Chapter 10: Merkado

NANG MAKARATING kami sa probinsya sinalubong agad kami ni Nanay. Pinakilala ko si Lux bilang kaibigan ko. Med'yo nahirapan pa akong mag-isip kung paano ko ipapakilala si Lux e, ni hindi nga kami magkaibigan nitong kumag na 'to close friend pa kaya? Pero no choice ako dahil mananagot naman ako kay Tatay kung sasabihin ko sa kanila na hindi ko kaibigan ang lalaking 'to baka magisa pa ko sa sarili kong mantika.

Kasama ko ngayon si Luxary. Nasa merkado kami ngayon at sobrang kulit ng kasama kong kumag. Kanina pa ako naiinis sa kaniya dahil kung ano-ano ang binibigay sa akin na hindi ko naman kailangan.

"Ney! Baka kailangan mo 'to."

Pinakita niya sa akin 'yong malaking bra na nakuha niya kung saan kaya kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa dalawang siopao ko at tinakpan 'yon mula sa kaniya.

"G*go! Sira*long 'to, bastos!"

Tumawa siya ng malakas at halos matanggalan na siya ng litid ng ugat sa kakatawa.

"Lt ng mukha mo, bakit kase maliit 'yang dalandan mo?" natatawa niyang tanong.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihing dalandan ang siopao ko!" Sigaw ko sa kaniya.

"Baka siomai."

"Ah, talaga lang? Gag*ng 'to, d'yan ka na nga!" Inis ko siyang iniwan mag-isa do'n dahil ang lakas niyang mang-asar.

"Joke lang, 'di ka mabiro. Nakita at nahawakan ko na 'yan kaya alam kong hindi maliit ang--"

"P'wede bang manahimik ka na lang?" irita kong tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa balikat ko.

"Beast mode yarn? Pero, infairness. Maganda ka pa rin kahit galit ka," panunukso niya sa kaniya.

"Kapag hindi ka pa tumigil. Iiwan na talaga kita dito, bakit ka pa kase sumama? Nang b'wi-b'wiset ka lang e," sabi ko.

"Hindi na ako mangkukulit, promise!"

Tinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.

"Mabuti naman," sabi ko sa kaniya at nakahinga na rin ng maluwag.

Nakabili na rin ako ng maayos dahil hindi na nangulit pa si Luxary matapos kong mainis kanina at iwan siya do'n. Seryoso lang siyang nakabuntot sa akin at siya na rin ang nagdadala ng mga pinamili ko. Nandito na kami ngayon sa tindahan ng mga prutasan at balak kong bumili ng avocado dahil parang nag-cra-crave ako sa avocado. Bumili ako ng tatlong kilo at iba pang mga prutas.

"Ako na ang magbabayad," presinta ni Luxary.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya hinayang siya ang magbayad sa mga prutas na binili ko dahil lahat ng mga pinamili ko ngayon ay siya lahat ang nagbayad dahil nakipag-away pa sa akin para lang siya ang magbayad sa mga pinamili ko. Napailing na lang ako sa kakulitan niya.

"Ako na," mariin kong sabi at inabot na sa tindera ang bayad para hindi na siya makapangulit.

"Ang s'werte mo naman sa asawa mo't sinamahan ka pang mamalengke dito sa merkado, bihira lang ang lalaking sasamahan ang asawa sa pamamalengke. Naglilihi ka ba ngayon hija? Ilang months na 'yang t'yan mo?" usisa ng tindera.

Hindi ko alam kung ma-o-offend ba ako sa mga sinabi niya lalo na 'yong sa t'yan ko. Busog lang ako pero hindi ako buntis.

"Hindi ho ako buntis at lalong hindi ko ho siya asawa," mariin kong sabi at napangiwi ako ng ngiti.

Napatingin ako kay Lux na ngumingisi ng palihim na parang natatae na natatawa na ewan. Mukhang mang-aasar na naman ang mokong. Humingi muna ng pasensya sa akin ang tindera bago kami pumara ng trycicle para makauwi na kami sa bahay at para makapagluto na ako ng tanghalian.

Nang makauwi kami ay agad akong nagluto para sa aming tanghalian at nagpresintang tumulong si Lux habang abala naman si Nanay sa paghuhugas ng mga plato.

"Saan po pumunta si Tatay?" tanong ko kay Nanay.

"Pumunta muna saglit kila pareng Robin mukhang hihingi na naman ng tuba. Ay nga pala Britney, kakauwi lang din ni Ronnie ah? 'Di mo ba binisitahin 'yong kababata mo?" tanong sa akin ni Nanay.

"Nand'yan na po si Ronnie?" gulat kong tanong.

"Oo, kakauwi lang niya kahapon. Bumisita nga kahapon dito't hinahanap ka pero ang sabi ko ay nasa manila ka pa't nagtra-trabaho."

"Gano'n po ba? Mamaya po bibisita ako sa bahay nila para makamusta ko si Ronnie."

"Mabuti pa nga--"

"Aray!"

Napalingon kami ni Nanay sa mokong naghihiwa ng mga ingredients para sa lulutuin kong ulam. Nilapitan ko agad siya at dumudugo na ang daliri niya dahil sa kutsilyo.

"Ayos ka lang hijo?" nag-aalalang tanong ni Nanay.

"Bakit hindi ka nag-iingat?" tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo.

"Ayos lang po ako beshy at madir."

Napailing na lang ako dahil kina-career na niya ang pagbabakla-baklaan. Pinakilala ko kase siyang bakla kila Nanay at kinagat naman niya ang sinabi ko. Pero infairness ang galing niyang um-acting na maging bakla. Kung hindi ko nga lang siya kilala paniguradong pati ako ay maloloko niya.

