CHAPTER 17
Two days had passed at hanggang ngayon, wala pa ring malay si Erem and according to her doctor, dahil daw sa bugbog na natamo niya ng ilang beses kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya gumigising.
Sa dalawang araw na nagdaan ay hindi ako umalis ng ospital kaya naman hinatiran lang ako ni Mommy ng ilang gamit. Bukod kasi sa ayaw kong umalis hangga't hindi nagigising si Erem, hindi rin nawawalan ng mga taga-media sa labas ng ospital.
Nagtataka ako dahil sabi ni Mommy na siya na ang bahala sa mga iyon, pero dalawang araw na ang lumipas, mukhang hindi pa patay ang issue tungkol sa pagkaka-ospital ni Erem.
"Good morning, Mr. Sandoval," pukaw ng doctor sa atensyon ko na hindi ko namalayang nandito pala sa loob ng kuwarto.
"Good morning, Doc," walang emosyon kong tugon sa kaniya.
"I'm just here to tell you something about Mrs. Sandoval's relative. Nakarating sa kaniya ang nangyari and he wants to file a case against you... I am the one telling you this because he asked me to deliver his message to you," seryosong sambit ng doktor habang kay Erem nakadako ang tingin nito.
"What are you talking about, Doc? Wala ng kamag-anak ang asawa ko. Sino siya at bakit hindi siya ang humarap mismo sa akin para sabihin ang gusto niyang sabihin?!" galit kong sabi.
"I can't tell you who he is Mr. Sandoval, but for now I want you to know that Mrs. Sandoval will be under his property and care when she wakes up. I need to go now dahil may iba pa akong pasyente," mabilis na tugon niya sa akin bago tuluyang nagmartsa palabas ng silid.
Napahilot ako sa sintido ko nang basta na nga lang akong tinalikuran ng doktor matapos sabihin sa akin ang tungkol sa kamag-anak ni Erem na gusto akong kasuhan. Sa pagkakaalam ko ay walang ibang kamag-anak ang babaeng ito dahil bukod sa nanay niyang hindi malaman kung nasaan e mag-isa na lang talaga siya sa buhay. Kung sino man ang lintik na iyon, sigurado akong pera lang din ang habol niya sa akin.
Nakatayo ako malapit sa hinihigaan ni Erem nang unti-unti kong napansin ang paggalaw ng daliri at pagdilat ng mga mata niya, kaya naman mabilis akong tumawag ng nurse na puwedeng tumingin sa kaniya.
Kaagad namang dumating ang mga nurse at doctor para tingnan siya, habang ako naman ay seryoso lang na nakatayo sa isang gilid habang hinihintay silang matapos sa ginagawa.
Ang kaninang inis at galit na naramdaman ko dahil sa sinabi ng doctor ay napalitan ng halo-halong emosyon na hindi ko maipaliwanag. Gising na si Erem at sigurado akong ang una niyang itatanong ay ang tungkol sa anak niya na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya.
"Lucas," dinig kong tawag sa akin ni Dad na siyang tinawagan ko kaagad kanina.
"She's awake, Dad," maikling sambit ko sa kaniya sabay balik ng atensyon kay Erem na ngayon ay tulala lang nanaka tingin sa kisame.
"She's okay now at kailangan niya lang ng pahinga. Bawal siya mapagod as of now dahil naghihilom pa lang ang mga sugat niya. Most importantly, no more stress for her, okay? I will take my leave now," paalala ng doctor tungkol sa kalagayan ni Erem.
"Thank you, Doc Santos," tugon naman ni Dad sa kaniya habang nakikipagkamay at kapag kuwan ay kaagad na nagmartsa palabas.
"How is she? Finally! She's awake at puwede na siyang humarap sa media. Hindi ko sila mapatigil at mapatahimik so I guess Erem should do it again. Face the media and tell them that Lucas is innocent, na hindi siya sinasaktan ng asawa niya," seryoso at mabilis na sabi ni Mommy na tila walang pakialam sa kondisyon ni Erem sa mga oras na ito.
