Chapter 37: Mahal
Zeus
Malaki ang ngiti kong nag lalakad papasok sa loob ng kumpanya, feeling ko talaga araw ko ngayon e. Pero mukang mali ang feeling ko na iyon. Kitang-kita ko ang pag ngingitian ng dalawa. Anong meron? Parang nung isang araw lang umiiyak iyak sya, may pa walk out pa nga e! Tapos ngayon smiling with flying rainbow na silang dalawa. Nakakairita! Masyadong makulay ang paligid nila. Isa sila sa Halimbawa ng eyesore!
Kesa manahimik lang sa tabi. Lumapit ako, sisirain ko yung rainbow color na nakapalibot sa kanila. Malaki ang peke kong ngiti na hinapit sa bewang si Lara. Kita ko naman ang pag laki ng kanyang mata. Nakakagulat ba ang kagwapuhan ko?
"Hi honey, ang saya nyo a! Ano meron? Care to share? "
Pasimpleng tinatanggal ni Lara ang pgkaka-hapit ko sa kanya. Pero hindi ako patinag. Ano ako tnga?! Ipapakita ko sa lalaking ito na ang akin ay akin lang.
"We're just talking about something personal , Zeus."
Talking something personal huh? Ano namang personal na bagay yan at hindi nya masabi sa akin?
"ah ok, tapos naman na siguro kayong dalawa mag usap. Let's go, hon?"
Nakatikim muna ako ng masamang tingin mula sa mahal ko, lintik na tawag kong yan. Ako yn ungngak kinilig e!
"Nice to meet you again, Matt. Siguro sa susunod na lang kapag wala ng asungot!"
Sa gwapo kong to! Asungot lang ako! E, ano pa ang lalaking yan! Pareho lang kami ng pinagmulan pero sad to say na mas maganda ang product ng pinaghalong genes ni Mom and Dad kesa sa nanay nyang kabit at ng walang hiya kong ama!
Binalot kami ng katahimikan ng makapasok na kami sa loob ng elevator. Hindi ko parin maalis ma mainis. Hindi naman ako galit o anoman. Nainis lang ako! Magksama sil e. Masaya pa sya! Samantalang, iniyakan nya ang gago na iyon!
Pasalamat talaga sya at mapag pasensya ang puso ko kung hindi-naku! Masusundan na ang kambal. Speaking of kambal.
Namimiss ko na ang mga anak ko. Masyado akong busy this past few days kaya hindi ako nakaka-bisita. Pag ka tapos ng successful na merging ng kumpanya maraming pumasok na oportunidad na makabangon uli ang kumpanya. Unti-unti ng nagiging maayos ang takbo nito ngayon. Hindi na ako inaaway ng magaling kong pinsan.
Ng lumabas sya ng elevator lumabas din ako. Sinundan ko sya hanggang sa office nya. Ni hindi man lng ngumingiti ang mahal ko sa mga bumabati sa amin.
Naupo ako sa upuan sa harap ng table nya. Nakasimangot syang nag tipa sa keyboard. Nakasimangot na lahat-lahat pero ang ganda parin.
"mahal, psst mahal" hindi ako pinapansin.
Ini-snob nya lang ang kagwapohan ko?! Ang dami kayang nag kakandarapa sa mukang ito.!
"Ui, mahal. Pansinin mo naman ako!"
Tinaasan ako nito ng kilay. Itong babae na ito gaya gaya. Tinaasan ko nga rin ng kilay. Inirapan naman ako. Pasalamat ka at mahal kita. Kung hindi, naku! Masusundan talaga ang kambal.
"Hindi ako si mahal"
"Alam ko"
"... Then stop calling me Mahal!–"
"... But I love calling you mahal!" na tahimik naman sya sa sinabi ko.
Totoo naman kasi e! Ayaw ba nya ng ganoong klase ng tawagan? Anong gusto nya kung gayon? Babe? Honey? Sweetie? E tawagan yun ng mga hindi nag tatagal e!
Magtatagal kami . Ako na ang nag sasabi.
Lara
Tulala ako. Speechless ako. Ano bang nangyayari sa akin! Kinikilig? Nagulat? What?! Siguro both.
Ang tnga kasi ng lalaki na ito e! Mahal mahal pa syang nalalaman . Nag huhuramintado tuloy tong puso ko. Ka bwisit!
Pwede naman kasing ummin na straightforward hindi yung ganito na kung ano ano pa ang sinasabi nya dyan. Naguguluhan lang ako.
"Alis tayo sa linggo "
Nagising naman ako sa sinabi nya. Aalis kami sa linggo ? Kami? Kami lang? Para saan naman. Namumula panigurado ang mukha ko. May pumapasok na ideya sa isip ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Bisitahin natin sa cemetery parents mo tapos pasyal tayo ng mga bata."
Ang laki ng ngiti nya. Assuming ako. Kung ano ano ang pinag iisip ko kasama naman pala ang mga bata.
"cemetery? Bakit?"
"Gusto ko lang mag pasalamat kila mama at papa dahil sa naisip ka nilang gawin. Gusto ko rin silang pasasalamatan sa magandang genes."
Ayos na sana e. Bibig talaga ng lalaki na ito hindi ma awat awat. Ni hindi man lang magawang lag yan ng filter ang bawat
sasabihin. Piliin nya muna ang mga salitang gagamitin nya.
" Busy ako. "
" Ako din naman. Pero syempre miss ko na ang mga bata. Saka, ipakilala mo man lang ako sa mga manugang ko."
Manugang? Nag pipigil ako ng tawa. Si Zeus kung ano ano ang sinasabi, para tuloy syang ewan. Papakasalan nya ba ako? Kung maka manugang sya dyan feeling naman nya engaged na kaming dalawa . Pag aari nya ako? Kanya ko? Kapal ng muka ng lalaki n ito. Balatan ko sya dyan e. Mamaya pinapaasa nanaman nya ako. Kainis! Paasa pa man din ng lalaki na ito.
"Titignan ko."
"See you later? Sabay na tayong mag lunch. Bye!"
NAG TAKBUHAN papunta sa akin ang kambal. Nakakawala talaga ng pagod ang dalawa na ito. Hindi natuloy ang lunch namin ni Zeus nag karoon kasi ng emergency meeting with the board ang isa.
"Mommy, miss na po namin si Daddy" Zandra
"Mommy, why daddy not visiting us" Zandra
Inayos ko naman ang pag kakahiga ko sa gitna nilang dalawa. Hinalikan ko ang noo nila sak ko inayos ang bangs bi Zandra.
"Sa sunday gagala daw tayo sabi ni daddy! Wag na kayong sad ha. Babawi naman si daddy e. Busy lng talaga sya nitong mga nakaraang araw. Okey?"
Tumango naman sila. Pareho nila akong binigyan ng kiss sa pisngi bago sila nahiga ng maayos at pumikit para matulog na.