"Sigurado ka ba hijo?" paninigurado ni Nanay.

"Oho," ngumiti siya kay Nanay para 'di na mag-alala.

Pinadugo ko muna ang sugat niya sa daliri bago ko siya hinila papunta sa lababo at hinugasan 'yon. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya para sermonan ay nakatingin lang siya sa ginagawa ko. Bumuntong hininga muna ako ako bago ako nagsalita.

"Magpahinga ka muna kaya?" mahinahon kong alok sa kaniya.

Hindi siya kumibo at parang ang lalim ng iniisip. Pinitik ko ang tainga niya para bumalik ang diwa at hindi naman ako nagkamali dahil napatingin agad siya sa akin.

"Bakit?"

"Magpahinga ka muna, mukhang pagod ka na."

Tumango lang siya sa akin kaya pinaubaya ko muna kay Nanay ang niluluto ko para samahan ko muna si Luxary sa k'warto ko at para makapagpahinga muna siya.

Pumasok kami sa k'warto ko at binigyan ko agad siya ng unan. Pinahiga ko muna siya sa kama ko pero mamaya ay sa lapag na siya matutulog. Ano siya chicks para magtabi kaming matulog mamaya? No! No! No!

"Ang bango naman ng k'warto mo," papuri niya at inamoy din pati ang unan na binigay ko sa kaniya. "Kasing bango mo," ngumisi siya sa akin.

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya.

"Dami mong sinasabi, magpahinga ka na lang d'yan at magluluto pa ko."

Lalabas na sana ako sa k'warto nang pigilan niya ako sa braso kaya napatingin ulit ako sa kaniya dahil baka may kailangan pa siya.

"Bakit?" kunot noong tanong ko.

"Dito ka muna, may ita-tanong lang ako."

"Ano 'yon?"

"Sino si Ronnie?"

Napatitig ako sa mga mata niya at gano'n din naman siya sa akin habang nagtatagis ang bagang.

"Kababata ko."

"Kababata mo lang?" paniniguro niya.

"Oo, bakit?" tumango-tango pa ko sa kaniya.

"Ahm... Wala naman."

"P'wede na ba 'kong umalis para makapagluto na?" aalis na sana ulit ako nang bigla niya akong hatakin palapit sa kaniya.

Napaupo ako paharap sa kaniya kaya naman napangisi siya sa ginawa niyang paghatak sa akin. Aalis na sana ako pero hinawakan niya agad ako sa magkabilang baywang para hindi ako makatayo.

"Luxary!" Inis kong sigaw na pabulong sa pangalan niya. "Bitawan mo nga ako, kapag nakita tayo ni Nanay o ni Tatay yari tayo--"

"Ano tayo? Mga bata na nagtatago sa mga magulang mo?" sarcastic niyang tanong sa akin. "Kung makikita man nila tayo, edi makita nila tayo. Kaya naman kitang panindigan," seryoso niyang sabi.

Halos magwala na ang puso ko sa pinag halo-halong emosyon. Hindi ko alam kung ano ba talagang plano ni Luxary sa akin o sa feelings ko. Ayokong maloko o masaktan sa bandang huli.

"Luxary..."

"'Wag kang matakot, kaya kitang panindigan Britney. Gusto kita."

Halos mangisay na ako dahil ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko sa mga sinasabi ngayon ni Luxary.

Aalis na sana ako sa pagka-kaupo sa hita niya pero kinabig niya ako't hinalikan sa mga labi. Nagpumiglas pa ako para pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya pero sa huli, nalunod pa rin ako sa mga halik niya.

Napakapit ako sa batok niya at mas pinalalim ko pa ang halik na pinagsasaluhan namin. Mariin kong hinalikan ang ibabang labi niya at hinahabol naman niya ang mga labi ko. Napapadaing ako kapag bumababa ang halik niya papunta sa leeg ko.

Napakapit ako sa braso niya nang halik-halikan niya ang leeg ko.

"Luxary..." Daing ko sa pangalan niya.

"I love your voice when you call my name," bulong niya sa tainga ko kaya halos magsitaasan ang mga balahibo ko sa braso.

Bumalik ulit siya sa mga labi ko at mariin na naman niya akong hinalikan. Walang tigil kami sa paghahalikan habang nakakapit na ako sa buhok niya. Kung saan-saan na rin nakakarating ang dalawang kamay ni Luxary. Pinisil pisil na rin niya ang dalawang hinaharap ko kaya napaliyad ako sa sarap ng sensasyong naramdaman ko.

I-pinasok niya ang dalawa niyang kamay sa loob ng damit ko at inunhook ang bra ko at malaya na siyang pumipisil sa dalawang bundok ko.

"Ang init ng dalawang siopao mo, p'wede ko bang matikman? Mukhang masarap."

Napadilat ako at napatingin sa kaniya. Iba na siyang kung tumingin sa akin na parang ako ang pinakamasarap na pagkain na gusto niyang kainin.

"P'wede ba?" mapupungay ang mga matang tumingin siya sa dalawang bundok ko bago niya ako hinalikan sa labi.

Hahayaan ko na lang sana siya nang bigla naming marinig si Nanay.

"Britney! Nasaan ka na ba't i-tuloy mo na dine ang pagluluto mo't may ginagawa ako!"

Napatayo naman agad ako at parang natauhan. Bumalik ulit ako sa reyalidad. Tumingin ako kay Luxary na gano'n pa rin ang tingin sa akin bago ako nagmamadaling lumabas ng k'warto para puntahan si Nanay sa kusina. Bumuntong hininga ako bago napailing sa nangyari kanina sa k'warto.