Kabanata 21
NGISING tagumpay ang iginawad ni Morley sa kanya habang pasimpleng binaybay ni Liam ang tingin sa study room na kung saan ay nagkalat na ang pareho nilang mga damit.
“Nasaan na ang pagkokontrol ng gwapong asawa ko? Napigtas na ba hmm?” Sabay sapo sa bagay na pinagigitnaan ng hita niya dahilan kung bakit nakagat na lamang ni Liam ang labi.
“I wouldn’t thought that you were this cunning. You started to seduced me and I am just a man, your husband that surely be tempted. Why did you do that? Nawala na tuloy ang pustora ko bilang terror na professor mo ngayon.”
Sabay halik niya sa labi nito na kaagad namang tinugunan ni Morley.
“H-how about let’s call it a day Liam. Natatakot ako sa iyong maging terror—”
“But you weren’t afraid of me lying next to you and doing things that we both can benefits in return.” Ngumisi lang ang asawa.
“I won’t. Paano akong matatakot e totoong Ikaw na ang kasama ko at hindi iyong gwapong terror na professor sa silid na ito?”
“So if I am with myself ay hindi ako gwapo ganoon ba iyon?” Tinampal nito ang dibdib niya. “Syempre gwapo pa rin pero kasi kakaiba ang awra mo sa tuwing ganoon ang datingan mo e. Napaka-astig at ang sarap pisilin.”
Hindi na napigilan ni Liam na matawa. Hindi alam kung bakit labis ang saya niya ngayong masayado ng attached ang asawa niya sa kanya. Hindi siya magsasawa. Palagi niyang iparamdam kay Morley ang presensya niya at kung paano magmahal ang isang Adler na hindi niya man lang nakuha sa ama niya.
His father was a beast. Palagi nitong bugbog sarado ang mommy niya kaya ng namatay ito, tila ay parang bula na naglaho nalang rin bigla ang ama niya at nagbilin lang ng liham na sumama ito sa ibang babae dahil wala na rin namang kwenta kung mananatili pa ito sa pamamahay nila roon sa Canada.
Wala itong naging pahayag tungkol sa kompanya so he did to counterpart upang ilipat lahat ng ari-arian nito sa kanya maging sa kapatid niyang si Marcus kahit na hindi ito anak ng ama niya.
“Umuwi ka kaagad kapag natapos na ang trabaho mo sa kompanya. Well anyway, after class nina Carleen at Rayah dahil halfday lang sila today, inimbita nila ako na mag-malling. Papayagan mo ba akong umalis Liam? I won’t mind the bodyguards basta ba ay hindi lang sila sunod-sunod kahit na si Adonis lang ang driver ko. Would allow me to go shopping?”
“I will basta ba ay huwag masyadong lustayin ang oras mo roon. Marami ka pang dapat na aasikasuhin regarding sa lectures mo.” Tumikhim siya. Si Morley naman ay naroon na ang nakakalokong ngisi habang inaayos ang tie niya.
Narito na naman kasi sila sa silid nilang mag-asawa upang pagsilbihan siya dahil makikipagkita siya kay Marcus ngayon at diretso na kaagad ang tungo niya sa kompanya pagkatapos.
“Lectures ko na nauwi sa isang—huwag na nga lang. Napakahumaling kasi ng professor ko e.” Pinisil nito ang ilong niya na halatang gigil na gigil.
Magkahalugpong ang kanilang mga kamay ng hinatid siya ni Morley sa labas at nag-wave nalang siya sa asawa ng pinausad niya na ang sasakyan upang tunguhin ang lokasyon kung saan ang napili ni Marcus upang magkakausap sila ngayon.
Pagkarating na pagkarating ni Liam sa nasabing darkhouse—base sa pangalan na nakapaskil sa naturang gusali sa labas ay napansin na kaagad niya si Marcus na mukhang kanina pa naghihintay sa kanya.
“Morning!”
Tumango lang ito at iminuwestra na ang bakanteng upuan sa harapan nito kaya iyon ang inukupa niya.
Tumikhim si Liam at pinakatitigan iyong huli.
“May lead ka na.” Ngunit hindi ito tumango o tumalima, in short, what Lucifer told him was true.
“You are the Lord of Asia pero sa akin parin bumagsak ang case ni mama. Why is that Liam? I thought what position you had can make the investigation faster, but I was wrong. Iyong hi-nired mong mga prosecutor ay purong salita lang at wala sa gawa. Can you at least be responsible for your men, nakakaasiwa na kasi. Ang sarap pagbabarilin.”
“I’m sorry if I became irresponsible brother.” Isinandal niya ang likuran kasabay ng pag-angat ni Marcus ng tingin sa kanya.
