59 | Party
Follow me on Facebook:
Juanna Balisong
ENJOY READING (/>o<)/
•ווווווווו
| Girl's Room |
SA iisang silid ay puro lamang sila mga babae. Napag-usapan na nila kanina na paghihiwalayin ang kwarto ng mga babae at lalaki to have some time to talk girl-to-girl and boy-to-boy talk.
Nakadapa si Ria sa queen-sized bed na kama at itinukod ang siko saka tumunghay. "Wala ba tayong gagawin? Tutunganga lang?" Anito at bagot na tumingin sa iba.
"Ria's right," segunda ni Doña Celestina. "We should do something fun since there's no boy's around."
"Hindi po ba at nasa kabilang kwarto lang sila?" Tanong ni Seli na sinusuklay ang buhok ni Faith.
"Yeah, what I mean is we should also have some fun... na tayo-tayo girls lang ang bonding." Ani pa nito.
Nilingon ni Faith si Tiffany na tahimik lamang na nakikinig sa usapan. She knew Tiffany was a bit uncomfortable dahil sa presensya ng Ina ni Lorenzo.
"Uhm... Simulan nating maglaro ng spin the bottle." Suhestiyon niya at tumayo sa kinatatayuan. Kinuha niya ang nangangalahati nang botelya ng tubig. "Let's make a circle." Aniya at inusog ang sofa. Tinulungan siya ni Martha upang lumuwag ang espasyo.
Lahat sila ay naupo na sa sahig pabilog. Uupo na sana si Faith nang mapansin si Maia na nananatiling nakaupo sa sofa at nakayuko sa hawak nitong tablet.
Napaangat ng tingin si Maia mula sa pagkuting-ting sa hawak na tab nang may kamay na kumuha niyon sa kanya. "Ms. Faith?"
Nakataas ang isang kilay na tiningnan ni Faith si Maia. "Were here to have fun at hindi para sa trabaho." Nakapamaywang niyang saad.
"Pero po kasi... I-inaayos ko po kasi ang schedule ni Sir." Muli sana nitong kukunin ang tabley nang ilayo ni Faith.
"Na-ah." Iling nito. "Makakapaghintay ang trabaho Maia, pero ang kasiyahan hindi." Anito at hinila patayo si Maia at dinala sa sahig.
Nang makaupo na ang lahat ay inilagay na ni Faith ang botelya sa gitna. "Same rule. Kung kanino matapat ang ulo ng bottle, she'll choose Truth or Dare. Anyone can ask but the maximum question is 2. Sa dare naman, only one dare can do."
Natigil sa pagpasok si nanay Rosa nang mabungaran ang mga babaeng nakaupo sa sahig. "Ano 'to? May orasyon ba kayong ginagawa?"
"Join us 'nay, sit here." Senyas ni Doña Allana sa tabi nito.
"Ano ba itong nilalaro n'yo?" Tanong ng ginang nang makaupo na sa puwesto nito.
"Spin the bottle po." Sagot ni Ria.
"Kuu~ sige na at simulan na."
Mabilis na ipinaikot ni Faith ang botelya sa gitna.
•ווווווווו
| Boy's Room |
NAKAHILATA si Victor sa kama habang si Cesar naman ay nakaupo sa gilid at naglalaro sa cell phone nito. Sa sofa ay nakahiga si Jaxson at kalaro sa mobile game si Cesar. Damien, Lorenzo ang the two Dons are playing cards at the table. Samantalang naglalaro naman ng chess si Bruce at Winston sa may balkonahe. Si Tobi ay nakahiga na sa puwesto nito at namamahinga na.
Tanging ang flat screen TV lamang ang kasalo sa kabagutan at si Boyet na nanonood din ng ipinalalabas na pelikula. May hawak itong isang bowl ng popcorn at tutok na tutok sa pinanonood.
Bumangon siya at tumabi kay Boyet sa harap ng TV.
"Gusto n'yo boss?" Alok sa kaniya nito ng popcorn habang ang mga mata ay hindi inaalis sa telebisyon.
Kumuha siya ng isang dakot at naupo katabi nito. "You really like this movie huh?" Aniya at nagsubo ng popcorn.
"Aba syempre po! Idolo ata ng tatay ko si FPJ."
"Your father?"
Tumango ang binata. "Noong bata pa lang ako lagi naming inaabangan mga palabas ni Da'King kaya simula rin noon nagustuhan at nakahiligan ko na rin panoorin." Wika nito at uminom ng juice sa baso.
