Chapter 16
NAGMAMADALING umalis si Jacob ng Restaurant ng malaman nyang hindi kay Sandra ang hikaw, tila ba may nag-udyok sa kanya na bumalik sa hotel upang malaman kung sino ang kasama niya noong gabi ng Anniversary Party.
Mabilis na sumunod si Jacob sa mga staff ng hotel upang ireview ang cctv, pagdating nila sa control room ay inutusan agad ng manager ang isang lalaki doon na hanapin ang buong footage noong gabi ng anniversary party ng West Empire.
Ilang minuto ng naghahanap ang lalaki ngunit hindi niya iyon makita. Maya maya pa ay may naalala ang lalaki.
“Ay sir, naalala ko po. Nagdown nga pala ang system natin nung gabing yon kaya wala tayong record noon.” Kamot sa ulong wika ng lalaki.
Nang marinig iyon ni Jacob ay parang nagdilim ang kanyang paningin sa labis na pagkainis.
“Wag niyong sabihin sa aking wala kayong maipapakita kahit isang footage noong gabing yon?!!” Galit na tanong ni jacob.
“Ahh sir Jacob kumalma po kayo? Ano po ba ang nais niyong malaman nung gabing iyon? Baka makatulong kami kahit walang cctv.” Kinakabahang wika ng manager.
“Oo nga sir, parang natatandaan ko nga ho kayo nung gabing yon, para kayo yung lalaking lasing na lasing nun, nakasalubong ko ho kasi kayo may ksama ka pa ngang babae nun e hirap na hirap pa syang alalayan ka sir.” Wika ng isang lalaki.
Noon naman ay parang nagkaron ng pag asa si Jacob ng marinig sinabi ng lalaki.
“Gusto kong malaman kung sino ang babaeng yun!” Wikang muli ni Jacob.
“Sandali sir, hanapin ko sa cctv alam ko nung time naayos na ulit ang system at gumagana na ang cctv.”
“Okay then, Check the footage on the alley of my hotel room!” Wika ni Jacob sa lalaki.
Sa ilang sandali pang paghahanap ng lalaki ay nahanap niya iyon, bandang alas dos ng madaling araw noon at kitang kitang doon ang paglabas ng isang babae mula sa hotel room ni Jacob. Yun lang ang tanging nakuhanan ng cctv dahil kakaayos lang ng system.
Unti unti ay nagiging maliwanag kung sino ang babaeng yun, at nanlaki ang mga mata ni Jacob ng makilala ito.
"Cali " mahinang wika ni Jacob sa sarili.
Napagtagpi tagpi ni Jacob sa kanyang isipan ang nangyari ng gabing iyon, tila ba bumalik ang lahat ng ala-ala sa kanyang isipan. Naging malinaw ang lahat sa kanya, simula sa pagtulong ni Cali ng ihatid siya sa kanyang room, at ang nangyari sa kanilang dalawa, buong akala niya ay si Sandra ang babaeng iyon.
Kaya pala pamilyar sa kanya si Cali at ang kwintas na suot nito noon, ang amoy ng pabango nito, at ngayon naman ang hikaw.
Galit at inis ang nararamdaman ni Jacob ngayon sa kanyang sarili, dahil napaka tanga niya upang hindi maalala si Cali, napakalaki ng kasalanan niya sa dalaga, dahil pinagsamantalahan niya ang kahinaan nito. Pero kahit ganon ay wala siyang narinig kay Cali.
Nagmadaling umalis si Jacob ng hotel at agad niyang tinawagan si Cali ngunit hindi ito sumasagot. Nais na niya itong puntahan, gusto niya itong yakapin ng mahigpit at humingi ng tawad dito dahil ngayon lamang niya naalala ang lahat.
Naisip rin niyang posibleng siya ang ama ng dinadala ni Cali, ang isipin pa lamang na siya ang ama ng bata ay labis na ang kanyang kasiyahan.
Ilang sandali lamang ay nakarating na si Jacob sa bahay ni Cali.
Nagising si Cali mula sa katok sa labas ng bahay, at naririnig niyang may tumatawag sa pangalan niya, nagdadalwang isip pa siyang buksan ang pinto dahil maghahating gabi na din noon.
Kinuha niya muna ang kanyang cellphone sa tabi ng kanyang kama at laking gulat niya ng makitang nakaka 25 missed call na si Jacob. Doon ay agad siyang lumabas ng kanyang kwarto sa pag aakalang baka si Jacob ang kumakatok.
Nang buksan ni Cali ang pinto ay hindi nga siya nagkamali sa kanyang akala dahill noon ay bumungad sa kanya si Jacob, nagtataka naman siya kung ano ang ginagawa doon ng lalaki.
“Sir Jacob? Ano hong ginagawa niyo dito? Anong oras na, May problema-“
Hindi na natapos ni Cali ang kanyang sasabihin dahil walang ano ano ay niyakap siya ni Jacob.
“I'm sorry! That I’m too late to know that it’s you!” Wika ni Jacob kay Cali habang mahigpit padin itong nakayakap sa dalaga.