“That’s new. Ngayon ko lang narinig ang paghingi ng paumanhin mo. Ngayon ko lang rin nalaman na na-delay ang gusto mong makamit na hustisya hindi katulad ng mga iilan na kaagad mong na-solusyonan. Magsabi ka nga ng totoo sa akin, sinadya mo ba ito ng sa ganoon ay sa akin babagsak ang kaso ni mama—”
“Wala akong alam riyan. I’ve been busy, but if you insist that I’m the one behind the delayed investigation. Then I won’t stop you.”
“I can’t believe you Liam. You’re at your manipulative aura again. God!” Reklamo nito ngunit kaagad namang iniharap sa kanya ang iilang mga fingerprints at mga ibedensya na siguro ay nakuha nito sa pag-iimbestiga.
“Busy rin akong tao bilang sekretarya sa Velasquez empire ni sir Cladmus kaya I did asked my men to relocate the evidence on the crime scene. You said it was a car accident right? Pumunta ka noong nangyari ang aksidente upang isalba sana si mama?”
Naikuyom niya ang kamao sa ilalim ng lamesa ng nanariwa na naman sa alaala ni Liam ang pangyayaring iyon.
“The thing is. It was held suicide, but I know mama won’t kill herself dahil siya mismo ang nagsabi na isang malaking kasalanan na kitilin ang buhay kaya’y mas pinailaliman ko pa ang imbistigasyon. And I had found the loopholes. The car beaker turns out to be embiciled that really had me this confusion. Papaanong nangyari iyon e alam ko naman na tsine-tsek ni mama ang sasakyan niya sa tuwing umaalis siya sa bahay hindi ba?”
Nanatiling tahimik si Liam habang inaareglo ang mga daliri sa lamesa ng paulit-ulit kaya’y naglikha iyon ng taguktok na mahinang ingay.
“You had your private armies, you had your connection abroad. Mama’s case has a foul play. Hindi mo man lang ba naisip iyon? I can’t hold unto your position as being the Lord of Asia dahil mismong kaso ni mama ay hindi mo magawang resolbahin.”
Umangat ang tingin niya kay Marcus at nabasa ni Liam sa mga mata nito ang paninisi sa kanya. “Blame me all you can Marcus. I won’t stop—”
“Hanggang kailan ka ba mananatiling ganyan? You always made the situation on people who are eager to get the truth subsided, but you?” Umiling ito at naroon ang pagkabahala.
“Will reach you out once malalaman ko na ang suspect. Aalis na ako.” Tumayo na ito at aalis na sana ng biglang nagsalita si Liam dahilan kung bakit natigilan ito sa paghakbang.
“Galit ka pa rin ba sa akin dahil hindi ko man lang naisalba si mommy ng mangyari iyon? Nandoon na ako ngunit 50/50 na si mommy ng madatnan ko. I even carried her to brought in the Hospital, but—”
“Stop.” Nilingon niya ang kapatid na nakatalikod pa rin sa kanya.
He was sorry. Marcus blamed him with their mother’s death.
“I will accept your hatred.”
“Aalis na ako.” Hindi na napigilan pa ni Liam si Marcus ng tuluyan na nga itong lumabas at walang lingong-likod na diresto man lang ang lakad nito.
He was frustrated. Kaagad niyang kinuha ang cellphone sa loob ng suit upang matawagan ang asawa.
“Liam, I have a good news. May nakita na akong best spot para sa pag-swimming natin sa susunod na araw na iyon right? Nahanap ko na ang Hilton Manila Hotel. Mamaya pagkauwi mo ipapakita ko agad sa iyo. I even saved the images para makumbinsi kang doon tayo tutungo.”
“That’s good.” He was now in the car at lahat ng frustration na nararamdaman niya’y unti-unting nawawala ng marinig ang boses ng asawa niya.
Isinandal niya ang likuran sa upuan at kaagad nagpakawala ng ngiti. “I miss you my wife. Malayo pa ang oras ng pag-uwi ko. Have you prepared your things para sa lakad mo?”
“Yes. Unfortunately, pababa na nga ako sa hagdan at naghihintay na rin sa akin si Adonis sa labas. Mag-te-text ako kung naroon na ako sa mall ha? Or Uhmm…do you want me to send my pictures?”
Mas lalong namutawi sa mga labi ni Liam ang ngiti.
“I would love that. Sige sure. Hihintayin ko ang pictures ng magandang asawa ko. Looking forward to see yours.”
Pagkatapos ng tawag na iyon ay nakangiti pa rin siya kahit nang pinaandar niya na ang sasakyan ay naroon pa rin ang pag-angat ng sulok ng labi niya dahil sa sobrang fullfilment.
Binabaybay niya na ang daan ng mag-ring ulit ang cellphone niya at laking gulat ni Liam ng makitang si Marcus iyong tumawag. Nagtaka siya. Hindi tumatawag sa kanya ang kapatid kung walang nangyaring hindi kaaya-aya.
Kinabig ni Liam ang manibela.
“What?”