"Lahat na ata ng movies ni Fernando ay naipalabas na at minsan inuulit na lang." Muli siyang nagsubo ng popcorn at tumutok sa TV.
"Naku boss, yung mga tatak FPJ, iyan yung mga palabas na hindi nakakasawang panoorin kahit ulit-ulitin mo." Pagmamalaking wika nito. "Iyong action movies ngayon, walang-wala 'yan sa mga bakbakan ni Da'King." Dagdag pa nito.
"As you say so..." Tatango-tango na lamang na sabi ni Victor at itinuon na rin ang atensyon sa palabas.
"Sige! Suntok! Hayun! Hayun!" Sigaw ni Boyet at tila nakikipagbakbakan din na sumusuntok sa hangin habang nanonood.
Tila napako na rin ang mata ni Victor sa pinapanood at maging siya ay napapahiyaw na rin. "Yeah! Punch him! Punch him!" Kagat-labing suntok niya sa hangin.
•ווווווווו
| Girl's Room |
DAHAN-DAHANG bumagal ang pag-ikot ng botelya matapos paikutin ito ni Ria. Agad na naghiyawan naman ang mga babae nang matapat ang ulo niyon sa eksaktong puwesto ni Martha.
Natampal ni Martha ang noo at napailing-iling.
"Bet na bet ka ng bote Martha!" Hampas ni Seli sa balikat ng katabi at malakas na tumawa. Kanina pa kasi ito palaging natitigilan ng botelya sa pag-ikot.
"May daya ata 'tong bote n'yo eh!" Yamot na kinuha ni Martha ang bote. "Truth!"
"Ask her now girls." Hagikgik ni Allana.
"Ikaw naman ang magtanong 'nay Rosa." Ani Faith sa ginang. "Ikaw na lang ang hindi pa nakakapagtanong kay Martha."
"Hmmm... Ano bang itatanong ko bukod sa alam ko na lahat ng kiliti mo? Alam ko na rin na kayo na ni-AH!" Biglang nagliwanag ang mukha ng ginang. Mayamaya'y tila biglang naglaho ang kagiliwan ang mata nito at napalitan ng pagkaseryoso. "Martha..." Seryosong tinitigan ni nanay Rosa si Martha.
Halos malunok na ata ni Martha pati ang dila niya sa kaba. "P-po?"
"Ikaw ba..." Naningkit ang mata ni nanay Rosa sa tumingin kay Martha. "Naisuko mo na ba ang bataan sa nobyo mo?"
Sandaling natahimik ang lahat at nabaling ang tingin kay Martha.
"A-ah-uhm..." Tila sa sandaling iyon ay nais na lamang maglaho ni Martha na parang bula. 'Juice ko Lord! Kuhanin n'yo na po ako!' Lihim niyang usal at makailang beses pa na napalunok ng laway.
"SAGOT!"
Halos mapatili ang lahat nang malakas na sumigaw si nanay Rosa.
"O-opo!" Naluluhang tango ni Martha.
Natahimik ang lahat sa narinig. Maging ata ang hangin ay tumigil sa pag-ihip at tanging ugong lamang ng aircon ang madirinig...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Napalingon silang lahat kay nanay Rosa nang bigla itong tumawa.
"Matinik nga ang bata ko! HAHAHAHAHAHAHA!" Napapalatak nitong tawa at kulang na lamang ay magpagulong-gulong sa sahig.
"You silly girl! Hindi mo kailangang kabahan," tawang saad ni Celestina. "You're in the right age at walang masama doon-I mean... Boyet is a responsible and a good guy. I'm sure with it." Nakangiting saad ni Celestina sa dalaga at kumindat dito.
Kahit na namumula at nag-iinit ang mga pisngi ay matamis na ngumiti si Martha sa butihing Doña. "Salamat po ma'am Celestina." Nahihiya nitong wika.
"Spin the bottle, Martha."
Muling ipinuwesto ni Martha ang butelya sa gitna at sinimulang paikutin.
Napahawak sa kanyang dibdib si Ria habang nakatingin sa umiikot na bote. 'H'wag sa'kin... H'wag sa'kin...' Napalingon siya kay Maia na siya niyang katabi nang hawakan nito ang isa niyang kamay.
Mariin itong nakapikit at naka-cross fingers pa na tila nananalangin rin na sana ay hindi matapat dito ang botelya.
Puno ng kaba ang dalawa na tiningnan ang dahan-dahang pag-ikot ng bo... telya...
