chapter 16

Damian pov...

"Itaas nyo kamay nyo Holdap ito."

Nakasakay na kami sa jeep nang bigla na lang may nag labas ng baril at nang holdap samin, aaminin ko kinabahan ako lalo na kasama ko si nathalia babae pa naman ito mahirap na baka mapahamak. Naka masid lang ako sa tatlong lalaki na may mga hawak na baril habang iniisa isa ang mga pasahero na kunin ang mga pera, bag at kung ano-ano pa pero nang lingunin ko ang katabi ko ayun nanaman ang ekspresyon ng muka niya blangko at para bang tamad na tamad sa pinapanood niya na mga lalaki na ng hoholdap ngayon samin dito sa jeep napa buntong hininga na lang ako sa akong nakikita.

Pero mas nagulat ako ng bigla siyang umimik na ikatigil ng tatlong lalaki pati ng ibang pasahero ng jeep.

"Seriously holdap unbelievable tsk " ayan nanaman ang angas ng pananalita niya.

"Nat please wag ka ng sumagot baka mapahamak ka lamang eh" kung ako ang tatanungin kaya kong tumakas malapit lang ako sa labasan ng jeep maari akong tumalon, pero kasama ko si nathalia kaya natatakot rin ako na baka bago pa lang siya tumalon may Bala ng tatama sa kanya, Pero irap lamang ang isinagot niya sakin na siyang kina dismaya ko.

Lumapit samin ang isang lalaki habang naka tutok ang baril kay nathalia mas dumoble ang kaba na bumalot sa katawan ko. "Hoy! babae manahik ka kung ayaw mong mamatay ngayon mismo ibigay nyo samin lahat ng pera at cellphone nyo bilis!!"

Pero assual si nathalia tinitigan lang siya na akala mo nakikipag biruan sa kaniya kailan ba aayos ang babae na ito. Nag reklamo na ang ibang naka sakay nagagalot na yung iba kay nathalia dahil sa talas ng tingin at sa mga sagot nito, samot saring mga salita ang mga naririnig ko na siyang kinakainit ng ulo ko.

"Ibigay mo na kasi yang pera at cellphone nyo"-matanda 1

"Hoy! miss kumilos ka naman na"-babae 1

"Miss wag kana mag pasikat ayaw namin mapahamak"-babae 2

"Kung may balak kang magpahamak wag ka mang damay may mga bata kami dito"-babae 3

"Oo nga"

"Tama, tama"

Yan ang mga ibang narinig ko kaya naman siniko ko na si nathalia ayoko ng ganito na may naririnig akong pangit na mga salita tungkol sa kanya. "Nat bigay mo na ng makaalis na yang mga holdaper baka ikaw pa pagbalingan nila" mahinahon kong saad sa kanya.

Pero mas kinalaglag ng balikat ko ang sagot niya sa akin. "Why would I give my money and my phone, I'm not idiot" nat naman bakit ka naman ganyan makisama ka naman pakiusap.

Katigas talaga ng ulo ng babae na ito tch

"Baka nga kasi mapano ka tch" naasar ko ng sagot sa kanya hindi ko na kasi mapigilan na maasar at mag alala na baka nga totohanin ng lalaki ang banta niya baka magulat na lang ako na bumulagta siya dito hindi niya ba naisip yun.

"Tsk I'm not idiot hey fucker come here faster!" Bahagyang sigaw niya na may kasamang galit dito Tibay nag utos pa talaga kaya naman yung kaninang lumapit dito ay bumalik ulit sa harap namin na may ngisi sa kanyang labi.

"Akina ibibigay nyo rin naman pala ang dami pang satsat" saad ng holdaper sa kanya habang naka ngisi tinignan ko naman si nathalia pero ayun para siyang tanga na tinabingi nia pa ang kanyang ulo na para bang may tinitignan sa lalaki na kaharap namin.

"It's that fake?" Yan agad ang tanong niya na siyang kinanuot ko ng nuo.

Fake daw ang alin?

