CHAPTER THIRTEEN
Thyra's POV
Nakita ko ang pag bulong ng kanyang katabi, sanhi ng kanyang pag ngisi sa akin.
"Sa tingin mo hahayaan kitang makalabas dito ng buhay?" ani niya sa nanguuyam na boses.
"At sa tingin mo rin ba pupunta ako rito na mag isa lang? Tsk. Hindi ako kasing tanga mo" balik
kong sagot kanya at binigyan rin ng isang ngisi.
Napakunot noo itong tumingin sa akin. Binalingan niya ang kanyang katabi at may binulong rito.
Muli itong ngumisi sa akin. Baliw
"Nililinlang mo lang ako babae, alam kong ikaw lang ang mag isang pumunta rito."
Ngumisi lang din ako dito at dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin. Nakita ko ang isang
Assassin sa may third floor habang may pana itong nakukutok sa bandang gawi ni Xildus.
Hindi nila nararamdaman ang mga presensya nito. Magaling. Bigla akong napahalakhak. Nakita
ko ang pagtataka sa mukha nila. Iniisip ata nilang nababaliw na ako.
Nakakatawa lang. Masyado nila akong minamaliit. Hindi nila alam na ang tumutulong sa akin ay
ang pumapangalawa sa organisasyon. Psh. Weaklings.
Tumingin ako sa may second floor sinenyasan ko ang sa bandang kaliwa na iparamdam ang
kanila presensya. Tumango lang ito sa akin at ginawa ang aking inutos. Binalik ko ang tingin ko
kay Xildus.
Nakataas ang kilay ko habang nakahalukipkip ang aking mga kamay. Nakita ko ang
pagkakuyom ng mga kamay nito at galit na tumingin sa akin.
"I told you." saad ko habang nilabas ang kwintas na suot ko sa aking tshirt, saka pinakita sa
kanya ang crest ng Lee Mafia.
Nakitaan ko ng pagkabahala at takot ang kanyang ekspresyon. Dapat lang dahil ang Lee Mafia
ang pumapangalawa sa Underground Society. Sekreto dapat ito pero dahil iniinis niya ako, wala
akong choice kundi ipakita ang alas ko. Alam ko sa pagbubunyag nito, hindi na niya ako basta
bastang babanggain knowing na isa na akong kasapi ng Lee Mafia.
"Kill her!" sigaw nito sa kanyang mga tauhan. Babarilin na sana ako nito ng biglang nay umuulan na mga pana. Kung kanina lang ako ang
kanilang pinaulanan, ngayon sila naman ang makakaranas nito. Nakita ko ang pag senyas ng
isang Assassin sa akin, pinapahiwatig na dapat na akong umalis. Hindi na ako nag aksaya ng
oras at mabilis na tumakbo sa kabilang exit kung saan malapit na nakaparada ang aking motor.
Kung ano ang ginawa nila sa akin, ibabalik ko iyon ng sobra pa sa sobra.
Sa aking pagka labas nakita ko ang nagkakalat na katawan ng mga kalaban. Talagang marami
talaga ang pinadala parang sinisigurado niyang hindi ako makalalabas ng buhay. Pero sorry na
lang, isa na ako ngayong kasapi ng Lee Mafia.
Sumakay ako ng aking motorbike. May naaninag akong isang kotse na kulay itim na nakaparada
di kalayuan sa may entrada ng hospital ng madaanan ko ito. Nahagip ng aking mata ang isang
Assassin at tinanguan nito. Sinyales na sila na ang bahala dito. Marahan lang itong yumukod sa
akin.
Mabilis kong pinaharurot ang motorbike ko papunta sa kompanya ni Tanda. Ang isa sa
pinakamalaki at pinaka ma impluwensya sa mundo ng negosyo. Hindi nagtagal ay nakarating rin
ako doon.
L. E. C Group Incorporated.
Basa ko sa aking isipan. Totoo ngang malaki ang kanilang building. Na hanggang fifteenth floor.
Mabilis kong pinarada ang aking motorbike sa harapan mismo ng building. Napansin ko ang
kakaibang tingin ng mga empleyado at ibang tao na nasa harapan ng building.
Lumapit sa akin ang isang lalake. Magsasalita na sana ito ng mapatingin siya sa aking kwintas
na nakalabas na sa aking tshirt. Lumaki ang kanyang mga mata at dali daling yumuko. Hindi ko
na lang pinansin ang biglang pag iba ng kilos nito saka binigay na lang sa kanya ang susi ng
aking motorbike.
Napansin ko ang biglang pag iisa ng linya ng mga security sa magkabilang gilid ko at yumuko. Napatigil ako sa aking paglalakad, nakita ko pa rito ang iba na panay sulyap sa aking suot na
kwintas.
Hindi ko na akong nag abalang bumati dahil nagmamadali ako, wala na akong oras para pag
bigyan ng pansin ang pag trato nila sa akin.
Napansin ko ang isang elevator na walang gumagamit. Tumingin ako sa isang empleyado na
nag aantay mag bukas ang isang elevator.
"Sira ba ito?" i ask.
"Ah hindi po maam." mabilis pa sa alas kwatrong sagot nito.
Tumango lang ako nito saka pindot ng bumukas na ito pumasok na ako rito. Andaming ng
aantay sa kabila pero ni isa wala man lang sumabay sa akin. Marahan kong nilabas ang kalahati
kong katawan saka tiningnan ang ibang empleyado.
"Come in, matatagaln pa yan. Look 10th floor pa."
"Ah hindi na po maam, ayos lang po."
"Sasakay ba kayo o hindi?" ani ko sa malamig na tinig.
Bakita pa ba sila tumatanggi halata naman na matatagalan pa sila doon. Hindi ko maiwasan
mag sungit dahil nagmamadali ako, nagmamagandang loob lang naman ako.
Dali-dali naman silang pumasok sa elevator na kinaroroonan ko. I sighed. Saka ko pinundot ang
15th floor. Kailangan pa palang sungitan saka susunod. Napansin ko rin ang panay sulyap nila
sa kwintas ko."What about my necklace? Why all of you seems bothered?" hindi ko na natiis at nagtanong na
ako.
Wala akong nakitang sagot at umiwas lang ang mga ito sa akin. I sighed again. Parang pati
itong kwintas ko need ko na rin itanong kay Tanda.
— s4ucevenomous