Chapter 1 Strange Feelings
Kira POV
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang alarm clock ko. As always I felt nervous whenever i wake up. Another day of hell!
"Kiiiiraaaaaa!!"nanlaki ang mga mata ko, at halos magkandapa dapa sa pag alissa kama ko
Dali dali kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sa akin ang malakas na sampal ng asawa ko.
Parang namanhid ang pisngi ko sa lakas ng sampal nito. Nanginginig ang mga kamay ko na napahawak sa pisngi ko habang unti unting tumutulo ang mga luha ko.
"D-devon an—"Napaigik ako ng hilahin nito ang buhok ko papuntang kusina
"D-devon ang sakit." parang madadala pati anit ko sa paghila nya sa buhok ko, pilit kong inaalis ang kamay nya sa buhok ko pero masyado syang malakas kesa sa akin.
"Devon t-ama na"pakiusap ko dito habang umiiyak
Pero parang bingi lang ito at patuloy akong kinakaladkad. "Bw*sit ka talagang asawa! Wala kang kwenta! Anong oras na at hindi ka pa nakakapagluto"sigaw nito at tinulak na lang ako ng basta basta
"Aray ko"napahawak ako sa ulo ko na tumama sa mesa. Napapikit ako ng mariin sa sakit na dinulot ng pagtama ng ulo ko sa mesa. Agad akong nakaramdam ng hilo, halos di na ako makatayo dahil sa lumalabo na ang paningin ko.
"Ilang beses na kitang sinabihan na magluto ka ng maaga hindi yung ako pa ang nauunang nagigising sayo g*ga!" Sinipa na naman ako nito sa tagiliran kaya napahiga ako at napadaing sa sakit
"Bw*sit talaga nakakasira ka ng araw!" Singhal nya sa akin
"P-pasensya kana m-m.. ay tin... a-pos pa ka-asi akong pr-oject sa school.. kaya late na ako.... ng naka.. tu.. log kaya late na rin a-akong nagising"pikit mata kong sabi habang hinihilot hilot ang ulo ko
"Bw*sit gumawa pa talaga ng dahilan ang pvta! Look at me kira.” Malamigpa sa yelo ang boses nya ng magsalita ito
"A-ano yun?" Nauutal kong tanong
"Gusto mong humingi ng pasensya?" Nakangisi nitong sabi
Napatango agad ako "Linisin mo ang buong bahay, magdesign ka ng kung ano ano dyan, monthsary namin ni claire ngayon at papupuntahin ko ang lahat ng barkada mamaya sa bahay, magluto ka ng masasarap na putahe wala akong pake kung di ka makakapasok ngayon basta gawin mo lahat ng sinabi ko." Sabi nitona nakapagbigay bigat sa puso ko
Hindi na ako nagsalita o nagtanong pa at tumango na lamang
"And oh! Maghanap ka muna ng matutulugan mo mamayang gabi mag o-overnight dito ang mga kaibigan ko at ayokong may kasama kaming basura mamaya, magpapatawag na lang ako ng katulong sa bahay nila mommy para asikasuhin kami, ayokong makita ang pagmumukhamo dito mamaya" Sabi nito at umalis na
I left here dumbfounded, broken, and pathetic
It's okay kira darating rin ang panahon na makikita nya ang halaga mo. Kumbinsi ko sa sarili ko at mapait na ngumiti habang walang tigil na tumutulo ang luha ko
"LOUISE!” napangiti ako ng magkasalubong ang kilay ng maganda kong bestfriend habang papalapit sakin
"At bakit absent ka kanina Takira Mendez?" nakataas ang kilay nito habang papalapit sa akin. Nawala ang mga ngiti ko sa tanong nito
"Wala, may ginawa lang kasi ako. Bakit, may mga activity ba akong namiss?"sagot ko. Tiningnan ako nito na parang nanunuri
"Bakit?"tanong ko ng napakunot noo ito at tumalim ang tingin nito sa akin habang sinusuyod ng tingin ang mukha ko
"Ano yang nasa noo mo kira!?"galit nitong tanong at dinuro ang noo ko kaya napaiwas ako ng tingin
"Ah wala yan nabu—"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng nagsalita agad ito. "Naku! wag na wag kang magsisinungaling sa akin kira"inis nitong sabi at pinandilatan ako ng mga mata. Hindi ako nakasagot at napayuko na lamang.