"YES!"
"YES!"
Sabay pa na napapalakpak ang dalawang dalaga nang hindi sa kanila ito matapat.
Muling binalingan ni Ria ang bote upang tingnan kung sino ang natapatan nito. "Okay, sino ang-"
"Tiffany!" Yugyog ni Faith sa kaibigan. "It's your time to shine!"
"H-hindi ba pwedeng pass?" Napakamot sa ulong wika ni Tiffany.
"No. Walang pass." Iling ni Faith. "Truth or Dare?"
"Ahm... Dare?"
Nilingon ni Faith ang iba. "Do anyone has a dare for Tiffany?"
Itinaas ni Seli ang kamay at magsasalita sana nang pigilan siya ni Martha. Takang napalingon naman si Seli sa kaibigan ngunit tanging iling lamang ang isinukli nito.
"Okay then! Ako meron." Umayos ng pagkakaupo si Faith at humarap kay Tiffany. "Tiffany Caliente, I dare you to tell what are you going to say to mama Allana. Now."
Nanlaki ang mata ni Tiffany na napatingin kay Faith. "As in... N-ngayon na?"
Ipinag-krus ni Faith ang mga kamay sa dibdib at tumango.
Napalunok si Tiffany at unti-unting nilingon ang Doña.
"What is it, Tiffany?" Nangungusap ang mga matang tanong ni Doña Allana sa dalaga.
"A-uhm..." Kinakabahang muling binalingan ni Tiffany si Faith.
Ngumiti si Faith dito at hinawakan ang kamay. 'Everything will be fine...' She mouthed.
Huminga nang malalim si Tiffany at nagpakawala ng buntong-hinga. She then again faced the Domina. "Tita Allana..."
Nagtatakang tiningan ni Celestina ang anak na si Faith asking her, 'what's are you up to?' Kinindatan lamang siya ng anak na tila ba ay sinasabing, 'I got it 'Ma.'
Hinintay ni Allana na magsalita ang dalaga. "Tell me Tiffany, what is it?"
Marahang nag-angat si Tiffany ng tingin dito. "I... Have a lot to say to you Tita... But firstly, I wanted to say sorry. For everything. I've done back then." Tinatagan no Tiffany ang loob na ituloy ang sasabihin.
"I was so foolish at hindi nag-iisip sa mga ikinikilos ko noon. I used Lorenzo para takasan ang miserable kong buhay, and I know... I know na maling-mali iyon." Unti-unting namuo ang kanyang mga luha. "I-it's just that... H-hindi ko na alam ang gagawin ko noon at iyon na lamang ang nakikita kong solusyon. Masyado akong nagpalamon sa sarili kong ambisyon k-kaya nagawa kong s-sirain sila noon."
Hindi na niya nagawa pang pigilang umalpas ang kanyang mga luha at tuluyan na itong bumagsak.
"I-i am really sorry Tita Allana... Pinagsisihan ko na ang ginawa ko noon. Kaya lang ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin kayo ni Tito Raf ay dahil, inuunahan ako ng hiya at wala na akong mukha pang maihaharap sa inyo..."
Everyone there was silently listening. Dama nila sa boses ni Tiffany ang pagsisisi nito at ang katotohanang humihingi ito ng pagpapatawad.
Lumuluhang pinunasan ni nanay Rosa ang mata gamit ang laylayan ng kanyang palda. Minsan niya na ring nakasama noon si Tiffany noong nobyo pa nito si Lorenzo. Totoong may ugali itong hindi maganda na ipinapakita noon ngunit may mga pagkakataon din na tila ba'y may malalim iting iniisip at problema na kahit minsan ay hindi nito nabanggit sa kanila. She knew there's a girl inside her who needs help. Na kahit papaano ay may malalim na rason ito kung bakit nito iyon nagawa.
"Alam ko pong mahirap sa isang ina ang magpatawad lalo na kung ang anak niya ang nasaktan. Hindi man po ngayon Tita Al, b-but please forgive me..." Gagap ni Tiffany sa kamay ng Doña habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha.
Ang lahat ay hindi na ring mapigilan na madala sa emosyon at napapaluha na rin.
"Tiffany..." Hinawakan ni Allana ang kamay ni Tiffany. "I'm really so glad to see you again, it's been years since I last saw you at natutuwa akong malaman na dadalo ka sa kasal bilang bridesmaid. You know, I do believe in the saying, "Time heals our wounds." At bilang isang ina, sapat na na malaman kong pinagsisihan mo at humihingi ka ng tawad sa'kin personally."
