Chapter 23: Clinic
Hindi maganda ang lagay ng mga tuhod ko, ni hindi ko ito maigalaw. Hindi talaga maganda ang pag kakabagsak ko.
"Pano? Iwan kana muna namin dito. May pasok pa kasi kami. Don't worry excuse kana" Sabi ni Mia sakin habang inaayos ang unan na sa may tuhod ko.
Kababalik lamang ni Jane kasama si Calvin.
"Ano bang nangyare? Bakit Nainjured ka ng ganyan? Anong ginawa nyo? " Agad na tanong ni Calvin.
"Oo nga Bethany ano ba talagang ginawa mo kagabi? San kayo pumunta ni Neil? Bakit ka umuwing ganyan ang lagay" Dugtong na tanong ni Jane.
Ayoko mang sabihin ay mukhang hindi rin naman ako lulubayan nitong mga to kakatanong kaya bago paman ako marindi sa mga to ay sasabihin ko na.
"Nagkamali ako ng talon sa balco—"
"WHAAAAT? " sabay sabay na sigaw nila. Naitakip ko na lamang ang mga kamay ko sa Tenga ko.
"You Jump at the balcony? " Tanong ni Mia. Tumango naman ako
"My Ghad baliw kana ba? " Gatong naman ni Jane.
Natutop ko na lamang ang akin bibig.
"Ano na naman bang kabaliwan ang pumasok sa isip mo Bethany? " Natatawang sabi ni Calvin. Dahilan para tingnan sya ng masama ni Mia at Jane.
"Alam mo bang meron na namang nawawalang babae. Pero Wala namang namatay na lalaki. Ngunit isang cheer dancer na naman ang nawawala. Paano kung ikaw naman ang kunin nila? " Nag aalalang tanong ni Calvin.
"Na hindi ko hahayaang mangyare" Napalingon kaming lahat sa malamig na tinig na iyon.
Naka tayo si Neil sa pinto ng clinic kasama nito ang dalawa.
Napapabuntong hininga na lamang ako "Ano pang ginagawa nyo rito? Malelate na kayo Kaya mag sipasok na kayo" basag ko sa katahimikan. Kapwa masama ang tinginan ni Neil at Calvin.
"Pero sinong mag babantay sayo? " kaagad na pag tutol ni Mia.
"Ako. Mag papaiwan ako" Turan ni Jayson saka nag lakad palapit sa amin. I just rolled my eyes. Hindi ako makakapag pahinga kung mag papaiwan ang isang yan.
"No. Clinic to kaya ok lang ako rito. Pumasok na kayong lahat, Ayos lang ako make sure lang na babalikan nyo ko pag lunch time na ok? Mag dala na din kayo ng pagkain" Pag tataboy ko sa kanila. Aangal pa sana si Mia ngunit kaagad din itong pinanglakihan ni Jane ng mata.
"Mas makakapag pahinga sya. Tara na pumasok na tayo. Para hindi sya nag aalala satin" Sabi ni Jane sa lahat. Nauna namang lumabas si Neil kasama si Mark, akmang mag rereklamo pa si Jayson nang pingutin ito ng Nakatatandang kapatid. At kaladkarin palabas.
Pffft—kawawang Jayso.
"Nakakatuwang makita na nag kakasundo na muli Sina Calvin at Sina Mark diba Nurse Tricia? " Rinig kong kwentuhan ng Dalawang Nurse na nag aasikaso sa Akin.
"Yeah. It's been a year mula nung mag kakasama pa sila" Pag sang-ayon ng Nurse na tinawag na Tricia.
"Sa tingin mo ba magiging mag kaibigan pa ulit ang Dalawang grupo? "
Gusto ko mang mag tanong sa kung anong tinutukoy nila pero hindi ko na lamang tinangka pa.
Dahil may umagaw ng pansin ko, Hindi ako sigurado sa pag kakarinig ko kung boses nya nga ba kaya iyon.
Pero ano namang gagawin nya dito sa Clinic ng ganitong Oras ng Klase?
Hinayaan ko na lamang iyon saka ipinikit ang aking mata,
Sumasakit na naman ang Tuhod ko, Ang sabi nang Nurse ay hihilutin itong muli dahil sa pag kaka dislocate ng joints ko.
~ hey there baby
gusto ko lang namalaman mo
you got me Crazy
Ako'y baliw na baliw sayo~
Sinong nag papa tugtog? May iba pa bang Patient Bukod sakin?
