Chapter 11
Ilang linggo pa ang dumaan at nakasanayan na rin ni Pennee na hatid-sundo siya ni Iñigo. Sa tuwing lalabas nga siya sa gate ay awtomatikong nakaparada na ang sasakyan ng binata sa tapat ng bahay nila. Hindi na ito pumapasok sa loob dahil madalas ay nakikipag-usap ito sa cellphone. Kung hindi ang parents nito ay ang girlfriend nito ang kausap.
For some reason, she felt irritated towards the latter. Tama bang makipag-flirt si Yigo sa telepono samantalang nangako itong kapag siya ang kasama ay sa kanya lamang nakatuon ang focus nito?
It was a regular morning. Katulad din ng nakasanayan ay pagbaba ni Pennee mula sa kanyang kuwarto ay wala na ang kanyang parents. Mas malayo na kasi ang mga binibisitang foundation ng mga ito kaya alas-sais pa lang ay nakaalis na. Si Kiel naman ay inaasahan niyang natutulog pa sa silid nito dahil wala na itong klase. Samantalang sila ay may isang linggo pa bago sumapit ang Intramurals.
Ilang minuto pa at mabilis tinapos ni Pennee ang pagkain. Wala rin naman siyang kasalo sa mesa kaya ano pa ang dahilan upang magtagal siya sa hapag kahit maaga pa? Gayunman, naka-uniporme na siya nang sa gayon ay lalabas na lang siya kapag narinig niya ang pagbusina ni Iñigo.
Na hindi nga nagtagal ay umalingawngaw na sa labas ng gate.
She frowned. Sasamantalahin na naman niya ang moment na ‘to para tawagan ang girlfriend niya. Para namang hindi sila nag-uusap buong gabi or nagkikita sa school. Ipa-terminate ko na kaya siya bilang yayo ko? Natawa siya sa huling tinuran sa isipan. Sa tuwing inaasar kasi siya ni Iñigo nitong mga nakaraang linggo ay tinatawag niya itong alalay niya or yayo bilang ganti. Gayunman, hindi pa niya ito nakikitaan ng pagkapikon sa kanya. Samantalang siya ay kindatan lang nito ay namumula na sa pagka-conscious.
Hindi niya maintindihan kung bakit sensitibo siya sa walang malisya na panunukso ng kababata. Dahil ba magkaiba sila ng pananaw sa isa’t isa? Na dahil sa pagiging maalaga nito at maalalahanin sa kanya ay unti-unti nang umuusbong ang pakikitungo niya rito? What a shame, his Yigo still saw her as a little sister. Parang si Lannah lang na nakababatang kapatid nito.
Naglalakad na palabas ng pinto si Pennee nang marinig niya ang sunod-sunod at walang patid na pagbusina. Napasimangot tuloy siya. Masyado namang atat! If I know, nagbababad na naman siya sa phone. Kunwari pa na pinagmamadali ako. Hindi niya ako ma-go-goodtime this time! Sinadya niya na lalong bagalan pa ang paglakad.
Paglabas ng gate ay hindi siya nagkamali sa inaasahan. Talagang may kausap nga si Iñigo sa phone nito. The young man was leaning against the sports car, one hand in his pocket, the other holding the phone pressed against his ear.
Pero sa pagkakataong ito, napansin niyang seryoso ang mukha ng binata. At pabulong din ito habang nagsasalita.
“Okay, Mom. No problem. Mauna na kayo sa Cebu. Susunod na lang ako pagkatapos mismo ng Intrams. Hindi ko kasi puwedeng iwanan ang team. Is Lolo okay? But if you want, mag-e-excuse na ako ngayon para makasunod diyan.”
Sunod-sunod na tumatango si Iñigo habang tahimik na pinapakinggan ang nasa kabilang linya. Pennee was already beside him when he said goodbye and slid the phone back into his jacket’s pocket.
“Si Ninang Innah ba ‘yon?” Pennee asked worriedly. “Ano raw ang tungkol sa lolo mo?”
Bagsak ang mga balikat ni Iñigo nang magbuntong-hininga siya at lumingon sa dalagita. “She says, Lolo decides to have a vacation in Cebu. Nami-miss daw ang dagat. Anyway, mas makabubuti nga sa health niya ‘yon. Baka sakaling mawala na ang taning sa kanya. I know it’s quite impossible lalo na’t ayaw na niyang magpa-confine sa ospital. But who knows?” He let out an empty chuckle.