Allana looked at her and smiled.
"Hija, alam kong minahal mo rin noon si Lorenzo at sapat na para sa akin iyon na minsan ay naging parte ka sa buhay ng anak ko. Tiffany, we met people who teaches us different lesson in life... Nagpapasalamat ako sa'yo at dumaan ka sa buhay ni Lorenzo dahil alam ko na meron din siyang natutunan dahil sa'yo."
Umiiyak na napatango si Tiffany. "Thank you so much Tita Al."
Kinabig ni Allana ang dalaga at niyakap. "Apology accepted."
Nakangiti at lumuluhang nakatingin si Faith sa dalawa. Para siyang timang na umiiyak habang tumatawa and it is because finally ay naayos na ang lahat. All her worries are now gone at tingin niya'y mas lalong gumaan pa ang pakiramdam niya to the point na nais pang magtatatalon ng puso niya sa labis-labis na tuwa.
"You okay honey?" Tanong sa kanya ng ina.
"Y-yes mom," tango niya. "I'm just so happy dahil naayos na ang lahat."
"Enough of the drama ladies!" Mayamayang ani Allana at pinahid ang luha. "We should celebrate more!" Anito at binuhay ang kaseta at umugong ang isang nakakabuhay na musika.
All the girls in the room partied on their own with their lady's drinks and the beat of the lively music. Wala na silang pakialam kung magmukha pa silang baliw. It's their own girls party and no boys allowed kaya susulitin na nila ang gabi.
•ווווווווו
| Boy's Room |
MULA sa hindi kalayuang kwarto ay dinig na dinig nila ang malakas ba musika na tila ay may nagpatayo ng bar sa lugar.
"Isn't that... From the girl's room?" Paghihinuha ni Winston mula sa malakas na musikang nadirinig.
"Obviously." Kibit-balikat ni Bruce at nag make-move sa hawak na king sa chess board.
"It seems their having their good time." Gagad naman ni Don Severino.
"You know what," tumayo si Victor mula sa pagkakaupo sa harap ng telebisyon. "I think we should go there and join them. Hindi iyong para tayong nakikiburol dito."
Tumingin si Lorenzo sa paligid. There are foods, drinks, cards, boards... Yeah, para nga silang nasa burol kung saan nakatambay ang lahat ng mga nakikiramay kuno na ang talagang habol lamang ay ang sugal. Ni-walang kaabog-abog ang bachelor's party nila-kung party nga ba iyong matatawag, kumpara sa mga babae na nasa kabilang kwarto lamang.
"Victor's right." Pagsang-ayon ni Cesar. "Really, party ba itong matatawag sa inyo?"
Sandaling napaisip si Lorenzo. He's respecting the girl's privacy of having their own "all girls party". Kinapos na kasi sila sa oras kaya napag-isipan na lamang nila na doon na rin ganapin ang bachelorette at bachelor's party nila. But seriously, maski siya ay nakakaramdam na rin ng bagot.
"That's not a good idea." Napatingin ang lahat sa kanya. "We know girls, ayaw nilang may tumatapak sa privacy nila." Tama. Kahit na anong isip ang nagtutulak sa kanya na makisilip sa nangyayari sa kabila ay mabuti nang pumirmi na lamang sila.
"Oh, c'mon Bud!" Akbay sa kanya ni Victor. "Hindi naman tayo makikigulo ano? We'll just... Check them if everything's doing fine and well." Anito at nagtataasan pa ang kilay na tila sinesenyasan ang iba.
"Wala namang masama kung titingnan lang natin sila diba? They're our girlfriends and wifes so?" Segundamano ni Don Rafael.
Napatigil ang lahat at nagkatinginan.
"Na-ah. Nope. We're not going there." Iling ni Lorenzo.
**
Parang mga ninja sa mga pelikula na tinawid ng mga lalaki ang balkonaheng nagdudugtong sa mga kwarto. Dahan-dahan ang bawat isa sa pagkilos upang hindi makagawa ng ingay.
"Move faster Victor!" Marahang tulak ni Cesar kay Victor.
"Shhhh!" Sita ni Damien na siyang nangunguna.
Nais matampal na lamang ni Lorenzo ang noo. Papaanong nahantong siya sa ganito at napapayag na sumama sa mga kalokohan ng mga ito. Maski ang dalawang Don ay hindi nagpaawat at hayun pa nga at natatawid pa ang mga pagitan ng mga balkonahe.
