NMKIMB 31
After 1 year...
(Ito na 'yung pagkatapos ng digmaan sa pagitan ni Kreiah at ng Mckleiane.)
KREIAH'S POV:
"Ano na naman 'yang maling desisyon ang gagawin mo? Kuya–really?! Sa America mo talaga balak pumunta at manirahan? Akala ko ba ayaw mo sa Japan at America dahil nagreresembla sa ating magulang? What now? " Pagdududang aniko sa kaharap ko na may hawak ng dalawang maleta.
Sure na sure na talaga siya sa balak niyang gawin. Hindi ko naman siya pipigilan pero...
Kakaiba 'e. May nangyari ba noong mga araw at taon na wala ako?
Kahit kailanman ay hindi pa man lang kami nagkakausap nang matino ng lalaking ito. Inuuna ko muna ang pamilya ko dahil matagal na naming inaasam ang ganitong buhay.
'Yung walang problema at sisira sa aming pamilya na naman.
"Hayaan mo na si Jack. He seems serious on his decision. Basta tama na lang ngayon." Sinamaan naman ng tingin nitong si Jack ang asawa ko na natatawa na lang.
" Damn you! Kung hindi ka lang asawa ng kakambal ko kanina pa kita napatay r'yan." May pagbabanta na sagot nito sa lalaking asawa ko na wala man lang pake sa sinasabi ng kambal ko.
"Gawin mo na lang. Hanggang salita ka lang naman."
"Ah! Nanghahamon ka na pala. Sana hindi ka na lang tinulungan ng kambal ko. Dapat ka lang mamatay. Mang-aagaw."
" Ako? Mang-aagaw? Hindi ka lang talaga makapaniwala na ako ang mapapangasawa ng kakambal mo. Bakit ba ayaw mo sa akin?"
" Ayoko sa iyaking tao. Kalalaking tao iyakin."
" F*ck you!"
" I never f*ck someone na pamilyado na. Mandiri ka."
" Sh*t!"
" Sh*t yourself."
Mahilig talaga silang magbangayan kapag magkaharap. At hindi nawawala ang malulutong na mura nitong kakambal ko at ni Rizhui. Akala mo wala silang pinag-aralan.
Hindi na ba ito mawawala?
Wala pa rin ba siyang nahahanap na babae na magpapabago sa ugali niya?
"Haist. Ano ba naman kayo? Kailan ba kayo magkakabati?" Inis na tanong ko sa kanilang dalawa. Pero tinaasan lang ako ng kilay ng mga ogag. " Sipain ko kayo 'e!" Dagdag na bulyaw ko na ikinalingon nila sa ibang direksyon.
Takot din pala kayo.
"I need to go. For this year alam kong tama lang ang desisyon ko. I want to be happy, gusto kong buksan muli ang aking kinabukasan sa America. Baka sakali na sa lugar ko makikita ang lahat." Ngumiti pa siya sa akin at naglakad na rin palapit sa direksyon ko.
Masuyo niya akong niyakap. Ganon din ang aking ginawa. Kahit na hindi niya sabihin may nangyari talaga noon na hindi ko alam.
"Kung ano man ang bumabagabag sa isipan mo. Sana matapos na ito. At sana makita mo na ang taong magmamahal sa iyo at maghihintay sa iyo. Mahal kita kambal." Bulong ko sa kaniya.
Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga.
"I know. God has a plan. I love you too kambal." Kumalas na siya sa aking pagkakayakap at masama na namang tiningnan ang asawa ko na napahawak pa sa kaniyang bibig.
Nag-aakto na parang naiiyak. Ang galing talagang mang-asar din ng isang 'to.
"What?"
"Ikaw na ang bahala sa kakambal ko at sa mga anak ninyo. Huwag ka na ring umiyak. Tang*na ang badoy mo!"
" Ogag! Kapag nakita kong umiyak ka tatawa talaga ako nang napakalakas. 'Yung dinig na dinig mo para maalala mo ang pang-aasar sa akin."
" Who knows? Saka kahit umiyak pa ako. Hindi ko ipapakita sa iyo."
" Talaga lang hah? Baka kapag ikasal ka na ikaw pa ang naunang umiyak sa mapapangasawa mo."
" Atleast tears of joy. Kaysa sa iyo na parang mamatayin na ang kakambal ko."
"A—"
" Tumigil na nga kayong dalawa! Para kayong aso't pusa. Kayo na lang kaya ang magpakasal." Paniningit ko naman sa usapan nitong dalawa.