Tila kinurot ang puso ni Pennee. Kahit itago ng binata sa kanya ay ramdam niya ang pag-aalala nito. Minsan na rin siyang nakabisita sa bahay ng lolo nito. That was a few weeks ago. Inimbitahan kasi ang pamilya niya noong mag-birthday ito. She had forgotten the old man’s age, but he really looked old and weak.
Napayakap si Pennee sa braso ng binata. “Tama ka, Yigo. Who knows, magkaroon ng miracle at humaba pa ang buhay niya. Naalala ko nga, ‘yong lola ng classmate ko, nagkapag-celebrate pa ng 100 years last week lang. Kaya ngumiti ka na riyan kasi sayang ang looks mo kapag sobrang seryoso mo. Everything will be okay, Yigo.”
Iñigo looked down at her. Amazement was sparkling in his eyes. Marahan siyang ngumiti. “So, lagi mo palang pinapansin ang looks ko, Pennee?”
“H-huh?” Namula na tila kamatis ang mukha ni Pennee. She wanted to deny it, but for heaven’s sake, bakit pakiramdam niya ay lagi siyang tina-traydor ng kanyang mga ekspresyon? “Hindi ah! Bakit, may binanggit ba ako na guwapo ka? Sobrang pangit mo kaya!”
“Really?” Iñigo grinned. “At ikaw naman, ang cute mo kapag namumula.”
Gustong matunaw ni Pennee sa kinatatayuan. Ngunit dahil hindi siya mantikilya ay lumihis na lang siya ng tingin. “You’re talking no sense. Tara na nga. Baka mahuli pa ako sa klase.”
Natatawa pa rin si Iñigo nang buksan ang pinto ng kotse para sa dalagita. “Alright, kamahalan. Puwede ka nang pumasok sa loob.” Nagyuko pa siya ng ulo habang nasa dibdib ang isang kamay. “Karangalan ko pong pagsilbihan kayo habambuhay.”
“Ano bang sinasabi mo? Nang-aasar ka lang, eh!” ngitngit ni Pennee at padabog na umupo sa loob. Nang maisara ang pinto ay pinagmasdan niyang umikot sa sasakyan ang binata. Nang makasakay ito sa driver’s seat ay saka siya umiwas ng tingin at lumingon sa bintana.
“Seatbelt po, kamahalan. Pakisuot na lang at baka sa pulis tayo humantong imbes na sa school,” paalala ni Iñigo sa mapaglarong tinig.
“Fine.” Pennee fastened her seatbelt. Pero sa labas pa rin siya nakatanaw. “Okay na po ba? Ano pa pong gagawin? Turn off my phone?”
“Ay no need po. Hindi naman na tayo dadaan sa gas station kasi dumaan na ako ro’n bago pumunta rito. Kaya we’re good to go.”
“Talaga lang ha. Baka kailangan mo pang tawagan ang girlfriend mo bago tayo umalis.” That was supposed to be a whisper. Ngunit sa inis niya ay napalakas ito. Huli na upang bawiin ni Pennee dahil nakangisi si Iñigo nang lingunin niya ito. Ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa kalangitan dahil hindi na siya nito tinukso.
Humupa na ang pagkainis ni Pennee nang makarating sila sa school. Dapat lang talaga na ikondisyon na niya ang kanyang mood, kung hindi ay baka maapektuhan ang kanyang klase. Mabuti nga’t hindi na siya pinapakialaman ni Scarlet. Gayunman, iniirapan pa rin siya nito sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata.
Nang nasa pintuan na ng classroom ay inabot ni Iñigo ang bag sa dalagita. “By the way, I need to tell you something.”
Lumingon muna si Pennee sa loob ng klase. Mabuti at wala pang guro. Ang mga classmate naman niya ay kaniya-kaniya ang daldalan sa bawat isa. She looked up at him. “Ano naman iyon?”
“May practice game kami mamaya sa labas ng campus. Bale sa St. Florence Square to be exact.”
“Oh…” Pennee blinked. Malayo-layo rin ang lugar na ’yon sa kanilang school. “Okay. Tapos?”
