Kabanata 61
"P're, gumising ka na naman, oh! Napagkamalan na tayong magsyota. Nasisira na ang emahe ko!"
Niyugyog ko siya, baka sakaling magising, pero hindi talaga.
"Kapag hindi ako napag-asawa, ikaw talaga ang may kasalanan, P're!" pukaw ko pa ulit sa kan'ya.
Bumuntong-hininga ako. Buhay nga siya. Huminga ng maayos pero hanggang ngayon, ayaw pa rin niyang
magising. Comatose pa rin.
Maski ang mga doktor, hindi alam kung bakit hindi pa rin siya magising. Wala na namang ibang
komplekasyon sa katawan niya. Ilang araw din siyang nanatili sa ICU, dahil nga nag-stop ang puso niya,
pero lumaban pa rin siya. Tumibok pa rin pa ang puso, kahit katawan niya ay halos bumigay na at
lantang-lanta na dahil sa gagawan ng hayop na si Romeo.
Sinuwerte lamang itong kaibigan ko at nagkataon na may mga diver na nakakita sa kan'ya. Dahil kung
wala, sigurado akong tuluyan na siyang naglaho sa mundong ito.
Wala kasing nagawa ang paghabol namin dahil hindi pa rin kami umabot. Ni hindi na nga namin nakita
ang yate kung saang dereksyon na nagpunta.
Ang naabotan namin ay ang nagkakagulong nga dayuhang turista na sakay ng bangkang inarkila nila.
Habang tanaw sila, hindi maawat ang kabang nararamdaman ko. Hindi pa man kami tuluyang nakalapit
sa bangka nila, panay kaway na sa amin ang mga kaibigan kong mga bangkero.
Halos hindi ko kayanin nang makita ang kahabag-habag na hitsura ng kaibigan ko, habang nagsasagawa
ng CPR ang dayuhang turista na isa rin palang doctor. Hanggang sa makarating kami ng ospital, hindi siya
umalis. Siya na rin ang kumausap sa mga doktor na kaagad tumulong sa kaibigan ko. Naging lutang ako
ng panahong iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nahati ang pag-iisip ko. Ang pag-aalala ko. Bumalik pa sa alaala ko ang nangyari noon sa matalik kong
kaibigan na binawian ng buhay sa parehong dahilan. Pinagtulungan bugbugin ng mga walang puso. Gaya
ng nangyari ngayon, wala rin akong nagawa. Hindi ko pa rin natulungan ang kaibigan ko.
"P're, hindi ka pa ba pagod sa kakahiga?! Gumising ka na, P're, hahanapin pa natin ang ang asawa mo,
pagbabayarin pa natin ang walang hiya na si Romeo, sa mga kasamaang ginawa niya!"
Binaon ko ang mukha sa gilid ng braso niya, hawak ko rin ang ang kamay niya. Kaya kami
napagkakamalang magsyota dahil laging ganito ang nadadatnan ng doktor at mga nurse sa tuwing
papasok sila.
Bukod sa puno ng rosas ang silid. Walang ibang dumadalaw dito sa kaibigan ko. Hindi ko kasi alam ng
pamilya niya ang nangyari sa kan'ya
dahil alam kong hindi niya gugustuhin na malaman ng pamilya niya ang galagayan niya.
Hindi nga niya sinabi ang totoong dahilan kung bakit nanatili sila sa isla ng matagal, hindi nga rin meet ng
mga magulang niya si Mia. Pati pinsan niya at asawa nito ay wala ring alam na may nakamatyag na mga
tao sa kanila noon.
Ayaw niyang madamay ang pamilya niya. Ayaw niya na mag-aalala ang mga ito.
"P're, maawa ka naman sa akin oh! Ang dami ko ng atraso! Hindi madali sa akin na ilihim sa mga mahal
ninyo sa buhay ang kalagayan n'yo!" maktol ko!
Kakainis na rin kasi. Ang bigat na sa loob ko. Araw-araw kong nakikita ang pamilya nila, pero wala akong
sinasabi.