"Lorenzo move!" Pabulong na sita sa kanya ni Victor.
Napabuntong-hininga na lamang siya at kumapit sa kalapit na sanga ng puno upang matawid ang kabilang balkonahe. Ewan niya ba at may maayos naman na daanan papunta sa kwarto ng mga babae ngunit mas pinili ng mga ito na dumaan sa mataas na mga balustre.
•ווווווווו
| Girl's Room |
HABANG patuloy sa pag-indak ang musika ay patuloy rin sa pag-indayog amg mga kababaihan at may kanya-kanyang hawak na beer. Si Faith lang ata ang naiba dahil imbis na beer ang hawak niya ay gatas ang nasa baso niya.
Nagkakatawanan habang umiindak sa gitna sina Ria at Tiffany kasama pa ang ilan. Ang dalawang Donya at si nanay Rosa ay hindi rin nagpahuli at animo mga bulate kung gumiling kasabay ng tugtugin.
Nakaupo lamang si Faith sa pang-isahang sofa dahil hindi na niya kinaya ang energy ng mga ito. Hindi niya inakalang parang mga wang-wang kung magwala at magsaya ang mga kasama niya.
Lumapit sa kanya si Maia. "Gusto n'yo pong ikuha ko kayo ng tubig Ms. Faith?"
"Hindi na Maia, okay pa naman ako. Saka hindi naman ako tatamaan kung gatas ang tinitira ko." Aniya at napatawa.
"Gusto n'yo rin po bang cutics-an ko kayo?"
"Talaga? Kaya mo?"
"Naku~ kung hindi niyo po alam, bago po ako maging secretary ni Sir, naging nail artist po ako sa dating salon na pinagtatrabahuan ng nanay ko." Anito at naupo sa sahig sa tapat niya at inilabas ang isang pouch na naglalaman ng iba't ibang pangkulay sa daliri.
"Kung ganon ay baka pwede na akong magpa-manicure sa iyo kung pupunta pala ako minsan sa opisina." Biro niya.
"Wala pong problema," ngiti naman nito at naghanap ng kung ano sa pouch. "Teka lang po ah, nakalimutan ko ata kung saan ko nailagay yung panglinis ko ng kuko." Dagling muling tumayo si Maia at lumapit kung saan ang iba pa niyang gamit.
Hinalungkat niya ang bag nang may mapansin sa katapat na bintana. Tila may mga anino na gumagalaw. Natigilan si Maia at naniningkit ang matang tumingin nang maigi sa labas kung nasaan ang balkonahe. Laking gulat niya nang may maaninagang tao. "S-sir Lorenzo?!" Naibulaslas niya dala ng gulat.
Maging ang ibang kababaihan ay napalingon sa kanya.
"Lorenzo?" Nagtatakang wika ni Faith at napatingin kay Maia ngunit naagaw ang kanyang pansin nang may mga anino ng tao siyang makita sa bintana ng balkonada.
"What the heck are they doing here?" Ani Allana at lumapit sa pinto ng balkonahe at binuksan iyon. "What are you doing here? At papaanong nakarating kayo dito?" Sinilip niya ang mga kalapit na kwarto kung saan may kanya-kanyang balkonada.
Muntikan pang mapatalon sa gulat ang mga ito nang biglang bumukas ang pinto.
"A-ah... Nothing?" Maang na tugon ni Don Rafael.
"W-we are just... Checking on you i-if everything's going fine." Nagkanda-utal-utal na sabi ni Don Severino at sumilip sa loob.
"Don't fool us boys." Pinahinaan ni Celestina ang musika at lumapit na rin dito. "You wanna join us?"
"YE-urgh!" Napaubo si Boyet nang sikuhin siya ni Jaxson.
"N-no. No." Maang na iling ni Bruce at pinanlakihan ng mata ang dalawang katabi.
Natampal na lamang ni Lorenzo ang noo.
"Cute of you~ Okay then, pumasok na kayo at malamig sa labas."
Animo mga tutang binigyan ng biscuit na nagliwanag ang mga mukha ng mga ito at pumasok ng silid.
"Paano kayo nakapunta dito?" Takang tanong ni Tiffany at napatingin sa labas.
"Uhh... We went through the balconies." Tugon ni Winston.
"What?!" Sabay-sabay na naibulaslas ng mga babae.
"Tinawid n'yo ang mga balkonahe?" Tila hindi makapaniwalang sabi ni Faith.
