Chapter 16
“Huy, Pennee. Hindi mo man lang ba babatiin si Yigo?” tanong ni Dolly habang maingat silang dumaraan sa mga nakaupo na audience. Kung hindi nga panay ang pagtayo ng iba ay wala pang limang minuto ay narating na nila ang exit ng gym. Ngunit dahil lahat ng tao roon ay hindi magkamayaw at walang ibang atensyon kundi ang koponan ni Iñigo, inabot ng labinlimang minuto bago sila nakarating sa dulo kung saan kaunti lamang ang tao.
Pansamantalang tumigil si Pennee sa tapat ng washroom. Nakasimangot pa rin siya ngunit nakatanaw sa binatang dahilan kaya sumama siya kay Dolly na manood ng basketball. “Kailangan pa ba? Sa dami ng bumabati sa kanya, hindi na niya kailangan ang pagbati ko. Yakap pa lang ni Vanessa, panalong-panalo na kaya siya.” Isang higupan lang at simot na niya ang canned juice na hawak niya—it was sweet orange flavor, but all Pennee could taste was bitterness. She, herself, felt bitter.
“Huwag mong sabihing nagseselos ka?” nakangising tanong ni Dolly sabay lagok din sa iniinom niya. She sighed in satisfaction and added, “Don’t dare to deny it. Matagal na tayong magkasama. Kabisado ko na ang expressions mo.”
“Ewan ko sa ‘yo.” Padabog na itinapon ni Pennee ang lata sa pinakamalapit na trash bin nang maubos ito. Muli na naman siyang naglakad-takbo at sinundan naman siya ni Dolly hanggang sa tuluyan silang makalabas ng Alta Gracia Gym. The basketball representative of their campus might have won against its opponent, ngunit pakiramdam niya’y talunan siya—talunan sa puso ni Iñigo.
“Aminin mo na kasi,” ani Dolly nang sabay na silang naglalakad papunta sa main building. “May gusto ka sa kababata mo. Eversince na bumalik siya, gusto mo na siya, Pennee. Huwag ka nang mag-deny kasi hindi kita titigi—”
“Fine. I like him!”Pennee admitted. Sinigurado niyang walang ibang nakakarinig sa hinintuan nila kung saan may bakanteng bench. Naupo siya rito nang makaramdam ng panghihina ng mga tuhod. “Masaya ka na, Dolly? Finally, napaamin mo na ako. Aasarin mo na ako lagi dahil alam kong wala namang patutunguhan ang pagkagusto ko sa kanya.” Nai-imagine na niya ang kaibigan kung paano ito hahalakhak. Oo’t matalik silang magkaibigan. Ngunit batid niyang sa tuwing may pagkakataon ay talagang tutuksuhin siya nito—that’s what bestfriends do.
Ngunit imbes na makarinig ng tawa, isang malalim na buntong-hininga ang lumabas sa bibig ng kaibigan. Nadama pa niyang pumatong ang kamay nito sa kanyang balikat. “Grabe ka naman sa akin. Alam kong pasaway ako minsan, pero nasa lugar naman, ah. Kapag ganito kaseryoso, siyempre, mapapakinabangan mo naman akong dumamay sa ‘yo. At kaya kita pinapaamin ay dahil ayaw kong sarilinin mo ‘yan. Sige ka, kapag naipon ang sama ng loob mo, baka kung saan pa ‘yan lumabas.”
Pinanliitan ni Pennee ng mga mata ang kaibigan. “Akala ko ba, hindi mo na ako aasarin?”
“Sorry na!” Agad na nag-peace sign si Dolly sa magkabilang kamay. Pagkatapos ay kinuha niya ang mga kamay ni Pennee at tinapik-tapik ito. “Pero, ito seryoso na—gusto kong sabihin sa ‘yo na dapat hindi ka nalulungkot. ’Di ba, ikaw na rin ang nagsabi na nabanggit ni Yigo na mas priority ka niya kaysa dun sa babaeng poste na ‘yon… I mean, doon sa Vanessa na ‘yon?”
“Oo nga, Dolly. Pero iba pa rin ang girlfriend. Kahit gaano pa ka-deep or katagal ang friendship, mas matimbang pa rin ang girlfriend. Iyon ang dapat dahil hindi naman lahat ng attention ay makukuha sa kaibigan.” Pennee couldn’t believe she was comparing friendship to that different kind of ‘ship’. Ngunit wala man siyang karanasan sa ganoon, kahit papaano ay aware siya sa nangyayari sa kanyang kapaligiran. Napapanood niya rin ang mga ganitong tema sa TV o Movie. Pero hindi niya lubos maisip na maaaring mangyari sa kanya—iyong mahulog sa kaibigan, ngunit hindi maaari dahil bukod sa may girlfriend na ito, batid niyang kapatid lang ang turing ng binata sa kanila.
