Chapter 3: Stolen Kiss
Seren's POV
Papunta na ako sa pastry shop ko para i-check ang inventory.
Ito ay sariling bussiness ko kaya sariling ipon ko ang pinampundar ko rito. Ako rin ang gumagawa ng mga pastries at delicacies para hindi magbago ang lasa ng sarili kong gawang pastries. Pagkatapos ko maicheck ang inventory, ay nagmaneho akong muli gamit ang honda civic kong kotse. Nang may mabilis na nakasunod sa 'kin na isang ducati bigbike at napapalingon ito sa tabi nang kotse ko.
'What the punch! Sinusundan ba ako ng taong 'yon?' Mas binilisan ko ang pagpa-patakbo ng kotse ko, ngunit mas bumilis din ang takbo ng motor na ngayon nasa tabi na ng kotse ko at unti-unti ng nangunguna sa 'kin. Kaya mabilis akong nagbreak nang manubela dahilan para mabilis din siyang mapahinto sa harap nang kotse ko. Galit akong bumaba sa kotse at nilapitan ang taong naka-itim na damit at jeans saka helmet.
"Are you following me?" Pataray kong tanong sa kanya. Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kanyang helmet at tumambad sa 'kin si ..
"Kent!?" Salubong kilay ko agad siyang tinignan ngunit may bahid nang sarkastiko lamang ako nitong nginitian saka bumaba sa kanyang motor.
"Hi baby," Sabay kindat nito sa 'kin na parang kaswal lang.
"Sinusundan mo ba ako?" Naiirita kong tanong.
"Yes. Gusto sana kitang yayain mag-date Serenity, to get you know better."
Ani 'to na may bahid pa ng ngiti.
"Ugh! Tigilan mo nga ako Mr. Calvin,"
Saka ko siya mabilis na tinalikuran, nang bigla niyang hinila ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya at mabilis ako nitong hinalikan. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat at akmang sasampalin sana siya ng naging maagap ang kamay nito kaya hindi na ako nakapanlaban pa. Ilang segundo pa bago ako nito pakawalan.
"Your lips is so tasty," turan nito sabay kindat sa 'kin saka muling nagsuot nang kanyang helmet at bumalik sa pagsakay nang kanyang bigbike saka mabilis na pinaharurot.
"Bwiset! Nakapagnakaw pa siya ng halik!"
Naiinis kong bulong sa sarili ngunit pamaktol na paghakbang ang ginawa ko pabalik sa kotse ko saka mabilis na humarurot.
---
Kent's POV
Her lips was so tasteful and damn! She's so hot while driving her car. Pero hindi pa rin sapat 'yon para mahulog ako sa isang gaya niya. Alam kong pag-aari ko lang at nang pamilya ko ang habol nila kaya makikipaglaro rin ako sa paraan na gusto nila.
"Kumusta dito sa opisina?" Tanong ko sa 'king sekretarya habang isinusuot ang suit ko na nasa likod ng upuan ko.
"Okay naman po sir, wala naman pong aberya sa mga produkto na na-export po natin sa hongkong." Sagot nito.
"Okay,"
Maikli kong sagot, yumuko naman agad ito at lumabas nang opisina ko. Inabala ko naman agad ang sarili ko sa mga papeles na nakatambak sa mesa ko habang tinitignan ang takbo nang stockmarket.
Serenity Louise Altamayor. Ang ganda naman talaga niya at napaka-supistikada kong gumalaw pero hindi ko akalain na ganun siya katahimik at mabilis na mainis. Nagkakaroon tuloy ako ng interes sa totoong pag-uugali niya.
Let's see kung kaya niya bang tapatan ang pagiging superior ko.
---
Seren's POV
Ayokong pumunta sa kompanya ng mga Calvin pero dahil sa may inutos sa 'kin ni daddy napilitan na rin akong pumunta sa kompanya ng bastos na 'yon.
Pagpasok ko palang sa kompanya nito ay talagang napahanga naman ako. Ngunit mas 'di hamak na maganda naman ang kompanya namin. Kaya it doesn't matter kung maganda ang interior nang bawat department nila dahil napaka-bastos din naman nang may-ari ng kompanyang 'to.
Pagdating ko sa pinakahuling floor nang mataas na building na'to ay may naririnig akong ingay sa isang silid na sa palagay ko ay opisina ni Kent. And confirmed it's Kent's office! I eavesdrop at the door dahil wala namang tao rito sa labas ng opisina kahit may upuan at mesa rito na sa tingin ko table nang secretary niya.