"Wala lang ito" Pagsisinungaling ko
"T-teka Louise saan ka pupunta!" nagmamadaling hinabol ko si Louise na galit na umalis na parang may susugurin
"Teka lang! teka lang saan ka pupunta?" Tanong ko ng maabutan ito, agad ko itong hinarang. "Sa demonyo mong asa—" Nanlaki ang mga mata ko at kinabahang tinakpan agad ang bibig ni louise
Ramdam ko ang tingin ng mga student na malapit sa amin kaya hinila ko si louise sa isang tabi
"Shh.... wag na wag mong sabihin yan pag nasa school tayo"mahinahon kong sabi. Padabog nitong kinuha ang kamay ko at inis na umupo sa malapit na bench
"Kira naman may puso ka pa ba dyan huh!? bakit ba ang manhid manhid mo, bakit kasi di mo na lang hiwalayan ang p*tanginang yan" Galit nyang sabi.
"Anong nangyari kira?"galit nitong tanong
"K-kasalanan ko rin n-naman—"
"Bullsh*t!" Galit itong tumayo at inis akong tinignan
"Louise naman eh" Sabi ko at napayuko
"Ano kira?! Magsisinungaling ka na naman para pagtakpan yang g*go mong asawa, dahil ano? Sa pag ibig na yan?" Umismid ito at stress na hinilot ang sintido nito
"Try to look anoth—"
"Louise!" Pigil ko dito.
"No kira! Ilang beses na kitang sinabihan na wala kang mapapala dyan sa asawa mo. Ilang taon na ang lumipas at nagiging worst lang ang sitwasyon mo, you know what kira you don't love your husband in a romantic way" Napakunot noo ako sa sinabi nito
"No I love him louise!" Disappointed itong umiling sa akin at saka ako iniwan
Kira POV
Another day....
Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog yung alarm ko. I really don't like what I feel every time I wake up
Nagmamadali akong bumangon bago pa ako pasukin ng asawa ko at kaladkarin palabas para lang magluto ng almusal nya. Dumiretso ako ng banyo at naligo
Wala na akong oras para mag ayos at dali dali na akong lumabas ng kwarto
Pagkababa ko ay wala akong sinayang na oras at agad na nagluto ng breakfast. Pagkatapos nun ay hinanda ko na sa mesa
Saktong nakita ko sya pababa ng hagdan. Nakangiting sasalubungin ko sana sya ng.....
"Hon papasok kana??"may biglang yumakap sa kanyamula sa likod. Napawi ang ngiti ko ng makilala ko kung sino yun
Trixie.. campus queen ng school
Kahapon lang si claire yung gf nya mothsary pa nga nila, ngayon iba na naman kasama nya
"Ahm V-von ready na ang b-breakfast." Nakayuko kong sabi habang kagat kagat ang mga labi ko, shit! Nag iisip ba sya. Akala ko ba ayaw nyang may makaalam tungkol sa akin bakit nya pinapapunta ang babaeng yan ng ganito kaaga
"Ows, Who is she honey? She looks familiar." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
“I think I saw you roaming around in campus. Is she our schoolmate we are wearing the same uniform." Maarte nitong sabi. Di ako makapaniwalang napatingin dito
"Di ba obvious? May ganito pala kabobong mga tao palibhasa puro kalandian ang alam.“ Bulong ko
"What did you just say?" nakataas ang mga kilay nito na halata namang peke at drawing lang
"Don't mind her she's nothing she's just my maid fixed yourself we'll go to school" Sabi nya bago halikan si trixie. Napakuyom ako ng kamao sa mga salitang lumabas sa bibig nya
A maid huh? Napaiwas ako ng tingin at pilit na pinigilan kong tumulo ang mga luha ko ng lumapit si devon sa akin
Harap harapan nya kong sinasaktan. Noong una gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya pero hindi ko magawa dahil magagalit ang mga magulang ko. Ngayong wala na sila at lumipat ng states hindi ko na kaya dahil sa bwisit na dahilan na minahal ko sya. Hindi ko alam kung bakit? bakit sya minahal ng pusong ito kung puro kasamaan at pasakit lamang ang ginawa nya
"Bakit ka nandito?" Mahigpit nitong hinawakan ang mga braso ko at kinaladkad ako papasok ng kusina
"A-anong b-bakit?" Naguguluhan kong tanong. Matalim ako nitong tinignan at mas hinigpitan pa ang hawak sa mga braso ko kaya napaigik ako sa sakit