“Maybe that applies to others. Pero, base naman sa observation ko, mas nasa ‘yo ang attention ni Yigo. Ewan ko lang kung napansin mo, Pennee. Kanina kasi, pagkatapos ng game, kahit nakayakap na sa kanya ‘yong girlfriend niya, kung saan-saan pa rin siya nakatingin—parang may hinahanap. Tapos no’ng nakita ka niya, parang wala na siyang ibang nakikita. Ikaw na lang, girl.” Mahinang tinapik ni Dolly ang pisngi ni Pennee.
“I don’t believe you. Hindi naman niya ako nakita. Saka bakit naman niya ako titingnan if ever? It’s been two weeks and counting at hindi pa rin kami nag-uusap.” Napayuko si Pennee. If only she could turn the time back, hindi niya aawayin si Yigo noong hindi siya nito nasundo. Now, she missed him more than she expected.
“Hindi ka naniniwala kasi hindi mo naman nakita. At hindi mo nakita kasi umalis tayo kaagad sa game,” Dolly explained. “Siguro, kung nagtagal pa tayo ro’n kahit isang minuto pa, pinuntahan ka niya sa upuan natin.”
Pennee sighed. “At pagkatapos n’yon, susugurin ako ng girlfriend niya? No. Ayoko ng scandal, Dolly.” Isinukbit niya sa balikat ang strap ng kanyang sling bag. “Tara na nga. Kailangan ko nang umuwi. Baka mahuli pa ako sa rehearsal mamaya.”
Pagkarinig nito ay napapalakpak si Dolly. “Ay, excited na ako sa Miss Intams mamaya, Pennee! I’m so happy for you. Ngayon pa lang, proud na proud na ako sa ‘yo!”
“Huwag ka namang masyadong matuwa para sa akin, Dolly. Hindi nga ako sigurado kung makakapasok sa top 5," malungkot na bulong ni Pennee habang magkaangkla ang mga braso nila at naglalakad nang mabagal. "Sa height pa lang, wala na akong laban. Ang tatangkad kaya ng ibang mga kasali."
"Hayan ka na naman. Dina-down mo na naman ang sarili mo. Mas malaki naman ang utak mo sa kanila," natatawang wika ni Dolly. "Ano ka ba naman Pennee? Hindi naman Philippines' Top Model ang pangalan ng competition. Miss Intrams po. Nakakaloka ka naman. Hanggang ngayon, wala kang tiwala sa sarili mo. Eh, ang ganda kaya ng mga performance mo noong mga nakaraang rehearsal."
Pennee chuckled. "Anong maganda doon? Nakalimutan mo na yata na natalisod ako noong unang practice. Pinagtawanan pa nga ako ng mga estudyante na nasa modelling class, 'di ba?"
"Eh, once lang naman 'yon nangyari, 'di ba rin? After that, hindi ka na nagkamali sa mga sumunod na rehearsal," paalala ni Dolly. "Kung lumakad ka nga, parang taga-modelling class ka na rin. Saka alam mo ba, may narinig pa ako sa tabi-tabi."
"At ano naman 'yon? Baka fake news lang 'yan , ah," natatawang salungat ni Pennee.
"Hindi kaya," ani Dolly. "Kasi after kong makuha sa mga friends ni Aaron noong practice, sa kanya ko na rin mismo narinig ang balita. Ang sabi niya, liligawan ka raw niya pagkatapos ng Intramurals."
Pennee's mouth parted to utter a word. Gayunman, natigilan siya nang may sumabat na buo at mababang boses na nagmumula sa kanilang likuran.
"Liligawan? Sino?"
Sabay na lumingon ang magkabigan sa kanilang likuran. Ngunit pagkakita ni Pennee rito at tila nanigas ang kanyang katawan. "Y-Yigo? A-anong ginagawa mo rito?"
"Sinundan kita. Gusto kasi kitang i-invite sa victory party mamayang gabi." Iñigo's face was dead serious that it could break a hard rock. "Wait, sino nga uli ang liligawan?"
Gustong sumagot ni Pennee ng 'wala'. Ngunit ganoon na lang ang pamumutla niya nang sagutin ni Dolly ang tanong ng binata. "Si Pennee. Sabi ni Aaron, liligawan daw niya ang kaibigan ko pagkatapos ng Intrams." She grinned.