"Ang galing mo. Ang himbing ng tulog mo. Habang ako, hirap na hirap na tingnan ka lang araw-araw na
gan'yan. Daig mo pa si sleeping beauty, P're!"
Nag-angat ako ng ulo at pinagmasdan ang mukha nitong namumula. Mabuti na lamang at hindi tuluyang
nasira ang guwapo niyang mukha.
Sa guwapo nitong kaibigan ko, hindi maitago ang kilig ng nurse na nag-aasikaso sa kan'ya.
Para lang naman silang naiihi sa tuwing makita ang sleeping beauty na ito.
"P're... parang awa mo na. Gumising ka na!" desperado kong sabi.
Nagmumukha na akong tanga sa pinag-gagawa ko. Haplos sa mukha, himas sa kamay at kunting masahe
ang ginawa ko.
Maramdaman man lang niya na nandito lang ako. Muli kong sinusob ang mukha ko sa gilid ng braso niya.
Saka bigla naman akong nag-angat ng ulo at tiningnan ang guwapo niyang mukha.
"E, kung halikan kaya kita, baka sakaling magising ka!"
"S-subukan mo... makakatikim ka!"
Naawang ko ang labi ko at napakurap ng paulit-ulit.
"P-p're?!" nasambit ko. Siniguro kong siya nga ba ang narinig kong nagsalita.
Mariing nakapikit pa rin ang mga mata niya, ngunit may naglandas na mga luha sa gilid nito.
Agad akong tumawag ng doktor. Ilang test at tanong ang ginawa sa kan'ya. Habang ako nakatayo sa gilid
at hindi pa rin makapaniwala na gising na siya.
Masaya ako dahil sa wakas, gising na siya. Pero nangibabaw ang lungkot at sakit dahil sa nakitang
pagtulo ng mga luha niya. Kakagising niya pa lang ngunit, ang alaala ng nangyari sa kanila ang agad
niyang naalala.
Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.
Matapos makausap ng Doktor si Diego, bumaling naman ito sa akin. Nagbilin ng mga kailangang gawin at
mga gamot niya. Hindi rin siya pwedeng lumabas muna ng ospital dahil may therapy pa nagagawin.
Mahigit isang buwan din siyang nakaratay, dapat lang na dumaan muna siya sa therapy nang masiguro
na maayos na nga ang kalagayan niya.
Wala nang magiging sagabal sa paghahanap namin sa demonyong si Romeo at pagbawi kay Mia.
Mabagal akong humakbang palapit sa kan'ya nang makaalis ang doktor at mga nurse. Wala na ang mga
luha sa mga mata niya, ngunit tulala naman siya. Nasa kisame lamang nakatuon ang mga mata niya.
"P're... kumusta na ang pakiramdam mo?" mahinahon kong tanong.
Hindi siya umimik, bagkus tumingin lamang ito sa akin, kasabay na naman ang pagpatak ng mga luha.
Bakas sa mukha niya ang lungkot, ang sakit. Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob niya. Wala
nga akong magandang maibabalita sa kan'ya. Dahil hindi ko pa rin nahanap si Mia.
"P're..." pinahid ko ang mga luha niya. Umasta na naman akong syota. Umupo ako sa upuan na katabi ng
hospital bed at hindi siya nilubayan ng tingin.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos iyon na ikinalaki ng mga mata niya, pero hindi niya nagawang
hablutin.
"Buti naman at gising ka na..." Nilagay ko sa pisngi ko, ang palad niya na lalong ikinalaki ng mga mata
niya at umawang pa ang bibig. "K'unti na lang kasi... bibigay na ang pagkamaton ko!" Biglang hinablot
nito ang kamay niya.
"Sira-ulo ka!" nasabi, niya na ikinatawa ko.
"Biro lang... mabubutas na kasi 'yong kisame sa kakatitig mo!" Naiiling na lang siya at hindi naman
sumagot. Bumakas na naman ang lungkot sa mukha niya.
