Prologue

Ang bigat sa pakiramdam na sa tuwing nagigising ako ng madaling araw at exactly 3 am wala sa tabi ko si Kelmer.

Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong na-i-experience pero hindi maganda ang kutob ko tungkol dito.

There was one time na nagising na naman akong at exactly 3 am at as usual wala na naman si Kelmer. At alam kong sabay kaming natulog.

Pero bakit sa tuwing magigising ako ng ganitong oras wala siya.

Meron din akong nararamdamang iba lalo na dito sa bahay ni Kelmer. Hindi multo o ano pero may mabigat sa aking pakiramdam at nais malaman ang history ng kanilang bahay.

Alam ko sa sarili ko na wala siyang ginagawang masama, pero hindi ko maalis sa aking isipan ang pangamba.

At mas lalong alam ko sa sarili ko na may mali sa ikinikilos niya for the past weeks, at kung paano siya umakto, ibang-iba sa dating siya.

****

Gabi na nang makauwi ako sa bahay galing trabaho, as usual okay naman lahat lalo na si Kelmer. Ang kaso kung dati ay palakibo siyang tao, parang ngayon ay mas nabawasan at para bang may nakikita siyang hindi ko nakikita na tila ba gumugulo at mas nagpapagulo pa sa kanyang isipan.

Sabay kaming naghapunan at tiniyak kong sabay din kaming matutulog.

"Tulong, tulungan niyo ako!" Patuloy kong sigaw.

"Kahit sumigaw ka walang makakarinig sa'yo. Akala ko ba mahal na mahal mo ako bakit parang takot na takot ka sa akin?"

"Oo mahal na mahal nga kita p-pero hindi sa ganitong paraan. Kelmer b-bakit?"

"Kung mahal mo ako tatanggapin mo kung ano ang nakikita mo at kung ano ako. Kung hindi mo kaya yun baka matulad ka lang sa kanila." Nakangiting tugon niya habang nilalaro ang kutsilyo sa kanyang kamay.

"P-please don't do these, please Kelmer I'm begging you. Please!" Malakas kong sigaw.