Chapter 100

Sue's Pov

Habang kumakain at nag kukwentuhan kami ni Hyun Woo ay biglang lumapit si Shane samin na naka halukipkip ang kamay.

"Hi! Siya naba ang bago mo pagkatapos mong lokohin si Cent?" Nakangiting sabi nito

"Shane hindi ko niloko si Cent magkaibigan lang kami ni Hyun Woo" agad na paliwanag ko

"Oh really? I don't think so" sabi nito tsaka umupo sa bakanteng upuan "Ang galing mo pala talaga mang akit ng lalaki no? Mukhang mayaman din itong isang to" sabi pa niya

"Sino siya?" Biglang tanong ni Hyun Woo kaya pinakilala ko sila sa isa't isa

"Shane siya si Hyun Woo kaibigan ko. Oppa siya si Shane taga dito lang din" pakilala ko sa kanila

"Hello Hyun Woo nakakatuwa naman marunong kang mag tagalog, ilang taon kana dito sa Pilipinas?" Tanong ni Shane habang magkalapat ang mga palad nila.

"Magaling kasi magturo si Sue, this is my first time here. Pinasyalan ko lang si Sue dito" sagot ni Hyun Woo tsaka bumitaw sa kamay ni Shane

"Talaga? Ang galing nga niya eh" sarkastikong sabi ni Shane na ngumisi pa sakin "ang ganda ni Sue no? Pero alam mo ba na nagpa plastic surgery siya?" Kunwari hindi makapaniwalang tanong niya

"Cosmetic surgery is not a big deal in South Korea you should do some jobs on your face too especially on your nose, medyo malaki kasi ilong mo" sabi ni Hyun Woo na ikinalaki ng mata ko

"What?! Are you saying na pangit ako!?" Biglang tumayo si Shane at sinigawan si Hyun Woo

"Aniyo, I'm just giving you some advice" (hindi) sagot naman ni Hyun Woo sa kanya

"You're giving me such a ridiculous advice! Do I look stupid!? Don't compare me to this plastic monster bitch!" Nagtitinginan na lahat ng kumakain samin at ang ilan pa nga ay vinideohan kami.

"Shane what happened why are you shouting?" Biglang lapit samin ni Sam kasama si Connor

"Hey! Sue!" Tuwang tuwang tawag sakin ni Connor na malawak na nakangiti

"You know this freak kuya?" Tanong ni Shane kay Connor pero hindi niya ito pinansin

"Kuya?" Kunot noong tanong ko habang nakatingin kay Connor

"Yes we're siblings" tumatangong sagot ni Connor

"Wow! First you seduce Cent tapos si Kuya Sam at ngayon pati pala si Kuya Connor? Ang kati mo girl! Lahat nalang ba ng lalaki gusto mo? O sadyang sakit mo na yan? Check mo kiki mo baka nakalimutan mong tanggalin dildo mo!" Hindi ako nakapag pigil at sinampal ko si Shane kahit nasa tabi siya ng mga kuya niya. Napatayo naman si Hyun Woo at lumapit sa tabi ko

"Unang una wala akong sineseduce kahit na sino, kahit si Cent pa yan o mga kapatid mo. Hindi ako makati tulad ng inaakala mo at wala akong ibang gustong lalaki maliban sa boyfriend ko. Napaka bata mo pa pero napaka balahura ng bibig mo, yan ba natututunan mo sa eskwelahan na pinapasukan mo?. Alam mo Shane kumpara sayo mas disente ako sayo kaya huwag na huwag mokong tatawigan ng kung ano ano" sabi ko dito habang hawak nito ang mukha niya na sinampal ko

"Bakit mo naman sinampal kapatid ko? Pwede mo naman sabihan nalang siya" sabi ni Sam na niyakap ang kapatid

"Huwag mo ng kampihan si Shane siya naman talaga ang may mali" sabi naman ni Connor sa Kuya Sam niya

"Gago kaba?!" Sabi ni Sam tsaka kunwelyuhan si Connor "Mas kakampihan mo pa yang pekeng yan kesa sa kapatid mo? Mali na kung mali si Shane pero hindi niya dapat sinaktan kapatid natin!" Sabi pa nito tsaka pabalyang binitawan si Connor

"Let's go Sue" bulong ni Hyun Woo sa tenga ko tsaka hinawakan ang kamay para alalayan

"Bago kayo umalis mag sorry muna kayo sa kapatid ko!" Malakas na sabi ni Sam

"Kuya hayaan mo na silang umalis hindi ba kayo nahihiya ang daming taong nanonood oh!" Sabi ni Connor matapos nitong tumayo mula sa pagkaka sadlak sa may bakanteng mesa

"Mag so sorry lang ako kung mag so sorry siya sakin" malakas na loob na sabi ko kahit takot na takot ako kay Sam