Noon naman ay naguguluhan si Cali sa mga sinasabi ni Jacob, wala siyang ka alam alam na ng oras na yun ay nalaman na ni Jacob ang katotohanan.
“Tell me! Cali, Ako ba? Ako ba ang ama ng dinadala mo?” Tanong ni Jacob at bumitaw na sa pagkakayapk kay Cali at noon ay hinawakan naman nito ang kamay ng dalaga at deretsong nakatingin sa mga mata nito.
Nanlaki ang mga mata ni Cali sa tanong ni Jacob at hindi ito makapaniwala sa nangyayari ngayon.
Hindi siya makasagot sa tanong ng binata sa labis na pagkagulat.
“Paano mo, paano mo nalamam?” Mautal utal na tanong ni Cali.
“It’s not important! Please answer me Cali, Is that my baby?” Tanong ni Jacob.
Na noon ay nangungusap ang mga mata nito kay Cali at parang hinihintay niyang sabihin ng dalaga na siya nga ang ama ng bata.
Maiksing katahimikan ang namagitan sa dalawa at doon ay tanging patak ng luha at pagtango lamang ang naisagot niya kay Jacob, dahil hindi na napigilan ng dalaga ang paghikbi nang dahil sa halo halong emosyon na kanyang nararamdaman,
“So, it’s me! I’m going to be a dad, thank you Cali!” Muling niyakap ni Jacob si Cali ng mahigpit, at masayang masaya ang binata ng malaman na siya nga ang tunay na ama ng dinadala ni Cali.
“Let’s talk about our baby? I'll be back tomorrow.”
“But now you have to rest, baby!” Wika ni Jacob. Pagkatapos ay hinalikan nito sa noo si Cali at nagpaalam na itong umalis.
Noon ay tila ba hindi makapaniwala si Cali dahil parang kay bilis ng lahat ng pangyayari, halos maiyak siya sa labis na kaligayahan ngayong alam na ni Jacob ang totoo, dininig ng Diyos ang kanyang panalangin kaya’t labis ang kanyang pagpapasalamat.
Hindi niya alam kung paano nalaman ni Jacob ang lahat ngunit para sa kanya ay di na mahalaga iyon. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ay meron ng kikilalaning ama ang kanyang anak kapag lumaki na ito.
KINABUKASAN ay ala sais palang ng umaga at andun na agad si Jacob. Tila ba hindi na makapag hintay pa ang binata na muling makausap si Cali. Natutulog pa si Cali noon at tanging ang nanay lang ni Cali ang kausap ni Jacob.
Tinimplahan ni aling Nancy ng kape ang binata, nakwento na ni Jacob sa ina ni Cali na alam na niya ang totoo at humingi siya ng tawad dito dahil sa nagawa niya kay Cali.
“Anong balak mo sa anak ko iho? Ganung ikakasal kana pala sa iba.” Wika ni aling Nancy.
“Ako na po ang bahalang gumawa ng paraan, pero wag po kayong mag- alala dahil kahit anong mangyari si Cali at ang anak namin ang pipiliin ko.” Seryosong wika ni Jacob.
“Sana nga iho, gawin mo ang nararapat” wika pa noon ni Aling Nancy, napabuntong hininga na lamang ang matanda dahil sa sitwasyon ng kanyang anak.
“Ipagpapaalam ko ho sana ang anak ninyo, ang gusto ko ho sana ay sa bahay ko na kayo tumira, gusto ko hong makasama ang mag ina ko” seryosong wika pa ni Jacob.
“Walang problema yon sa akin iho, basta ang gusto ko ay alagaan mo ang anak ko at wag mong papabayaan.” Wika pa ni Aling nancy,
Wala namang kamalay malay ang dalawa na noon ay nagising na pala si Cali at tahimik lang na nakikinig sa kanila, nakatayo ito labas ng pinto ng kanyang kwarto ng mapansin ito ni aling Nancy.
“Oh iha, gising kana pala, siguro ay narinig mo ang sinabi ni Jacob. Mag impake kana dahil sasama ka sa kanya. Mas makabubuti sa inyong mag ina na alagaan kayo ni Jacob” Wika ni aling Nancy.
Isang mahabang paalaman ang naganap sa pagitan ni Aling Nancy at Cali. Nais ng dalaga na isama ang kanyang ina ngunit mariing tumanggi ito, ang sabi nito ay dadalaw dalaw na lang daw siya, ayaw niya kasing iwanan ang bahay nila.
Tuluyan ngang sumama si Cali kay Jacob, at doon muna titira ang dalaga. Naiwan naman doon si Aling Nancy na mag isa, nalulungkot siya sa pag alis ni Cali ngunit masaya siyang nalaman na ni Jacob ang totoo. Ngunit hindi parin mapigilan ni Aling Nancy ang pagluha.
Naalala pa niya si Cali ng una niya itong makita, apat na taon pa lamang ito noon, nagtatrabaho siya sa ospital bilang janitress noon.
