Chapter 4: With Friends

Kent's POV

Hindi ko alam na gano'n pala katapang si Serenity para salubungin ang galit nang isang tulad ko. 'No women attempt to intrude my privacy o makialam sa kung paano ko tratuhin ang mga empleyado ko. Maybe im not a good boss but i have a heart with my employees. Nagkataon lang talaga na naabutan niya ang galit ko dahil sa kapalpakan nang mga empleyado ko. I had anger issues kaya kapag galit ako talagang galit ako. But the moment i saw her, lahat nang galit ko sa katawan ay biglang naglaho na parang bula. She's like a stress reliever that runs throughout my veins! 'F*CK!' That woman is a big disaster to me. Kailangan hindi kami dapat magkalapit o magkita. I hate what i am feeling right now and this shouldn't be happening to me.'F*ck!

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking upuan at napasandal sa backrest nito saka inerelax ang utak ko. 'Serenity Louise' her pretty and fabulous name. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.

"Did you find my friend?" Tanong ko sa tauhan ko sa kabilang linya.

"Hindi pa po sir, mahirap sila ma-trace."

Sagot nito. Napabuga nalang ako ng marahan na paghinga.

"Okay! If you find something or what, call me. I need them."

Sabay baba ng tawag. Hindi ko alam bakit ganito ako pero talagang nagbababa ako ng tawag agad at hindi na hinahayaan pa ang sa kabilang linya na makapagsalita pa. Nang biglang pumasok sa utak ko ang babaeng 'yon ulit. F*ck! Why she always keep popping on my head.

"Unbelievable!"

---

Seren's POV

Ilang araw na rin ang lumipas, and thanks god dahil hindi nagpapakita sa 'kin 'yong Kenneth Claude na 'yon. Sana nga totohanin na niya na hindi siya interesado sa 'kin para hindi na kami kahit kailan na magtagpo. Kasi sa tuwing nagtatagpo kami nag-iibang tao ako. Para akong nagiging halimaw sa kanya dahil sa mga mapang-asar niyang ugali. 'gano'n ba siya pinalaki ng mga magulang niya? Hindi naman siguro diba.

"Stop thinking about him Seren,"

Bulong ng maliit na tinig sa utak ko. Nang biglang may kumatok sa may pinto at nagsalita.

"Senyorita, nasa labas po mga kaibigan niyo." Ani ng katulong ko. Napangiti naman ako bigla at napalakad papalapit sa pinto saka ito binuksan.

"Sige yaya, salamat."

Nauna na akong lumabas at si yaya na ang nagsara ng pinto. Kompleto naman silang lima and thanks god dahil safe rin si Thalia na nakabalik sa 'min.

Nginitian ko sila at niyakap si Thalia.

"Thanks god Thali, your safe.” marahan kong turan rito.

"Sorry if pinag-aalala ko kayo."

Mahinang wika nito. Umupo si Thali sa tabi ko habang ang mga ibang kaibigan ko ay sa sahig nakaupo at abala sa paglalaro ng scrubble.

"Buti naman Thali naisipan mo kaming dalawin namiss kana namin." I sweetly smiled. Marahan itong napangiti at sumagot.

"Sa totoo may ikokonsulta sana ako sa inyo eh," Mabilis naman nagsalita si Tracy.

"Anong tingin mo sa 'min doctor? Bakit may sakit kaba?"

Tracy really don't know how to filter her mouth, tinampal naman siya agad ni Stella sa balikat.

"Arayy! bakit ba?" Nagtataka pa nitong tanong.

"Bakit kapag may ipapakonsulta ba doctor agad ang hahanapin?’ di ba pwedeng iba ang ipapakonsulta niya sa atin at hindi sa may sakit siya' duhh! Tracy" Pinaikot pa nito ang mata kay Tracy,

"Okay! Sorry naman." Tracy says.

"Ano ba kasi 'yang sasabihin mo Thalia huh!?" Kath asked.

"Oo nga Thali ano?" Sam asked.

"Hmm?" Tracy's reaction.

"Spilled it bestie," wika ni Stella.

"Huwag ka ng mahiya Thalia," I softly say.

Nakita ko naman ang paglunok nito sabay buntong hininga bago magsalita.

"Kasi - hmm! It's about the guy on the club. ugh! It's all about Valkyrie and I. Gets?" Pag-uumpisa nito. Napalingon naman kami sa kanya na bakas ang pagtataka.

"Duhh! Thalia wala kaming na gets."

Sabay-sabay na sabi ni Tracy, Stella, Kath at Sam. I slightly chuckled,

"Ahmm,'is it okay to have ro_romance with a guy that doesn't have a relationship with you?" She bluntly asked.

