Chapter 111

Sue's Pov

"Tita gusto ko po sanang mag paalam sa inyo" naiiyak na sabi ko kay Tita France

"Bakit Sue may problema ba? Gusto mo nabang umuwi?" Nag aalalang tanong nito sakin

"Tita nag aalala po kasi ako kay Cent, pwede kayang mag hire kayo ng mga body guard at security na pwedeng mag bantay dito sa loob at tapat ng pinto niya?" Tanong ko sa kanya

"Yan din balak namin ng Tito Rafael mo" sagot niya sakin tsaka huminga ng malalim. "Hindi ako makatulog sa kakaisip na baka may biglang sumalbahe na naman kay Cent kaya naisipan namin nung isang araw na kumuha ng mga security na 24/7 magbabantay sa kanya. Alam ko may nakausap na ang Tito mo baka bukas mag simula na sila" sabi pa niya tsaka tipid na ngumiti sakin

"Tita may isa pa po akong sasabihin sa inyo" sabi ko pa dito

"Sige hija ano yon?" Nakangiting tanong niya

"Tita ang totoo po ayoko sanang iwan si Cent dito lalo na sa ganitong kalagayan niya pero kailangan ko po kasing umalis at bumalik ng Korea" sabi ko na hindi napigilan ang pag iyak

"Importante ba ang gagawin mo don?" Nag aalalang tanong nito sakin na ikinatango ko.

"Kailangan ko po talagang umalis Tita" malungkot na sabi ko

"Sigurado naman babalik ka diba? Sasabihin ko nalang kay Cent pagka gising niya na kinailangan mong bumalik sa Korea" umiiyak na napayakap ako kay Tita France

"Biglaan po kasi ang pag alis ko at hindi ko maaasikaso mga papers nina Percy at Gidget. Ibabalik ko nalang po sana muna sila sa inyo para may mag alaga sa kanila" sabi ko habang pinupunasan mga luha ko

"Oo naman. Ihahatid mo ba sila sa bahay o kami na kukuha sa condo niyo?" Tanong nito sakin

"Okay lang po ba kung ihatid ko nalang sa inyo mamaya?" Tanong ko pa

"Oo naman. Pero gabi na, bakit hindi nalang bukas?" Sabi pa nito

"Sige po bukas nalang po ng umaga para makasama ko pa sila" sabi ko tsaka tipid na ngumiti

"Alas syete y medya na ipapahatid na kita sa driver" sabi nito na ikinatango ko.

Sa huling pagkakataon ay lumapit ako kay Cent at tinignan siyang mabuti. Umupo ako sa kamang hinihigaan niya at marahan na hinalikan ko siya sa labi. Babe alam ko na makakabuti sayo ang gagawin ko. Alam ko tama ang desisyon kong lumayo. Gumising kana at magpakalakas. Sana pag gising mo maintindihan mo na ang ginawa ko ay para sa ikabubuti mo. Umiiyak na tumayo ako at pinunasan mga luha ko. Tumingin at ngumiti ako kay Tita France bago lumabas ng kwartong kinaroroonan ni Cent.

*********

Pagdating sa unit ko ay inabutan ko sina Mama at Appa na nanonood ng tv. Umalis na rin kaninang umaga si Hyun Woo at bumalik na ng Korea. Kanina lang sumuko na siya na maibabalik niya ako sa Korea pero heto ako, ako pa mismo ang nagyayaya sa magulang ko na bumalik na sa Korea.

"Nagising naba si Cent?" Tanong sakin ni Mama habang tinutulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko

"Hindi pa pero sigurado ako malapit na" nakangiting sagot ko kay Mama

"Mabuti naman kung ganon, pero bakit parang biglaan naman ang desisyon mong bumalik na ng Korea?" Usisa pa nito

"Naisipan ko lang naman na bumalik na at doon nalang ulit mag aral. Masyadong maraming hindi maganda nangyayari sakin dito. Gusto ko sanang magpahinga muna" malapad na ngiting sagot ko kay Mama

"Mabuti naman at naisipan mo yan. Tatawag na muna ako sa airline para magpabo-"

"Hindi na kailangan nagpa booked na ako at 1pm ang flight natin bukas" pigil ko sa sasabihin pa niya

"Ano pa nga bang magagawa ko?" Sukong sabi ni Mama na tinuloy nalang ang pagtulong sakin sa pagliligpit.

Nang matapos ko na ang mga dapat kong tapusin ay nagpaalam na ako kina Mama at Appa. Sa unit kasi ako ni Cent natutulog.

Pagbukas ko palang ng pinto ay sumalubong na sakin yung amoy ng pabango ni Cent. Wala naman sa loob ko ang pagiyak. Bawat hakbang ng mga paa ko papasok sa loob ay ang pagragasa ng mga luha ko. Kinuha ko ang vacuum cleaner at inumpisahan ko ng maglinis.

Alas onse na ng matapos ako. Sunigurado kong malinis ang banyo at masyos ang pagkakalagay ng mga towels niya sa cabinet ayon sa mga kulay. Nalabhan ko na din mga labahin niya at pati nga boxers pa niya ay walang hiya hiyang kinusot ko. Kumikinang din ang buong kusina at wala kang makikitang pwet ng mga kasangkapan niya na nangingitim. Maayos din ang sala at napalitaan ko na ng mga cover ang mga throw pillows niya. Na sprayan ko na din ng pabango niya ang buong sala niya. Tanging ang kwarto nalang niya ang hindi ko nalilinis. Gusto ko kasing matulog ng isa pang beses sa kama niya at maramdaman ang init at amoy niyang naiwan doon.

**************