Chapter 15

“I’m sorry, Aaron. Hindi mo dapat nakita ‘yon?” Todo takip ng mukha si Pennee habang humihingi ng tawad sa kaharap. Gayunman, sa loob-loob niya ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Simula noong muli silang magkita ay hindi pa nagkakaroon ng ganito katinding pagtatalo. Madalas dati ay parati lamang siyang napipikon sa mga pang-aasar ni Iñigo sa kanya. Ngunit kaagad din siya nitong sinusuyo hangggang sa bati na sila. Ngunit ngayon, hindi niya lubos maisip kung saan nanggagaling ang kakaibang pagsusungit nito at pati ang kanyang kaklase ay nagawa pang bastusin.

Tumayo si Aaron at umikot sa mesa, saka tumabi kay Pennee. Inalis niya ang mga kamay ng dalagita sa mukha at ikinulong sa mga kamay niya. “Huwag kang mahiya. Ako lang naman ’to. Saka hindi na bago sa akin ang nakakakita ng away. Sa bahay nga, ’yan ang madalas bumungad sa akin kapag umuuwi ako. Minsan pa nga, umagang-umaga pero dinig na sa kabilang subdivision ang boses ng mommy ko kasi pinapagalitan niya si Kuya. Madalas kasing umuwi ’yon nang umaga tapos wasted pa.”

“Really?” Pennee frowned. “Sabagay, kahit sino naman siguro, maiinis kapag may kasama kang ganoon. Pero sana sa part n’yo, maayos na ’yan kasi nasa loob kayo ng isang family. Sa amin kasi, hindi ko naman pamilya si Yigo kaya okay lang.”

Was it? Ngunit bakit pakiramdam niya’y pinipitpit pa rin ang kanyang puso hanggang ngayon? Bakit umaalingawngaw pa rin ang boses nito sa isip niya na halatang puno ng sakit dahil na rin sa mga sinabi niya rito? She couldn't deny that she was so affected from head down to toes.

“My parents tried to speak to him, pero parang wala ring nangyari. Ewan ko ba.” Aaron shrugged off. Nang mapansin niyang may bahid ng luha ang gilid ng mga mata ng dalaga ay hindi niya nagdalawang isip na punasan ito gamit ang mga hinlalaki niya. “Huwag na nga nating pag-usapan ‘yon. Ang mahalaga ngayon ay ikaw. Ano, okay ka na ba? Anong gusto mong gawin ko para gumaan ang pakiramdam mo? Anong ramen?”

Bahagyang napangiti si Pennee. “Oh no. Not another ramen. Nakita mo naman siguro na nakadalawang bowl na ako. Baka mamaya niyan, ma-disqualify na ako sa Miss Intrams kasi ang taba ko na.” Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang tinuran. Bago pa niya bawiin ’yon ay napasinghap siya nang bigla siyang yakapin ni Aaron.

“Finally, Pennee! Sasali ka na rin sa Intrams! I’m so happy that you have decided.” Nang bumitiw siya sa pagkakayakap ay hinahawak naman niya ang mga kamay ng dalaga. Hindi niya alintana ang pagkabigla sa mukha nito. “Huwag kang mag-alala. I will be your guide since sanay na ako sa pageants.”

Mabagal na tumango si Pennee. Namimilog at nanlalaki pa rin ang mga mata niya sa gulat. Ganito na ba sila ka-close ni Aaron para yakapin siya nito? Gayunman, ipinagbakasakali niyang dahil lamang ito sa tuwa. Simula naman na magsimula silang mag-usap, hindi ito gumawa ng ikasasama niya. Aside from having undeniable good looks, Aaron seemed very nice. Mabuti na lang at hindi ito nahawa sa kuya nito.

***

Kinabukasan, habang masayang nag-a-almusal ang buo niyang pamilya sa hapag, si Pennee naman ay tahimik at abala ang isipan sa pagpaplano kung paano sasabihin ang kanyang desisyon. Mayamaya’y napansin siya ng kanyang mommy na nakatulala lamang siya sa plato.

“May problema ba, Pennee? Hindi mo ba gusto ang pancakes? Si Nana Linda pa ang nagluto niyan, as per your request.”

Mabagal na umiling si Pennee. “I’m okay po, Mommy,” bulong niya. Kinuha niya ang jar na lalagyan ng maple syrup at maingat na binuhusan ang kanyang pagkain. The sweet smell somehow made her senses relaxed. Sabihin mo na kasi sa kanila.

“Kung gano’n, anong problema?”Tanong ng kanyang daddy habang ngumunguya. “May problema ba sa school?”

Muli siyang umiling, until she took a deep breath to ready herself for the big news of her life. “Um, Mommy, Daddy, may event po kasi sa school. And then—”

“Sasali si Ate Pennee sa Miss Intrams!”

