Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

CHAPTER 9

ISANG HAPON, isang babae ang naghahanap sa kanya sa kanilang opisina. Nagulat na lang siya na pumunta ito sa cubicle na kinaroroonan niya, nakatayo ito at nagsalita na lang bigla. “Ikaw ba si Claire?” tanong nito sa kanya, naka-cross arms pa ito habang nakataas ang isang kilay, tinitingnan siya ng mapanuring tingin, mula ulo hanggang paa.

“A, teka lang Miss, bawal po kayong pumasok dito, may apointment po ba kayo sa maneger namin?” sabat ni Felly na biglang nilapitan ang babae.

“Huwag kang makialam! Hindi ikaw ang ipinunta ko rito!” sigaw nito sa kaibigan niya. Hindi niya alam ang dahilan ng pagsugod nito, kaya lang hindi niya nagustuhan ang kabastusan nito at paninigaw sa kaibigan niya.

Tumayo siya dahil alam niyang siya naman ang sadya nito, “Anong problema?” tanong niya sa babae.

“Lubayan mo si Geof, kung ayaw mong samain sa ‘kin!” Dinuro siya ng babae, isang bagay na hindi niya mapapalampas.

Tinapik niya iyon dahil ayaw na ayaw niya ng ganong klaseng pambabastos, “Anong problema mo sa ASAWA ko?” nakataas na rin ang mga kilay na tanong niya.

“ASAWA? Kailan pa? Iyon bang arrange marriage ang tinutukoy mo? Hindi mo ba alam, na marami na tayong mga babae ang inalok niya ng ganyan, arrange marriage para sa Lolo niya, pero ito ang tatandaan mo, hihiwalayan ka na niya after an a week!” sabi nito sa kanya.

Natawa lang siya pinagsasabi nito sa kanya, hindi niya maisip na ginawa rin pala ni Geof sa ibang babae ang gano’ng bagay. Naisip niyang sinubukan din pala nitong magmahal ng ibang babae. Siguro naiinip na ito sa paghihintay sa kanya.

“Sige na, umalis ka na, walang akong time na makinig sa mga sinasabi mo,” sabi na lang niya. Ngunit tinangka nitong hablutin ang buhok niya, kaya lang hindi pa rin nawawala sa kanya ang bilis ng pakiramdam niya. Kaya naman nailagan niya ang kamay nito at kamuntik na itong masubsob sa isa sa mga cubicle doon.

“Aba! Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo! Kung iniisip mo na magtatagal kayo ni Geof, pagsisisihan mo ang araw na hindi ka nakinig sa akin, iniwan niya ako, at tiyak na iyan din ang gagawin niya sa iyo! Hindi marunong magmahal ang lalaking iyon!” sigaw pa nito sa kanya.

“Wala ka nang pakialam don, kung ano man ang mangyari sa relasyon namin, ako nang may pananagutan sa sarili kong buhay, bakit kita pakikinggan, ang taong nakikinig sa sabi-sabi, walang bait sa sarili, at nasa katinuan pa ang isip ko, kaya walang puwang sa akin ang lahat ng sasabihin mo, okay!” sabay talikod niya sa babae.

“Ano Mildred! Hindi ka pa titigil sa panggugulo mo sa ‘kin, sinabi ko na sa ‘yo. Hindi siya ang tipo ng babaeng magagawa mong i-bully.” Narinig niyang salita ng isang boses, na pamilyar sa kanya. Napalingon siya sa may bukana ng pintuan.

Masamang tingin ang itinapon niya sa taong naroon. Nangingiting lumapit naman ito sa kanya at umakbay. “Ano naman ang ginagawa mo rito?” tanong niya sa kanyang asawa na nakalarawan ang ngiti sa mga labi. “Nakita mo na ngang sinugod ako ng isa sa mga babae mo, nakangisi ka pa diyan!” inis niyang inalis ang pagkakaakbay nito sa balikat niya. Gusto sana niyang ibalibag ang asawa kaya lang hindi na lang niya ginawa.

