Kabanata 12

MASYADONG matao sa Airport ngayong araw kaya’y sa halip na hilahin ang luggage nila, Liam intertwined his hands on Morley’s.

Kanina pa ito nagrereklamo. Kesyo baka may mga press, may makakita sa kanila, but Liam didn’t listen at sige pa rin sa paghawak sa kamay ng dalaga.

Ni hindi pa niya nabanggit rito na private plane ang sasakyan nilang eroplano patungong San Fransisco, USA dahil hectic na ang schedule niya kung kaya’t hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong kausapin ito.

“Does everything was inside on your luggage Morley?” Kapagkuwan ay tanong niya rito at pasimpleng sinenyasan ang bellboy na ipasok na ang mga bagahe sa eroplano.

They are now outside on the said plane ngunit parang inaanalisa pa ng dalaga ang eroplano patunay na nga ang pag-awang sa mga labi nito.

Maya-maya pa ay bumaling ito sa kanya. “Liam. B-Bakit wala naman yatang mga tao? Sigurado ka bang dito tayo sasakay papuntang San Fransisco?”

“I’m pretty sure. Morley!” Hinarap niya ang dalaga at inayos ang iilang hibla ng buhok nito na nililipad na ng hangin. Ang mahigpit na paghawak niya sa kamay nito ay ganoon pa rin.

“You mentioned to me last night na bukas-makalawa pa ang byahe. Pero bakit parang mas napaaga naman yata? Ni hindi pa nga ako nakapagpaalam sa University maging sa mga kaibigan ko dahil dito. Are you excited to see the beauty of San Fransisco? Ngayon pa rin lang ba ang unang dating mo sa lugar na iyon?”

Bahagyang napangiti si Liam dahil sa sunod-sunod na tanong nito. Hinagkan niya lang ang noo ni Morley bago hinapit ang baywang nito upang mauna na ngang tunguhin ng mga service crew ang mga bagahe na kanina lang ay hilang-hila ng mga bodyguards.

“It’s not my first time. Hindi ko na mabilang kung makailang ulit na akong bumalik roon because of business.” Kasabay niya na ngayon si Morley sa pag-akyat sa hagdanan ng eroplano at maingat ang bawat niyang galaw dahil hawak niya ang kamay nito.

“I see. I forgot you are a Businessman. A billionaire who can caught every woman’s eyes.”

“Does that mean something Morley?”

“W-wala. May natunogan ka bang kakaiba sa tono ng pananalita ko?”

“Sort of. You’re trying to bring out the topic about girls. A-are you jealous?” Maya-maya pa ay madilim na mukha na ni Morley ang sumalubong sa kanya. “Bakit naman ako magseselos? May dapat ba akong ikaselos Liam?”

Napailing-iling na lamang siya ngunit hindi pa rin naman binitiwan ang kamay nito na hawak niya.

The moment they stepped inside the plane, Liam distanced his eyes away from her accountable questions plastered on the face. Ayaw niyang awayan nila sa kung bakit silang dalawa lamang ang laman nitong eroplano.

“W-why you didn’t told me early? I know that you can afford things in just a glance, but—”

“Just make yourself comfortable okay? Huwag ng masyadong matanong. If ever I’d booked a ticket with plane with numerous passengers and the fact that we are heavy loaded, I know you can’t be comfortable lalo pa kung masyadong maingay sa loob. Don’t you like the ambiance in here? Tahimik, walang kahit na anong kaluskos at malaya ring mailagay natin sa kung saan ang mga gamit.”

“You’re really untamable, Liam.”

“I know.”

“The perks of having a billionaire husband.” Binitiwan nito ang kamay niya at mas piniling tunguhin ang upuan na mas malapit sa may bintana.

Nakasunod lamang ang mga mata niya sa dalaga bago siya napabuntong hininga.

Binunot ni Liam ang cellphone sa bulsa at pagkatapos ay tinawagan si Denver na siyang piloto nitong eroplano.

Yes! His friends Black and Denver knew that they were bound to travel abroad. Denver as the pilot, and Black as…well, singit lang naman dahil gusto nitong magliwaliw sa ibang bansa after being dumped by the woman he liked.

“Refrain from routing the right place. Take it easy manuevering the plane, Denver. Nandito sa loob ang asawa ko. If this flight gone wrong, makakatikim ka ng—”

“You’re really don’t believe in my capacity Adler. Para saan pa at Airplane pilot ang kinuha kong kurso kung maging ang kaibigan ko ay walang tiwala sa kapasidad ko?”

“You shifted several courses asshole. In case you forgot.” Tumawa lamang ang kaibigan sa kabilang linya.

“Oh! Salamat sa pagpapaalala kaibigan. Nakalimutan kong Licensed professional teacher at abogado rin pala ako—”

“Didn’t asked about your least achievements.” Imporma ni Liam sabay baba niya na sa tawag at dagliang tinungo na ang upuan katabi ni Morley na kaagad tinapunan siya ng tingin.