Sa inis ni Pennee, kulang na lamang ay sa kapatid niya itusok ang hawak niyang tinidor imbes na sa pancakes. “You and your big mouth, Kiel!”

“Ang tagal mo kasing sabihin. Tinulungan lang kita,” Kiel said, grinning. “Kaya siguro nagalit si Kuya Yi—”

Sa pagkakataong ito, tinakpan na ni Pennee ang bibig ng kapatid niya gamit ang kanyang kamay. Mabuti na lamang at katabi niya lang ito. “Huwag ka ngang maingay kung ayaw mong ibuko kita sa crush mo sa school,” bulong niya sa tainga nito.

Nanlaki ang mga mata ni Kiel at namula. Ngunit hindi siya makaimik dahil nakatakip pa rin ang bibig niya. “Mmmm!”

Doon na nagsalubong ang mga kilay ng kanilang mommy. “What’s going on here?” Persy asked and motioned to Pennee to remove her hands from her brother’s face.

Tumalima naman kaagad ang dalagita at yumuko na lang. “I’m sorry, Mommy.”

“Ano ba itong tinutukoy mo?” tanong naman ng kanyang daddy na kakainom lang ng tubig. “Tama ba ang dinig ko? Miss Intrams?”

“Opo,” nakayuko pa ring sagot ni Pennee. “Kasalanan po ng mga kaklase ko kasi ako ang tinuro nilang lahat. Pero, kung hindi ninyo ako papayagan, maiintindihan ko po. Sasabihin ko na lang na ayaw n’yo.”She closed her eyes, pleading with the air that her parents disapprove of her participation in the school pageant. Kung bakit kasi napa-oo siya kahapon kay Aaron. Marahil dahil sa inis na rin kay Yigo at sa inasal nito kaya nagdesisyon siyang pumayag. Pero ngayon na mas malinaw na ang kanyang isip ay tila nais niyang umatras.

“Well, that’s a good idea. What do you think, Ezekiel?”

“Walang kaso sa akin.”

Tinitigan ni Pennee ang kanyang mga magulang na kapwa tumango sa isa’t isa habang magkahawak-kamay sa mesa. Pumayag ang mga magulang niya. Tama ba siya ng pagkakarinig? Or sila ang mali ang pagkakarinig sa sinabi niya.? “S-sigurado po ba kayo?” salitan ang tingin niya sa kanyang mga magulang. “Linawin ko lang po, Mommy, Daddy, sa Miss Intrams ‘yon, hindi sa kahit anong sports.”

“Yes, Pennee. Alam namin. At don’t worry dahil pumapayag kami. Maybe we’ve been a bit strict before, pero malaki ka na at alam naming makakatulong sa’yo ang ganitong klaseng exposure.”

Halos hindi siya kumukurap. Sa kanyang daddy naman siya bumaling. Sa kanyang mga magulang, ang ama niya ang talagang mas mahigpit. “Daddy, sure ka talaga?”

Her daddy nodded. “Karapatan mo ‘yon, Pennee. Maganda naman ang grades mo sa klase, kaya bakit hindi mo naman subukan ito?”

Hindi niya alam kung matutuwa o mag-aalala. Ngunit siyempre, mas lamang ang una. “Salamat po sa support n’yo. Sige po, gagawin ko ‘to dahil may inspirasyon ako—kayong dalawa.” This was what she loved the most about her family—their unconditional support for her. Kaya nga kahit papaano ay naka-recover siya sa trauma na sinapit sa pag-kidnap sa kanya noon. She grew up a big girl with a strong and tough will. At punung-puno rin ng pagmamahal ang kanyang puso.

“We believe in you, Pennee,” her mommy said, beaming. Mayamaya’y napatingin sa kanyang relos. “Sandali, bakit wala pa si Iñigo? Usually, one hour before your class, nandito na siya.”

“Baka nasa labas na at naghihintay?” komento ng kanyang ama.

Nagkatinginan sina Pennee at Kiel. She shot her younger brother a warning stare when he grinned. Pasimple naman niya itong sinenyasan na tumahimik, saka tumingin sa kanilang mga magulang. “Busy na po kasi siya sa practice ng basketball. Kaya ’yon, sabi ko magpapahatid na lang muna ako sa driver.”

“Well, sige. Kung hindi na available si Iñigo, ipapa-share ko sa ’yo ang driver ni Kiel.”

“Huh?” Napanguso si Kiel na suhestyon ng kanilang mommy. “Puwedeng ibang driver na lang kay Ate Pennee?”

Ngumiti ang kanilang mommy. “Hindi sa tinitipid namin kayo ng ate mo. Pero mas gusto namin na isang tao ang pagkakatiwalaan namin tungkol sa inyong dalawa. Manong Dino has been with the family since I was in college. Kaya siya ang ipinagkakatiwala kong maghahatid sa inyo.”