"Obviously. Just few steps and reach from each." Kibit-balikat ni Cesar at kumuha na ng isang beer.
Kung tutuusin ay tatlong kwarto ang pagitan ng mga silid nila at kada-kwarto ay may balkonahe. Hindi na mahirap para sa kanilang tawirin iyon dahil mahahaba naman ang mga biyas at ilang hakbang lamang ay abot na nila ang sunod na kwarto.
"Enough of the talk," ani Don Severino at muling nilakasan ang musika. "Let's start the party!"
"YEEEEAAAAAAAH!"
Animo mga kamag-anak ni Tarzan na naghiyawan pa ang mga ito at sumabay sa pag-indayos sa malakas na musikang bumabalot sa silid. That night, napuno ng kulitan, kwentuhan, at tawanan ang buong silid.
•ווווווווו
KASINGBILIS ng pagtakbo ng kabayo ang paglipas ng araw at hindi na nila namalayan ang nagdaang mga oras. Natapos na pala ang ilang araw nilang pamamalagi sa private villa sa Tagaytay. Nabitin man sa sandaling panahon na magkakasama ay nag-enjoy naman ang lahat.
Nasa kanilang kwarto niyong dapit-hapon na iyon si Faith at nakahilata lamang sa kama. She doesn’t want do anything but to lay down all day. 'Is this one of my morning sicknesses? Ang katamaran?' Kastigo niya sa sarili at hinaplos ang umuumbok ng tiyan.
"H'wag ka munang lumaki kaagad baby ah, gusto pa ni mommy na ikasal nang sexy."
Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Lorenzo. He dazzling look so handsome with his navy-blue coat and pants. Bahagya niyang itinaas ang ulo sa unan upang makita ito.
Lumapit ito sa kamay at naupo sa gilid niya. "You feeling, okay?" Hawak ni Lorenzo sa kanyang kamay at dinampian ng halik.
"Yeah, just feeling nothing to do all day." Tila inaantok niyang tugon dito.
"I'll be having a formal meeting, wanna come?"
Napanguso si Faith. "Ano namang gagawin ko d'on? Ang lumamon nang lumamon sa tabi habang nakikinig sa boring n'yong meeting? Huwag na, baka antukin lang ako doon."
Napatawa si Lorenzo at kinurot ang pisngi ni Faith. "Stop using that face, baka hindi na ako tumuloy niyan at magkulong na lang din dito sa kwarto kasama mo." Nakangisi nitong sabi at may ibang ipinahihiwatig.
Agad na nahampas ni Faith si Lorenzo sa braso. "Tigil-tigilan mo 'ko sa mga ganyang banat mo. Baka hindi mo kayanin kapag nagkulong na tayo rito."
"Oh really, sino bang nagsabing bumabanat lang ako?" Naghahamon nitong ani at muling tumayo. He started to take off his coat while making an eye to her.
Agad na naalerto si Faith. 'Aba ang loko at hindi nga nagbibiro!' "H-hoy! Ba't ka naghuhubad?!"
"You're inviting me, aren't you?" Hinawakan nito ang sinturon at astang huhubarin.
Bumangon si Faith sa kama at inihampas dito ang isang unan. "Inviting-inviting ka d'yan... Lumayas ka na at may mga naghihintay sa meeting n'yo!"
Napapalatak ng tawa si Lorenzo.
Naiinis na lumuhod si Faith sa kama at pinaharap si Lorenzo papuntang pinto. "Now go. Shoo!" Pagtataboy niya rito.
"Now you're repelling me."
Tinadyakan ni Faith si Lorenzo sa puwet dahilan upang matulak ito sa pinto.
"Hey!" Angal nito at napahawak sa pang-upo.
"Lumayas ka!"
Tatawa-tawang napailing na lamang si Lorenzo at muling lumapit kay Faith. "Love, I'll be back at noon." Anito at hinagkan siya sa noo at kinuha ang coat na hinubad.
"Kahit h'wag ka nang bumalik." Bulong ni Faith sa hangin.
Ngunit bago pa muling lumabas si Lorenzo ng silid ay kinitalan pa siya nito ng halik sa labi. Faith couldn't help but to reply to his kiss. Lorenzo held her cheek and kiss her deeper. Napakapit si Faith sa malapad nitong balikat nang ang isang kamay ni Lorenzo ay pumulupot sa kanyang baywang.
