chapter 6 training

Habang nag aantay sila pinag miryenda muna sila ng hipag ni raizel kumain naman ang tatlong kasama ni natahalia pero sya ay nanatiling naka upo lamang naka kunot ang kanyang nuo habang naka tingin sa mga tindera sa palengke.

Mula sa pagkakatitig nya sa bawat palengke nagawa nya agad pag aralan kung pano mamuhay bilang isang normal na tao nakikita nya sa bawat pagod ng mga tao nagagawa padin nilang maging masaya.

Isa yun sa nakikita nya hindi nya mawari kung bakit nakakaramdam sya ng inggit sa kabila ng nakikita nya marahil dahil sya lamang hindi alam ang salitang saya, iniisip nya pa lamang kung mag kakaroon ba sya ng pamilya magiging maayos din ba ang buhay ng magiging pamilya nya.

"Mom, dad why you leave me alone why I suffer like this pano ako magiging masaya? Matatagpuan ko ba ang salitang masaya mararamdaman ko pa ba yun?" Saad ni nathalia sa kanyang isipan.

Sa kanyang pag iisip hindi nya namalayan ang binatang naka titig sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang kilos.

"Queen aantayin kapa ba namin o mauuna na kami" pasimpleng saad sa kanya ni shiela na kinalingon nya.

"No just wait the old lady I want to talk to her" sagot nya na ikina tango na lang ni shiela, saka bumalik sa kasama.

Hindi rin naman nag tagal dumating na inaantay nila kaya naman agad na tumayo si nathalia at mariin na tumitig sa matanda.

"Donabe sya ba ang sinasabi mong tindera" tanong ng matanda.

Kinilatis ng sobra ni nathalia ang matanda, isang bagay ang dapat nyang tandaan don't trust to everyone. Kaya naman imbis na ang hipag ni Vanessa ang sasagot inunahan nya na ito.

"Yes I am, I'm nathalia" agad nyang pakilala sa matanda na akala mo isang bussines ang ginagawa nila kaya naman napatampal sa noo ang tatlo nyang kasama sa pamaraan ng kanyang pag sagot.

"Nag tatagalog ka ba ineng, pati sanay ka ba sa ganitong trabaho?" Tanong sa kanya ng matanda, hindi naman alam nila Vanessa ang gagawin iniisip nila agad na baka mabuko sila kung sino ba talaga si nathalia.

"Yes I can speak tagalog and don't worry I can work here in wet market"

"Bweno kung kaya mo naman pala mag trabaho dito sige tanggap kana pwede kang mag training ngayon ng makita ko kung kaya mo nga talaga"

Ngiting ngiti naman sila Vanessa sa kanilang narinig success ang plano nila kaso ang iniisip nila sino ang mahahanap ng boss nila bilang asawa sa ganitong lugar.

Pasimple naman na lumapit si Vanessa sa kanilang boss upang palihim na kausapin, alanganin man ang sasabihin nya pero mas maganda na yung alam nila hindi nila pwedeng iwan ang boss nila na mag isa lang.

"Queen maari din ba kaming pumasok alam namin na kaya nyo ang mag isa pero hindi po kami maari na lumayo sa inyo" isang buntong hininga ang pinakawalan ni shiela pagkatapos nyang sabihin ang sadya nya.

"Ask her not me I'm not the fucking boss here shiela" isang malamig na salita ang binitawan na kaya naman bahagyang yumuko na lang si shiela sa kanya.

*pasensya na medyo lugaw ang update ko pagod kasi ang author nyo maraming salamat*