"Von m-masakit, please bitawan mo na ako" Naluluha na ako sa sakit dahil parang mapipisa na yung braso
"Kung hindi ka ba naman kasi ta-tanga tanga ay hindi ka masasaktan, bakit ka nagpakita kay trixie huh!?" Padabog nitong tinulak ang braso ko
"H-hindi ko kasi alam— no!" Sigaw ko ng umambang susuntukin ako nito
"Hon?" Agad na lumayo ako kay devon ng marinig ang boses ni trixie na papalapit sa kusina
"Sa susunod na sumabat ka pa sa akin ay talagang makikita mo ang kalalagyan mo" Matalim ako nitong tinignan at saka nalipat ang paningin nito sa mesa
"Throw that stupid food of yours" Malamig nitong sabi at iniwan
Itapon? Napatawa ako ng pagak at di napigilang mapaluha na naman
Pagkatapos kung gumising ng maaga para ipagluto sya
"Argh!" Napasigaw na lamang ako sa sakit na nararamdaman ko at napasabunot sa buhok ko
"I JUST SAW your husband with another girl awhile ago. You know what? I've been asking myself. Did kara know about this?" Napaiwas ako ng tingin
"M-malay ko wala naman akong k-komunikasyon sa kanila" Mahina kong sabi " At saka louise pwede bang hinaan mo naman yang bibig mo, may makarinig pa sayo dyan" Saway ko dito
"Anong magagawa ko eh pinanganak akong high-pitch?" Umirap ito
"Bessy look at me." Hinawakan nito ang mga balikat ko at pinaharap sa kanya. "Let's say na mahal na mahal mo sya bestie but do you even love yourself? I mean look at you. Humaharap ka pa ba sa salamin?" Napayuko at pinipigilan kong wag maiyak
"Kung hindi ka lang maganda nagmumukha kana siguro ngayong pulubi. You can't even style your hair everyday, your lips look pale, you don't apply perfume everyday but it's not like you're mabaho huh" napaaamoy ako sa sarili ko ng wala sa oras
"Hindi naman ako mabaho, normal lang." Sabi ko
"Yun na nga! Look at yourself kay aga aga you look so haggard kaagad pero infairness bongga pa rin yung beauty mo no." Tipid na lamang akong ngumiti at napabuntong hininga. Magsasalita na sana ulit ako ng bumuka na naman ang bibig nito
"Bessy makinig ka sa akin pag hiniwalayan mo ang hinayupak na yun magiging malaya kana ang pagmamahal na yan alam kong mawawala rin yan mag—"
Pinutol ko na ang sasabihin nya at napailing iling ako
"Bessy pag nakipaghiwalay ako sa kanya sino na ang magpapaaral sa akin saan ako titira? Wala akong maasahan sa pamilya ko iniwan na nila ako at kay devon lang sila nagpapadala walang wala ako sa oras na makipaghiwalay ako"Napakagat ako ng labi dahil yun ang palaging tumatatak sa isipan ko
"Ilang ulit mo na bang nasabi sa akin ang rason na iyan, nakakaasar na." Tumahimik na lamang ako at hindi na sumabat pa
"Good morning students.” Biglang pumasok yung prof. Napatuwid kami ng upo ng makarating ito sa gitna. May kasama syang dalawang student
"Class may new classmate kayo kindly introduce yourselves. "Seryoso nitong sabi at tumingin sa dalawa. New students sa 2nd sem?
"Hi guys ImZeyara Walton 18 years old." Masiglangsabi nung babae at ngumiti
Ang cute nya bagay sa kanya yung bangs nya pero 18 years old? Napakabata naman nya para sa college siguro advance
Kaya lang parang may kakaiba sa kanya
Actually yung kulay nilang dalawa sobrang puti na kung tignan mo parang namumutla sila
Nagtatakang tinignan ni mam yung lalaki nawala ata planong magpakilala
He just tsk! and state his name
"Skylar "he said in a bored tone
"Ezekiel Walton and we are siblings." Pagpapatuloy nung babae at tiningnan ng masama ang lalaki siniko pa nya ito
Maraming namangha at nagbulong bulongan mga kaklase namin. Hindi ko inaalis yung tingin ko dun sa lalaki parang nakita ko na sya
Saan nga ba??
"Ehem!" Gulat na napaigtad ako biglang tumikhim si louise, nagtatakang tinignan ko ito
Tinaasan ako nito ng kilay
Nagkibit balikat na lang ako at pinangwalang bahala na lang. Napaayos ako sa sarili ko ng umupo yung dalawa malapit sa amin ni louise.
"Hi i'm Yara—"
"Narinig namin." Putol ni louise sa sasabihin ni Yara kaya siniko ko ito.