“Ito kasing babaeng ito, makulit! Gusto ka raw kilatisin,” natawa nang tuluyan si Geof sa hilatsya ng mukha niya, at tinatawanan rin nito ang babae dahil sa mukhang nasaktan ito sa pagkakasubsob.

“Si Kuya naman, nakakainis, tinatawanan ako!” ngumuso ang babae, at parang batang nagmaktol.

“Ano!” gulat niyang nasabi.

“Siya si Mildred, ang makulit at pasaway kong nakababatang kapatid. Sorry hindi ko nasabi sa iyong may pasaway akong kapatid.” napapakamot sa batok na sabi ni Geof sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya at napatalikod siya sa kahihiyan dahil hindi niya alam na kapatid pala ni Geof ang babaeng umaaway sa kanya. Nagtawanan ang lahat ng naroon.

“Nako, Sir, mabuti na lang hindi siya binanatan ni Claire!” sigaw ng isa sa mga kasamahan niyang lalaki. Alam kasi ng lahat doon na dati siyang mix-martial instrucktor.

“Iyon na nga ang sinabi ko rito sa kapatid kong pasaway, ayaw mag papigil e,” natatawang sagot ni Geof sa lahat ng taong naroon, at nakikitawa sa nagaganap na eksena ng kapatid ni Geof.

NASA canteen sila ng building na pinagtatrabahuan ni Calire, doon na sila humantong upang makapag miryenda na rin habang nag-uusap.

“Bakit mo naman ginawa ito? Puwede naman tayong mag-usap ng maayos kung ayaw mo sa akin?” nahihiyang tanong niya sa babae.

“Hindi, ako nga dapat ang mahiya, at magpasalamat, alam ko na ngayon na ikaw nga ang babaeng magpapatino dito sa siraulo kong Kuya,” inginuso pa nito ang asawa niya.

“Grabe, siraulo talaga, ang bait ko kaya,” salita pa ni Geof na sa kanya nakatingin.

“Oo tama ka, siraulo nga siya, kasi pinahirapan niya ako ng ilang linggo, mahal naman pala niya ako, hindi na lang niya sinabi, alam mo, muntik pa nga akong hindi pumayag sa kasal na inaalok niya, kasi tinatakot niya ako at buong pamilya ko,” kwento pa niya sa hipag niyang si Mildred. Na kanina lang ay muntik na niyang makaaway.

Mabuti na lang at hindi naman talaga likas sa mga martial artis ang ipagyabang ang kakayahang meron sila. Tulad niya na hindi basta ginagamit ang lakas para pumatol sa isang naghahamon ng away.

ILANG linggo nang hindi maganda ang pakiramdam niya, hindi siya bumabangon ng maaga, at tamad na tamad siyang pumasok sa trabaho niya. Kaya naman nag-file na siya ng sickness leave sa kanilang opisina.

“Baby, okay ka lang ba?” tanong ni Geof sa kanya.

“Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay may sakit ako,” mahina niyang sagot sa kanyang asawa.

Kinabukasan ay ganon pa rin ang pakiramdam niya, kaya lang ay mainit na ang ulo niya sa kanyang asawa. Ayaw niya itong makita at makatabi, pinapalayas niya ito dahil sa nababahuan siya sa amoy nito.

“Kung ayaw mong lumayas ako na lang ang lalayas!” galit niyang sabi sa kanyang asawa.

“Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi na kita maintindihan, ilang buwan na man na tayong nagsasama, at okay naman na ang lahat sa atin! Ano na naman bang problema mo?” tanong ni Geof sa hindi na maintidihang asawa.

Umalis siya, at hindi naman siya pinigilan nito. Marahil ay ayaw rin kasi ni Geof na humantong sila sa pagkakasakitan. Doon lang naman siya nagtungo sa bahay ng kanyang mga magulang.

Isang malakas na batok naman ang inabot niya mula sa kanyang ina, “ARAYY! Ano ba naman iyan ma?” singhan niya matapos siyang batukan ng mama niya.

“Dapat lang iyan sa iyo! Ano bang problema mo sa asawa mo, ang bait-bait na nga nong tao, ano bang hinahanap mo?”