“What!” Halos magdikit ang mga kilay ni Iñigo nang muling bumaling kay Pennee. "Have he gone crazy? Minor ka pa, bakit ka niya liligawan? Gusto ba niyang makulong?"
Ganoon na lamang ang pagpipigil ni Dolly na humalakhak. She just faked a cough. Siya ang sumagot sa binata."Grabe ka naman Kuya Yigo. Hindi naman crime ang panliligaw, ah. Sa klase nga namin, marami ang mag-boyfriend. Single naman si Aaron at hindi player. I mean, hindi siya naglalaro ng babae." Muntik niyang makalimutang basketball player nga pala ang kausap niya. Anyway sinasadya niyang ipilit si Pennee kay Aaron upang manggigil ito. And she knew it was effective.
"Bottom line is, hindi puwedeng ligawan si Pennee. Period. That jerk can't even make a move. Kaya sabihin mo sa kanya na huwag nang mag-aksaya ng effort," Iñigo declared. Muli siyang lumingon kay Pennee. "At anong pumasok sa isip mo? Bakit ka sasali sa Miss Intrams? Alam mo ba kung ano ang mga sinusuot diyan? Pinayagan ka ba ng parents mo, ‘Penpen’?" Binigyang-diin niya ang palayaw na dati niyang pantawag sa dalagita. Batid niyang ayaw ni Pennee na tinatawag na Penpen. Ngunit sinadya niyang ibalik ito upang ipaalala rito na hindi pa siya ganap na dalaga. She was still the little child that he needed to protect no matter what.
Samantala, halos silaban naman si Pennee sa mga narinig niya. Sa kagustuhan niyang hindi ma-sense ni Dolly ang inis niya ay kumalas sa braso nito, saka nilapitan si Iñigo. She looked up at him and glared. “Yes, Yigo. Of course, alam ng parents ko ang pagsali ko. In fact, sila pa nga ang nag-push sa akin dahil alam nilang parte ito ng growth ko bilang tao. Mabuti pa nga sila dahil napaka-supportive sa akin at maintindihin. Hindi katulad ng iba diyan na ang tingin sa akin ay walang alam at hindi kayang tumayo sa sariling mga paa.” Her hands were balling into fists in her sides. Gusto niyang itulak ang binata at sabihing huwag na nitong guluhin ang isip niya, lalong-lalo na ang puso niya. Ngunit tila nanlalambot siya sa malakas na presensiya nito. Pawisan ito at nakasuot pa rin ng jersey ngunit tila mas lalo itong nakaaakit sa ganoong itsura.
‘Stop it, Pennee. You are supposed to hate him, ’di ba? Huwag kang padadala sa charm niya. Ikaw din ang mahihirapan,’ she said inwardly.
“I am only here to protect you, Pennee,” Iñigo pointed out. Napahagod pa siya ng buhok dahil sa nadaramang frustration na pumupukpok sa kanyang dibdib. Matagal na niyang gustong makausap ang kababata simula nang magkatampuhan sila. Ngunit ano’t tila umuurong ang kanyang tapang? Maybe he was afraid to be shut away—katulad ng ginagawa nito sa kanya ngayon. But for the record, wala pang babae na gumanito sa kanya. “Fine, since pinayagan ka naman pala nina Tito Ezekiel, wala akong magagawa. Pero hindi ka pa rin puwedeng ligawan. Pipilipitin ko ang leeg ng lalaking ‘yan kapag hinawakan man lang ang kamay mo.”
"About Aaron—don't worry dahil wala pa sa isip ko ang mga bagay na gusto niyang mangyari,” Pennee countered. Umatras siya dahil sa malakas impact ng warning ng kanyang kababata tungkol kay Aaron. Goodness gracious, why was she sensing a possession undertone in his rough voice? “Wala pa sa isip ko ‘yan dahil studies ko ang number one priority ko. Nakakalungkot lang at ganyan pala ang iniisip mo sa ‘kin—na madali niya akong madadala. You think I’m that naive.”
Muli na namang nagsalubong ang mga kilay ni Iñigo. “That’s not what I meant, Pennee!”
“Whatever!” Pennee yelled. “Teka, bakit ka ba nandito? Hindi ba, dapat kasama mo ang team mo dahil nanalo kayo sa game? Dapat si Vanessa ang kinakausap mo ngayon at hindi ako para hindi ka nai-stress!”
Tulala na tinitigan ni Iñigo ang dalagita habang papalayo ito at kinakaladkad na parang manika lang si Dolly. He wasn't sure whether he was getting it right, but his instinct told him that Pennee's tone was nothing but jealousy.