“Hindi ako sigurado kung anong oras matatapos. Pero huwag kang mag-alala. Hindi ako mali-late. At exact four p. m. nandito na ako sa labas.”
Mabagal na tumango si Pennee. Bakit bigla siyang nag-alala? Kahit kailan naman ay hindi pumalya sa pagsundo sa kanya si Iñigo. Lagi rin itong on-time sa pagsundo sa kanya dahil ayaw nga nitong tumatambay siya sa klase kapag quitting time. So, getting back to the question—ano’t ganoon na lang ang pag-aalinlangan niya?
Nadama na lamang ni Pennee na pinisil ng binata ang kanyang baba. “I know you’re going to miss me. Pero ipinapangako ko, kahit hindi pa tapos ang game, sisibat ako para dumating dito bago ang uwian. Kaya hintayin mo ako mamaya, alright? Don’t talk to strangers.” Kumindat siya bago tumalikod at sisipol-sipol pa habang naglalakad palayo.
Kung maaari lamang na batuhin niya ng bag ang binata, gagawin niya. Hindi siya makapaniwala na naisahan na naman siya nito bago pa umalis.
***
Ang buong akala ni Penne ay dahil sa kaunting araw na lang ang nalalabi bago mag-sembreak ay maluwag na rin ang kanilang leksyon. Ngunit kabaligtaran ang nangyari dahil katakot-takot na pages ang ibinabato sa kanila ngayon. Tila lalo pang nasisiyahan ang kanilang guro na nakasimangot sila habang kinokopya ang instructions sa board.
“Mahaba-haba rin ang bakasyon n’yo, class. Kaya ito ang mga homework, okay? Mabuti na rin ‘yong hindi kayo tumitigil sa pag-aaral kahit wala tayo sa school. This is for you all too. Am I clear?” Matamis ang ngiti ng guro sa kanila.
The class groaned, “Yes, Ma’am”.
Mayamaya pa’y isang matangkad na lalaki ang pumasok at tumayo sa harapan. He was wearing a baseball cap and a polo shirt with the Alta Gracia logo on the chest. Nang tumango ang kanilang guro sa lalaki ay saka ito nagsalita sa kanilang lahat.
“Hello, guys. I’m Mr. Yuan, one of the facilitators for the upcoming intramural sports.” He waited for the acknowledgement of the students before he continued. “I’m here to get the names of those involved in the particular game. “So, since fixed na ang players natin sa basketball. Ang kukunin ko lang na players ay para sa volleyball, badminton, track and field, taekwondo, at sepak takraw. Doon muna tayo sa volleyball. Who wants to join? Girls only.”
“Me!”
Napatingin ang lahat sa pinakahuling row.
“Good. May I know your name, young lady?”
“I’m Scarlet. At MVP ako sa last school kaya malaki ang chance n’yo kapag kasali ako sa team.”
Nagpalakpakan ang buong klase sa confidence ni Scarlet. Kahit si Mr. Yuan ay humanga rito kaya agad na pinapunta sa harap upang bigyan ng form ay kunin ang buong pangalan.
Pagkatapos ni Scarlet ay dumako naman ang facilitator sa iba pang sports. Walang kimi ang klase at buong kompiyansa na nagpalista sa mga nais nilang salihan. Afterall, the class was the cream of the crop kung tawagin ng ibang section. Minsan ay powerhouse class pa dahil magaling ang mga ito sa academics man o extracurricular activities.
“Okay!” Mr. Yuan sighed in excitement. Ngayon pa lang, binabati ko na kayo, class. Napaka-sporty n’yo.” Muli nitong pinahapyawan ng basa ang hawak na papel at biglang napataas ang mga kilay. “Oh, no! Muntik kong makalimutan. Kailangan din pala ninyo ng at least one candidate para sa Mr. and Miss Intramurals. So, sino ang puwede? Anyone?” Nagtaas ng kamay ang guro habang pinapahapyawan ng tingin ng buong klase.
Biglang tumayo si Dolly at itinuro ang walang kamalay-malay na si Pennee. “Si Penelope Sanches po for Miss Intrams!”