Nagkakagulo ang mga tao at dali daling naglalabasan sa building ng sumiklab ang malaking sunog, makikitakbo na siya noon sa labas ng masalubong niya ang isang bata na umiiyak at hinahanap nito ang kanyang mga magulang.
Nilapitan niya ito at tinanong kung nasaan ba ang mga magulang niya ngunit tanging isang malakas na iyak lamang ang sagot nito sa kanya, nagulat siya ng bigla itong mahimatay at mabuti na lamang ay nasalo niya ito.
Binuhat na niya ang bata at tumakbo sila papalabas ng hospital, sa sobrang taranta noon ni aling Nancy ay hindi niya alam kung saan ba dadalhin ang bata. Dinala na lamang niya ito sa kanyang bahay at nang magising ang bata ay hindi nito alam kung sino ang mga magulang niya at kung ano ba ang pangalan ng mga ito, ang alam lang ng bata ay ang kanyang pangalan, sinabi nitong siya daw si Ali.
Tinanong din ni Aling Nancy kung anong nangyari sa kanya kung bakit siya mag isa noon. Ngunit walang maalala ang bata. Lumipas ang isang linggo, nasa kanya parin noon si Cali, natatakot siya noong pumunta sa mga pulis dahil baka akalain ng mga ito na kinidnap niya ang bata.
Isang araw noong naglalakad siya ay nakita ni Aling Nancy ang bata sa dyaryo at noon ay napag-alaman niyang apo pala ito ng may-ari ng hospital na noon ay namatay sa sunog. Balak na niya sana itong isauli sa totoo nitong magulang ngunit nagdalawang isip siya dahil sa isang linggong pagsasama nila ng bata ay napamahal na siya dito.
Imbis na dalhin niya ito sa totoong magulang ay dinala niya ito sa probinsya na malayong malayo sa syudad, doon ay dinala niya ito sa doktor dahil nga nawala ang memorya nito, ang sabi ng doktor ay meron daw itong tinatawag na dissociative amnesia, kung saan ay nakakalimutan ng tao ang isang bagay o pangyayari ng dahil sa labis na traumang idinulot nito.
Simula noon ay sa probinsya na lumaki si Cali at si aling Nancy na ang kinilala nitong magulang. Muling bumalik lamang sila ng Maynila noong magkokolehiyo nito at tumigil na din ang paghahanap noon sa bata.
Kinuha ni Aling Nancy ang pinakatago tago niyang damit ni Cali na suot nito nung unang beses niya itong nakita, at ang kwintas na suot noon ng bata ay itinabi niya muna pansamantala at muling ibinigay yun nung labing walong taong kaarawan ni Cali.
Hindi niya talaga alam ang tunay na kaarawan ng bata, isinunuod na lamang niya yun sa birthday ng kanyang yumaong anak.
“Panahon na upang malaman mo anak, ang tunay mong pagkatao, walang sinuman ang dapat umapi sayo” wika pa noon ni aling Nancy.
Nag aalala kasi siya sa kanyang anak dahil maaring maraming problema ang kakaharapin nito dahil pinagbubuntis niya ngayon ang anak ng isang mayamang lalaki na nagmula sa kilalang pamilya, natatakot din siyang baka kung ano ang gawin ng pamilya ng papakasalan ni Jacob kay Cali sa oras na di ituloy ni Jacob ang kasal.
SAMANTALA, nakarating na si Cali sa bahay ni Jacob. Nagbukas ang napakalaking gate at pagpasok nila doon ay bumungad kay Cali ang isang mansyon, napakaganda nun.
“Andito na tayo” wika ni Jacob. Bumaba ito ng kotse at pinagbuksan ng pinto si Cali.
Nang makababa ay nilibot agad ni Cali ang kanyang paningin sa kabuohan ng bahay, di siya makapaniwala sa sobrang laki nito.
“Ikaw lang nakatira dito?” Tanong ni Cali.
“Yes! Pero hindi na ngayon, dahil makakasama na kita at ang magiging anak natin” nakangiting wika ni Jacob at hinawakan nito ang kamay ni Cali at hinalikan iyon.
Tila ba ay namula na naman ang dalaga sa ginawang iyon ni Jacob, abot langit ang kanyang ligaya dahil ngayon ay natupad na ang kanyang dalangin at higit higit pa sa kanyang inaasahan.
Pumasok na sila sa loob at nakita ni Cali ang isang malaki at mataas na hagdan. Manghang mangha siya sa kanyang mga nakikita, halatang lahat ng makikita niya doon ay milyon ang halaga mula sa mga display at paintings na andun.
“Okay, let’s go to our room baby,” wika ni Jacob at noon ay bigla niyang binuhat si Cali na parang bridal style at umakyat sila ng hagdan.
Muli na naman ay hindi maitago ang kilig na nararamdaman ni Cali ng tawagin siya nitong baby, nagulat din siya sa pagbuhat nito. Pakiramdam ni Cali ay para siyang nasa isang panaginip.
Abangan...
Ano na kaya ang mangyayari sa panibagong yugto ng pag iibigan nina Cali at Jacob? Isiwalat na kaya ni Aling Nancy ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Cali?
Itutuloy...