Ayaw mang putulin ni Lorenzo ang halik ay kusa na siyang humiwalay rito. Agad na rumihistro ang pagkabitin sa mukha ni Faith na siya namang muling ikinatawa ng lalaki. "I'll go head now. Just call me if you need me." Masuyong hinaplos ni Lorenzo ang mukha ni Faith bago lumabas ng silid.
Nang tuluyabg makaalis si Lorenzo ay muling humilata si Faith sa kama. "Dapat ba hindi ko nalang siya pinaalis at nagkulong nalang dito sa kwarto?" Wika niya sa sarili at nagpagulong-gulong sa kama. "Naaah... Baliw ka na Faith!"
**
Nakapangalumbaba si Faith at tinatanaw ang magandang tanawin ng hacienda. Mag-isa siyang naroon sa kubo sa ilalim ng puno ng acasia at umiinom ng buko. Maaliwalas ang panahon at maganda ang sikat ng araw ngunit dadaigin pa ang bagyo ng mukha niya sa sobrang lalim ng kunot sa kanyang noo.
"Señorita," tawag pansin sa kanya ni Mang Ernesto nang lumapit ito sa kanya. "Gusto n'yo pa po bang ikuha ko kayo ng buko?"
"Huwag na po, feeling ko po kasi hindi na ako makakaubos pa ng ika-limang buko." Hawak niya sa bukong iniinom at nilingon ang tatlo pang buko sa tabi na wala ng laman.
"Sige po. Tawagin niyo na lamang po ako kung may kailangan kayo." Ngiti nito sa kanya at isinuot ang sumbrerong hawak na yari sa lubi.
Ngunit bago pa ito makalayo ay muling tinawag ito ni Faith. "Ah Mang Ernesto!"
"Po?" Tumigil ito at mulung lumingon sa kan'ya.
"Ikuha niyo na lang po pala ako ng isa pang buko." Aniya at sinimot ang laman ng bukong hawak gamit ang isang kutsara.
Muling napangiti ang ginoo. "Masusunod po Señorita." Iyon lamang at tuluyan na itong umalis.
Nang masimot na ang kinakain ay muling napasimangot na naman si Faith. Itinabi niya ang wala ng laman na buko at dumapa sa kamang gawa sa kawayan. Muli siyang nangalumbaba at pinanood ang mga kabayong tumatakbo sa loob ng malawak na bakod.
Ilang araw na niyang hindi nahahagilap si Lorenzo. Miminsan na lamang niya ito makausap ng matino at kung minsan ay nagmamadali pa. Sa sobrang busy nito ay hindi na siya nitong naaabutan pang gising at kung late na matulog. Sa umaga ay maaga itong umaalis at nag-iiwan na lamang ng note sa kapirasong papel.
Minsan ay nais na lamang magtampo ni Faith dito. Pakiramdam niya ay iniiwasan siya ni Lorenzo o hindi kaya ay may kinikita itong ibang babae.
Tiningnan niya ang brasong namumutok. Naghanap na ba ito ng iba dahil tumataba na siya?
Ipinilig niya ang ulo. Masyado na naman siyang nag-oover think sa mga bagay-bagay. Malamang ay busy lamang ito sa trabaho at maraming papeles at appointments ang inaasikaso.
Hindi pa kasi nila magawang makabalik sa Texas dahil sa bilin na rin ng kanilang mama Allana. Mabuti na raw na hindi muna siya bumiyahe ng matagal dahil baka mabati ang batang nasa sinapupunan niya kung ganoong nagkaroon na siya ng miscarriage dati.
Dagdag pa ng kan'yang manager na si Ria ay hindi parin namamatay ang issue tungkol sa kanya sa Brazil at makabubuti ring manatili muna sa Pilipinas hanggat maaari. Lalo na ngayon at uhaw na uhaw ang media sa kanya.
Ayaw rin namang humiwalay sa kanya ni Lorenzo kaya hindi rin nito magawang lumipad pabalik ng Texas at doon magtrabaho. Sinabi rin sa kanya nito na nais daw nitong nasa tabi niya ito sa oras na kailanganin niya ito.
Mas lalong napasimangot si Faith. Ngayon naman ay hindi niya mahagilap ang lalaki.
•ווווווווו
GUMISING ng umagang iyon si Faith na wala ng katabi. Tumingin siya sa katabing night table upang hanapin kung may note bang iniwan si Lorenzo ngunit sa kanyang pagkadismaya ay wala. Nakalimutan ata nitong mag-iwan ng mensahe man lang sa kanya.