~Hey There baby
Talagang ibang iba sa paningin ng
Mata ko
You got me Crazy
Pwede bang malaman ko
Kung ano ang pangalan mo
Kasi mahirap hanapin ang isang
Tulad mo~
Sino ba kasi yung nag mumusic ng ganun kalakas? Hindi nya ba alam na may gustong mag pahinga rito! Nakaka inis
~Di kona to palalagpasin pa cause baby girl ika'y nakaka iba"
Natigilan ako ng sabayan nya ang kanta. Alam kong Rap ang kantang yan. At kanta ng EXB
Ngunit ang linya na sinabayan nya ay iniba nya ng tono. Malamig ang pag kaka kanta nya.
Na curious ako sa kung sinong kumanta kaya pilit kong inabot ang Curtain na humaharang sa pagitan namin
Laking gulat ko nang bumungad sa akin ang poker face na mukha ni Kien.
Sya kaya yung kumakanta? Nakahiga rin sya sa patient bed.
"Ah-Ah-Anong Ginagawa mo rito?" Agad na tanong ko nang maka recover ako sa pagkagulat.
Nangunot naman ang noo nya. Mag salubong ang mga kilay.
"Isn't Obvious? This is a Clinic! what do you expect! Maliban na lang kung mali ang napuntahan ko" Sarcasm na sagot nya.
"May masakit ba sayo? " Nag aalalang tanong ko.
"Bakit nurse or doctor kana ba ngayon? "
Natutop ko na lamang ang aking bibig. Kinuha nya naman ang earphone nya saka isinalpak sa phone. Saka tumalikod sa akin.
Nakita mo na bastusin ang lalaking yun. May earphone naman pala bat kelangang mag patugtog ng malakas. Pero sya nga kaya yung kumanta kanina?
Titihaya na sana ko nang bigla syang humarap muli. Tinitigan ako kaya nakipag titigan rin ako sa kanya. Hindi naman ako papatalo riyan.
Nang walang sabi sabing hinawakan nya ang Curtain saka ito Hinila upang sarhan at matakpan syang muli.
Naaasar na inayos ko ang paghiga. Kaasar ang lalaking yun napaka bastos talaga.
••••
Naka ramdam ako ng kirot at parang may nagalaw sa binti ko kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mata at makita ang nurse na tinawag kaninang Nurse Tricia. Naka ngiti syang bumungad sa akin.
"Mabuti at gising kana. Hinihilot ko lang ulit ang iyong tuhod para mamayang hapon ay maari kanang maka labas. Ngunit kelangan mong mag wheelchair ok? Para hindi mapwersa ang tuhod mo" piliwanag nya kaya tumango na lamang ako.
Akma sa syang tatayo nang maalala Ko si Kien.
"Sandali lang Po Nurse? —
"Tricia. Nurse Tricia na lang ang itawag mo sa akin. "
"Sige po Nurse Tricia. Hmmm matagal na po ba kayong Nurse dito? "
"Ahm sa totoo lang ay Graduating Students ako this Year bilang Nurse. High school palang ako nang mag simula akong tumulong dito sa clinic"
"Ganun po ba? Ilang taon kana po " nahihiyang tanong ko. Kasi kung titingnan mo sya ay parang mga kaidaran lang din namin.
Ngumiti naman sya bago sumangot " 19 ahahaha 19 palang ako. Na accelerate ako nung Elementary at High school ako" Matamis na ngiti nya.
"Yun lang ba ang itatanong mo" nang mapansing natigilan ako. At muli syang pinag katitingan kung ganun ay 2 years or 3 kung mag 20 na sya yung tanda nya samin. Nawindang naman ako bigla
"Hindi pa. About po sana dun sa pinag uusapan nyo kanina nang kasama mo"
Napansin ko ang pag alangan sa mukha nya ngunit sadlit lamang.
"Alin dun? " Pinilit nyang tumawa.
"Sa Group ng Fox Ring at Phoenix " Saad ko. Natigilan ito sa bumaling nang bahagya sa kabilang Kama. Na ngayon ay hindi ko mawari kung gising ba o hindi.
Lumapit ito sakin at bumulong "Nais mo talagang malaman? "
Tumango naman ako "Kung ganun ay Mag kita tayo sa susunod na araw sa likod ng girls Dorm" Bulong nyang muli saka hinaplos ang aking buhok at umalis.
Bago ito tuluyang mawala. Lumingon pang muli ito sakin sala inilagay ang hintuturo sa bibig.