"Ilabas mo na ako rito, P're," nanghihina niyang sabi.
"P're, hindi pa pwede. Narinig mo naman ang bilin ng doktora kanina, hindi ba?!"
Alam ko, kung bakit gusto na niyang makalabas dito. Para simulan kaagad ang paghahanap sa asawa
niya.
"Maayos na ang pakiramdam ko, P're, kaya ko na!" madiin niyang tugon.
"Maayos?! E, nagpabugbog ka nga lang noon!" pang-iinis ko, nang panghinaan siya ng loob. Gusto kong
magpalakas muna siya. Paghandaan ng mabuti ang lahat at hindi basta-bastang susugod sa laban na
alam kong matatalo rin agad.
"Iba 'yon!" tipid niyang sagot at tumalikod.
Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Syempre nagdala ng mga tauhan ang duwag na Romeo na 'yon.
Akala mo naman ang dami niyang kalaban. Dalawang tao lang naman ang kailangan nila at babae pa ang
isa.
"P're, naiintindihan naman kita. Alam ko, gusto mo na agad mahanap ang asawa mo." Mahinang pagiyak at pag-alog ng balikat ang tugon niya.
Hinawakan ko ang balikat niya at bahagyang pinisil iyon. "Sa ngayon, P're, magpalakas ka muna. Ako na
muna ang bahala habang nagpapagaling ka. Ginagawa ko naman ang lahat mahanap lang sila. Pero
sadyang magaling magtago ang hayop na iyon."
Hinila ko siya paharap sa akin. " 'Wag ka na ngang umiyak. Kalalaki mong tao, iyakin!"
"Sira-ulo ka talaga!" naiiling na naman niyang sabi. Pinahid ko ang mga luha niya.
"Ano ba?!" saway niya, tinampal pa ang kamay ko.
" 'Wag kanang mag-inarte! Nilagyan na tayo ng label ng mga tao sa ospital na 'to!" Tinaas-baba ko ang
mga kilay ko at malanding tumitig sa kan'ya na ikinangiwi naman n'ya.
"Label?! Pinagsasabi mo?!"
"Guwapong magsyota na mahal na mahal ang isa't isa!" natatawa kong tugon na lalong ikanakunot ng
noo niya.
"Puro ka kalokohan!" singhal niya na ikanatawa ko ng malakas. Siya namang pagpasok ng nurse na mag
tatanggal ng catheter niya.
"Friend, be gentle ha!" sabi ko pa sa nurse na bahagyang natawa sa sinabi ko. Nakakalokong ngiti naman
ang iniwan ko sa kaibigan ko, pero ang totoo ayoko ko lang makita iyong ginagawa ng nurse na
kinakalikot ang alaga ng kaibigan ko. Alam kong masakit iyon.
Maya maya bumalik ako sa loob. "Kumusta, tapos na ba? Pweda na?" biglang tanong ko sa nurse, na
umawang ang bibig. Iba yata ang naisip sa tanong ko, na pwede na.
"Ahh... sir..." Pinutol ko na lamang ang sasabihin niya ng malakas na tawa. "Puro ka biro, Sir!" nahihiyang
wika ng nurse!" Rinig ko naman ang mahinang mura ng kaibigan ko.
"Itatanong ko lang sana kung pwede na ba siya uminum ng tubig," pagtama ko sa maling naisip niya.
"Opo, Sir, kailangan niya po talaga uminum ng tubig," nakangiting tugon ng nurse.
"Maiwan ko na po, kayo. Alam kong miss n'yo ang isa't-isa!" wika pa ng nurse bago lumabas ng kwarto.
"Ano ba ang pinag-gagawa mo, P're, habang wala akong malay?" inis na tanong nito na bakas pa rin ang
discomfort sa alaga niya.
"Masakit ba, P're?" tanong ko.
"Subukan mo magpalagay, tapos bunutin mo!" maktol niya!
