Chapter 21: Kidnapping
Kalagitnaan na ng gabi pero hindi parin ako maka tulog. Pagulong gulong ako sa higaan tapos ay uupo at muling hihiga.
"Arrgghh I can't sleep" Naihilamos ko na lang ang kamay sa inis ko. Binalingan ko sina Jane at Mia ngunit kapwa mahimbing na ang pag kakatulog ng mga ito.
Siguro kailagan ko lang ng sariwang hangin. Tumayo ako at nag tungo sa Minni Kitchen namin and Get some water. Saka nag tungo sa Balcony.
Napa pikit ako ng maramdaman ang lamig ng hangin. Napapabuntong hiningang napatingin na lamang ako sa kalangitan. Puno ng bituin, napapangiting tiningnan ko ang mga nag nining na mga bituin.
"Kamusta na kaya sina Mommy" Muli ko na namang naramdaman ang pakiramdam na mag isa. I felt lonely every time I'm drown in my deep thought.
"I Miss them so much. I hope they doing well. I hope they are safe." Nakaka inis talaga yung sobrang soft hearted ko, kahit konting bagay iiyakan ko, pinahid ko ang butil ng luhang kumawala sa mga mata ko. But I promise na iiwasan ko na ang ganitong ugali. Kailagan kong tatagan. Dapat maging matatag ako ayoko namang mag alala pa sila sakin.
Nasa ikatlong palapag ang Kwarto namin kaya naman ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na humahampas sa kabuoang katawan ko, plus the fact na hating gabi na.
Napakunot ang noo ko nang may maaninag akong tao sa ilalim ng puno sa baba ng dormitory.
Sino yun? Pinag katitigan kong maigi, ngunit hindi ko maaninag. One thing for sure lalaki yun. Out of curiosity I jump at the balcony. Nasa second floor na ko at nakikita ko na kahit papano ang lalaki.
Kinabahan ako ng may isang babaeng nag lalakad di kalayuan. Mukhang pabalik na ang babae sa dorm. Susuray suray pa itong nag lalakad.
"Oh fvck! " pabulong na mura ko ng makitang nag lakad ang lalaki patungo sa gawi ng babae. Mabilis na kumilos ang katawan ko. Muli akong tumalon. Kaya lang ay nag kamale ata ang pag landing ko dahil nauna ang tuhod ko.
"Arrgghh" impit na Daing ko sa sakit ng tuhod. Naman mukhang mababalian pa ata ako.
Tiningnan ko ang babae kung nasaan na. Hawak na ito ng lalaki. Pilit na winawaksi ng babae ang kamay na hawak ng lalaki. Pinilit kong itayo ang sarili mula sa pag kaka luhod. Nang hindi inaalis ang paningin ko sa dalawa.
May itinakip ang lalaki sa ilong ng babae, nag pupumiglas at nanglalaban ang babae. Ngunit nawalan ito ng malay.
Iika-ikang nag lakad ako papunta sa gawi nila. Ngunit kaagad ding nag tago sa isa sa mga puno ng may dumalong lalaki sa dalawa. Kinuha nito ang babae sa lalaki.
Muli itong nag lakad, kaya palihim akong sumunod kahit pa nga ang sakit parin ng tuhod ko.
Nakita ko na ng malinaw ang mga lalaki. Kapwa naka itim ang mga ito. May tabing din ang mukha nila at tanging Mata lamang ang makikita mo.
Napa hawak na lamang ako sa aking bibig ng makitang ang cheer leader Ang hawak nila. It's Suzanne. Ano bang ginagawa nila sa mga Cheering Squad? Bakit ang mga ito ang kinukuha nila? Dalawa na ang nakukuha nila. At kung makukuha pa nila yan ay pangatlo na sya.
"Kung ganun, hindi lang nag kataon nung araw na mapahamak si Mia" pabulong na pag kausap ko sa sarili ko.
"Ganun na nga" Malamig na tinig na galing sa likuran ko. Dahan dahan at pigil ang hininga akong humarap. Mariing naiipikit ang mata ko bago humarap.
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko. Bumungad sa akin ang poker face na mukha ni Neil.
Naka hinga ako ng makuwag nang, mapag sino.
"Ano ba! Aatakihin ako sayo" hinihingal na bulong ko.
"Gabi na" Malamig na turan nya. Inis na tinalikuran ko na lang sya. Muli kong tinanaw ang papalayo nang mga lalaki.
Akmang mag lalakad na ako para habulin sila nang may humawak sa braso ko. Kunot noong tiningnan ko si Neil.
"Anong ginagawa mo? Let me go! Kelangan ko silang sundan." Pilit kong iwinawaksi ang kamay nya.
"Ano ba" Inis na turan ko nang hindi ako maka wala sa pag kaka hawak nya sakin.
"Sa tingin mo. Anong gagawin nila sayo oras na mahuli ka" Malamig na turan nya.