“I called just to give you a warning. Mr. Lopez’s enemies knew that his daughter—Morley Aurora married to you. Don’t be too confident of holding the throne as the Lord of Asia. Though everything was in your hands, but the enemies moves are unexpected. Bye.”
Mabilis na tinawagan ni Liam si Cladmus ng maibaba na ni Marcus ang tawag. His brother has the point. Hindi siya dapat na makampante.
“Deploy your men around Morley’s location. My men were on standby if ever.”
“Does Red and Black aware of this? How about Tutin?”
Tutin is Marcus Castillo’s codename. His stepbrother.
“He’s the one giving me the signal—”
“Damn! The Lord of Asia and his brother were damn dangerous. I’m giving my men the orders. They are now on standby.”
Tumango si Liam na parang kaharap niya lang ang kausap. At dahil marami silang napag-usapan ni Cladmus ay ginamit niya na lang ang earpiece habang panay ang pagpalitan nila ng salita habang busy ang pagmamaneho niya sa sasakyan.
Kahit ng makarating na siya sa kompanya ay wala pa ring paawat si Cladmus sa pagsasalita.
“Marcus doesn’t know that I am under on your law. Though I know that he’s a secret agent that varies of luxurious lifeline. Wala pa rin akong alam kung kaninong tao siya kabilang. Do you have an idea? Alam ko na alam mo ang bawat galawan ng mga tao under your command. You’re a manipulative Lord of all Lords of Asia that no one would surpass. Walang nakakaalam sa takbo ng utak mo Liam kaya’y pahirapan bago malaman na iyon pala ang patutunguhan.”
Diretsong tinungo ni Liam ang opisina at ng makapasok ay doon pa lang siya sumagot kay Cladmus na natahimik bigla.
“I don’t know who are on my brother’s higher ups. I can’t answer your question because even I doesn’t have a clue.”
“I don’t believe you.” Then the call was off kung kaya’t napailing na lang siya.
Ibinaba niya ang cellphone at kaagad binuksan ang detector app upang hagilapin kung nasaan na ngayon ang asawa niya.
Morley is now routing on the cubao’s fairview heights kaya’y isinandal niya ang likuran sa recliner kasabay ng pagbukas sa pintuan ng kanyang opisina.
“Sir? Ms. Valdez wants to talk to you. Kasama ko na siya paakyat dito.” Gayunpaman ay sumulpot nga si Andressa katabing bahagi ni Ricky kung kaya’y iminuwestra na lang niya ang kamay upang papasukin ito.
Walang ideya si Liam kung ano ang sadya ng dalaga ngunit magiliw niya pa ring tinanggap iyong huli.
“I heard you’re now married. How’s the feeling of a married life?”
Hindi niya ipinahalata na naiirita siya kung kaya’y nginitian lamang niya si Andressa. “Contented and happy. Iyan lang ba ang sadya mo rito upang tanungin ako kung ano ang pakiramdam ng taong kasado?”
Malandi itong humalakhak sabay tayo nito at kaagad hinilia ang tie niya dahilan ng pagkabigla ni Liam kaya hindi kaagad siya nakahuma.
“You knew already that I like you, but you always ignored me all throughout kahit nagbigay na ako ng motibo. You choose this woman named, Morley Aurora Lopez?”
“Yes. I will choose her again and again, so will you please remove your hands—”
Hindi niya na natapos pang magsalita ng biglang hinalikan siya ni Andressa diresto mismo sa mga labi. Kasabay ng pagbukas ng pintuan at iniluwal niyon si Ricky ay kaagad niyang naitulak ang dalaga sabay ng pagtayo ni Liam.
Damn it!
“S-sorry sir. S-sige babalik na lang ako mamaya.”
“N-no. Get inside at magtawag ka muna ng security. Let Ms. Valdez drag out of my company—”
“You don’t have to do that Liam. Ako na mismo ang lalabas.” Nginisihan pa siya ni Andressa sabay talikod at umiindayog pa ang pang-upo nito habang naglakad na palabas.
Binalingan niya si Ricky.
“Don’t you dare mention to my wife what you saw. I’m afraid she will burst out.”
Tumango si Ricky ngunit ang kaba ni Liam ay nagtodo-todo na. Natatakot siyang baka makarating sa asawa ang pangyayaring iyon kaya’y mabilis niyang tinawagan si Morley at kaagad nakahinga ng maluwag ng marinig ang boses nito.
Morley even sent him a messages with her friends in the mall while smiling widely while holding the camera.
“I love you my wife. I’m sorry if I did horrible things. That was unexpected. Oh God!” Pahayag niya habang kinakausap ang litrato ng asawa na parang timang kahit na hindi naman siya sinasagot niyon.
He was guilty kaya’y kahit na kararating niya pa lang sa opisina ay namalayan na lamang ni Liam na binabaybay na ang daan patungo sa mall kung saan ay naroon si Morley at ang mga kaibigan nito.