“Hindi ka na ba nilalamig? Do you want a thick jacket?”

Bumaba ang tingin nito sa singsing na nasa ring finger niya. “Akala ko ay panaginip lang lahat na pagmamay-ari na ako ng lalaking bilyonaryo.” Tumawa ito ng pagak.

“Life is really tough a day after I discovered that my parents dumped me to you for the sake of debt they haven’t returned—”

“M-Morley.”

“Can you lend me your shoulder? Inaantok ako Liam.”

“Sure. Here!” Umayos nga siya ng upo at nakuntento na lamang ang binata na tapik-tapikin ang ulo nito at maya-maya ay ninanakawan ng halik iyon.

“Apat na araw na tayong kasado and you even knew how my life story going, but…haven’t heard your parents or atleast saw them on our wedding day, Liam. Can you enlighten me?” Kapagkuwan ay tanong nito, and only Liam did is to heave a sigh.

“My mom was dead.” Panimula niya dahilan kung bakit umahon si Morley mula sa pagkakasandal sa balikat niya.

“Don’t look at me with pity, Morley. I hated people looked at me like that.”

“H-hey, o-okay ka lang ba?” Bahagyang natigilan si Liam dahil sa tanong nito. Of all people sorrounds him, tanging si Morley lang ang nagtanong kung ano ang pakiramdam niya. Gayunpaman ay ngumiti siya.

“At first, I was broke. But someone held me up to stand up and face the worse. Business is just my second option, may isa pa akong pangarap na gustong marating sa puntong ito.”

Muli ay isinandal ng dalaga ang ulo sa balikat niya at bahagya pang inilingkis nito ang mga braso sa baywang niya. “Sige lang. Makikinig ako. You were there the moment I was down. Siguro naman ito na ang pagkakataon kong makabawi sa iyo. I am a good listener if you want to.”

Tumango siya. Inabot ang coat, at ipinatong iyon sa likuran ng dalaga upang maibsan man lang ang panlalamig nito. The airplane is now starting to speed at ease across the sky.

“Ano ang pangarap mo bukod dito?” Napangiti siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay mukhang si Morley pa yata ang taong makakaalam sa totoong gusto niya.

Despite the fact that he has wealth, at lahat-lahat ng gusto ay makukuha niya, Liam Easton Adler has this ambition that is now still on his bucket list.

“I want to be a private Army.”

“P-private A-army?” Tumango siya bilang tugon.

“Do you know that it was dangerous rather than to be an army yourself?”

“Alam ko iyon. Private armies was the least of my wants noon pa man at mas lalong nanaig ang kagustuhan ko na makamit iyon ng namatay ang mommy ko. You know, haven’t caught the perpetrator at gusto ko kung makilala ko man ang taong iyon, ako mismo ang kikitil sa buhay niya kagaya ng ginawa niya kay mommy na walang laban.”

Nagsimula na namang nanumbalik sa isip niya ang lupaypay na katawan ng mommy niya habang akay niya ito sa bisig at wala ng buhay.

Naikuyom ni Liam ang kamao at gustong punahin ang sarili dahil si Morley itong kasama niya. Ang asawa niya na hindi lubusang kilala kung sino at ano nga ba siya.

Bumaba ang tingin niya sa dalaga na ngayon ay nakaangat na rin pala ang tingin sa kanya. “Private armies kills people. They are hired for a confidential operation. If I am part of that job, will you accept me in return?”

Wala itong naging imik. At diretso lamang ang tingin sa kanya. Ang nangungusap nitong mga mata ay hindi mawari ni Liam kung bakit naroon sa mukha nito ang hindi niya mapangalanang emosyon. Kapagkuwan ay nag-iwas ito ng tingin at inabot ang nakakuyom na kamao niya.

“I see that you want a revenge regarding to your mother’s death Liam. But, will you really wanted to be part if…if I won’t let you because that was way dangerous for you? I just know you for a reason and hasn’t enough details for your background, but…will you allow yourself being in the position if someone will burnt with worry if you are already in the field?”

Umawang na naman ang labi niya dahil sa napaka-sensirong sinabi nito.

Someone cared for him at si Morley pa talaga iyon.

“Balak ko pa lang naman. Time will come na ako na naman ang maningil—”

“No. Let the investigators held accountable regarding with your mother’s death. Hindi mo hawak ang batas Liam. Mangyayaring makakamit mo lang ang hustisya kung sakaling wala kang dinaramdam na paghihiganti rito.” Tinuro ng dalaga ang dibdib niya.

“Heart. Maybe filled with anger, worry, vangeance and everything pero nasa tao pa rin iyon kung paano niya dadalhin ang puso niya either was good or bad. I maybe don’t know how to answer calculus, but yeah! I have sense of mind too.”

Napangiti si Liam. Iyon rin kasi ang akala niya na mahina ito sa lahat ng bagay. But hearing her saying those words made him to be eligible.