"Sorry ganyan talaga yang si louise, by the way i'm Kira." Nakangiti kong pakilala
"Nice to meet you kira, wow you're so pretty!" Nanlaki ang mata ko at unti unting napayuko dahil alam kong namumula ako ngayon sa hiya
"Maganda naman talaga yang bessy ko kaya ewan ko ba kung bakit nagtitiis yan sa demon—"agad kong hinampas si louise
"Louise!" Sikmat ko dito, wala talagang kontrol ang bibig nito
"Totoo naman ah! maganda ka kira maraming lalaki dyan na wiling magmahal sayo, bulag ka lang dahil nakatuon yang atensyon mo sa demonyo na yun." Inis nitong sabi
Mapait akong napangiti
"Wait! Who is this guy your talking about?" Yara ask
"Ah hehe wala! wala! wag mong pansinin yang si louise" Kinakabahang sabi ko at pinandilatan si Louise.
"Yung bwisit nyang asawa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni louise. Agad napatingin ako sa paligid kung may nakarinig ba. Nakahinga ako ng maluwag ng nakatuon lahat ng atensyon kay ma'am. Halos patayin ko si Louise ng tignan ko ito.
F*ck parang gusto ko syang sabunutan ngayon at tadtarin ng saksak yung bibig nya.
"Oh my god! You already have a husband" Yara exclaim.
Nahihiyang ngumiting tumingin ako kay Yara.
"W-wow that's so shocking I mean yes you're really pretty but married ka na pala. Your husband must be lucky to have you." Nakangiti nitong sabi
Cough! Cough!
Napatingin kaming tatlo sa Kuya ni Yara na biglang napaubo ng mahina
"While she's so unlucky to have a demon husband." Nanlaki ang mga mata ni Yara na tumingin sa akin
"D-demon? What do you mean by that?" Pasimpleng nilapit nito ang upuan nya sa amin ni louise
"Wag mo ng itanong yara at maiinis lang ako kapag kinwento ko pa ang buhay ng martyr na yan at kaya wag ka ng mag-abalangkaibiganin to, hindiyan nakikinig sa payo ng kaibigan kaya wag ka ng mag abala pang kilalanin yan." Inis nitong sabi at inirapan ako
Napalabi ako at hindi nakapagsalita.
"Stupid." Skylar mumble in a cold voice
Gulat akong napatingin sa kuya ni Yara dahil sa salitang binitawan nito
"Kuya my god! That’s harsh wag ka ngang makinig sa usapan ng iba." Reklamo ni yara at nagpapaumanhing ngumiti ito sa akin.
Ngumiti lang ako ng tipid at hindi na umimik
Pasimpleng tumingin ako sa kuya ni yara at nahigit kona lamang ang hininga ko ng makitang nakatingin rin ito sa akin.
Hindi lamang simpleng tingin nakatitig talaga ito ng mariin sa akin
Napakunot noo ako at pilit na inalala ang lalaking ito
Did I met him before?
"Crush mo?" Napasinghap ako ng biglang may bumulong sa gilid ko.
Pinandilatan ko ng tingin ang nakangising mukha ni louise
"What!? Of course not! Pinagsasabi mo dyan." Defensive kong sabi at pinandilatan sya ng mata.
Humagikgik lang ito at nagflip ng hair
"Kunsabagay lamang ng sampung paligo yang si Skylar kesa sa bwisit mong asawa." Bulong ni louise
Napataas ako ng kilay at nanunuksong tumingin kay louise
"Really? Baka gusto mong ipaalala ko sayo na patay na patay ka kay devon nung highschool tayo.” Napangiti ako ng mawala ang ngisi nito at biglang umasim ang mukha.
"My god kira! Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa mga pinagsasabi mo dyan eww! "Mahinang napatawa ako diring diri talaga ang expression ng mukha nito
"Bakit? Di ba totoo? "Tanong ko
"Excuse me lang huh, noon yun! Past is past! Nung panahong wala akong sariling utak at nagliliwaliw pa sa kung saan saan." Gigil nitong sabi at inirapan ako
"Nung panahong wala ka pang utak? Bakit ngayon meron na ba? "Gigil na hinampas ako nito
"FO na tayo! Friendship over! "Diin nyang sabi kaya napangiti na lamang ako
"Anong pinaguusapan nyu" Nakangiting umiling iling ako kay yara at wala sa sariling napadako ang paningin ko sa kuya niya
Nawala ang ngiti ko at napaiwas na lamang ng tingin. There's a weird feeling I felt whenever I look at him.