Chapter 17
Biglang nanlamig ang mga pisngi ni Pennee nang makita ang pares ng sports wear sa sandaling pumasok siya sa dressing room.
"S-sandali, 'yan ba talaga ang isusuot ko, Miss Gayna? Baka nagkapalit kami ng contestant number five," alanganing wika niya sa babaeng facilitator na nag-akay sa kanya sa silid. Kahit tumuloy na ito, siya ay nananatiling nakatayo sa pinto—tila nakadikit na ang mga paa niya roon.
"Of course, dear. Ito ang isusuot mo. Ako pa nga ang personal na pumili nito sa 'yo dahil alam kong bagay na bagay sa hubog ng katawan mo," may pagmamalaking saad ni Miss Gayna. Kinuha niya ang naka-hanger na damit mula sa stand nito at iniladlad sa harap ng dalagita.
Pakiramdam ni Pennee ay malulusaw ang kanyang paningin, gayunman hindi niya magawang kumurap sa damit. It was a fuschia pink vest top and black doubled layered sports shorts. There was nothing wrong about the costume, actually. Maganda nga ang tela ng mga ito at halatang branded. But for God's sake, kahit kailan ay hindi pa siya nakakapagsuot ng damit na nasusulyapan ang kanyang pusod. Ang shorts naman nito'y mas maiksi pa sa padyamas na sinusuot niya bago matulog.
"Wow, ang cute naman niyan! Parang 'yong magsusuot lang," sabat ni Dolly na kararating pa lang. Humihingal pa siya, tila kagagaling lamang sa pagtakbo ngunit nakangiti siya at bakas ang kasiglahan nang maabutan si Pennee. "Mabuti naman at nakaabot ako. Akala ko rumarampa ka a sa stage, eh."
"You are truly just in time, sweetie," natatawang sabi ni Miss Gayna at ibinalik ang damit sa pinagsasabitan nito. "Mabuti at mayroon nang makakasama si Pennee na magbihis ng costume niya. Gusto ko sanang mag-assist sa kanya pero marami pa akong aasikasuhin. Thirty minutes na lang at magsisimula na ang Miss Intrams pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang iba," she laughed nervously and sighed. "Napakapasaway talaga ng ibang mga contestant. Sila itong mas ahead at mas experienced sa pageant na 'to, pero sila ang wala pa. Napaka-unprofessional talaga. Talo pa sila ng mga baguhan."
"At talagang tatalunin sila ng bestfriend ko mamaya, ma'am," nakangising bulong ni Dolly.
"Ano ka ba, Dolly. Marinig nga tayo ng iba rito, awayin pa tayo," ani Pennee. She was biting her bottom lip while surveying the vast room. Naroon na ang ibang contestant ngunit malalayo ang mga ito at may kani-kaniyang ganap—may nagre-retouch at may nakatutok din sa cellphone.
"Well, I like your spirit," sabi ni Miss Gayna at tumigin sa kanyang relos. "O, sige, ha. Maiwan ko na muna kayo rito. Basta, ten minutes before three p. m., dapat nasa backstage na kayo, ha? Ang wala roon, automatic ay disqualified."
Napalunok si Pennee bago tumango ng pagsang-ayon. "I will po, Miss Gayna. Salamat po ulit."
Nang makaalis ang facilitator ilang saglit pa ay napaupo si Pennee sa harap ng salamin. Her heart was pounding like a jackhammer in her chest, yet as she looked into the mirror, there was nothing in the reflection other than a young lady that bloomed like the most beautiful flower in the world... in the universe rather.
"Uy, girl. Ang ganda ng pagkaka-makeup sa 'yo. Halos hindi nga kita nakilala kanina." She sat on the long bench and gazed at Pennee through the mirror. "Pero talagang ang pretty-pretty mo! Hindi matapang ang combination ng colors sa eyelids mo at cheeks. At bagay lang sa lip color mo na parang kinagat lang ng honeybee."
Pennee narrowed her eyes. "Thanks, Dolly. Pero nakakapagtaka naman na napakarami mong alam pagdating sa makeup, kahit pulbos lang din at lipgloss ang nasa mukha mo kapag papasok."
"Alam mo kasi, mahilig akong manood ng makeup tutorials sa GlamTube," Dolly said, grinning. Sa salamin pa rin niya kinakausap ang kaibigan. "Balak ko kasi, kapag nasa college na tayo, kukuha ako ng cosmetology. Nai-inspire kasi ako sa Auntie ko. Aware ka naman na mayroon siyang salon, 'di ba? At sa tuwing bibisita ako ro'n, lagi akong nakakakita ng artista."
"Wow, that's amazing, Dolly. I can't wait na matupad mo 'yan para maka-discount naman ako," Pennee laughed.
Imbes na makitawa si Dolly, napansin niya ang butil ng pawis sa ilong ni Pennee. "Naku naman, girl. Ano 'yan?" Pumunit siya ng piraso ng tissue sa kahon na nakapatong sa counter at maingat na pinahid sa ilong ni Pennee. "Air-conditioned naman dito pero pinapawisan ka. Hindi ka naman siguro naiinitan. Sabagay kung sa ilong ka pinapawisan, ibig sabihin, selosa ka—which is totoo naman."
