NMKIMB EPILOGUE

LINZIE's POV:

Tapos na ang kasal ni Ace at ganap na bagong mag-asawa na sila ng asawa niya. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala, noon ay mukha pa lang siyang bata sa aking paningin.

Ngayon ay hindi na. Para na siyang isang nakakatakot na tao na hindi dapat binabangga. Matipuno at bakat na bakat na rin ang dibdib nito sa sobrang sikip sa kaniya ang damit na pangkasal.

Napalingon naman ako sa katabi niya. Masaya itong pinagmamasdan ang asawa, halata talaga sa mukha na kontento na siya. Ganon din si Ace. They really fall in love with each other.

I hope ganon din sa akin, sana kung hindi ako naging tanga noong mga panahon na 'yon  sana katulad din ako ni Ace na masayang pinagmamasdan ang kaniyang minamahal.

At sinasabi sa sarili na... Sa wakas! This is it! He's really mine.

'I really love him. I'm still inlove with the man who made me happy and lucky. Binigay niya sa akin ang mga bagay na hindi ko nakuha noon. Tinulungan niya akong umangat sa buhay.'

Pero... dahil sa katangahan ko at paniniwala ko sa iba, nawala ang lalaking gusto kong makasama.

Kahit na sabihin ni Jack na mahalin ko pabalik ang ama ng anak ko... hindi ko na magagawa iyon. Kasi nawala ang tunay na mahal ko dahil sa taong 'yon.

Pinapatawad ko na si Mike. Para sa anak naming walang kamuwang-muwang sa lahat.

Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang anak ko. Kahit na masakit, kahit na sobrang sikip sa dibdib dahil sa pait ng nangyari, wala akong magagawa. Heto na 'e, naging masamang babae ako sa mukha ng kamag-anakan ni Jack. 

Hindi talaga deserve ni Jack ang katulad ko na madaling maniwala at hindi marunong maghintay. Kung nagawa ko bang maghintay pa nang matagal—may Jack pa ba sa buhay ko?

Siguro nga... meron. Nandito sa tabi ko at tuluyan na akong hinalikan sa aking labi. Nakuha ko na dapat ang kaniyang unang halik. Pero mukhang malabo na, hinding-hindi na talaga mangyayari pa.

**

"Why are you crying, Linzie?" Nagtatakang tanong sa akin ni Jack nang makalapit sa aking direksyon. Nasa reservation na kami ng kasal ni Ace. Maganda rito at mamahalin pa ng mga pagkain.

Naisipan ko lumabas ng venue kasi gusto kong magpahangin. Ayokong makita si Jack kahit ngayon man lang. Pero bakit ganito ang tadhana? Bakit pinaglalapit pa rin kami kahit na hindi naman kami talaga.

Napangiti naman ako nang mapait saka napayuko na lang.

"I-I... c-can't... h-hindi ko pa tanggap, Jack," totoong sambit ko rito habang umiiyak nang palihim. Pinipilit na huwag ipakita sa kaniya ang miserable kong mukha.

Hinawakan pa ng aking mga palad ang aking bibig. Hindi ko talaga mapigilan na ang maging emosyonal.

Bakit ba ganito ang nangyari sa aming dalawa? Mahal ko si Jack, mahal na mahal ko siya. Bakit hindi na lang kaming dalawa? Bakit sila pa?

Bakit wala akong alam? Anong nangyari? Paano? 

Marami akong gustong itanong. Marami akong gustong isambit na mga katanungan sa kaniya. Pero paano? H-hindi ko kaya. A-ayokong mapahiya sa harapan niya.

"I know, and I'm sorry for asking an obvious reason of you. But, I wanna tell you something," para naman akong natuod nang bigla siyang lumapit sa aking direksyon at inilapit ang kaniyang labi sa aking tenga. "This is for you." 

