Chapter 13: Little Meeting

Ruhan’s Point of View

"Kamusta si Lolo Sevastian?"

Habang binabalatan ni Eliz ang mansanas ay sinimulan kong kainin ang ubas na nasa table.

"Okay naman, hindi na bumalik yung mga lalaki. Pero natatakot parin ako, what if bumalik sila..."

"U-uy wag kana malungkot, po-protektahan ko naman kayo eh.. diba ako ang inatasang magbantay sayo?"sabi ko.

Itinigil niya ang ginagawa niya at huminga ng malalim."Tss tingnan mo nga yung nangyari sayo, napahamak ka pa." tugon niya at parang nagi-guilty sa nangyare sa akin.

"Nag-alala ka... ba?" tanong ko sa kanya.

Hindi naman sapat iyong pag-aalala niya para masabing may nararamdaman din siya sa akin. First impression niya palang sa akin ay bagsak na, ayoko nalang umasa.

Nagsisisi na nga ako na naglaro pa ako ng truth or dare, dahil doon kaya nagawa kong patirin si Eliz. Bwiset kasi sina Shin eh.

"Syempre naman! Sabi ni Lolo, we have responsibilities for each other dahil tayo ang King and Queen ng campus,"sabi niya.

Oo pero simula pa lang, responsibilidad na kita.

Naputol ang pag-uusap namin ng dumating si Mom and Dad na may kasamang isang lalaki at babae—Tita? Yung mommy ni Eliz. "Oh, you're awake! Thank goodness, akala ko ay isang linggo ka na naman bago magising,"sabi ni Mom at inilipag sa side table yung mga prutas.

"Mom, buti at nakarating ka,"nilapitan ni Eliz ang mommy niya.

"You're so beautiful Eliz, kaya pala nahulog—"

"Mom! Don't!"Sigaw ko kaya napatingin ang parents ni Eliz sa akin. Hindi ko pa nga nasasabi tapos uunahan pa ako.

"Ano pong nahulog?"Tanong ni Eliz.

Nasapo ko ang noo ko dahil sa tanong ni Eliz. "Ahh sabi ko nahulog yung—yung ano .. yung mga papeles sa hospital kako, nahulog,"pagdadahilan ni Mom.

"O.. okay?" ani Eliz.

"By the way, Ruhan, this is Eliz's parents, Ailyn and Ahrvy," turo ni daddy doon sa dalawa.

"I already know Ruhan. Nakilala ko siya dahil sinundo niya si Eliz kanina,"sabi ni Tita at ngumiti.

"I'm Tita Light and this is your Tito Dark." Kumunot ang noo ni Eliz sa sinabi ni mommy.

"Light? Dark? Tapos Day and Night? "Naguguluhang tanong niya.

Yeah, kakaiba ang mga name namin and I found it weird, right?

Nathan’s Point of View

"Sino naman kaya ang may gawa nito? Buti at walang nadamay na mga tao sa Campus." Napaisip kami bigla sa tanong ni Shin.

Iyon ang tanong na tumatakbo sa isipan naming kahapon pa. Sino nga ba? Wala naman akong napapansin na naka-initan o may atraso ni Lolo Sevastian. "Hindi kaya may kinalaman ang Gang World dito?"s uhestiyon ni Kean.

"No, hindi gang ang may gawa nito, masyadong madumi ang ginawa nilang pagsugod ,” ani Ruhan at mas lalong sumeryoso ang mukha. We're here at our HQ, the underground basement in Ruhan's house. Kaysa naman gumastos pa kami, napag-isipin naming na dito nalang since malaki naman ang basement nila at parang sinadya para maging headquarters.

Hindi niyo lang naitatanong pero close kami ng bagong Prime 4 dahil hindi lang kami basta grupo. Well, bukod sa kami ang bagong Prime 4, of course, hindi ko alam kung nagkataon lang ba na kami din ang magkakasama.