"Amanda!" malakas na tawag ni Dad sa pangalan ni Mommy.
"You're so insensitive, Hon, kagigising niya pa lang at hindi pa maayos ang lagay niya!" galit na sabi ni Dad habang nakapamaywang na nakatayo sa harapan ng kama ni Erem.
"Lucas," dinig kong tawag sa akin ni Erem na hanggang ngayon ay blangko ang tingin.
I don't have the courage to talk to her. Bukod kasi sa alam ko na ako ang may kasalanan sa lahat, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman na ni Erem ang totoo.
Tahimik akong tumayo sa gilid ng kama niya habang seryoso lang na nakatingin sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang magalit sa sarili ko dahil nakita ko na naman ng mas malapit ang mga pasa at sugat niya na ako ang may kasalanan.
I didn't imagine that I can hurt a woman at sa ayaw ko man o sa gusto, asawa ko pa ang sinaktan ko. Talagang kayang baguhin ng galit ang isang tao na nagiging dahilan pa para makapanakit nang sobra at isa ako sa mga binago ng galit.
"Erem," tanging sambit ko ng magtagpo ang tingin naming dalawa.
Puno ng sakit at lungkot ang mga mata niya— puno ng hirap at pagdurusa na ako ang may gawa.
"Okay lang ang baby ko, 'di ba? Buhay naman siya, 'di ba?" mag kasunod niyang tanong habang himas ang tiyan niya na nagpabagsak ng balikat ko.
Tumingin ako sa mga magulang ko na kapuwa seryoso lang na nakaupo at tila hinihintay ang magiging tugon ko kay Erem,
"You should take a rest, Rem," lakas loob kong sagot sa kaniya.
"Buhay ang anak ko Lucas, 'di ba?" tanong pa ulit niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko na mabilis kong iniwasan.
"Lucas, sumagot ka! Buhay ba ang anak ko Lucas? Anak mo iyon kaya magkaroon ka naman ng kaunting paki!" sigaw niya habang masama pa rin ang tingin na ipinupukol sa akin.
"Erem, calm down hija," pang-aalo sa kaniya ni Daddy.
"Paano ako kakalma kung hindi ko alam kung buhay pa ba ang anak ko o hindi na? Kaya sumagot ka Lucas hangga't may kaunting pasensiya pa ako sa iyo!" mabilis na sagot ni Erem na ngayon ay nakaupo na.
"You're not yet stable Erem so calm down. Hindi nakatutulong ang pag-iinarte mo ng ganiyan!" sabat naman ni Mommy na ngayon ay nakatayo na at masama rin ang tingin kay Erem.
"So pag-iinarte ho pala para sa inyo ang tanungin ko kung buhay pa ba ang anak ko o hindi na? Pambihira talaga kayo madam attorney!" sigaw niya pabalik kay Mommy.
"Bastos ka talaga kahit kailan Erem!" sigaw ni Mommy na mukhang galit na galit na.
"Hindi mo deserve ang respeto mula sa akin!" singhal niya, "Ngayon Lucas..," baling na sabi niya sa akin habang pilit na tumatayo mula sa hospital bed niya, "buhay ba ang bata sa sinapupunan ko, buhay ba ang anak ko?!" may diin at galit na tanong niya.
"Tell her the truth, son," sabat ni Dad.
"Tell her tutal ay kasalanan naman niya ang lahat!" sabat din ni Mommy na lalong nagpagulo sa akin sa mga oras na ito.
Mali na tinawagan ko pa sila para samahan ako rito nang sa ganoon ay tulungan nila akong masabi kay Erem ang tungkol sa anak niya. Lalo lang nilang pinapalala ang sitwasyon at hindi sila nakatutulong sa mga oras na ito.
"Mom will you please stop and let me talk to her?!" inis kong sambit kay Mommy na hanggang ngayon ay wala yatang balak na tumigil.
