Chapter 12: Truth
Kienpatrick PoV!
Simula nang dumating ang babaeng kabuteng yun, lagi na lang hindi natutuloy ang lahat ng plano ko. Parate na lang syang nasulpot pa bigla bigla, ngayon naman heto at si Mia ang ginawan nya ng masama, ano bang nagawa ni Mia para umabot sa ganto.
Tatlong araw nang tulog si Mia. Nag aalala na ko sa kalagayan nya. Pero sabi naman nang doctor nag ge-gain lang ng lakas si Mia dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya.
Oras na maayos na si Mia humanda sakin ang babaeng yan. Hinding hindi ko sya mapapatawad. I will make her stay at the campus like a hell.
Naawang pinag masdan ko si Mia. Mahimbing parin ang tulog nito.
Ang ganda talaga nya, Her angelic face you can't resist to look every day. Marahan kong hinawakan ang kamay nya.
"If Calvin can't be a man, a boyfriend and a friend to you. Nandito lang ako handang gawin ang lahat ng yun para sayo. Sana magising kana. I love you Mia" i kiss her forehead. Saka tumayo.
Ako, si Jane at Calvin ang nag babantay sa kanya. Hindi kasi maka uwi ang mommy at daddy nya kaya naman we volunteered. At kahit dumating man sila, Mananatili parin ako sa tabi nya.
Alam kong friend lang ang tingin mo sakin kahit ano pang gawin ko. Alam kong hindi ko mapapantayan ang pag mamahal na ibinibigay mo kay Calvin. I slowly run my fingers on her hair. Hoping na magigising na sya.
"Oh Kien? Hindi Kapa ba nauwi? Kumain ka muna kaya" Bungad ni Jane.
"Hindi na ayos lang ako" sabi ko saka isinalampak ang sarili sa Sofa. Inilapag nya naman ang dala nyang prutas.
"Kung ganun kumain ka muna kaya? Sige na kumain ka muna" Pamimilit nya. Nagugutom na rin naman ako. Tumayo na ko saka pumunta ng Canteen dito sa hospital. Hindi ako po pwedeng lumayo baka magising na si Mia. Gusto kong isa ako sa unang masisilayan nya pag gising nya.
Nasa kalagitnaan na ko ng pag kain ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko.
"Yow tol? Kamusta klase? " Bungad ko kay Calvin.
"Ok lang naman ganun parin, kamusta si Mia? Is she awake? " i close my fist. Mas pinili nya pang pumasok kesa bantayan ang girlfriend nyang naka ratay at muntik magahasa.
"HINDI. PA. " may diing sabi ko.
"Nga pala I excuse you two for one week" Nangunot ang noo ko. Natigil sa pag nguya at dahan dahang ibinaba ang kutsarang dapat na isusubo ko.
"Two? you mean kami lang ni Jane? How about you? " May iritang tanong ko. Tangina sino bang boyfriend saming dalawa! Nakaka gago na sya.
"Tol kelangan kong asikasuhin ang basketball team. Ayaw mo namang pumasok"
"At mas uunahin mo pa yan? Tol girlfriend mo ang nasa hospital" Narinig ko ang pag buntong hininga nya sa kabilang linya.
"I know, Ginagawa ko to para satin. Kung walang papalit sayo bilang captain hindi ka nila papayagang lumiban"
Natahimik na lamang ako. I took a deep breath. Oo nga pala, favor pa to saking ginagawa nya.
"Nga Pala ang Fox Ring gumagawa na naman ng gulo sa Campus" naisuklay ko na lamang ang mga daliri ko sa buhok. Kahit kelan talaga, gagawa at gagawa sila ng paraan makapang gulo lang. Akala nila nakalimutan ko na ang ginawa nilang pag sabotage sa basketball team. Humanda sila sakin oras na maging okay na ang lahat.
"Sige Ako nang bahala sa kanila" Sabi ko saka pinatay ang linya.
Nag tuloy ako sa pag kain. Binilisan ko na rin para maka balik na akong muli kay Mia.
Akmang bubuksan ko ang pinto nang may narinig akong nag uusap sa loob.
"Thank you Jane " nanlalaki ang matang itinulak ko ang pinto. Bumungad sakin ang mag kayakap na Mia at Jane. Kapwa mga naka ngiti sa isat isa.
"Ohh Kien? Your here" nag tuloy tuloy ako sa pag pasok, prenteng naupo sa sofa saka tinanguan ko lamang sya.
"Ahaha Binantayan mo rin ba ako? " Naka ngiti paring turan nya. Tango lang muli ang sagot ko.
"Salamat naabala pa kita" Nahihiyang tumungo ito.
Gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Pero hindi pwede.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? " Tanong ko na lamang
"I feel weak and dizzy but so far mas ok na to"
"Nga pala uuwi muna ko Mia. Dito ka muna ha? Oh Kien bantayan mo to. Pag may mangyareng masama dito ikaw ang malilintikan sakin" Sabi nya sa panlalaking boses. Kahit kelan talaga ang babaeng to hayss hindi ko talaga malaman kung bakit kelangan pa ng protection. Mas matapang pa nga sya sa tigre.
"Tsk! Umalis kana nga lang" Pang tataboy ko sa kanya. Tapos ay tinulak tulak ko sya ng mahina patungo sa pinto.
"Ano ba! Kaya kong lumabas mag isa. " Inis na iwinaksi nya ang kamay nya.
Natatawa akong bumalik sa kama nya.
"Hey! Pano yan mukhang hindi kana makaka sali sa cheering squad " nag aalalang tanong ko. Ngumiti lamang sya.
Naninibago ako sa kanya. Usually ang magiging sagot nya ay magagalit o di kaya ay susugod.
"Hindi kaba magagalit? " Medyo nalilito ako.
Umiling ito "Nope. Ayos lang sakin, next year na lang siguro ako sasale"
"Uhmm" she changed a bit. And that's a good thing.
"Oo nga pala si Bethany? " automatic na napa kunot ang noo ko.
"Why? Bakit mo sya hinahanap? Dahil sa kanya kaya ka nakaratay ngayon jan" diko mapigilang mapasigaw.
"Ano bang sinasabi mo jan? It's actually my fault " Ha? At talagang pinag tatakpan nya pa ang babaeng yun? Nabarog ba ang ulo nito ni Mia? Ang alam Ko nasaksak sya at hindi nabarog pero bakit parang nabarog ata sya.
"Where is she? Hindi ba sya dumadalaw dito? " Muling tanong nya. Umayos pa sya ng upo.
"Hindi" hinding hindi ko sya papapasukin dito. Lalo pa nga at baka may gawin na naman syang hindi maganda sayo.
"Really? " may pang hihinayang na sabi nya. Nawala ang mga ngiti nya sa labi.
"Ahm it's ok I can thank her when I go home" Nalilitong tumingin ako sa kanya.
"Can you peel the Orange for me" Hindi mawala ang ngiti sa mukha nya.
Sumunod na lamang ako. "She's so cool" Pahabol na sabi nya. Nag tatakang binalingan ko naman sya.
"Who? "
"Bethany " Naka ngiti paring sabi nya. Huling balat na lang ang tatanggalin ko kaya naman naupo na ko sa tabi nyang muli.
Kumuha naman sya at kinain "You know what? I realize one thing because of her"
"Ano naman yun" Tanong ko kahit nalilito parin ako kung bakit hindi sya galit kay Bethany kung tutuusin kasalanan ni Bethany ang nangyare sa kanya.
"Treasure your friend, and don't let anyone ruin it. Especially if boy is the reason."
"We're not friend, not even close. But still choose to help me" nakangiting sabi nya pero bakas ang takot. Natatarantang napa lapit ako sa kanya ng umiyak na sya.
"Takot na takot ako. Akala ko magagahasa na ako sa madilim na lugar na yun. Hindi ko alam ang gagawin ko. I try to call Calvin but he's out of coverage " mas lalong humagulhol ito sa pag iyak. Nanginginig ang mga kamay na yumakap sya sakin.
I feel guilty at the same time mad. Guilty for accusing Bethany. Mad because of Calvin. Her Girlfriend needed Him. Hindi sana aabot ng ganto ang lahat.
" Then She came. Kung sino pa ang taong hindi mo inaasahang darating sya pang tutulong sayo." bumitay sya sa pag kakayakap.
"She's cool. And unbelievable" Naka ngiting sabi nya.
"Anyway thank you so Much for taking care of me" She said saka niyakap akong muli.
Parang nananaginip ako. Pero hindi totoo to. She hug me not just once but twice. Napapa ngiting nag iwas ako nang tingin.
Shit! Kinikilig ata ako.
"Your Always welcome. Mag pahinga kana tatawagin ko ang doctor mo" Sabi ko saka iginaya sya pahinga.
Habang nag lalakad ay nakaramdam ako ng guilt. After all this time maling tao pala ang sinisisi ko. Alam kong nakapag salita ako ng masakit na salita sa babaeng kabute na yun. Pero may naidudulot din palang mabuti ang pagiging kabute nya. Napangiti ako sa huling naisip. Hayss ang babaeng yun talaga.
Pag balik ko kasama ang Doctor ay tulog na muli si Mia. Sabi ng doctor two days pa muli at pwede nang maka uwi si Mia.
Muli kong tiningnan si Mia. She cried because of fear. Alam kong takot parin sya sa mga nangyare, pero nangingibabaw ang pasasalamat nya kay Bethany.