“At isa pa, tapos na ang klase n’yo, hindi ba, Kiel?” tanong ng kanilang daddy.

“Opo, pero…” Kiel sighed. “Sige na nga.”

Nagpatuloy sila sa pagkain habang palihim na napapangisi si Pennee. Pero may isang bahagi pa rin sa kanyang puso ang nalulumbay dahil hindi na si Iñigo ang maghahatid sa kanya. Tila nais niyang pagsisihan ang pagtataboy sa binata. She would surely miss him. Ngayon pa nga lang ay hinahanap-hanap na niya ito.

Kaya nga nang gabing iyon, bago matulog ay naisipan niyang basahing muli ang mga nakaraan nilang conversation. Hindi niya maiwasang mapangiti at minsan ay matawa. Seryoso man kung titingnan si Iñigo, may itinatago pa rin itong malakas na sense of humor. Siguro ay sa mga ka-close lang nito ipinapakita ang katangiang iyon, isa na siya.

Bago pa siya mag-scroll pababa ay nilagay na niya sa home ang screen. Ayaw na niyang makita pa ang huling mensahe nito dahil hindi naman ang binata iyon. At ayaw niya ring ang huling makita niya bago matulog ay litrato ng girlfriend nito sa messenger niya. She didn’t want to delete it though. Ito kasi ang nagsisilbing paalala niya sa sarili na dapat ay iwasan na niya ang kababata, na dapat ay hindi na lumagpas pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman niya rito.

Bago tuluyang matulog, muli niyang binuklat ang brochure para sa intrams. After scanning its code, agad na lumabas ang website nito sa kanyang phone. Ngayon ay mas desidido na siya, she would be filling up for the candidates for Miss Intrams.

***

Two weeks passed by and it was the time of Intramurals in Alta Gracia University. Everyone was busy as honeybees at the same time, enjoying the designated games. Player man o hindi ay aktibo sa pakikilahok sa nagaganap na programa sa loob ng campus.

Meanwhile, at the campus stadium…

Hindi na magkamayaw ang mga nanonood ng basketball. They were even getting wild when their team, Alta Gracia Devils made ponts. Ngayon ay mas lamang na ang mga ito kumpara sa kabilang koponan, ang Alta Gracia Stags.

Iñigo glanced at the timer as he chased a player with number two on its shirt. Hindi niya iniinda ang liksi nito dahil higit na mas mabilis siya.

“You can’t escape, dude,” bulong niya nang maharangan ito sa ilalim ng ring.

“Mukha mo,” sabat nito sa kanya. “Huwag kang masyadong mayabang, Rosales. Tingnan lang natin kung anong magiging reaksyon ng audience kapag nilampaso namin kayo.”

“Ginagawa ’yan, hindi sinasabi,” Iñigo hissed. Kahit naliligo na sa pawis ay hindi niya ito pinupunasan. Bawat segundo ay kasing halaga ng ginto. Hindi siya maaaring magpabaya dahil halos pantay lamang ang kanilang mga puntos.

“Sabi mo, eh!” Tumalon ang player sa kanyang harapan dala ang bola.

That was the time Iñigo made another glimpse at the timer. Nine seconds left for freaking sake! Kapag nai-shoot ng ungas ang bola ay paniguradong panalo na ang mga ito.

Ngunit umikot-ikot lang ang bola sa ring at kalauna’y hindi pumasok. Dahil dito’y walang hinintay na sandali si Iñigo. Pigil ang kanyang hininga na sinalo ang bola. Nang lumapag siya ay muling tumalon at dinakdak ito sa ring. Ilang segundo siya ritong naglambitin bago bumitiw at matumba sa ground.

He didn’t know what had happened until his teammate reached for his arm to pull him up. Mayamaya’y buhat na siya ng mga ito habang sinisigaw ang kanyang pangalan.

“Ro-sa-les! Ro-sa-les!”

Tumingin siya sa crowd at pinilit na ngumiti. He was happy that they won. Pero tila may puwang pa rin sa kanyang dibdib kahit na isa sa mga humihiyaw sa kanya ay ang kanyang girlfriend. He was aware that something was missing… or rather someone.

Nang ibaba siya ng mga kasamahan ay kaagad na tumalon si Vanessa sa kanya. “Congratulations, honey! I love you!”

Bago siya makaimik ay hinalikan siya nito sa mga labi, hindi alintana ang lalong malakas na hiyawan. Siya ang unang kumalas dito. At nang muli niyang tangkain na magsalita ay bigla siyang natulala. Bigla kasing nahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na pigura na nakaupo roon sa mas mataas na bench.

Pennee?

Batid niyang hindi siya namamalik-mata lamang dahil kasama rin nito ang kaibigan na si Dolly. Ngunit pansin niyang nakasimangot ito bago tumayo at umalis sa puwesto nito.

Galit pa kaya siya sa ‘kin? I hope she’s proud of me too.