"Nandito ka ba para suportahan ako or para asarin ako?" Pennee said, pouting. "At ano naman ang kinalaman ng pagseselos sa event ngayon?"
Lalong lumawak ang pagngisi ni Dolly. "Since sponsor ng College of Modelling ang Miss Intramurals, 'yong top senior students nila ang ilan sa mga judges."
Pennee gulped. Hard. "S-so, si Vanessa ang... judge?"
Mabagal na tumango si Dolly. "Possibly?"
"If that's the case, baka palabas pa lang ako sa stage, binagsak na niya ako." Pennee wanted to cover her face with her hands, but she knew that her makeup would be ruined, at baka lumipat pa sa mga kamay niya.
"Hindi natin alam, girl." Tinapik-tapik ni Dolly ang kaibigan. "Pero hindi lang naman siya ang judge, if ever. Malay mo, pati si Yigo since parang mamamatay si Vanessa kapag hindi nakita ang crush mo."
Hindi nakatulong ang pag-peace sign ni Dolly para hindi maasar si Pennee sa mga pinagsasasabi ng kaibigan niya. She was about to utter a word when the door opened and Miss Gayna entered. Kasunod niya ang ilan pang natitirang kandidata na awtomatikong umupo tapat ng salamin sa kani-kanilang puwesto. "Okay, double time girls. Ilang minuto na lang at rarampa na kayo."
"Puwede po ba akong sumama?" tanong ni Dolly.
"Sure, sweetie. Pero hanggang backstage lang ha. Hindi ka kasama sa rarampa," she said and winked at the girls before going out.
Halata ang pagpipigil ni Pennee ng tawa, samantalang namula naman ang kanyang kaibigan. This was her karma for teasing her nonstop. "We're even," she said, laughing. "Huwag mo na kasi akong aasarin."
Dolly just shrugged off. "Oh well. Kaunti lang naman ang lamang ng beauty mo sa'kin, eh. Basta girl, ha. Fight lang. Show them what you got."
Hindi napigilan ni Pennee na yakapin si Dolly. "I appreciate your support, Dolly. Bukod sa parents ko, ikaw lang ang naniniwala sa akin. Thank you so much talaga."
"Welcome. Pero..." Dolly gently pushed Pennee away. "... mamaya na tayo mag-dramahan at baka matunaw ang makeup mo. Walang sisisihin niyan si Miss Gayna kundi ako."
They proceeded backstage after Pennee put on her activewear. It was a fact that she still felt a bit nervous despite how prepared she was. Lahat ng mga kalahok ay hindi matatawaran ang nag-uumapaw na awra. All of them could defeat her without effort. Pero hindi naman talaga ang manalo ang tunay niyang pakay. Pageant was not the field she wanted to be recognized for. Pumayag siyang lumahok dito nang sa gayon ay sa ganitong paraan ay maiparating din niya ang mga ipinaglalaban niya sa kanyang club na Students' Help. Katulad nga ng sinabi sa kanya ni Instructor Yuan, hindi lamang puro kaartehan ang Miss Intrams. It's about looking for someone who has a good heart and know how to help and value others. She believed she was that kind of person.
At isa pa, sumali siya rito upang patunayan kay Inigo na hind na siya ang batang paslit na kilala nito noon.
"Eyes all here, girls."
Pennee's thoughts were brought back to reality upon hearing Miss Gayna's voice.
"Okay, ready na kayo sa pila ha? And mind your own props. Five minutes na lang at lalabas na kayo. Basta remember to always smile as if naka-glue sa mgatainga ninyo ang lips ninyo. But try to be as genuine as possible, understand?"
They all said yes, kahit si Dolly na nagte-text sa isang tabi ay nakisagot.
The lively music started to echo around. Pennee's heart seemed to be clogging her ears, kaya nga hindi niya naririnig ang pag-cheer up ni Dolly sa kanya. Nakangiti man siya ngunit pakiramdam niya'y gusto niyang maglaho sa nerbiyos. Ngunit hindi puwede.
Finally, it was her turn to show up. Nang tinawag ang pangalan niya ng MC ay pakiramdam niya'y ibang tao ang binaggit nito. But then she managed to walk towards the entrance after Dolly wished her luck.
She was all smiles as she cat-walked through the platform, a badminton racket was in her hand, waving it gracefully as if she was in a game. Dinig niya ang pagsigaw ng mga estudyante kasama ng mga palakpak nito. Goodness, she couldn't believe that those applauses were for her.
'Kaya ko 'to,' she thought. 'Ilang seconds lang naman ang moment ko rito sa stage, mind as well do this with sense.'
And she was indeed nailing it. Pakiramdam niya ay sinapian siya ng isang modelo dahil natural na may pagkapino ang kanyang paggalaw. She didn't know she could walk as if she was stepping on an imaginary line. Lalo pang nadagdagan ang kanyang confidence nang isigaw ng audience ang kanyang pangalan.
Ngunit nang nasa gitna na siya at mapatingin sa hanay ng audience—partikular sa dalawang tao na nakaupo sa gitna at halata ring napatulala sa kanya—pakiramdam niya'y nanigas ang kanyang mga paa.
'So it's true. Judge sina Vanessa at Yigo.'