Ang init nang ulo, akala mo may regla. Pero sinadya ko lang naman talaga na inisin siya nang ma-divert
muna ang pag-iisip sa asawa niya.
"Gusto mong magpahangin sa labas, P're?" tanong ko, nang hindi na naman ito umimik at nakatingin
lamang ito sa labas.
Kumuha ako ng wheelchair. Inalalayan ko siyang makaupo. Paglabas pa lang namin ng pinto ay tinginan
na agad ang mga tao. Para silang nakakita ng sikat na mga artista. Kulang na lang magpa-picture sila at
magpa-autograph.
Panay linga naman nitong kaibigan ko na bakas ang pagtataka sa mukha. Akala yata nagbibiro ako sa
sinabi kong napagkamalan kaming mag-syota.
"Anong meron, P're? Bakit gan'yan makatingin sa atin ang mga tao?" taka niyang tanong.
Natawa naman ako sa tanong niya. "Sinabi ko na sa'yo kanina, hindi ba?"
"Seryoso?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Oo nga! Ako 'yong syota mong mahal na mahal ka at araw-araw kang dinadalhan ng rosas!" Iiling-iling
naman siya.
"Tssk... ikaw pala ang may kasalanan. May pa rosas-rosas ka pa kasi." Paninisi niya.
Dinala ko siya sa mini-park ng ospital. Sandali naman kaming natahimik. Nag-iisip kasi ako kung sasabihin
ko ba ang mga pinag-gagawa ko habang wala siyang malay.
"P're... hindi ko naman gustong dalhan ka ng rosas kada araw, kaya lang..."
"Kaya lang... ano?" tanong niya, nang hindi ko tinapos ang sasabihin.
"Ano kasi... binili ko ang mga iyon sa Mama ni Mia. Araw-araw akong nagpunta sa kanila para makita ang
Mama niya at masiguro nasa maayos na kalagayan siya."
Nasapo niya ang mukha nang marinig ang sinabi ko. Kasunod no'n ang pag-alog na naman ng balikat
niya.
Tinapik ko ang balikat niya. "Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ako nag-aalangan na sabihin sa'yo. Alam
ko kasi na malulungkot ka."
Pinahid niya ang mga luha. "Gusto kung puntahan ang Mama... gusto ko nang makita ang mga magulang
ko. Lalong-lalo na ang asawa ko!"
"Alam ko, P're, kaya sikapin mong magpalakas agad. 'Wag kang padalos-dalos sa mga gagawin mo. Isang
linggong paghihintay na lang. Makakalabas ka na. Babalik na lang tayo rito para sa therapy mo.
Hindi na siya kumontra sa sinasabi ko. Pero bigla namang siyang napahagulgol. "Nakita ko, may dugo...
tumama ang ulo niya sa railing. Kitang-kita ko ang malakas na pagtulak ni Romeo sa kan'ya. Wala akong
nagawa. Hindi ko siya natulungan. Wala akong silbi!"
Naikuyom ko ang mga kamao habang nakikinig sa kwento niya. Alam ko kung gaano kasakit makita na
sinaktan ng ibang tao ang mahal mo. Alam ko ang sakit!
"Paano kung wala na siya?! Paano kung tuluyan na siyang nawala dahil sa Romeo na 'yon! Paano na ako,
P're!" hagulgol niya. "Hindi ko kaya... hindi ko kakayanin." Iiling-iling siya.
Hindi ako naka-imik. Hindi ko alam kung anong pampalubag-loob ang sasabihin sa kan'ya. Sa tingin ko rin
kasi, kahit ano pa ang sabihin ko, wala rin iyong silbi. Hindi matatakpan ng mga pampalubag-loob na
mga salita ang nararamdaman niya. Lalong-lalo na at nakita pala niya si Mia na hindi maayos ang
kalagayan, bago siya nawalan ng malay.
"P're, Tahan na. 'Wag ka munang mag-isip ng kung anu-ano. Manalig ka lang P're, may awa ang Diyos."