"Lucas buhay ba ang anak ko?!" malakas na sigaw ni Erem na akala mo ay hindi siya nanghihina sa mga oras na ito.
Lalo akong nakaramdam ng kaba nang tila maramdam ko ang parang nakatutusok niyang tingin sa akin— animo'y anumang oras ay handa siyang may gawing masama kapag nasagad ko ang pasensiya niya.
"Erem," pagtawag ko sa pangalan niya at akmang aalalayan sana siyang maupo sa hospital bed niya pero mabilis niya akong natabig.
"W-wala na ang baby E-erem... The baby didn't s-survive. I'm s-sorry," puno ng pagsusumamo kong sabi habang hindi makatingin sa kaniya nang diretso.
Inaasahan ko ang isang malalas na sampal mula sa kaniya matapos na sabihing wala na ang baby, pero nagulat ako nang basta na lang siyang tumalikod at nahigang muli sa hospital bed niya.
Kita ko ang sunod-sunod na pag-agos ng luha sa pisngi niya at ang sobrang lungkot sa kaniyang mga mata.
I want to hug her and tell her how sorry I am, pero wala akong sapat na lakas para gawin iyon.
"Binugbog at halos patayin mo ako Lucas at lahat ng iyon tiniis at kinaya ko. Kinaya ko kasi umaasa akong baka balang araw ay mapagod ka sa pananakit mo sa akin. Masaya ka ba dahil finally nasingil mo na ako sa malaking kasalanan ko sa iyo? Sana masaya ka kasi pinatay mo ang anak ko. Alam mo? Sana... sana pinatay mo na lang ako noon pa lang para hindi ako nahihirapan, kasi sa totoo lang Lucas parang patay na rin ako sa mga oras na ito!"
"I'm sorry Erem, I'm so sorry!" tanging nasabi ko sa kaniya habang hindi pa rin makatingin nang diretso sa kaniya.
"Anak ko iyon Lucas, kaya hindi mababago ng tangina mong sorry ang sakit na nararamdaman ko! Umalis ka na at isama mo iyang mga magulang mo na nagbabalat-kayo!" galit na sabi niya.
"Heto na sana ang huling beses na magkikita tayong lahat... Sobrang nagsisisi ako na nakilala ko kayo at hinayaang guluhin ang buhay ko!" galit na galit na sabi ni Erem habang may masamang tingin na ipinupukol kina Mommy at Daddy hanggang sa ako ang huli niyang tiningnan.
Mga tingin na kahit hindi niya sabihin alam kong puno iyon ng galit at pagkamuhi sa akin.
"Sising sisi ako na ginusto at minahal ko ang katulad mong walang puso. Hindi na lang sana ako nahulog sa iyo, siguro hanggang ngayon ay maayos ang buhay ko!"
"I-I'm sorry Erem," puno ng pagsusumamo kong sabi.
"Huli na ang paghingi mo ng tawad Lucas, pinatay mo ang anak ko! Ikaw mismo ang pumatay sa anak mo na walang malay sa lahat ng galit mo sa akin! Walang kapatawaran sa kahayupan mo, kaya umalis ka na kasama ang magulang mo hangga't kaya ko pang magtimpi sa inyo!"
"Erem, let's talk hayaan mo akong humingi ng tawad sa iyo," nakikiusap kong sabi.
"Umalis na kayo, alis!" malakas niyang sigaw habang nakaturo sa gawi ng pintuan.
Ayaw ko mang umalis at gawin ang gusto niya pero hinila na ako ni Mommy para igiya palabas. Alam kong hindi naging maganda ang samahan namin bilang mag-asawa pero sa puntong ito, gusto kong bumawi sa kaniya.
"Umalis ka na, Lucas!" sigaw niya pang ulit.
"Let her take a rest, son," sabat ni Daddy kasabay ng pagpasok ng ilang nurse na siyang nagpalabas nang tuluyan sa akin.