Pero bago pa man ako nag salita nauna ng nagsalota ang lalaking holdaper. " Ha ha ha nagpapatawa ka ba miss ano bang fake ang pinag sasabi mo?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yun pero halata sa lalaki ang pagiging kabado niya kita ko sa mata niya.

"Your gun its fake" kasual na sagot sa kaniya ni nathalia kaya naman nakita ko ang oag lapit ng isa pang lalaki sa pwesto namin na siyang pinag alala ko.

"Maganda ka, bakit kaya hindi ka na lang samin sumama" aba bastos itong lalaki na ito piapainit lalo ang ulo ko gago ba siya.

Kalma damian may baril yan wala kang laban dyan.

Pero syempre si nathalia na matigas ang ulo nagawa pang tumawa ng bahagya pero yung tawa na ngayon ko lang narinig, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tawa niya naka yuko lamang siya kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng muka niya.

"Tsk bago kayo mang holdap siguraduhin nyo munang kaya nyo pumatay at kayo nyong humawak ng baril ng maayos peke man ito o totoo" bagsak ang panga ko sa narinig ko sa kanya andun yung lamig ng boses niya pero ang sagot niya dun sa dalawang lalaking holdaper ang kinabagsak ng panga ko seryoso para siyang nag tuturo lamang sa mga ito na akala mo barkada sila.

"Miss akina sabi !" Nagulat ako ng bigla niyang pwersahin na kunin ang wallet ni nathalia na kapit kapit nito, pero mas nabigla ako sa ginawa niyang pag suntok sa lalaki na humawak ng wallet niya.

"Tsk ang kulit mo kasi don't fucking touch my fucking things do you fucking understand!" Mariin at galit niyang saad sa lalaki ganun na lang ang gulat ko ng makita kong dumugo ang ilong ng lalaki pero ang mata ni nathalia na siyang mas kinagulat ko, nakaka kilabot kita ko na kung malamig man ang tingin nito nuon mas lumamig pa ito ngayon kung dati normal na sa akin ang talim ng mata niya oag tumititig ngayon mas dumoble pa ang talim ng pagkaka titig nito kahit yung ibang pasahero natahimik sa mga naging saad ng kasama ko.

Kahit yata ako natameme na dito

"Gago ka ah!" Galit na sagot ng isang lalaking holdaper sa kanya saka siya ulit tinutukan ng baril sa ulo nito.

"N-nat wag ka na lang lumaban please baka mapahamak ka" pag mamakaawang saad ko sa kanya tinignan niya lang ako bago ngumite ng tipid sakin saka siya humarap sa dalawang holdaper, pero mas kinabigla ko lalo ang sagot niya sa mga ito kulang na lang himatayin na ako sa sinagot ng babae na ito.

"Go ahead pull the fucking trigger, but im fucking warning you don't waste my fucking patience!" Malamig na saad nito.

Kasabay nuon ang mabilis na pag agaw nito ng baril ng lalaki na walang kahirap hirap sabay dagon nito sa batok ng lalaki na siyang kinawala nito ng malay binigay niya sakin ang baril na siyang kinagulat ko pero mas nagulat ako ng tignan ko ang baril at tama nga siya peke nga ito, nanglaki ang mata ko saka ako bumbling sa kanya pero wala akong mailabas na salita habang siya nakikita ko na patuloy parin ang oag galaw ng mga kamay at paa niya habang hindi siya umaalis sa kinauupuan niya.

Sutok dito dagok duon tadyak dito nakita ko pa na may bigla siyang binunot sa likod niya na siyang kinagulat ko at ng dalawa pang lalaki tinutukan niya ito ng baril sa bandang paa ng lalaki at walang kahirap hirap niya itong pinaputukan hiyawan ang mga narinig ko pero siya swabe niyang pinaputukan ang isa habang naka tingin sa isang lalaki na halos mamilipit sa sakit sa tama ng baril sa kanyang bukong-bukong napaigtad na lamang ako sa pagbagsak ng isa pang lalaki na Duncan din kaparehas ng isang lalaki.

Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng pang tali sa tatlong holdaper at ganun na lamang ka bilis at kaliksi ang kilos nito na para siyang isang hangin kung pag babasehan ko ito.

Sino ka ba talaga nathalia