Pagbangon niya ng kama ay agad na lumapit sa kanya si Tobi na kanina pa pala nag-aabang sa kanya. "Good morning, Tobi."
Sumampa ang aso sa kama at dinilaan siya sa mukha.
"Mabuti ka pa at sinasalubong ako sa umaga ng halik e iyong tatay mo diretso layas na ng bahay." Simangot niya at hinaplos ang mala-gintong balahibo ng aso. Agang-aga ay heto siya at naiinis.
'Tatay ko ba 'yon? Baka itinakwil ko na s'ya kung ganon.' Kukuwag-kuwag ang buntot ni Tobi na husto pang lumapit sa amo.
"Ni-hindi na nga natin mahagilap ang isang iyon. Malaman ko lang na may iba siyangh kinikita naku! Makakalbo ko 'yon mula bunbunan hanggang paa." Nanggagalaiti pa niyang turan.
Matapos gawin ang morning rituals niya ay sabay silang bumaba ni Tobi upang mag-umagahan. Sa pagtataka niya ay natigilan siya sa hagdanan nang maabutan ang mga tao sa ibaba na tila nagmamadali sa pagkilos.
"Seli kuhanin mo iyong gamit sa kwarto." Utos ni nanay Rosa sa dalaga na agad na tumalima.
"Nanay isasama rin ho ba ito?" Pakita ni Martha sa isang lagayan na hindi niya mawari kung ano ang laman.
"Oo pati yung isa pa niyan."
Nagmamadali namang naglakad si Boyet palabas ng bahay dala ang ilang maleta.
"Ano pong nangyayari?"
"ANAK KA NG PATOLA!" Napahawak si nanay Rosa sa dibdib nang biglang sumulpot si Faith. "Dios kong bata ka, ba't bigla-bigla kang sumusulpot?"
Ngunit imbis na sagutin ang ginang ay sinipat niya ang laman ng bag na iniimpake nito. "Mga damit niyo po ito ah? Aalis kayo 'nay?"
"A-ah kasi..."
"Isasakay ko na po ito sa sasak-" natigilan si Seli nang makita ang among babae.
Nagtatakang ipinaglilipat ni Faith ang tingin sa dalawa. "Aalis kayong lahat? Bakit hindi ko alam?"
"G-ganito kasi iyon h-hija..." Kinakabahang nakagat ni nanay Rosa ang daliri. "Nanghingi kasi ng tulong iyong k-kaibigan ko para sa handaang gaganapin sa binyag ng apo niya k-kaya isasama ko na rin sila Martha at Seli para may makatulong ako roon."
"Ganoon po ba? Sana po ay sinabi ninyo rin sa akin para may maitulong din ako."
"Naku! H'wag na. H'wag ka nang mag-abala pa saka madali lang iyon."
Sabay silang lahat na napatingin sa bukana ng pinto nang pumasok mula roon si Tiffany at Ria. Natigilan pa ang dalawa nang makita si Faith.
"F-faith! Haha..." Kiming na tawa ni Ria at lumapitpit sa kaniya.
"K-kanina ka pa gising?" Tanong naman ni Tiffany.
"Ah... Hindi naman, actually kababangon ko lang. Anong meron? Ba't magkasama kayo?" Muli niyang takang tanong sa dalawa.
"Ay naku wala!"
"Nagkasalubong lang kami kanina sa daanan." Palusot naman ni Tiffany. "Sama ka sa amin you want? Magsa-shopping kami, right Ria?"
"O-oo-oo! K-kaya nga dumaan na kami rito para isama ka." Segunda naman ng isa.
Hinila na siya ng dalawa.
"T-teka!" Pigil ni Faith sa mga ito. "Lalarga tayo ng nakaganito lang ako?" Tinignan niya ang sarili na nakasuot lamang ng large T-shirt at maong shorts.
"Ano ka ba! 'Yan nga ang mga uso ngayon kaya okay na 'yan!" Pangungumbinsi ni Ria.
"Saka magre-relax lang din naman tayo kaya no need to pa-bongga pa." Gatong naman ni Tiffany.
Wala ng nagawa pa si Faith nang hilahin na siya ng mga ito palabas.
"Teka nga," muli niyang piglas ng nasa harap na sila ng sasakyan. "Kailan pa kayo naging close?"
"No more further questions. Sakay." Binuksan ni Ria ang pinto ng kotse at pinasakay siya.
Itutuloy...
•ווווווווו