"Hindi nila ako mahuhuli"
"Hindi? " kunot noong tanong nya. Saka tiningnan ang Tuhod ko. Napa ngiwi na lamang akong muli nang maramdaman ko ang kirot nito.
"Tsk! " tumungo nya sa harap ko saka lumuhod patalikod sakin. Anong trip nito?
Nang hindi ako gumalaw ay lumingon sya sa gawi ko.
"What are you waiting for? " Tanong nya. Naguguluhang tiningnan ko lamang sya.
"Tsk! Ride on my Back— kung gusto mo silang sundan" Malamig na turan nya. Umayaw man ako ngunit mukhang hindi ko maigagalaw ang tuhod ko. Sinubukan kong ihakbang ang paa ko ngunit masakit ang tuhod ko.
"Can you Move a little bit closer? " Nahihiyang sabi ko. Narinig ko naman muli ang pag "Tsk! " nya pero kaagad ding sumunod. I slowly move my body down to his back and force my Legs to move.
Napangiwi na lang ako at impit na dumaing sa sakit ng tuhod ko. Dahan dahan naman syang tumayo. Saka nag lakad na parang hind ako bitbit. Naabutan pa namin ang mga ito. Sa likod ng School. May hagdang sa Mataas na pader na naka sandal. Nag kubli kami sa pader ng building. Nag mamasid.
Shete? So dyan nila idinadaan ang mga kinukuha nila?
"Ano nang balak mo? " tanong nya kaya naman tumungo ako upang tingnan sya. Kaagad na tutop ko ang labi ko nang garampot na lamang at mahahalikan ko na sya.
Naka tingala sya, at naka titig sa akin. Napapalunok na nag iwas ako ng tingin saka tumikhim.
"H-hindi ko pa alam. I-I w-want to *ehem* Know kung saan nila dinadala ang mga b-babae"
Naramdaman ko naman ang pag tango nya.
Tinapik tapik ko ang balikat ni Neil. "Neil! Yung hagdan" Binubuhat itong paangat ng mga lalaki.
Shet! Kaya pala walang nakaka alam kung saan nadaan ang Mga iyon dahil muli nilang kinukuha ang hagdan.
Tumakbo si Neil sa mismong pinag babaan ng Hagdan.
"Damnit! " mahinang mura nya.
Bigo kaming iligtas ang leader ng Cheering Squad. Nang hihinayang na bumalik kaming walang napala.
Pareho kaming natigilan ni Neil nang mapansing may Taong naka tayo sa labas ng pinto ng Dorm ng mga babae.
"S-sino yun?" Kinakabahang tanong ko. Baka kasi isa na naman yun sa mga lalaking yun at nag hahanap nag panibagong mabibiktima.
Ngunit nag kibit balikat lamang si Neil. Saka nag lakad. Kinurot ko ang Balikat nya.
"Ano ba? Baka isa yan sa mga lalaking yun. " Inis na turan ko. Pero nag tuloy lamang ito sa pag lalakad.
Nag lakad nang mabilis ang lalaking naka sandal sa pinto ng girls Dorm. Nang matapat sa Ilaw ng poste ay natigilan ako nang makilala ito.
Anong ginagawa nya rito? Bakit nasa labas pa sya! At anong itinatayo tayo nya sa pinto ng girls dormitory.
"Put her down" Walang emosyong sabi ni Nya.
Hindi naman sya pinakinggan ni Neil. Bagkus ay mas lalo nya pang hinigpitan ang pag kakahawak nya sa mga binti ko.
"I said. PUT. HER. DOWN. " mariing sabi nya.
"Tsk! " Lamang ang sinagot ni Neil.
"Binge kaba? Oh Bobo? Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Sabi ko. IBABA. MO. SYA. " Nag didilim ang mukha nito. Waaahhh nakaka takot naman sya.
"Ikaw! Bumaba ka jan at pumasok na sa loob. " Malamig na turan nya.
Tanging iling iling lamang ang nasagot ko sa kanya.
Waahhh hindi pwede. Hindi ko na maigalaw ang mga binti ko. Pag pinipilit kong igalaw ay Sumasakit ang tuhod ko.
"Ha!" Tiningnan nya kami ni Neil. Mula ulo hanggang paa na tila nanghuhusga.
"Nakikipag Date kana nga lang Gabi pa? "
"Eh? " Takang tumingin ako sa kanya.
"At saan naman kayo Nag Date nang gantong Hating gabi? At ano yan? Bakit buhat buhat ka nya? Ganun kana ba talaga katamad na babaeng kabuti ka! " Mas lalong napa kunot ang noo ko. Ano bang pinag sasabi nito?
" Wala kana dun. " Turan ni Neil saka nag lakad na. Patungo sa Dormitory
"Susi" Mahinang sabi ni Neil
"Ha? Ah eh kasi ano" Pano ko ba sasabihing tinalon ko lang ang Balcony nang kwarto namin.
"Lumabas kang walang susi? " dahan dahan nya akong ibinaba. Lumingon naman ako kay Mr. Nega na ngayon ay malapit nang muli samin.