" MANDIRI KA NGA!" Inis na sigaw ng dalawa at mabilis na umalis itong si Jack sa aming harapan.
Nanggigigil naman akong lumapit sa asawa ko at walang habas na hinawakan ang kaniyang tenga. Pinilipit ko 'yun hanggang sa mamula ito at maski ang kaniyang mukha.
Hindi na rin maipinta ang kaniyang mukha sa ginawa ko.
"A-AH! A-ARAY KO! M-MAHAL NAMAN... A-ARAY!" Nagsisigaw na wika niya habang nakahawak sa aking kanang kamay.
Pero hindi ko siya pinansin.
Magdusa siya!
****
"Froyd 'buti nakita kita rito. Sino ang kasama mo?" Tanong ko sa lalaking may kamukha.
Pero baka nagkakamali lang ako. Hindi naman marunong makihalubilo ang isang Yuazzer.
"Ah! Eya nakauwi ka na pala! Nabalitaan ko ang nangyari sa pagitan ninyo at ng walang hiyang mga Mckleiane na 'yan. Kumusta na? Saka ito si Airon Zyle Eris Y. Chaiyan, anak ni Queen Z. Ang makulit at hindi ako tinatantanan na manliligaw." Napangiwi naman ako sa naging sagot niya sa huli.
" Dami mo kasing arte! Sagutin mo na lang 'yang si Zyle. Ano namang pake mo sa mapaghusgang mundo? Saka boto ako sa inyong dalawa. Hindi naman halata na mas panganay ka kay Zyle, mas isip bata ka pa kaysa sa kaniya. Hi there! I'm Kreiah Tomizara Miller-Darson. Kakambal ni Kuya Jack."
" Hi! Hindi man lang nabanggit sa akin ng dalawa na may kakambal pala si Jack. Ang ganda mo, sa pagkakaalam ko ikaw 'yung Mafia Queen ng Mafia Organization, right?" Tumango naman ako sa kaniyang sinabi.
Hindi na ako magugulat pa kung si Zyle ay may alam sa aking pagkatao. Ina niya ang namumuno sa lahat ng organisasyon pero sa legal na gawain lang.
Hindi niya sakop ang mga illegal ways. At ang pinamumunuan lang niya ay 'yung mga taong nagpasakop na sa Underworld Society. Kaya limitado lang din ang kaniyang kapangyarihan.
"Oo ako nga. Ikaw ba ang papalit sa trono ni Queen Z? "
Umiling naman siya. " Hindi ako. Si Ace ang pumalit. Napagdesisyon ko na lang na maging reyna sa puso nitong si Froyd."
Napatawa naman ako sa naging sagot nitong si Zyle. Samantalang kitang-kita naman sa mukha nitong si Froyd ang pagngiwi pero may pamumula ng pisngi.
Hayss... Sa kasal din ang bagsak nitong dalawa. I'm excited to see them wearing a black tuxedo and a white pants. While Zyle holding a bouquet of flowers. Lalapit siya sa direksyon ni Froyd na masayang naghihintay at magpapalitan ng wedding vows and then charan mag-asawa na sila!
"Alam ko na ang iniisip mo Eya. Maghunos dili ka nga! Saka bakit mo ako pinapahanap?"
" Ayown!" Malakas na sigaw ko nang mapabalik ako sa gusto ko talagang sasabihin. " May alam ba kayo kung bakit naisipan ni Kuya Jack na pumunta na lang sa America at manirahan?"
Napalingon naman sila sa isa't isa sabay baling sa akin na parehas pang umiling.
"Umalis si Jack papuntang America noong nakaraang limang taon. Sakto rin na pinabibisita ako ng tunay na magulang ko sa probinsya kaya sinama ko itong si Aze. Ngayon pa lang kami nauwi kaya wala rin kaming balita. Sasabihan ka na lang namin kapag may nalaman kaming impormasyon. Pupunta kaming bookstore ni Jack. Sama ka?"
" Hindi na. May usapan kami ng mga anak ko na aalis kami ngayon. Sabihan mo na lang ako 'a. Saka hindi ko rin alam na may bookstore pala ang kakambal ko. Sige na alis na ako! Humayo na rin kayo at magpakarami!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo palayo sa kanila.
" EYA NAMAN!" malakas na hiyaw ni Froyd sa aking sinabi pero tumatawa lang ako na napabalik sa kotse na na-i-park ko lang kung saan.