“Bakit ba kasi anak? Sinaktan ka ba niya? Nag-away ba kayo?” tanong naman ng kanyang ama. Umiling lang siya dahil hindi naman talaga sila nag-away. Wala rin siyang makitang dahilan kung bakit gano’n na lang ang paggagalaiti niya, at ayaw niyang makita ang asawa. O kahit manlang maamoy ang amoy nito ay tila ba bumabaliktad na ang kanyang sikmura.

“Hindi ko po alam, hindi po kami nag-away, basta ayoko po siyang makita, o maamoy manlang, baka po nagising na ako sa katotohanang hindi ko siya magagawang mahalin,” sabi pa niya sa harap ng kanyang ama’t ina.

Samantalang nasa labas naman si Geof. “Claire! Ano ba umiwi na tayo! Kung may probelama pag-usapan na lang natin!” sigaw ni Geof buhat sa labas ng bahay nila.

“Ayoko na nga! Umalis ka na! Ayaw kitang makita!” sigaw naman niya sa kanyang asawa. Hindi niya maunawaan kung bakit ganon na lang ang silakbo ng damdamin niya sa kanyang asawa. Hindi naman siya gano’n nong mga nakaraang buwan ng kanilang pagsasama.

Naiiritang nilapitan siya ng kanyang ina, hinawakan nito ang kanyang baba, at iniangat iyon, upang makita ang kanyang leeg, at isang bagay ang napagtanto nito sa kanya. Malakas na batok na naman ang iginawad nito sa ulo niya, pero daplis lang iyon ng dulo ng mga daliri ng mama niya dahil sa nailagan niya iyon.

“Mama! Ako dapat ang kampihan niyo! Hindi ang lalaking iyon!” naituro pa niya ang asawa niya na nasa labas ng gate, na kung tratuhin niya ng mga oras na iyon ay tila ba ordinaryong lalake lang ito.

“Hindi ka ba nahihiya at naawa sa asawa mo? CEO ng malaking kumpanya iyon, at parang tanga doon na nagsisigaw, ano ka ba? Tigilan mo ang kaartehan mo, honey papasukin mo na si Geof!” sambit ng mama niya sabay baling sa papa niya. Tumayo naman agad ang papa niya at pinagbuksan ng pintuan si Geof.

“Mama, sorry po talaga,” paghingi pa nito ng tawad.

“Hindi Goef, kami dapat ang humingi ng pasensiya, wala kang kasalanan, itong anak namin, ang parang baliw sa pinaggagawa niya.” paliwanag ng mama niya na tila nahihiya sa mga inaasal niya.

“Mama, ayoko na nga!” ngunit batok lang uli ang natamo niya mula sa kanyang ina.

“Nako, Geof, iuwi mo na ang babaeng iyan, kaya iyan nagkakaganyan dahil nagdadalang tao na siya, at ikaw ang pinaglilihian,” sambit ng mama niya sa kanyang asawa.

“HO? Ganon po ba iyon?” Nanlalaki ang mga matang natanong ni Goef, habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila.

“Oo na, buntis ako, naiinis ako sa iyo, kasi hindi mo sinusunod ang mga bilin ko,” mahina niyang salita sa asawa habang naka yuko lang.

“Sweet heart, kaya ba nagpapabili ka ng mga weird na pagkain? Kasi po wala sa mga panahon ang mga ipinabibili niyang prutas, hindi ko talaga naisip na naglilihi ka na pala, sorry talaga Sweet heart!”

Masayang-masayang niyakap siya ni Geof, at mula nga noon, bawat hilingin niyang pagkain ay hindi na nito binabalewala pa. Dahil alam na nito na parte lang iyon ng kanyang paglilihi at pagdadalang tao.

Malakalipas nga ang siyam na buwan ay nanganak si Claire ng isang sanggol na lalake, at ilang buwan pa ang lumipas ay muling nagdalang tao si Claire, namuhay sila ng masaya sa piling ng isa’t isa, at bumuo pa ng masaya at malaking pamilya.

Wakas.

Chương trước