ang tingin ng babae sa kanya sabay hagod nito sa kanya ng tingin mula ulo hanggang paa na parang sinusuri siya.
Dipungal! Kung makahatak ng tingin ay parang inaayawan pa siya.
“Your maid? Wouldn’t thought that—”
“She’s my fian—”
“Secretary. Morley Aurora Lopez. Liam’s secretary.” Pansin ni Morley ang paglingon ni Liam sa kanya na may halong pagkairita.
“You’re his secretary, but you didn’t addressed him as Mr. Adler or sir, how is that?”
“Uhh…I’m sorry. Haven’t been enough—”
“Excuse us. May pupuntahan pa kami, see you around Amber.”
Hindi na nagawa pang sumagot ni Morley sapagkat naglakad na palayo si Liam dahilan na kailangan niya na ring sundan ang lalaki. Ngunit nakarating na lang sila sa part kung saan ay kitang-kita niya na ang wedding gown ay tahimik pa rin ang binata kasabay ng madilim na mukha nito.
She tried to interact with him, but was failed. Ngayong papauwi na sila ay ganoon pa rin ito at walang imik.