Halos hindi naman kami mapakurap sa mga sinabi nito na tila kinabigla pa ang sinabi nito.

"WHAT!? Oh my gad! You really did it Thali?" Biglang lumapit si Stella kay Thali na tila hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig.

"Sino 'yong lalaki? And do we know who is he?" Sunod na tanong ni Kathalina sabay lapit kay Thali.

"Bakit hindi ka makasagot diyan Thali? Natatakot kaba sa kanya? Sabihin mo lang sa 'kin talagang sasaktan ko 'yan." Pagmamalaki namang sabi ni Tracy.

"Sino ba siya Thali?" I softly asked.

"Naku! Thalia. Kaya pala nanahimik kana kasi may lalaki kang tinatago." Nagtatampong sabi naman ni Samara. Thalia rolled her eyes saka malalim na huminga.

"Kasama ko siya actually but his outside, naiilang ata' siyang pumasok." She sweetly smiled.

Nagmadali naman kaming sumilip sa malaking bintana mula sa sala and we saw a guy sitting on the bench talking with his phone.

"Ayy! Ang belams beh," Wika ni Stella.

Napalingon naman kami lahat sa kanya.

"What's belams!?" Kathalina asked curiously.

"Alam mo Stella may sa lahing alien ka ata' eh!" Tracy says. Saka bumalik sila sa pag-upo sa sahig.

"Saan mo ba napupulot 'yang mga lengwahe mo?" Samara asked.

Napatawa nalang ako ng marahan sa kanila. Kahit kailan talaga may sa lahing ka-lokahan 'tong mga kaibigan ko.

"Duhh! Belams means gwapo, choi-choi, handsome," Sabay tawa. Napailing na lamang kami sa rito.

"Siya ba 'yong lalaking sumagip sa'yo sa bar no'ng gumimik tayo?" I softly asked again. Tinignan naman ako nito and smiled.

"Yeah Seren, and his name is Valkyrie."

Bakas ang hiya sa tono nito.

"Pero ito serysoso bestie. Talagang may romansang nangyari sa inyo? Saan at Kailan pa ito nangyayari?" Tila Seryosong tanong ni Stella.

"Mga weeks from now," Saka nagpatuloy na si Thalia na magpaliwanag sa amin, maigi naman kaming nakikinig sa kanya.

"Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya mga beshie. Ah -- im really confused recently, hindi ko nga alam paano aminin sa kanya ang totoo eh' kasi baka nga hindi kami pareho ng nararamdaman."

May halong lungkot na sabi nito sa 'min. sympathetic looks surfaced on our faces.

"Thali. Mas maganda 'yong aminin mo na ang totoo mong feelings for him and if he rejects you dont force yourself on him. Accept it even if it hurts."

I seriously say. Alam kong first time ni Thali sa ganitong relasyon kaya tiyak akong confused ito sa kanyang nararamdaman.

"Thalia Sanchez. Nandito lang kami para sayo huwag mong panghinayangan ang isang lalaking hindi kayang suklian o higitan ang pagmamahal mo." Sabi naman ni Tracy. Tinabihan naman siya ni Stella at Kathalina sabay hawak sa kamay nito.

"Remember we're bestfriends Thali. At kung saan ka man, naroon kami palagi gagabay at tutulong sa'yo." Kathalina says.

"Tama beshie, saka marami pang lalaki sa mundo ano ba!?" Stella rolled her eyes and smiled.

Ngumiti naman si Thali sa aming lahat and gestures us for a big hug. Kaya nilapitan namin siya at nag-group hug like we always do.

"Thank you," Ngiting sabi nito.

But Stella interrupts this moment and bluntly asked Thalia.

"Masarap ba siya Thali?," Pasaway itong napangiti.

"Agh! Kahit kailan Stella your so naughty!" Samara says. Napatawa naman kaming lahat.

Ilang minuto pa kaming nag-uusap hangang sa nagpaalam na nga si Thalia na aalis. At sumunod naman si Tracy, Kath at Sam na umuwi. Kaya ang ending kami nalang ni Stella ang naiwan na nag-uusap.

"So ikaw kumusta naman lovelife mo?"

Stella asked habang sinisimsim ang kanyang juice. Napasimsim rin ako sa aking juice bago magsalita at tumingin sa kanya.

"Tulad ng dati arrange marriage pa rin ang patutunguhan ko." Matamlay akong napangiti. Napatitig naman 'to sa 'kin at napangiti.

"If ayaw mo huwag mo Seren, don't force yourself to marry a man that you don't even love. Mayaman ka and sophisticated, fab and pretty. Don't let yourself chain to a relationship that you don't even want." Payo nito sa 'kin.

'Yeah! Stella is right. I need to stand for my own definition of love and marriage. It's not my family's decision if whom i get married.