I overheard Kent's yelling inside a room at parang nagtatmpon ito ng kung ano-ano sa loob ng opisina niya. When I heard someone crying, kaya't walang ano't pumasok ako sa loob nang silid without knocking. I don't know where i got this guts this time, pero talagang kinabahan ako sa narinig kong iyak. At nakita ko ang iilang kalalakihan at kababaihan na nasa tabi ng glasswall ng opisina ni Kent. Bakas naman sa kanilang mga mukha ang kaba at takot para sa binata. Kaya't nabaling ang tingin ko kay Kent.
"What the! --" agad na turan nito pagkakita sa 'kin.
"What you f*cking doing here!? -- and where is your manners you Ms. Altamayor!" May bahid nang galit nitong turan sa 'kin.
Kahit kinakabahan ako ay pilit kong humakbang papalapit sa kanya at matapang siyang tinitigan saka tinaasan nang isang kilay.
"Sorry if i trespassed here at your office Mr. Calvin. Huwag kang mag-alala dahil inutusan lang naman ako ng daddy ko na ihatid rito sa'yo itong mga pipirmahan mo raw na papeles! I don't know what is this -- but here!"
Saka nilapag ang isang envelope sa harap nang mesa nito at tinukod ang kamay ko rito.
"This is how you treat your employees?" Sabay tingin sa mga empleyado niya.
"What!? -- who give you the right to ---"
"I don't have the right Mr. Calvin! But I hate man yelling like a freakin monster on someone or somebody. Siguro naman alam mong wala kang karapatan na sigawan sila di 'ba? Ginagawa nila ang trabaho nila as an employee and you must do your part too as their employer. Trabahante mo sila, oo. But they don't owe their lives on you!"
Maangas kong wika sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nito o naiisip nito ngayon. Ang alam ko lang nasa tama ako.
"GET OUT ALL OF YOU!!"
Biglang singhal nito sa mga tao na nakatingin lang sa'min saka nagmadaling lumabas, dahilan para kaming dalawa nalang ang naiwan. Dito naman ako natubuan ng kaba na halos hindi makapaniwala sa nagawa ko rito. Oh gad! What's wrong with my mouth?'
"By the way! Hindi na rin ako magtatagal so, sayonara!" Malalaking hakbang akong naglakad papalapit nang pinto, ng mabilis nitong hinarang ang kanyang katawan sa hamba ng pintuan.
"And where do you think your going lady!?" May pagka-sarkastikong sabi nito sa 'kin habang mataman na nakatitig ang mapupungaw nitong mga mata sa 'kin. Napalunok naman ako sa kaba at hiya.
"A -- anong ginagawa mo? -- alisin mo nga 'yang katawan mo riyan sa pinto!"
Saway ko. He just smirked and feel like annoyed. I can see lust in his bluish eyes, kaya lang pigil ko ang sarili na mahulog sa kanyang mapang-akit na mata.
"Bigla-bigla kang susugod rito tapos ngayon magtatanong ka kung ano ang ginagawa ko? Your really testing my patience Ms. Altamayor." Antipatiko nitong turan sa 'kin. Bigla namang nag-init ang aking pisngi sa hiya.
"A -- ano? -- and can you stopped calling me Ms. Altamayor! Okay na 'yong Serenity."
Naningkit mata kong wika rito. Inilapit naman lalo nito ang kanyang mukha sa mukha ko dahilan para tumambol ang puso ko sa kaba.
"Then don't call me Mr. Calvin! You can call me Claude! I hate people calling me Kent and Mr. Calvin! It's my father's surname." May bahid nang inis na sambit nito. Napatikhim na lamang ako at napapikit. Habang amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga sa mukha ko.
"Don't teased me Louise! Im not interested in you."
Mariin nitong banggit muli sa 'kin.'HE'S NOT INTERESTED IN ME!?' Talagang nakakabastos na ang lalaking 'to sa 'kin. Malakas ko itong tinulak and glared on him.
"Don't you ever say that to me! Dahil kung wala kang interest sa 'kin, lalo naman ako! Antipatiko!"
Malalaking hakbang akong lumabas ng opisina nito saka napabuga ng mabigat na paghinga dahil sa sobrang inis sa inasal ni Kent sa 'kin.