"Why should I apologize?! Ikaw ang nanampal sakin!" Sigaw naman ni Shane sakin

"Hindi ka niya sasampalin kung hindi mo siya binastos!" Sabi naman ni Connor sa kapatid

"Seriously Kuya? Siya pa talaga kakampihan mo? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos siya pa kakampihan mo?" May hinanakit na tanong ni Shane kay Connor

"Dahil ikaw yung mali" sagot naman ni Connor

"Mali bang magsabi ng totoo? Malandi naman talaga yan eh! Kita mo na siya kinakampihan mo kasi nalandi kana niya!" Sabi pa ni Shane

"Hindi ako malandi kaya huwag mo akong itutulad sayo! Kung kalandian lang pag uusapan wala ng tatalo sayo dito! Ano ba kinagagalit mo sakin? Dahil ba sa nagparetoke ako o dahil hindi ka pinapansin ng boyfriend ko?" Sabi ko dito

"Ano bang meron sa boyfriend mo para pag aksayahan ng panahon ng kapatid ko? At huwag mong ipagmayabang ang boyfriend mo dahil walang wala siya kung ikukumpara sakin" sabi naman ni Sam

"Kung hindi ka lang naman nagpa retoke hindi ka mapapansin ni Cent ah! Sana lang huwag hubarin ni Cent ang helmet niya dahil kapag nauntog siya sigurado makikita niya kung gaano ka kapangit talaga!" Sabi pa ni Shane

"Ma'am Sir tara na po sa labas" sabi ng dalawang security guard na lumapit samin.

"Sige boss lalabas na kami" sabi ni Hyun Woo sa dalawang sekyu

Bumuntong hininga nalang ako dahil sa pangalawang pagkakataon sa araw na to napalabas kami kahit hindi pa tapos kumaksin dahil sakin. Pag apak ko palang sa loob ng unit ko ay nagsalita agad ako.

"I'm sorry" nahihiyang sabi ko kay Hyun Woo

"Heto ba ang gusto mo dito?" Napahinto ako at napatingin kay Hyun Woo

"Oppa" tanging nasambit ko

"Umuwi na tayo, bumalik na tayo ng Korea" sabi pa niya

"Hindi pwede" naiiyak na sagot ko sa kanya

"Bakit hindi? Okay lang sayo pagsalitaan ka nila ng ganon? Sa Korea tanggap ka ng lahat kaya please umuwi na tayo" halos mag makaawang pakiusap niya

"Syempre hundi okay sakin pero kakayanin ko. Nandito mga kaibigan ko nandito si Cent masaya ako dito" sagot ko sa kanya

"Sa Korea walang mang aaway sayo, walang mananakit sayo at higit sa lahat nasa Korea din ang pamilya at mga bestfriends mo. Hindi mo kailangan mga tao dito na walang ginawa kundi saktan ka. Kaya please umuwi na tayo" sabi pa nito

"Oppa wala akong ibang uuwian kundi dito. Nakauwi na ako, nandito na ako. Babalik ako sa Korea pero dito at dito parin ako uuwi dahil nandito ang buhay ko. Dito ako masaya. Jebal.. ihaehaejuseyo" (please understand) hindi ko mapigilan ang hindi umiyak

"Hindi kaba sasaya sa Korea? Maraming nagmamahal sayo don. Hindi kaba sasaya kung kami kasama mo? Nandon mga kaibigan mo sina Mama at hoejang nim. Ako. Mahal na mahal kita" sabi nito na tumulo ang luha sa kanyang mata

"Masaya ako sa Korea pero mas masaya ako dito. Mahal ko rin kayo at hindi ibig sabihin na nandito ako ay hindi ko na kayo mahal. Alam ko maiintindihan niyo ako dahil mahal niyo ako" sagot ko sa kanya

"Sue hindi ba pwedeng ako nalang? Ako nalang mahalin mo. Ako naman una mong nakilala diba? Alam ko mahal mo si Cent pero paano naman ako? Hindi lang si Cent ang nagmamahal sayo kaya ko din pangitiin ka at higitin pagmamahal niya sayo" sabi nito sakin

"Hyun Woo Oppa. Alam kong kaya mong gawin mga sinabi mo at tama ka mahal ko si Cent, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya. Mabubuhay nga siguro ako pero parang patay naman. Ngingiti ako pero hindi magiging masaya. Mahal na mahal kita pero bilang Kuya ko lang, bilang kaibigan ko lang" sagot ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng mga luha naming dalawa.

Nagulat naman ako ng biglang lumabas sa kung saan si Cent at inakbayan ako. Hindi ko alam na nasa loob siya ng unit ko at kung anong narinig niya, pero isa lang alam ko at sigurado ako. Mahal na mahal ko ang lalaking to.

**************