CHAPTER 21: FORGIVENESS

TYRA

Nasa bahay ako ngayon, nong dumating ako hindi ko inaasahan ang makikita ko. Ang magulang ko parehong may sakit at ang bahay ang gulo, tinignan ko ang ref nila na may laman naman, sabi nila ilang araw na silang may trangkaso.

Hindi naman sila makabili ng gamot dahil nga may sakit sila, sinubukan daw ni mama pero nahilo siya kaya di na itinuloy. Pinainom ko muna sila ng gamot tapos nag luto ng pagkain nila, hindi pa daw sila kumakain.

Habang hinihintay kong maluto ang pagkain ay nag linis na muna ako, maayos na ang lahat sakto naman na luto na ang pagkain. Pinag hainan ko na sila at inisa isa silang dinalhan ng pagkain, kita mo sakanila na kahit papaano ay may lakas na di tulad kanina na walang kalakas lakas.

“ akala ko nakalimutan mo na kami” sabi ni papa, bakit ko naman sila kakalimutan?? Magulang ko parin sila kahit naging masama sila saakin.

“ dito muna ako titira kung okay lang ho” tumango sila.

“ pahinga na po kayo, gigisingin ko na lang kayo mamaya parpa uminom uli ng gamot” humiga na sila at inayos ko na ung kumot nila, pumayat sila at anlaki ng itinanda ng itsura nila

Kinabukasan kahit puyat ako kakaalaga sakanila ay nag luto parin ako ng makakain nila, nakita kong papalapit si mama.

“ okay na po ba kayo?? Wag niyo masyado pilitin ang sarili niyo” sabi ko, umupo siya.

“ okay na ako, si papa mo lang ang hindi pa ng konti” sagot niya, tinimplahan ko ng kkape

“ papasok ka na ba??” tanong niya.

“ mamaya pa po ang pasok ko, saktong maluluto ko muna ang pagkain niyo bago ako umalis. Ung gamot niyo inumin niyo parin” sabi ko, naka tingin lang siya saakin.

“ hindi ka parin nagbago, napaka maalaga mo parin” sabi niya, ngumiti lang ako ng tipid.

“ ang ate mo kamusta??”

“ may trabaho na siya at stay in sila ng anak niya, mukhang mabait ung amo niya” sagot ko.

“ ganun ba, kung nakakakaabala ang anak niya maaari namang niyang ipunta dito at kami muna mag alaga” ngumiti ako, mukhang naisip nila mama ang pagkakamali nila. Maay pagkakamali din kami at alam namin iyon pero sila kasi hirap silang tanggapin.

“ sasabihin ko ppo sakanya” tumango siya, luto na ang pagkain nila kaya kinuha ko na ang bag ko.

“ aalis na po ako, ung gamot niyo” tumango siya, lumabas na ako at pumunta na sa sakayan.

Nakarating na ako sa skwelahan, dumaan muna akong canteen para kumuha ng juice ng may nakita akong pamilyar sa mukha sa news.

“ AYZ company, matagal na pa lang pinagnanakawan ng kamag anak na may ari ng AYZ company na si ivan mendez. Matagal na umanong niloloko ang kanyang pamangkin at sa tagal ng panahon na iyon ay nalaman ni ivan mendez ang ginagawang masama sa kompanya nito’

“ madaming nag sasabi na huli na ng malaman niya dahil nalimas na at nangangamba sa pagsara nito dahil malaki din ang iniwang utang ng kompanya. Sa ngayon hawak na ng pulis ang kanyang tiyahin” patuloy lang ako sa panunuod ng may tumabig sa tagiliran ko, si annie lng pala.

“ mukhang mahirap na ang asawa mo” sabay higop ng inumin niya.

“ labas na ako doon” sagot ko, nag lakad na ako palabas.

“ paano ka magiging labas?? Asawa ka niya” nilingon ko siya.

“ hindi niya ako tinuring na aasawa “ sagot ko uli.

“ pero iikaw tinuring mo? tama?” ngumiti pa siya.

“ hay naku, mag uumpisa na ang klase ko” mabuti na lang naka lusot ako doon.

Dalawa lang ang klae ko ngayon kaya maaga akong makakauwi, palabas na ako sa gate ng makita ko si mr. raven na mukhang hinihintay ako.

“ kanina pa po kayo?” tanong ko.

“ narinig mo na ba ung balita??” tumango ako.

“ gusto ko sanang alamin kung kamusta na si ivan pero mukhang hindi niya ako gugusto makita ngayon kaya okay lang bang kamustahin mo siya ngayon?? Hindi biro ang pinag dadaanan niya ngayon” kita ko ang pag aalala sa mukha niya.

“ maaga pa naman po kaya pwede ko siyang puntahan pero nasakanya parin kung gusto niya akong makita” sagot ko, tumango naman siya.

Pinuntahan ko siya sa may kompaanya niya, napaka tahimik sa loob pe4o pag loob mo andaming mga tao na nagmamadali sa ginagawa nila. Hindi nila ako napansin na nakataas ako at hinanap ko ung opisina ni ivan.

Papasok ako sa isang room ng makita ko siyang nakatayo sa labas na naka tingin sa taas, nilapitan ko siya at doon niya pa lang ako napansin.

“ bakit ka andito?” tanong niya.

“tinitignan ko kung kinakaya mo pa” sagot ko.

“ kinakaya ko naman kaya makakaalis kana” naningkit ung mata ko, kahit kailan napaka lamig niya parin saakin.

“ mabuti naman kung ganun, sige aalis na ako” tumalikod na ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“ aasikasuhin ko ang annulment natin habang may pera pa ako, ayokong makulong ka sa apelyido ko” kumirot ang puso ko, akala kong sasabihin niya dito lang ako at kailangan niya ako pero mali ako.

“ mabuti at naisip mo iyon, ayokong makulong sa isang taong walang pakiramdam” pinakawalan niya ang kamay ko at nag lakad na ako palayo, habulin ako o tawagin man lang ako sa pangalan pero nakalayo na ako ay wala parin akong narinig mula sakanya.

Lumabas na akong kompanya ng makita kong andaming mga pumapasok at nagkakagulo na, hindi ko alam ang nangyayari pero mukhang malaking problema. Naki pag kita na ako kay mr. raven at sinabing okay daw siya.

“ sinabi niyang okay siya??” tumango ako.

“ ibig sabihin ay hindi siya okay” kumunot ang noo ko.

“ hindi nagsasabi si ivan na okay siya, ayaw ni ivan na malaman ng iba kung ano ang nararamdaman niya” napa buga ng hangin si mr. raven.

“ sa ngayon wala tayong magagawa ngayon kundi siya lang ang makaka solusyon sa problema na ito, sana lang malutas niya”