Chapter 39: Lunch Date

Lara

Sa totoo lang nagulat ako sa sinabi ni Zeus. Si heart kasi e. Sobra sobra kung ipangalandakan ang saya nya! Grabe makatibok , mababasag ata ang rib cage ko, naloka ako don!

Aaminin ko , kinilig ang lola nyo!

Duh! Si Zeus kaya yon. Hindi naman na sya ibang tao. Sya lang naman yung lalaking ama ng kambal at mahal, minahal at minamahal ng puso ko.

Seriously, hindi ako nakapag salita after nyang mag tanong kanina. Anong sasabihin ko! Hindi ko alam, paano ba kasi.... naunahan ako ng kilig at gulat kaya hindi ako nakapag respond agad ng answer. Naloka talaga ako doon. Saka sa sementeryo nya talaga ako tinanong! Parang nabuhay yung puso kong patay na patay na sa kanya! Gaga ko!

Kung ang kalandian ko ay nilabas ko na sa kanya noon pa lang , ano na kaya kami ngayon? May pag babago ba? Naalala ko sa kalandian nga pala kami nag simulang dalawa. Baka doon din kami matapos. Wag naman sana.

Hindi pa nga nag sisimula katapusan na kaagad ang iniisip mo, lara.

Buhat ni Zeus si Zandra dahil nakatulog na sa byahe namin pauwi. Hawak ko naman si Zandro na humihikab na. Inaantok narin ito.

Hinintay ko muna na makatulog ng mahimbing ang kambal bago ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Zeus sa sofa. Tulala, mukang may iniisip. Naupo ako sa harapang sofa kaya naman nakuha ko ang atensyon nya.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Medyo kinakabahan ako e. Na shook talaga ako kanina!

Ayokong mag pa dalos dalos. Malay ko bang totoo sya sa sinasabi nya! Baka dinadaan na naman nya ako sa pa-pogi nya tapos hindi rin naman pala sya seryoso, wag nalang diba? Sabi nga ng iba. Wag ng mag mahal masasaktan ka lang, advance kasi raw silang mag isip. Futuristic.

"Hindi kita.... minamadali. Mag hihintay ako. Hayaan mo lang na ipakita ko sayo. I-I know you don't find me serious but, I am. Just let me show how much I love you." Agad naman nyang hinawakan ang kamay ko." Please , Lara. I realy do love you"

Zeus

Kinakabahan ako. Alam ko na ramdam nya yun. Nanlalamig at na mamawis na ang palad ko kaya alam ko na ramdam nya ang kaba ko. For the first time in history of De Florez clan. Ako lang ang naging ganito. Lahat naman ng lalaki sa pamilya ko ay dumaan sa pagiging playboy it just that ako lang ang dinaan ang taong mahal sa tamang paraan.

I know we have a past but, past is past. Hindi ko naman sinasabi na kalimutan na ang nakaraan. Nag papasalamat nga ako sa nakaraan na iyon kasi kung hindi nangyari ang bagay na iyon , ano kaya kami ngayon?

"Zeus"

Lalo akong kinabahan ng alisin nya ang pag kakahawak ko sa kanyang kamay. Reject na ba ako? Ayaw ba nya? Iniisip ba nya na hindi ako seryoso? But im serious here! I never been like this! Fvck sh! t.... nasasaktan ako.

Umayos ako ng upo. Medyo naka bend kasi ako kanina para maabot ko ang kamay nya na ngayon ay hindi ko na hawak.

Lara

" amh... hindi naman sa bina-busted kita ano?"

"wait! Busted na ako...... sayo? Ayaw mo ba ? Nabibilisan ka ba? Ok hindi natin madadaliin. Just please give me a chance

, Lara"

Kita mo ang lalaki na ito. Kakasabi ko pa lang na hindi ko sya bina-busted. Masyado kasing mabilis ang lahat. Parang kailan lang kami nag kita ulit, tapos ganito na.

" Ano ka ba-hindi sa ganon! Kakasabi ko lang e..... nag mamadali ka ba? Kasi namamadalian ako Oo pero-ok! Ill give you a chance." Pag suko ko.

Ganoon din naman e. Kapag mahal mo diba hindi mo na pahihirapan. Kapag mahal mo hindi mo sasaktan. Mahal naman na nya ako , siguro naman hindi na. Sana. Kita ko ang pag kinang ng kanyang mata. Patunay naman na siguro iyon na hindi na ako masasaktan dahil sa pag mamahal ko sa kanya. Zeus last na ito. Kapag umiyak nanaman ang duguan kong puso ng dahil sayo, bahala na si batman.

"Thank you , Lara. I love you."

Tinitigan nya ako. Siguro hinihintay nya na suklian ko ang i love you na iyon.

"you dont have to answer my I Love you since its not a question. Masaya na ako na binigyan mo ako ng chance. Ok na muna sa akin iyon. Makokontento muna ako sa mga bagay na kaya mong ibigay sa akin ngayon."

Yan nanaman ang mga mata nyang akala mo tinitignan ang kabuuan ko ang kaloob looban ko. nakakaloka!

" So... amh... see you tomorrow?"

"yah... see you"

Inihatid ko naman sya palabas ng pintuan. Pag kasarado ko ng pinyo agad akong sumandal dito.

Grabe ka heart! Over ka mag react! Kaloka ka!

TOTOO sa sinabi niya si Zeus. Sinalubong ako nito ng tatlong piraso ng sun flower na ang ibig sabihin daw ay I Love You at your my sunshine .... grebe sye! Kenekeleg eke!

Kasabay namin syang kumain ng mga bata. Sinusundo nya rin ako dahil isasabay na nya ako papunta sa kumpanya.

Tumanggi pa nga ako nung una dahil nakakahiya naman. Kaso ang sabi naman nya....

"Im courting you. You gave me chance and use that chance to show how much im sincere"

Naloka ako doon sa sincere. Sana lang wag nya akong lokohin dahil ayoko ng masaktan.

"Lunch Date..... later?"

Nasa hamba na ako ng pintuan ng aking opisina. Pinag titinginan narin kami ng mga empleyado.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi isipin na gumagawa kami dito ng eksena. Paano ba naman kasi, si Zeus may pakagat labi

at ngisi pang nalalaman. Muka namang kinikilig ang mga kababaihan at binabae dito sa department.

"yah sure!... later... lunch date"

Lalo akong na windang ng halikan nya ako sa pisngi. Nag wawala ang mga binabae!

Nakaalis na si Zeus pero ito ako nasa pintuan parin.

"Nakerr! nangangamoy labblayf! kalerke ka ma'am!"

Nginitian ko nalang sila bago ako nag pasyang pumasok sa loob ng opisina at simulan ang naiwan kong trabaho kahapon.

Hay naku Zeus! Mapa-babae o binabae napapakilig mo e. Wala ka namang ginagawa para pakiligin ang mga tumbong namin.