Natagpuan na lamang ni Pennee and sarili na hinihila siya ni Dolly papunta sa harapan ng klase. Kung haharap siya sa salamin ngayon, batid niyang mukha siyang tanga dahil ni hindi niya alam kung bakit siya naroon? Did she even raise her hand to participate in a certain sport?
“Good! Mabuti at may willing na sumali sa Miss Intrams. Thank you, Penelope.”
Napalingon si Penpen sa instructor. Nakangisi itong sumusulat sa hawak na notebook, saka muling bumaling sa klase.
“Now, isa na lang. Sino ang puwedeng Mr. Intrams?”
“Si Aaron Chan po, Sir! Model po’yan, kung hindi ninyo naitatanong,” exclaimed a young guy in the farthest row. Itinuturo pa niya ang binatang binaggit niya na mabilis namang sinang-ayunan ng buong klase.
“Ay, opo! Si Aaron Chan! Tiyak na panalo na kami kapag siya ang isinali!”
Kasalukuyang nakayuko si Aaron sa cellphone nito. Ngunit nang marinig ang pangalan ay nakasalubong ang mga kilay na umangat ang mukha. “Why me?”
Sumenyas si Instructor Yuan sa binatilyo. “Can you go here, brother? Para makita namin kung bagay nga kayo ni Penelope.”
Halata sa mukha ng binatilyo ang pagkalito. Gayunman tumalima pa rin siya bilang tanda ng paggalang. He stood at his full height, and even though he was walking lazily to the front, he still looked like a model showcasing the expensive jacket he was wearing.
Tumango na nasisiyahan si Mr. Yuan. “Sa tikas mong ‘yan, malakas ang laban ng department natin,” aniya. Hinila niya ang binatilyo sa braso nito at itinabi kay Penpen. Muli siyang humarap sa klase na nakangisi. “Class, bagay sila, ’di ba?”
Muling lumakas ang hiyawan ng buong klase. The impact made Pennee blushed hard so she stared at her feet. Hanggang ngayon, hindi niya mawari kung paano napunta sa ganoong kalagayan. Salamat sa kanyang matalik na kaibigan na ngayon ay ini-imagine niyang sinasabunutan niya sa isipan. Kainis ka talaga, Dolly! Kung alam ko lang, um-absent sana ako ngayon.
Mayamaya’y nagpaalam na si Mr. Yuan. Pag-alis nito’y nagsibalikan na ang mga masuwerteng napili sa kanilang mga upuan.
“Okay, let’s go back to our lesson. Ito ang dapat inuuna ninyo at hindi ang pagpapares. Tandaan n’yo, mga bata pa kayong lahat…”
Habang patuloy na nanenermon ang kanilang guro ay bumulong si Dolly kay Pennee. “Si Ma’am talaga, napaka-KJ. Ano ang tingin niya sa atin, mga kinder?”
Imbes na sumang-ayon, mababaw na kinurot ni Pennee ang kaibigan sa tagiliran nito. Lalo siyang naasar nang tinawanan lang siya. “Ano bang iniisip mo, Dolly? Bakit sinubo mo ako sa Miss Intrams na ‘yan?” pabulong pero madiin niyang sabi rito.
“At bakit hindi? Pennee, kung hindi mo pa alam, ipapaalam ko na ‘yo na ikaw ang pinakamaganda rito sa klase natin—kahit nga sa buong grade ten, eh. Mas maganda ka pa kaya sa mga regular na sumasali sa Miss Intrams. Sila kasi, makeup lang ang nagdadala. Eh, ikaw—natural beauty. Mukha kang Latina.”
Pinanliitan ni Pennee ng mga mata ang kaibigan at umayos sa kanyang pagkakaupo. Sa guro na siya nakatingin—na kasalukuyang nagsusulat sa blackboard—pero kay Dolly pa rin ang atensyon niya. “Sinasabi mo lang ‘yan kasi best friend kita.”
“Pennee, for your information, hindi lang ako ang nagsasabi niyan.”
“Talaga lang, ha? Bakit, sino pa ba?”
Sandaling lumingon si Dolly sa direksyon ng hinirang na candidate sa Mr. Intrams na si Aaron. Napangisi siya nang mahuling nakatingin ang binata sa direksyon nila. Muli siyang bumaling kay Pennee. “Eh, ’di si Aaron. Crush ka kaya niya.”