Naamoy ko pa ang mabango niyang hininga. Taste like a mint candy. Pero hindi pa rin nawawala sa kaniyang boses ang pagkalamig dito.

Kaso ang ipinagtataka ko ay kung ano ang kahulugan ng sinabi niya. Ano ang tinutukoy niya? Para saan? Ano?

"Huh?" Gusto ko siyang tanungin nang tanungin kung ano ang sinasabi niya pero hindi ko nagawa. Ang tanging nailabas na lang ng aking bunganga ay 'Huh?', kasi nga wala akong mahinuhap sa aking utak.

"Nothing. I'm happy to see you with my wedding. Ace loves to see you too, but he's busy with the other visitor. I need to go too. Ace calling me. I hope to see you soon!" Nakangiting sabi nito bago maglakad na palayo sa aking direksyon.

Iniangat ko ang kaliwa kong kamay para kunin ang lalaking ito at ibalik sa aking tabi pero natigilan ako. Naalala ko ang simula, naalala ko kung gaano ako nagulat na siya at si Ace ang magpapakasal.

Hanggang sa tuluyan ko na talagang makita ang dalawa na nasa harapan ng pastor na magpapakasal sa kanila. Ang tingin, ang ngiti na ibinibigay ng bawat isa sa kanila. Ang pag-away pa nitong dalawa sa harapan ng pastor, at buti na lang may sumuway sa kanilang dalawa kaya natuloy na talaga ito.

Lalong-lalo na ang huling seremonya kung saan hahalikan ng groom ang bride. Ang kaibahan ay si Jack ang humalik kay Ace, hindi namin nakita masyado ang paghalik sapagkat ginawang pangtaklob ni Jack ang ulo sa harapan namin. Kaya walang may alam kung naghalikan ba ang dalawa, pero may nagsabi na totoong naghalik ang dalawa.

Nakakainggit, oo sobrang naiinggit ako kay Ace. Dahil sa kaniya napunta ang pinakaminamahal ko at hindi sa akin. Hindi rin ako makapaniwala kung bakit sa lalaki pa si Jack napunta?

"Love is s*ck," nailabas na lang ng aking bunganga at dahan-dahang ibinaba ang aking kaliwang kamay sa ere. 

Nagpalabas na lang ako ng maraming buntong-hininga.

Alam kong wala na akong magagawa. Saka hindi pinipili ang pagmamahal, siguro sa mga araw, linggo, buwan at taon na hindi ko siya kasama... nakita niya ang tunay na pagmamahal sa taong lagi niyang nakikita at nakakausap.

Hindi pinipili ang pagmamahal, kapag tinamaan ka talaga kung kanino, wala kang magagawa. Ikaw na lang ang magdedesisyon kung pipigilan mo ba ang nararamdaman o ipagsasantabi na lang.

Pero sila, they showed to us that love has no gender. They really in love to each other.

Ang kaya ko na lang gawin ay tanggapin na wala na talaga. Hindi na kami magkakabalikan pa...

Kaso kaya ko kaya?

JACK's POV:

"Did you see him?" I asked Ace when I came near him inside this private room.

"Yeah, and he was totally shock to find out that we're married. And I also noticed between you and Linzie, are you really sure about your decision? Letting her go to be with Mike?" Takang tanong nito sa akin na ikinangisi ko lang nang demonyo.

"Who told you that it's true? What's mine is mine. And what's with him, it's already mine. No one can escape with the notorious one. So, we needed to do this mission before I totally kicked you out of this world." Banta ko sa lalaking ito na ikinangiti niya nang malawak pero may kahulugan.

" Let's rock 'n roll!" Malakas na sigaw niya at sabay pa kaming naglakad para makalabas ng room na ito. Inakbayan pa ako ni Ace na hindi ko na lang pinansin pa.

'A Notorious Mafia King is no longer in  me. But, my property when I am a Mafia King is always mine.  After this mission, I'll take you again, Linzie.  Mark that.'

END OF BOOK ONE