Secret lang ha? Si Ruhan, Kean, Shin at ako ay isang grupo na nabuo ilang taon na ang nakakalipas. Hindi ko pinapaalam kay Eliz na isa akong gangster.

I don’t know, na-feel ko lang na hindi dapat. Alam niyo yun? Kaya hindi ako makakampante kung sinabi ni Ruhan na ayaw ni Eliz na maging Gangster dahil magulo talaga ang utak niya. Ewan ko ba kung ano ang kahihinatnan ng lahat kung maging Gangster si Eliz o baka gang-STRESS. Kami ang mamomroblema kapag nagkataon eh.

"Kailangan nating bantayan si Eliz," Sabi ni Ruhan at tiningnan kami.

Ha? Babantayan ang pinsan ko? Di na kailangan uy!

"Why? Bakit kailangang bantayan ang pinsan ko?" May kinuha siya sa bulsa niya. Isang papel. Binigay niya iyon sa akin kya binuklat ko. It’s a death threat…again.

"Ibinilin na rin sakin ni Lolo Sevastian na kailangan natin siyang bantayan ng mas mahigpit." "Ipapaalam ba natin sa kanya na gangster tayong apat—"

"No need." Nabigla kami ng may magsalita sa likod namin. Pumasok si—Eliz?!

"Hi Nathan, nandito ka pala. Hindi mo nabanggit sakin na gangster ka,"sabi niya at lumapit samin. Umupo siya sa tabi ko. "Tungkol naman saan ang meeting na ito? About dun sa death threat?"tanong niya at tumango lang ako.

Oops, ito na naman yung mood niya. Hindi ko na naman maintindihan. "We need to babysit you, Queen," ani Shin. Muli ay tumingin sa akin ang pinsan ko.

"Kahit wag na, kaya ko na ang sarili ko." Wow ha? Ang yabang ng babaeng ito. Kung hind nga dumating si Kean at Ruhan ay baka pinaglalamayan na siya ngayon.

"So…"

"W-what are you thinking...? Nararamdaman kong may balak ka," Bata palang ay kilala ko na siya, sa dami ng kalokohan na ginawa niya dati, hindi na ako magtataka. Basta, there’s a hint or facial expression of her na talaga namang mapapasabi ka na may tumatakbo sa utak niya na kakaiba.

"Wag mong sabihin..."Kinakabahang sabi ko habang inaalis sa isip ko ang posibleng iniisip niya.

"Yes, my beloved insan! Gusto kong sumali sa inyo~mukhang masaya eh!" tinamaan ka ng lintek.

"Akala ko ayaw mong maging—"

"Well ngayon gusto kona."Putol ni Eliz kay Ruhan.

"Sigurado ka ba—"

"99% plus 1."

"Walang urungan—"

"Bilis na, sasali nga ako!!"

"Ok." Wika ni Ruhan.

"Ayoko na pala,” pagbawi ni Eliz.

"Akala ko ba—"

"Ayoko! Bye." Lumabas si Eliz at kinalampag pa ang pinto. What's going on? Anong nangyare at hindi ko maintindihan? See? Sabi ko sa inyo critical na ang utak niya. Kaunti nalang talaga at papasa na siya sa requirements na meron ang mental hospital.

Eliz’s Point of View

Final na, ayoko pala. Napag-isipan ko rin pala na dagdag pa iyan sa schedule ko so…wag nalang. "Hindi manlang nagsasabi si Nathan na isa pala siyang gangster,"inig kong sabi ni Mama kay Tita Light.

"Hey Mom, Hi Tita,"bati ko sa kanila.

"Kamusta yung apat?"tanong sakin ni Tita Light.

"Oh, they're having a little meeting about the death threat." Sa totoo lang eh hindi na ako natatakot sa death threat na iyan. Sa daming beses na nalagay sa peligro ang buhay ko, sanay na ako. And besides, nandyan naman ang Prime 4. Kampante din naman si Mama dahil alam niyang may po-protekta sakin. Hindi naman siya against na gangster si Nathan since walang masama doon. In fact, nakakatulong pa sila.