Kapagkuwan ay inabot niya ang pisngi ni Morley at kaagad hinagilap ang labi nito. “Thank you, you brighten up my dark world.”

“Hmm? Wala naman akong ginawa ah!” Pakli ng dalaga, iniiwasan na ang tingin niya kasabay sa pamumula na ng mukha nito.

KAKALAPAG pa lang ng private plane ay kaagad na silang sinalubong ng mga maskuladong lalaki habang suot ang itim na mga suits ay hawak lamang ni Liam ang kanang kamay niya.

“I have my wife with me so will you please give us the VIP hotel room where we can spend our night to our honeymoon?”

Nanlaki ang mga mata ni Morley dahil sa sinabi ng lalaki. Magsasalita na sana siya ng bigla siyang binalingan ni Liam sabay wink sa kanya gamit ang isang pamatay na mga mata.

Por pabor! Liam Easton Adler was flirting with her.

“Okay Mr. Adler. I had contacted the Seniors regarding to your arrival so, by just using a car, you can go in the reservations to the nearest and most exclusive villa across in the hotel room you want to fit in.” Maya-maya pa ay bumaling ang tingin ng lalaking kausap ni Liam sa kanya dahilan kung bakit napahigpit ang hawak niya sa kamay ng asawa.

“So Mrs. Adler. Would you allow me to accompany you to get inside the car?”

“Let me accompany my wife, Mr. Houston. She isn’t familiar with people so, she will stick by my side for a reason that I am her husband.”

Iminuwestra niyong lalaki ang mga kamay bago yumukod sa harapan ni Liam.

Napalunok si Morley. Gaano ba kalawak ang koneksyon ng asawa niya na kahit ang mga banyaga ay ganoon kataas ang tingin rito?

“Did Mr. Houston scared you? I’m sorry Morley. Ganoon kasi ang paraan ng bungad ng mga taga-rito—”

“Can you tell me everything as to how wide your connection is Liam?” Dahil nagtataka na talaga siya. Dinaig pa kasi nito ang Presidential arrival ng binata pagkalapag na pagkalapag palang ng eroplanong sinasakyan nila.

Nakasakay na sila ngayon sa sasakyan at mas lalong nalaglag ang panga ni Morley ng makita kung sino iyong nagmamaneho sa unahan.

It was the reserved spokesperson of the US President Trump’s.

“Your husband has this comrades whom he can trusted and in return I am their trustee.”

“Diyos ko! Kung ganyang palagi mo akong binubuyo sa malatalinhaga mong salita ay hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin pagkatapos nito.”

Inabot ng binata ang pisngi niya at pinanggigilan na halikan iyon hanggang sa magsawa na si Liam ay nakuntento na lamang ito sa paninitig sa kanya. “Just accept the fact that the Billionaire owned you at ako iyon. Gagawin ko lahat maging kuntento ka lang kasama ako.”

Nang maglaon ay nagtagal pa ang halik ng lalaki sa noo niya.

She can’t deny that she’s somewhat comfortable as to how the way he kissed her without using a force.

Yakap ni Liam ang baywang niya nang pareho na nilang tanaw ang buong syudad at dahil gabi na ng makarating sila sa San Fransisco, manghang-mangha si Morley sa mala-fireworks na ilaw ng bawat naglalakihang buildings mapacondominiums man o sariling pagmamay-ari iyon.

No wonder Liam was known worldwide. Ito na nga ang ebidensya!

“I’m tired Morley. We can order foods for dinner bago tayo tumuloy sa higaan. How about that? Do you like the idea?”

Hinalik-halikan ng lalaki ang leeg niya dahilan kung bakit hindi mapigilan ni Morley ang mapaungol. Liam has an access all the way on her dahil hindi naman ganoon kakapal ang kanyang suot.

“How about we’ll eat each other in bed at tsaka nalang tayo—”

“You’re no fun. Get you hands off me!”

“No. You’re mine kaya magagawa kong gawin lahat ng gusto kong gawin sa iyo.”

Kapagkuwan ay pinaharap siya nito at walang pasabing hinagkan na naman siya sa mga labi only to found themselves were now kissing each other hungrily while he’s on top of her kissing her like there’s no tomorrow, praising her body like a saint.

Huli na upang magreklamo pa siya. Liam even stripped his shirt on top of her na animoy uhaw na uhaw maikama lang siya.

He’s her husband so there’s nothing to worry about dahil may tiwala siya rito.

“This is the very most part I am waiting about Morley. Giving yourself to me without pressure.”

“Liam—just take it easy…”

“I did take you on easy, Morley. Just trust me okay? Trust me as your husband.”

Hinagilap na naman nito ang mga labi niya dahilan kung bakit ramdam na ng dalaga ang kakaibang sensasyon na lumukob sa kanya.

Liam did to counterpart everything what couples had done.

Inside the Exclusive and elegent hotel room, Liam claimed her and so she willingly gave in.